Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Missmaple's Special Chapter

The Mischievous Nerdy Gangster: Summer Special

by: Missmaple

Hi Maplers! I know you're asking for book two but I can only give you a special chapter. Thanks for all the support. By the way, I hope you all enjoy your summer!

~Missmaple

LEE

I woke up due to the little fingers poking my cheeks. I also heard Kira's chuckle and Raylee's giggle. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng kama. I slowly opened my eyes and saw Monica's smiling face as she eyed me, as if she expected something big to happen today.

"Summer," nakangiting sabi niya. She's a four-year-old kid with long straight black hair, pink thin lips and big brown eyes. She looks just like me when I was still a kid. Beside her is her older brother, Raylee, six years old, who tried to tickle Kira to wake him up – a handsome mischievous boy with short black hair and a wide cheeky grin.

"Wake up! Wake up! Can't wait to see the beach Dad! Tara na!" excited na sabi ni Raylee. Monica hugged me and I hugged her back. "Good morning," I said. Raylee kissed me on my right cheek. Kira followed his lead. He kissed me and the kids. I can't help but smile. These three really. They warm my heart. Wala na akong mahihiling pa.

Inabot ko ang telepono at tumawag sa reception. I ordered breakfast and told them to prepare it on the seaside. We arrived last night at the hotel but the kids are already spent so I just let them sleep. Halatang excited sila dahil alas-singko pa lang ng umaga ngayon pero gising na sila.

I stood up to prepare our things. Monica hugged her father. Tumabi naman si Raylee kay Kira at inunan ang braso ng ama niya. I opened the curtains and saw the stunning beach outside. The clear emerald green water was so refreshing. We're staying in Coron, Palawan and its beauty was really a sight to behold. Madalas busy si Kira sa pag-aasikaso ng aming negosyo kaya kapag umuuwi siya, tulog na ang mga bata. He can only properly play and bond with them on the weekends if there are no urgent calls.

Napangiti ako nang matanaw si Katnice na tumatakbo na sa pampang kasama si Venice. She's already ten years old. They both wear pink straw hat, tank tops, sunglasses and shorts. They look cute together. Iisipin ng iba na magkapatid lang sila sa halip na mag-ina.

Sumunod naman si Kevin, kasama si Vien na halatang inaantok pa at naghihikab. Tila ayaw pa niyang bumangon sa kama. He's shivering from the blowing wind. Yakap-yakap niya ang sarili at nakasuot ng puting damit at shorts. Ginugulo ni Kevin ang buhok niya at halatang inaasar. They look like the perfect family.

Our whole family decided on this trip together. Hindi ko pa nakikita sina Mama at Papa. Maybe, they are still in their rooms. Kumaway sa 'kin si Katnice nang makita niya ako. I waved back. Hindi ko pa nakikita si Kuya Aldrin at ang pamilya niya. Ibinalik ko na ang atensiyon kina Monica at Raylee. Isa-isa ko na silang pinaliguan at binihisan.  

Nang makapagpalit kami ni Kira ng damit, agad kaming hinila nina Monica at Raylee palabas sa silid. Nakita pa namin sina Mama at Papa na palabas na rin sa hotel. "Lola! Lolo!" tawag nina Monica at Raylee. Tumakbo sila patungo sa kanila at humalik sa kanilang pisngi.

Nakita rin namin si Kuya Aldrin na nagpapaayos ng mga upuan at mesa. "Lee!" tawag ni Kuya Aldrin at kumaway pa. "Umorder ka na raw ng pagkain para sa 'tin. Pinaayos ko na rin ang mga mesa. Bumili na rin kami ng pwedeng ihawin mamaya."

"Tita Lee!" tawag sa 'kin ni Katnice. Tumakbo siya papunta sa 'min habang hawak sa isang kamay ang sumbrebro na nilipad ng hangin dahil sa pagtakbo niya. Agad siyang nagmano sa 'min ni Kira. Ginulo ni Kira ang buhok niya kaya agad siyang sumimangot.

"Tito Kira! Huwag ang buhok ko!" inis na reklamo niya. Gusto pa sana niyang sikuhin si Kira pero nagbago ang isip niya. She's trying hard to act like a lady. Mahina lang siyang pinagtawanan ni Kira.

Si Vien naman ay nakipag-high five kay Raylee. Agad silang nagbulungan at may itinuro sa 'di kalayuan. Hindi ko na lang sila pinansin dahil madalas naman silang magkasama.

Nagpabuhat naman kay Kuya Aldrin ang apat na taong gulang na anak niyang lalaki na si Rain. "What's up, big boy?" tanong ni Aldrin na napapailing. "Hindi na pwedeng magpabuhat, malaki ka na po," nakangising sabi niya pero binuhat pa rin naman niya si Rain.

"Because you're spoiling him," naiiling na sabi ni Serenity. Serenity smiled at us and waved. She's my brother's wife. Isang taon din siyang sinuyo ni Kuya Aldrin. Akala ko nga hindi na siya makakapag-asawa. Both of them are qualified to succeed the emperor but failed. It's a tough fight but they say having a normal life is better.

Nang matapos kumain, naglakad-lakad muna kami sa pampang. We already availed the island hopping tour and it will start at nine in the morning. There's something in the sea that relaxes me. The salty smell and the cold wind made me feel comfortable and at home. The waves that hits the shore was music to my ears. Sina Monica at Rain ay tumatakbo patungo sa alon pero kapag lalapit na ito sa kanila ay tumatakbo naman sila palayo na tila takot mabasa. They are laughing and giggling and their laughs are mesmerizing.

Nang maabutan sila ng alon, ay natumba sila at tuluyang nabasa. Inubo pa sila ay nakalunok ng tubig-dagat pero sa huli ay sabay pa silang tumawa. "Mommy!" kaway ni Monica sa 'kin. Abot-tainga ang ngiti niya habang kumakaway sa 'min kaya muling humampas ang alon nang hindi niya namamalayan.

Kasama nina Vien, Katnice at Raylee sina Venice at Kevin.  Nakaupo kami sa buhangin ni Kira. "They're really enjoying themselves, huh." nakangiting komento ni Kira na may malambot na ekspresiyon sa mukha.

"Bakit? Hindi ka ba nag-eenjoy?" nakangising tanong ko sa kanya. Halata ang pang-aasar sa tinig ko.

Ibinaling niya ang paningin sa 'kin. "I'm enjoying every second of this moment. And I'm actually wishing for time to stop and to stay like this forever." Ibinaling niya ang paningin sa mga bata. "I seldom have time off from work. Palagi akong busy. Halos hindi ko na nga maabutang gising ang mga anak natin dahil sa trabaho. I'm just thankful that you're still waiting for me to go home every night." Medyo mapapansin ang kalungkutan sa tinig niya at ang nararamdamang pagod.

My heart ached a bit. Being a parent sometimes was hard. We need to sacrifice our time to give our children a good life. Seems like Kira already had it hard but he must be strong for his family. "Nagdadrama ka?" nakangising tanong ko sa kanya. Marahan kong sinuklay ang maikling buhok niya gamit ang isang kamay. I like how soft his hair was. Napailing siya at ginulo ko ang buhok ko.

"No. I have to endure, right?" he said. "Hindi naman ganu'n kahirap. Waking up next to you is something that makes everything bearable. I'm glad I can grow old with you, watching over our kids."

Sumandal ako sa balikat niya. "Hey is it normal to still miss you even though you're with me?"

"Mahal na mahal mo lang talaga ako," pang-aasar ni Kira sa 'kin.

"Do you not feel the same?" tanong ko at kinurot-kurot ko ang tagiliran niya. Malakas siyang tumawa at hinuli ang kamay ko. He kissed my both hands.

"I feel the same. Kaya pwede na nating sundan si Monica," nakangising sabi niya at tila kumikinang ang mga mata.

Hinampas ko siya at agad na tumayo. "Tumigil ka! Mahirap manganak! Pero pwede naman nating sundan kung ikaw ang manganganak." I stuck my tongue out. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Kira at sinundan ako. Tinawag ko na sina Monica at Rain.

Nang dumating ang bangka na susundo sa 'min, tinawagan ko na rin sina Venice at Kuya Aldrin. Unti-unti na ring tumitindi ang sikat ng araw kaya isa-isa ko ng pinahidan ng sunblock ang mga bata.

"Ako rin," bulong sa 'kin ni Kira kaya siniko ko siya sa tagiliran. Napa-aray siya at napangiwi at nagpapaawang tumingin sa 'kin. Pinisil ko ang sunblock na hawak ko nang matagal kaya maraming lumabas dito.

"Ikaw rin pala ha," natatawang ipinahid ko lahat ng sunblock sa mukha niya kaya napanguso siya. Ang iba ay ipinahid ko sa braso at binti ko. Wala na siyang nagawa kundi ang ipahid ang sobrang sunblock sa katawan niya.

"Minsan na nga lang," sabi niya na tila nagmamaktol na bata.

Napangiti ako. I'm thrilled that I can still make fun of him at this age. Pero naiinis ako kapag ako naman ang pinagti-trip-an niya. We never really grow old, I guess. I can imagine ourselves still being like this at the age of 80. Making fun of each other, satisfied and happy. That's our happily ever after.

Habang sakay sa bangka, halatang tuwang-tuwa ang mga bata sa alon at malakas na hangin na nagpapasayaw sa aming bangka. Napakagandang pagmasdan ng malinaw at berdeng tubig. Nakikita rin namin ang mga corals sa ilalim dahil sa sobrang linaw nito. May mga isda ring biglang tumatalon sa dagat. We stopped at Kayangan Lake. Halos mapanganga ako sa napakalinaw na tubig. Underwater is like a moonscape. We can hike and go inside the cave but the kids prefer to swim. Pumunta kami sa malalim na parte kung saan hindi kami matutusok ng matutulis na bato. Kung hindi kami maingat, tiyak na masusugatan ang mga bata. Sobrang ganda ng lugar na tila isa itong paraiso. These are some of the things that made me thankful I'm alive.

We went to Siete Pecados for snorkeling. The kids are too happy to chase after the fishes. Medyo marunong ng lumangoy si Monica pero si hawak-hawak pa rin siya ni Kira. Si Raylee naman ay nakikipaghabulan kina Vien at Katnice. The kids squealed with delight when they saw a sea turtle.

"Mommy!" excited na tawag ni Monica nang sumagap nang sariwang hangin. Itinuturo niya ang sea turtle na nasa ilalim ng dagat. Abot-tainga ang ngiti niya at halatang masayang-masaya. She was really thrilled. Natawa naman si Kira dahil sa inaasal niya. When she already filled her lungs, she dives once again with Kira tailing her.

Sina Mama at Papa ay natutuwa rin na panoorin ang mga bata. Tinuturuan naman ni Kuya Aldrin si Rain na lumangoy. I dive too and follow Raylee. Iba't ibang kulay ng mga isda at corals ang makikita sa ilalim ng dagat. I also saw starfishes and clams underwater.

We took our family picture and happiness is visible in our faces. I posted it in Instagram with #Travelgoals.

We've enjoyed the rest of the island hopping tour. Alas-singko na nang makabalik kami sa hotel. Pagod na pagod ang mga bata kaya nakatulog na sila habang nasa bangka pa lang. The blue sky is now turning to orange and indigo. Natatanaw ko na rin ang unti-unting pagbaba ng araw. Pinatulog na muna namin ang mga bata sa isang silid kasama ang kanilang Lolo't Lola, matapos silang mabihisan.

Nag-iihaw na si Kuya Aldrin ng isda at barbeque. Tinutulungan siya ni Serenity. Bumili naman sina Kevin at Venice nang maiinom. Kami naman ni Kira ay naglakad sa reception at umorder na rin ng iba pang pagkain.

Magkahawak ang kamay na naglakad kami sa pampang. The sunset is breathtakingly beautiful. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa langit at sa malaki at bilog na bilog na araw. We sat on the fine sand and quietly watch the beauty in front of us.

"Mesmerizing," mahinang sambit ko. "There are really a lot of beautiful things and places to see in this world. We should be thankful we are alive."

"Nagpapasalamat ako na buhay ako at nakikita natin ito nang magkasama," Kira said with sincerity. "We should make more of these memories. I want to see more smiles, hear more laughters from you and our children."

Nakangiting bumaling ang tingin ko sa kanya pero natigilan ako nang malaman na kanina pa pala niya ako pinagmamasdan. Nanggigigil na kinurot ko ang pisngi niya. Sa halip na iwasan, hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap. Hinalikan niya ang noo ko at tumingin sa araw na unti-unti ng nawawala sa pangingin namin.

"This place is beautiful but our family is more beautiful, isn't it?" nakangiting tanong niya. The color of the sunset sky was reflected on his face. He looks more gorgeous than ever. I didn't know what spell I'm under but I leaned closer to him, gently held his face and kissed him. This responsible husband and father is more beautiful too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro