Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

Asia's PoV

Gusto kong magwala, gusto kong mambugbog, gusto kong manakal, to make the long monologue short–gusto kong pumatay ng tao!

Nasa kalagitnaan ako ng napakahimbing kong tulog ng biglang may sumabog. Nagimbal ang katawang lupa ko at feeling ko konti nalang hihiwalay na ang espiritu ko sa katawan ko.

At mas lalo kaming nawindang ng tumingin ako sa kama ni Rae ay nak ng tinapa! Wala siya sa higaan niya.

Mabilis kong tinawagan si Reim at sinabihan si Lea na sumama sa akin at dalhin ang isang granada at dalawang revolver.

[Asia–] alam ko na ang idada ni Reim kaya inunahan ko na siya.

"Sa main gate ng academy, doon tayo magkita-kita! Sabihan mo ang ibang members. I am on my way there with Lea"and with that, I end the call.

Kumaripas ako ng takbo papuntang main gate. Damn! Hindi ako nagkamali at doon nga may sumabog!Tsk!

Agad kong dinial ang numero ni Principal. Baka hindi nyo alam ayy tulog mantika yun at sanay sa mga putukan ng baril yun! Common nalang sa kanya yun eh!

Pagkasagot at pagkasagot nung tawag ay...

[T*NGN*NG NAMAN INCARNATE! KUNG AYAW MO MATULOG, MAGPATULOG KA!]

"HOY SIR BUGNUTIN! BAKA HINDI MO ALAM MAY MGA IMPAKTO NG NAKAPASOK SA SCHOOL MO!? LINTEK!!!! PAG ETO SA AKIN MO PINASA PAPATAYIN TALAGA KITA!"sigaw ko sa kanya in a quick way. Kinakausap ko siya tapos pinag-aaralan ko na yung paligid. Nagsisigawan pa rin yung iba sa mga dorm. Nakita ko ring may patay sindi ang ilaw ng mga dorm! May lintek sa main switch!

"Nasa may Main Gate ang pagsabog! Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo kumilos!"sabi ko at itinapos ang tawag at dumating naman ang mga hinihingal na myembro ng gang.

"May sira-ulo sa main switch!. Ryan,Reim, puntahan ninyo isa-isa ang mga dorm or lahat ng lugar na may estudyante! Use the Sticky Technique!! Mas madali yun! Lahat sa Gymnasium!.. Jiro, Eunice, hack all the security system ng academy! Lahatin nyo! Alamin kung sino-sino ang pumasok. Crystal! Gamutin lahat ng estudyanteng napuruhan sa pagsabog! Rain at— nasaan si Kyle?"natigilan ako sa pagcommand ng mapansing wala si Kyle. Teka! Nawala sa isip ko si Rae! Ano ba yan! Nawala pa sila ngayon!

"Oo nga no'? Wala pala siya!"ngayon din nila napansin! Anak ng! Tinext ko ng sakatumal si Rae but still no reply! Tinawagan ko rin! Pero nagri-ring lang!

"Mamaya na muna sila! Yung plano na Asia!"tumango ako sa sinabi ni Gem. Okay! Mamaya na! Priority muna ang WA.

"Rain! Sasamahan ka namin ni Lea! Bantayan bawat sulok, hangga't maari! Patulugin agad ang kahina-hinalang mga taong mapapansin! Now move!!"sabi ko at kumilos na ang lahat.

THIRD PERSON’S POV


Habang nagkakagulo sa W. Academy ay may isang bihag naman ang gumagawa ng paraan para makatakas sa mga taong ikinulong siya sa isang kwarto.

Kwarto kung saan ikinulong siya ng mga ilang taon.

'Go Rhaine!! Limang tali nalang!!'sigaw niya sa sarili niya. Wala pang mga bantay sa kanya. Nagkakaroon lamang kapag andun ang babaeng punong-puno ng inggit at poot sa kanya.

'Wooh! Tatlo pa!! Bilis!!'pag-cheer nya sa sarili niya sa kanyang isip.

'Pucha! Success!!!'nagbubunyi na sya sa kanyang isipan dahil sa natanggal niya na ang lahat ng tali. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad–err! Scratch that! Mabilis siyang naglakad pero tahimik. Mga galaw na tanging isang F. Gang Leader lamang ang nakakagawa.

Nakita niya ang isang bintana doon. Kinuha niya ang nanakaw niyang kutsilyo sa isa sa mga bumugbog sa kanya nung mga nakaraang araw.

Dahil sa net lamang ang nakaharang sa bintana ay madali niyang napunit iyon.

Dumaan siya sa bintanang iyon at agad na tumakbo ng tahimik. [Lols! Elib no? Sa wattpad lang yan!  ;)] Nadaanan niya ang isang
kwarto. At nakita ang isang lalaki.

Agad niya itong nilapitan at walang ano-ano ay sinaksak ang batok nito dahil nakatalikod ito sa kanya.

Kumuha siya ng black leather jacket at black pants sa isang parang closet ng mga nandoon. Yung mga gwardiya nung babaeng nagpahuli sa kanya ay may uniporme. At yun ang suot niya na ngayon.

Tinali niya ng bun ang kanyang buhok at naglagay ng cap doon.
Pati sapatos ay pinalitan niya. Nilagay niya sa isang baul ang suot niyang sapatos. Pinatong niya lamang ang jacket na suot niya at pinalitan ng pants ang palda niyang suot. Naka-uniform pa rin siya ng W.Academy.

Mabilis niyang kinuha ang lalaki at nilagay sa isang baul bago pa kumalat ang dugo nito galing sa nasaksak na batok.

Kinuha ni Rhaine ang isang revolver na may anim na bala, fully loaded gun, at inipit sa kanyang bewang at tinakpan ng kanyang blouse.

Kaswal siyang naglakad papuntang pintuan na para bang hindi siya kinulong at hindi siya pumatay ng tao. Pero bago nya maabot ang doorknob ay may nakita siyang maliit na kahon at agad siyang napangisi.

Cigarettes

Kinuha niya ang isang kahon nun at isang lighter. Kinuha niya ang isa at nagsindi at easy-easy na naglakad palabas.

Lahat ng makita niya na tinatanguan siya ay tinanguan niya. Kabado man siya ay hindi mo mahahalata dahil sa pag-arte nito na para bang isa siya sa mga ito.

*WAANG!!**WAAANG!!*

Umusbong ang kaba sa dibdib ni Rhaine dahil sa pagtunog ng kung ano mang bagay at sunod ay may sumigaw sa harap niya.

May ideya na siya sa mangyayari kaya gumagawa na siya ng paraan para tumakas.

Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa may mabunggo siya. Pagtingin niya ay isang lalaki.

Maputi, black and beautiful eyes, to make his long description short, GWAPO ang nasa harap ni Rhaine! Okay?!

"Pasensya na"kabado man ay nagbigay siya ng daan para dito. Alam niya at kilala niya ang lalaking iyon..

Knight...

Nung makadaan na ang lalaki lagpas sa kanya ay kabado pa rin siya. Ramdam niyang may tumitingin siya pero kaysa sa mataranta ay kaswal siyang naglakad papuntang pinto. Ang lakad nya ay kaswal na lakad ng lalaking siga. Which is hindi na mahirap para sa kanya.

Huminto siya sa pinto dahil naisip niya ang isang bagay..

'It will be that suspicious kung lalabas ako gayong tinawag ang lahat'

Humarap siya at nakita si Knight na nakatayo sa harap. Medyo may kataasan ang pwesto nito at may kausap na lalaki.

"Warianne Rhaine Fuentez is missing. And making her way out! Tignan nyo ang bawat isa! Baka hindi nyo alam nasa tabi nyo lang pala siya"sabi niya with a smirk.

'Maaaring ang iba ay maloko mo sa pagdi-disguise mo, even your movements is authentic. Para kang tunay na lalaki pero ang pagbangga sa akin at maramdaman ang bagay na magpapatunay sa aking babae ka ay isang malaking pagkakamali'sabi ni Knight sa isip niya.

Tinuro niya si Rhaine na nasa tapat ng pinto.

Si Rhaine naman ay kating-kati na tumakbo pero talo siya kung makikipaghabulan siya dahil sa marami ang ko-corner sa kanya.

"You! I can't see your face clearly! Tanggalin mo ang cap mo!"sigaw ni Knight dahilan para mapunta kay Rhaine lahat ng tingin.

Ngumisi si Rhaine at tumango.
Dahan-dahan niyang tinanggal ito. (Add the Slowmo effect sa imagination mo) at pagkatanggal niya ay binato niya ang maliit na flashbang na matagal na niyang tinatago.

"GET HER!"sigaw ni Knight at nagsimula ng tumakbo ng mabilis si Rhaine.

~SakamakiYuii

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro