ad_sesa's New Story Chapter Teaser
LEANDRO: THE HEARTBROKEN STOIC
(Si Leandro ay ang second lead ng story kong NABIHAG AKO NG PANGIT na minahal ng maraming mambabasa sa Wattpad at nakilala bilang tagapagtanggol ng bida na si Yolly. Gawa ng madami ang curious sa pagkatao niya ay ginawa ko ang story na ito. Sana po magustuhan niyo.)
Chapter 1:
Kung mayro'ng taong suwerte na isinilang na mayaman, mayro'n ding masaklap na tao dahil isinilang na mahirap. At kabilang na ro'n si Leandro, si Leandro Encinas Jr. na tulad ng ibang kabataan ay nais din sanang makatapos ng pag-aaral. Subalit sa kasamaang palad ay naulila agad siya ng mga magulang.
Tandang-tanda pa niya noong araw na namatay nang sabay ang kaniyang ina at ama. Patapos pa lang siya noon sa elementarya. Hawak-hawak niya noon ang isang medalya na pinarangal sa kanya sa school nila at proud niya sanang ipapakita sa mga magulang niya. Magaling kasi siya sa pag-drawing kaya siya lagi ang nanalo sa poster making contest. Mana raw siya sa tatay niya na si Leandro Encinas Sr. Nga lang, 'yon na pala ang araw na magpapabago ng lahat sa kanyang buhay.
Natigil noon ang batang si Leandro sa paglalakad dahil ang daming tao sa bakuran ng kanilang bahay. At parang naging slow motion ang lahat sa kanyang pakiramdam na dahan-dahang lumapit.
"Leandro!" Umiiyak ang ilang kamag-anak nila na sumalubong sa kanya.
"Leandro, ang nanay at tatay mo--" sabi ng isa na hirap ituloy ang nais sabihin.
"Leandro, magpakatatag ka," sabi naman ng isa.
Tuluyan nang nabitawan ni batang Leandro ang kanyang medalya nang makita niya ang katawan ng mga magulang na nakabulagta sa lupa, duguan at wala na silang buhay.
Ang sumunod ay ang nakakaawang iyak niya. "Nanaaay kooo!! Tataaayyyy kooo!!"
Nataga sa iba't ibang parte ng katawan ang mag-asawang Rina at Leandro Sr. Ang tinutukoy na dahilan ay ang agawan ng lupa. Agad namang nalaman kung sino ang pumaslang sa mag-asawa at agad nakulong ng panghabambuhay. Gayunman, hindi na naibalik pa ang lahat kay Leandro, nakulong man ang pumatay sa kanyang nanay at tatay ay hindi pa rin maitatatwa na ulila na siya, na hindi pa rin maibabalik sa kanya ang mga magulang. At ang masaklap wala siyang karamay sa dagok na ito ng kanyang buhay. Mag-isang anak lang kasi siya.
"Leandro, sumama ka na lang sa'min sa Maynila." Buti na lang at may kapatid ang nanay niya na mabait at ito ang nag-alaga sa kanya. Ito ang tumayong ina niya hanggang sa lumaki siya.Subalit mahirap lang din ang Tita Isabel niya. Idagdag pa ang madami nitong anak na lima.
Sa piling ng tiyahin naranasan niya ang matinding hirap. Siya ang kumayod para sa sarili at para sa mga ito. Palibhasa siya ang parang panganay. Naging bread winner siya. Gayunman wala siyang reklamo dahil mahal niya ang tiyahin at tinurin na niyang mga kapatid ang mga pinsan. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. At dahil high school lang ang natapos niya ay kung hindi janitor o sa construction ay bagger sa mga groceries ang napapasukan niyang trabaho. Hanggang sa isang kapitbahay ang nag-alok sa kanya ng nagustohan niyang trabaho. At 'yon ay ang pagiging security guard.
"Gusto ko sana Kuya Rick, pero wala kasi akong pera para sa mga kakailanganin. Sa'n naman po ako kukuha ng ten thousand pesos?" Nalulungkot na sabi niya dahil ang totoo ay gusto niya talaga ang trabaho na 'yon. Sa mga nakikita niya kasi ay parang kay gaan ng trabaho ng mga guwardya. Tapos may baril pa, 'yon ang gusto niya, 'yung makahawak ng baril. Dahil ang totoo ang pangarap niya noon ay maging isang pulis. Baka nga kung hindi sana namatay ang mga magulang niya ay baka pulis na siya ngayon.
"'Wag kang mag-alala, Leandro, ako munang bahala sa'yo. Kapag nagsahod ka na saka mo ako bayaran."
"Talaga po?!" Walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Buti na lang at may mga tao na mababait pa rin sa kanya sa kabila ng pagiging ulila niya.
At 'yon na nga, hindi nagtagal natanggap siya sa isang agency na kinabibilingan din ng Kuya Rick niya. Nagustohan agad ang kanyang tangkad at tindig. Bagay na bagay raw sa kanya ang maging guwardya. Ang pustora raw niya ang talagang hinahanap ng security agency na 'yon.
"Sa Sanchi College ang duty mo. Pumunta ka na ro'n ngayon. Magpakilala ka na maayos sa OIC mo at alam na nila 'yon, " sabi ng isang may mataas na tungkulin sa kanya sa office ng agency nila noong pinag-uumpisa na siya ng work.
"Salamat po!" masiglang sagot niya. Hindi pa man ay masayang-masaya na siya. Pinapangako niya pag-iigihan niya ang bagong trabaho. Lalo't mas malayong malaki ang sahod niya rito keysa sa mga naunang napasukan niyang trabaho. Makakatulong na siya sa Tita Isabel niya. Hindi na niya ito paglalabadahin kapag maayos na siya sa trabaho niya.
Pagdating niya sa Sanchi College ay napanganga siya sa lawak ng paaralan na iyon! At sa ganda n'on!
Ayaw man niya sanang mainggit sa mga nagsisilabas-pasok na mga estudyante sa magarang paaralan na iyon ay hindi niya kasi maiwasan. Naisip niya na siguro ang sarap mag-aral ng kolehiyo. Ang saya sigurong maging estudyante sa kilalang school na ito.
Na-imagine pa niya ang sarili na isa siya sa mga estudyanteng naglalakad papasok sa entrance. Napa-imagine siya. Ang galing sana!
Bigla ay nawala siya pagpapantasya niya dahil may malakas na busina. Paglingon niya ay grupo ng mga estudyanteng naka-motor ng magara ang nasa likuran niya.
"Tumabi ka, oy!" singhal sa kanya ng isang estudyante na sakay ng isang motor.
"S-sorry," hingi niya ng paumahin kahit na alam niyang wala siyang kasalanan, kasi nga ang lawak naman ng entrance. Pero ayaw niya ng gulo.
Tumabi siya at dumaan sa harap niya ang grupo ng naka-motor, na ang pinakauna ay isang lalaking parang maangas at makatingin ay walang ka-emo-emosyon. Hula niya ito ang leader ng grupo. Dahilan upang makaramdam siya ng inggit sa binatang iyon na hindi siguro lalayo ang edad nila. Kahit gano'n kasi ay gusto niya ang angas nito at ang porma nito. Nakaka-intimidate.
Ang astig!
"Si Andy Pagdatu 'yon, ang heart-throb dito sa campus. Huwag kang matakot sa kanya. Gano'n lang makatingin pero mabait siya." Mayamaya ay kalabit at sabi sa kanya ng isang guard.Napamata siya sa nagsalita. Natawa ang lalaking nakauniporme ng panggwardya. "Ako nga pala si Max.Makakasama mo rito sa duty." Inilahad ni Max ang kamay nito sa kanya.
"Huh?! P-pan'o mo alam?" Nagtataka siyang inabot ang kamay ng nagpakilalang Max. Shake hands sila.
"'Yang suot mo na kulay white na shirt at slack pants. Idagdag pa 'yang black shoes mo at backpack mo ay alam ko na agad na ikaw 'yung inaantay namin na pinadala ng agency," paliwanag ni Max na tatawa-tawa.
Napangiti na rin siya na napatingin sa sarili tapos kamot-batok."Halika inanaantay ka na ni chief."
"S-sige," alinlang pagpayag niya.
Ang daming sinasabi ni Max habang patungo sila sa guard house. Tinuturuan na siya nito ng mga dapat at hindi dapat gawin sa trabaho. Tango-tango lang naman siya. Hanggang sa isang estudyante ang nakaagaw sa pansin niya. Isang estudyanteng babae na papasalubong sa kanila at ito'y natataranta sa paglalakad habang dala-dala ang madaming gamit. Yukong-yuko rin ang ulo nito na para ba'y hiyang-hiya.
At anong kislot niya nang kitang-kita niya ang pagkatapilok ng babae gawa ng sinadyang pag-usli ng isang paa ng isang estudyanteng babae rin na nakaupo sa isang bench. Pinatid ito ng maganda pero salbaheng estudyante.
"Aaayyyyy!" malakas na sigaw ng kawawang estudyanteng iyon dahil mapapasubsub ito sa lupa.
Kasabay n'on ang paglaki ng mga mata niya, pag-awang ng mga labi niya at pagngiwi ng mukha niya. Kung malapit siya sana ay sinalo niya ito pero ang layo niya, eh. Napaiwas na lang siya konti ng tingin dahil hindi niya kayang makitang sumubsob ang dalaga. Nang ibalik niya ang tingin niya sa kawawang estudyante ay nakaramdam siya rito ng kakaiba. Pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, pero malamang ay awa.
"Si Yolly Peralta 'yan. Ganyan lagi 'yan dito. Pinagtri-trip-an kasi panget," pagbibigay impormasyon sa kanya ni Max ulit.
Bahagyang nakunot ang noo niya. Parang wala naman yata 'yon sa katwiran.
At lalong nakunot ang noo niya nang pagtawanan si Yolly ng madaming estudyante. Sh*t! Hindi 'to tama!
Nakuyom niya ang isa niyang palad. Hindi siya nakatiis, nilapitan niya si Yolly at tinulungan. Siya na ang pumulot sa mga ibang gamit na nagkalat sa lupa at inabot 'yon sa dalaga.
"S-salamat po," garalgal na pasasalamat ni Yolly sa kanya na hindi siya tinitingnan.
"Okay ka lang?" tanong niya. Nga lang hindi na sumagot ang dalaga. Nang maayos nito ang mga dalahin ay nagtatakbo nang umalis.
Maang na dahan-dahang tumayo siya na sunod tingin na lang sa papalayong si Yolly. At nang lingunin niya sana ng masamang tingin ang mga estudyanteng masama ang ugali ay titig ni Andy ang nasalubong niya.
Nakatayo ang grupo ni Andy sa malapit at nakatingin sa kanya ang mga ito. May tumatawa, may nakangisi, at mayroong seryoso.
Sa tingin ni Andy na blangko siya nagtagal ng tingin. Nagkatitigan sila ng maangas na binata. At ewan niya dahil ngayon pa lang ay mabigat na ang loob niya sa kapwa binata kahit ngayon pa lang niya ito nakita...
ITUTULOY!! ABANGAN PO SA WATTPAD!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro