altheadelarama's One Shot Story
THAT ONE SUMMER
"Yung tatay ko, gusto akong ipakasal dun sa anak nung kumpare nya eh ayaw ko. Ang gusto kong pakasalan yung boyfriend ko" napasulyap sya sa akin habang hawak yung softdrinks sa kanang kamay at Tomy naman sa kaliwa.
I don't know how did we get here, maybe because pareho kaming single traveler dito sa Batanes. It was one of my biggest dream to come here at ng magkaroon ng pagkakataon ay kinuha ko na agad ito.
I work as a freelance photographer but I'm actually an accountant. Lisensyado? Oo pero aminado ako na mas naeenjoy ko ang photography kesa sa mga numero.
"Uso pa pala yun, arrange marriage" saad ko habang patuloy na naglalakad suot ang camera sa leeg ko, katulad nya, pareho ding occupied ang kamay ko ng mga pagkain.
Pareho kaming napatigil sa paglalakad ng umihip ang malakas na hangin. Malapit lang kami sa dagat at matatanaw mo sa paligid ang mga bahay na bato na isa sa mga attraction dito.
Batanes is one of the Philippines treasures kaya naman dito rin naisip ng mga kaibigan ko na gawin angprenup nila. Yeah, the very same reason kung bakit ako naandito ngayon.
"Tange, hindi naman arrange marriage. Basta ayaw nung tatay ko sa bf ko, actually buong pamilya naming ayaw sa kanya"
Napatawa na lang ako sa sinabi nya. There must be something wrong sa boyfriend nya kaya buongangkan nya ayaw sa kanya.
"Kaya ka naglayas"
"Korek!" malakas na sigaw nito kasabay ng malakas na palo sa braso ko. I smiled at her, unamused.
Abigael Dela Rosa. 25. I met her yesterday ng samahan nya ako sa venue ng prenup. Nauna na kasi yung mga kaibigan ko para makapaglibot sila habang ako ay nadelay ng ilang araw dahil sa trabaho. Ayaw akong payagan ng manager ko na mag-leave for a week. Hindi sya taga Batanes pero mukhang madalas sya dito at kabisado na nya ang mga lugar.
How did we get to talk about her BF? She asked me kung anong ginagawa ko dito and so I asked the same hanggang sa kung saan-saan na kami napunta. She's bubbly, yung tipong walang karate-arte sakatawan. Mga tipong pwede mong yayaing mag-inuman sa kanto at kumain ng isaw.
"Anong napala mo? Hindi naman porket naglayas ka matatanggap na ng tatay mo yung boyfriend mo"Kahit ganyan sya, mukhang hindi naman sya yung tipong tatanga tanga pagdating sa pag-ibig. I mean, I didn't know her, personally. Pero masyadong matapang yung personality nya para gumawa ng katangahan.
"Nakagala ako!"
"Seryoso?"
Diretsyo lang akong napatingin sa kanya habang may malapad na ngiti na nakaguhit sa mukha nito. Kung wala lang akong hawak ay hindi ako magdadalawang isip na kunan sya ng litrato.
Her smile speaks more of what she is saying and her eyes... her eyes, it tells a different story. Ang swertenaman ng boyfriend ng babaeng ito.
"Oo. Dream place ko kaya ito" she stated habang nagiinikot pa sa pwesto nya. "Inubos ko lahat ng leave ko para lang sa trip na ito, muntikan na nga akong sesantehin ng manager ko"
I know that feeling. Sino ba naman ang hindi gugustuhing makatapak ng Batanes? Sa sobrang mahal nga lang ng pamasahe, pwede ka ng mag-ibang bansa. But there's more in here na hindi mo lang basta makikita sa mga pictures o mararamdaman sa mga video.
"Okay ka din noh" napailing na lang ako saka itinapon ang plastic ng pinagkainan ko. "Alam mo, hindi mo talaga mahal yung boyfriend mo"
"Mahal ko yun, wag ka ngang ano" at ayaw na naman ang automatic nyang palo.
Hindi ko nga alam kung ilang beses na akong nahampas ng babaeng ito. Masasabi ko na bang close kami dahil nagagawa nya sa akin ito kahit kahapon lang talaga kami nagkakilala?
"Mas priority mo pa yung gumala kesa iharap yung boyfriend mo at mag-explain sa tatay mo eh"
"Eh nandito kasi yung boyfriend ko!"
Napatigil ako sa sinabi nya. I met her yesterday at kahit kilala sya ng ibang taga rito, wala sa mga nakausap namin ang boyfriend nya, imposible naman na kasama namin yun ngayon at kung ganun man, dapat sya ang kasama nito ngayon at hindi ako.
"Nandito? Nasaan? Sino?"
"Ikaw"
There's no pause ng sabihin nya yun. May lalim sa bawat salita nya at alam ko, sa pagkakataon na iyon, nagkamali ako. My heart skip a beat at kahit gusto ko mang magsalita, parang nanuyo ang lalamunan ko.
"ui, umasa"
Napahilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi ko alam kung maaasar ba ako o hindi dahil pinagtritripan nya ako o dahil din sa tama sya, umasa ako.
Posible ba yun?
"Ano bang pangalan ng boyfriend mo?"
"Ivo"
"Ivo?" inulit ko para makasigurado.
"Primitivo Yvabiosa. Sosyal noh"
She laughed at me, something bitter and sweet and this time, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. I took my cam at pinicturan sya.
Primitivo Yvabiosa.
I haven't met him pero maswerte sya dahil may babae na handa syang ipaglaban kahit ayaw sa kanya ngpamilya nito. Nasusugod ng Batanes at handing mawalan ng trabaho makita at makasama lang sya.
I felt a bit of jealousy. Not because I'm falling for this girl but because I am hoping na sana may isang Abigael Dela Rosa din sa buhay ko.
"Gusto mo ba syang mameet? Yung boyfriend ko."
"Boyfriend mo?"
Tumango sya sa akin at alam ko sa oras na iyun, pagsisisihan ko ang desisyon ko. Itinapon ni Abi ang pinagkainan nya at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila.
Sa halip na mainit ay malamig na kamay ang naramdaman ko at nagpapawis. Hindi ko rin maramdaman ang init ng araw o ang lakas ng hangin. My eyes were on her habang patungo kami sa isang lugar na hindi ko akalain na mararating ko.
Everything was painted in white maliban sa mga bato na nakapalibot dito. She held my hand tightly na para bang lifeline nya ito. Her usual smile was there and so the sadness in her eyes and now I know.
Sinundan ng mga mata ko ang mata nya at sa mga oras na yun, isa lang ang gusto kong gawin at iyun ay ang yakapin sya.
"It was summer that time and I promise myself na babalik ako dito every year" she smiled at saka humarap sa akin.
"You should listen to your dad" napahigpit ako ng kamit sa kamay nya. Ngayon palang gusto ko na syang kaladkarin at isakay ng eroplano pabalik ng Manila.
Why her family doesn't approve of him? Now I understand. Because you can't marry a dead man.
Humarap ako sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan nya,
In loving memory of
Primitivo Yvabiosa.
ooOoo
It was summer last year when I met her and this summer I'm going back to Batanes to meet her again.
And I hope, I'm not too late.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro