Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AnjSmykynyze's New Story Chapter Teaser

Teaser

Chapter 1

*Louwinsky's POV*

Balisang isinakay ni Louwinsky ang kanilang mga gamit sa sasakyang sumundo sa kanila papuntang airport. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na aalis siya sa Singapore upang pumunta ng Pilipinas. Walong taon na rin ang lumipas mula noong lumayas siya ng Pilipinas upang takasan ang kahihiyang ginawa niya. Naghilum man ang sugat ng nakaraan, hindi pa rin nakakalimot ang puso. Masakit pa rin ang mga ala-ala niya sa Pilipinas: the unrequited love, the rejection, and the betrayal. Nag-aalangan din siya na baka may makakakilala sa kanya. Sino ba naman ang makakalimot sa eskandalong isiniwalat niya tungkol sa sikat na celebrity couple na sina Vivienne at Kaz? Halos masira niya ang relasyon ng dalawa at halos wala na rin siyang mukhang maiharap sa mga kakilala niya.

Dahil doon, napilitan siyang talikuran ang lahat na pinaghirapan niya at lumayo sa kahihiyang ginawa niya. She went to Singapore and started a new life. Doon na rin niya ipinanganak si Gladen, ang pitong taong bibong bata na siyang dahilan kung bakit siya ngayon nagbalik sa Pilipinas.

Sumali si Gladen sa isang online contest kung saan napanalunan ng bata ang free summer getaway sa tatlong Philippine tourist destinations: Tinago falls of Iligan City, El Nido ng Palawan at Oslog ng Southern Cebu. Noong una ay akala niyang nagbibiro lang ang bata hanggang sa matanggap niya ang detalye ng kanilang bakasyon pati na rin ang flight details.

All-expenses paid ang buong biyahe. Wala silang ibang kailangang gawin kundi ang sumama sa nakatalagang tour guide nila.

"Snow, ikaw na ang bahala sa parlor ha," bilin niya sa kanyang katiwala, "tapos yung mga order kong cosmetics, paki-account na lang. Dalawang linggo lang akong mawawala. Aasahan kong okay pa rin ang negosyo ko sa pagbalik ko."

"Don't worry, Madame," sagot ng bakla, "ako ang bahala."

Pinoy din si Snow. Nakilala niya ang bakla sa isang parke sa Singapore. Dahil naloko ng isang recruitment agency, napilitan ang bakla na mamalimos ng tulong sa mga Pinoy na tumambay sa parke. Nagkataon namang kailangan niya ng makasama, lalo na dahil lumalaki na ang kanyang tiyan at baka hindi niya kakayaning patakbuhing mag-isa ang itinayong beauty parlor at cosmetic store.

Simple lang ang buhay niya sa Singapore, malayo sa buhay na iniwan niya sa Pilipinas. Ang maliit na parlor at cosmetic store ang bumubuhay sa kanila ng kanyang anak. She was once a famous fashion designer turned into a showbiz manager. Isa sa mga sikat niyang talent ay si Vivienne Charmaine Sy na na-link kay Kaz Legaspi. Everything started there dahil doon niya nakilala ang lalaking bumaliktad sa kanyang mundo, ang manager ni Kaz na si Roger Lim.

It could be a whirlwind romance but to her it was real. Marami siyang mga tagahanga noon pero kay Roger lang natinag ang kanyang puso. He was perfect to her only that his eyes were set to his ex-wife. Akala niya kaya niyang baguhin ang lahat. Akala niya kaya niyang punan ang pagkukulang Libra Maldita, ang ex-wife ni Roger. Isang career woman si Libra, less priority niya ang pagkakaroon ng anak. Ito ang pinagmulan ng paghihiwalay ng dalawa na humantong pa sa annulment.

Handa siyang ibigay ang gusto ni Roger. She gave her all only to find out that he is not willing to take it all. Nagbunga ang kanilang sandaling pagsasama ngunit bago pa man masilayan ni Roger ang ultrasound results, ipinagtapat na ni Roger na sinubukan din ni Libra na makipagbalikan sa kanya at nagbunga din ang ilang beses nilang lihim na pagkikita.

Pagkatapos ng pasakit na dinulot ni Libra kay Roger, umasa siyang siya ang pipiliin ni Roger. Pero hindi ito ang nangyari. Si Libra pa rin ang pinili ni Roger. All along, she was just a makeshift lover dahil kahit kailan, hindi niya naangkin ang pwestong iniwan ni Libra sa puso ni Roger.

"Mommy?" tawag ng kanyang anak, "pwede kaya nating bisitahin ang puntod ni Daddy?"

"H-huh?" bigla siyang kinabahan.

"Di ba sabi mo sa Pilipinas inilibing si Daddy?" tanong ni Gladen, "I want to visit him."

"N-naku anak, bawal ata tayong mag-side trip," sagot niya, "may nakahandang itinerary para sa biyahe natin. Sobrang out of way kung pipilitan nating bisitahin ang puntod ng daddy mo."

"Akala ko pa naman," napayuko ang bata, "kahit puntod lang ni daddy makikita ko."

"Hayaan mo," saad niya, "kung makakakita ako ng paraan, susubukan kong pakiusapan ang tour guide na daanan natin ang puntod ng daddy mo."

Hindi totoong patay na si Roger pero kailangan niyang sabihing patay na ito upang hindi na maghanap ang anak. Matagal na rin niyang pinutol ang ugnayan nila ni Roger at kahit ilang beses niyang gustong kamustahin ang dating minahal, sinikap niyang ibaling sa iba ang atensyon. Pinili ni Roger na panagutan ang ipinagbuntis ni Libra kaya ano pa ba ang aasahan niyang makita sa social media account ni Roger. Siguro masaya na sila kasama ang kanilang anak.

*Roger's POV*

"Nakalapag na po sa Pilipinas ang eroplanong sinasakyan nila. Sa ngayon ay pinakain ko muna sila ng tanghalian dahil may dalawang oras pang pagitan ang connecting flight namin."

"Good," sagot ko, "take them to any expensive restaurants. Don't worry about the expenses."

"Sa Jollibee lang po sila kumain," sagot ni Dorothy

"What? Bakit sa fastfood mo sila dinala?" napatayo ako sa narinig ko.

"P-pasensya na po, pero 'yun kasi ang gusto ng anak mo," agad na paliwanag ni Dorothy, "gusto daw niyang subukan ang Jollibee dahil lagi daw itong naikwento sa kanya ng kanyang tita Snow."

Napabuntong hininga ako sa narinig ko, "okay. May iba pang gustong gawin o bilhin ang anak ko?"

"Meron kaso mukhang mahirap ibigay," saad ni Dorothy.

"Kahit gaano pa ka-imposible 'yang gusto niya, gawan mo ng paraan," agad kong utos, "ano ba ang hinihingi niya?"

"Hiningi niyang bisitahin ang puntod ng kanyang ama."

Nabato ako sa narinig kong sagot ni Dorothy. Louwinsky did what she promised to do. She told me that my child will never know me. Nasaktan ako sa narinig kong sinabi niya noon pero nanatili akong bulag sa pag-asang maaayos ko ang dati kong relasyon sa ex-wife ko. Napakalaking tanga ko noon. I should have known that Libra hasn't changed. Masyado akong umasa na magiging maayos ang pangalawang pagkakataon namin ni Libra; I turned down the perfect woman for me.

Between Louwinsky and Libra, si Louwinsky ang mas maalaga, mas malambing at mas mabait. Libra was stubborn and very ambitious. I chose Libra dahil gusto kong patunayan na mababago ko siya. Pride ang nagtulak sa akin kung bakit si Libra ang pinili ko and it was too late for me to realize that the one I truly love was Louwinsky.

Bumalik sa dati si Libra while I regret about letting Louwinsky go. Lalong lumala ang pag-aaway namin. Our relationship became so toxic hanggang sa nagdesisyon kaming muling tuldukan ang relasyon namin.

I tried to win back Louwinsky pero naging duwag ako nang makita ko siya. I saw how she struggled at wala akong mukhang maihaharap sa kanya. How can I ask her for a second chance? Sobra ko siyang sinaktan. She sacrificed many things for me yet I did not choose her. I chose to boost my pride.

I watched her from afar. Yes, I constantly go to Singapore just to check on her. Nakita ko ang paghihirap niya kaya palihim ko siyang tinutulongan. She left everything in the Philippines kaya hindi sapat ang dala niyang pera para makapagpatayo ng parlor so I paid someone to offer her a place with a minimal rent. Hindi niya alam na ako ang nagbabayad ng mahigit kalahati ng kanyang renta.

Noong makita kong nahihirapan siyang patakbuhin ang parlor dahil sa kanyang pagbubuntis, I had to hire a beautician to be with her. Yes, tauhan ko si Snow. Kay Snow ko inaalam ang kalagayan ng aking mag-ina. Akala ko kontento na ako sa ginagawa ko hanggang sa sinabi ni Snow na may ka-chat nang lalaki si Louwinsky. Isang lalaking nakilala niya sa Tinder. Snow told me the guy is planning to meet her and I can't let that happen.

I hired an agency to make a fake contest online. Sa tulong ni Snow, nakasali si Gladen and that becomes my ticket to bring them home. Now I have two weeks to pursue Louwinsky. Kung noon siya ang naghahabol at nagpapakita sa akin ng motibo, ngayon ako ang gagawa ng paraan para magkabalikan kami. I will never let her go this time.

Gagamitin ko ang two-week summer getaway na ito upang mapaibig muli si Louwinsky.


Authot's Note: HELLO sa mga readers ng Adonises and Temptresses series. Marami sa inyo ang nagrequest ng story nina Roger at Louwinsky, ang mga managers nina Vivienne Charmain Sy at Kaz Legaspi. Well, here it is! Sana supportahan niyo ang paglabas ng kwentong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro