Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

mieckysarenas' Special Chapter

THE ORGANIZER


SPECIAL SCENES/CHAPTER/STORIES

MASAYA naghahabulan sa buhangin ng Hanna's beach resort ang grupo ni Pinaya. Hanggang sa tawagin sila ni Fiona.

"Bumalik na kayo sa accommodation, maaga pa tayo bukas," wika ng babae.

"Sigepo, Ma'am Fiona!" sigaw ni Pinaya.

Niyayana ni Pinaya ang kanyang mga kasama na bumalik sa kanilang kuwarto para makapagpahinga. Ngunit nang bilangin nito ang mga kasama, kulang ng isa. Nawawala si Maryo.

"Nakita n'yo ba si Maryo?" tanong ni Pinaya sa kanyang mgakasama.

"Baka bumalik na sa accommodation?" tugon ni Lopya habang nagpapagpag ng buhangin.

"Baka nga..."

Sabay-sabay na naglakad pabalik ng accommodation sila Pinaya.

Pagdating sa kanilang kuwarto, wala si Maryo.

"Nasaan si Maryo? Akala ko nandito siya?" tanong ni Pinaya habang sinisipat ang banyo at iba pang kuwarto.

"Nakita ko si Maryo, nakaupo siya sa bangka habang nagtatakbuhan tayo," sambit ni Kokoy.

"Puwede mo bang tawagin, Koy?" pakisaup ni Pinaya.

"Sige."

Pinuntahan ni Kokoy si Maryo kung saan niya ito nakita. Ngunit sa kanyang pagdating, wala roon ang hinahanap.

"Sino ang hinahanap mo?"

Napasigaw ng malakas si Kokoy at kumaripas ng takbo pabalik sa accommodation.

"M-M-May nakita ako..." hinihingal na sambit nito. "H-H-Hindi kayo maniniwala..."

"Ano ba 'yon, Kokoy?Bakit na uutal ka?" pag-uusisa ni Lopya.

Hindi sinagot ni Kokoy ang tanong ni Lopya, humiga ito sa kanyang higaan at nagtalukbong ng kumot.

"U-U-Uwina ta-ta-tayo..." paulit-ulit na bigkas ni Kokoy.

Tumakbo si Lopya sa kuwarto nila Pinaya.

"Pinaya!Pinaya! Si Kokoy!"

"O' ano'ng nangyari sa kanya?"

"Si Kokoy kung anu-ano ang sinasabi!"

Nagtapis ng tuwalya si Pinaya at pinuntahan na nito ang kuwarto nila Kokoy.

"Koy?"

"U-U-Uwina ta-ta-tayo..."

"Kokoy!"

"U-U-Uwina ta-ta-tayo..."

"Kokoy! Natatakot na kami sa'yo, ah! Ano ba nangyayari sa'yo?!"

"U-U-Uwina ta-ta-tayo..."

Nagtinginan sila Pinaya, Lopya at iba nilang kasama. Hanggang sa mapag-desisyunan na tawagin si Fiona.

Pagdating ni Fiona sa kuwarto nila Kokoy. Napasandal ito sa gulat.

"Ano'ng nangyayari sa'yo, Ma'am Fiona?" tanong ni Pinaya.

"Si-si-sino 'yan?"

"Anong sino po 'yan?"

Dahan-dahang tinignan nila Pinaya kung sino iyong tinuturo ni Fiona.

Umalingawngaw ang sigaw nila Pinaya sa buong unit. Nagising ang ibang mga bisita.

"Sarado n'yo ang pinto!"

Sinarado nila Fiona ang pinto ng kuwarto nila Kokoy.

Malalakas na kalabog ang kanilang narinig, takot na takot sila Pinaya. Naiiyak naman sila Lopya.

"Ma'am Fiona..."

Niyakap ni Fiona ang kanyang mga kliyente. 

"Huwag kayong matakot. Walang mangyayaring masama," wika nito.

Nagpatuloy ang malalakas na kalabog sa pinto. Kaunti na lang at masisira naito.

"Tumakbo na kayo..."

"Ma'am..."

"Sinabing tumakbo na kayo!!!"

Ginising nila Pinaya ang mga natutulog na kasama, ngunit ayaw na magising ng mga ito.

"Gumising kayo, Michelle! Jerico! Hanoy! Magsigising kayo!"

Pagdilat ng tatlo, napahakbang patalikod si Pinaya. Namumuti ang mga mata ng mga kasama niya sa kuwarto. Hindi nito mawari kung ano ang nangyayari.

"Ma'am!!!"

Pagpasok ni Fiona, agad nitong hinila si Pinaya at pinatakbo.

"Paano kayo, Ma'am?!"

"Umalis na kayo! Ako na ang bahala rito!"

Sinarado na rin ni Fiona ang kuwarto nila Pinaya.

Malalakas na kalabog ng pinto ang umaalingawngaw sa buong unit. Dahilan para babain na sila ng mga guest na nasa ikatlong palapag.

"Umalis na kayo!" sigaw ni Fiona sa lalaking bumaba sa hagdan. "Huwag ka na magtanong, umalis na kayo!!!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na ba? Nandito kami para magbakasyon at makapagpahinga!" napapamurang wika ng lalaki.

"Umalis na kayo!Kung ayaw mong maging masalimuot ang bakasyon n'yo!"

Nakita ng lalaki ang itsura ng lalaking dumungaw sa pintuan ng kuwarto nila Kokoy. Mukha itong zombie, ngunit may halong hayop ang itsura.

"Ahhhhh!!! Ha-Ha-Halimaaaawwww!!!"

Kumaripas paakyat ang lalaki. At ilang saglit ay bitbit na nito ang anak at kanyang asawa.

"Bilisan n'yo!"

Nagpaiwan mag-isa si Fiona.

Haharapin nito ang mga kakaibang nilalang na kinulong nito sa mgakuwarto.

"Kilala ko na kung sino kayo," wika nito. "Lumabas ka!"

Isang matandang babae ang lumitaw mula sa dingding ng kuwarto nila Kokoy.

"Maligayang pagbabalik, Fiona."

"Lola Marimar, ano itong ginagawa mo? Sinisira mo ang trabaho ko!"

"Kung makapagsalita ka naman. Parang hindi na ito nangyari noon."

"Tapos na po 'yon! Ayaw ko ng maulit pa 'yon!"

"Naulit na, Fiona."

Sa isang kumpas ng matanda, bumukas ang mga pinto ng kuwarto nila Kokoy at Pinaya.

"Habulin n'yo ang mga kasama n'yo!" utos ng matanda.

Animo'y gutom na mga hayop ng lumabas sa dalawang kuwarto. Kakaiba ang kanilang mga itsura. Parang patay na hinaluan ng mga anyo ng iba't-ibang hayop.

"Itigil mo na 'to, Lola Marimar!!!"

Sa sigaw na iyon ni Fiona, biglang nagbago ang kanyang anyo. Naging apat ang kanyang paa at kamay. Naging tatlo ang kanyang ulo.

Magtutuos ang mag-lola.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro