Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27

RAE'S POV

"With the lady named Rae"

Hindi ko alam anong irereact ko, pero hindi naman ako ganon ka-dense para hindi masyadong magets yung sinabi niya pero malay ko ba kung mali ang instict ko?

"Who's that Rae?"tanong ko sa kanya, chill, naninigurado lang.

Kumamot ulit siya sa batok niya. Disappointment is written all over his face.

"W-wala forget it!"sabi niya lang, pero syempre ako si Wariana Rae Fuentez, ako ang nagtatanong at gusto ko ng sagot.

"You'll anwer my question, o ikaw ang ipapakain ko sa mga isda dito?"pananakot ko sabay labas ng baril.

Napadabog naman siya kahit alam niyang di ko talaga sya tutuluyan, of course pero kaya kong gawing paralisado ang katawan niya duh!.

"P*ta ang manhid mo! RAE!! Wariana Rae Fuentez! Okay na?!"sigawan pa ako ng lintek.

Natahimik naman ako, okay teka, basta confession ng feeling bumabagal ang mga neurons ko from my ears to brain at bumabagal ang pagproseso ng Receiving Area ng utak ko.

"Wala ka bang sasabihin?"parang medyo nahiya pa ang lalaki. Wait! Asan na si Mr.Stupid na makapal pa sa encyclopedia ang mukha?

"Wait, natraffic pa yung truck ng neurons sa katawan ko kaya di pa umaabot sa utak ko ang mensahe mo! Hintay ng konti!"sabi ko kasi parang buong pagkatao ko ang sumasalungat sa mga sinasabi niya.

Nang matanggap ko na yung ibig niya talaga sabihin ay huminga ako ng malalim.

"Kailan pa?"tanong ko.

Pero bago pa siya makaaagot ay nagsalita ako ulit.

"At utang na loob, wag mong sasabihin sa akin na love at first sight ka sa akin dahil kaya kahit labag sa batas, papatayin kita!" at naalala kong pwede pa lang pumatay, yun ngalang sa loob lang ng academy.

Natahimik ang gunggong! So putcha, love at first sight? Eh nabwisit nga ako sa kanya nung unang pagkikita namin eh! Ni hindi ako tinulungang magpulot ng gamit ko tapos sinabihan pa ako ng stupid, kaya nga bininyagan ko siya ng mr.stupid diba?

"Love at first sight!"sabi niya sa akin.

"Baliw ka na ba? Eh gusto kitang sakalin ng 'first sight' natin!"sabi ko sa kanya na may halong frustration, magulo akong tao! Kahit na nareceive ko na yung sinabi niya kanina ay naguguluhan pa rin ako.

"I first saw you at your picture. Once ninakaw ko yung cellphone ng kuya mo at pinahack ko kay Jiro. Wallpaper niya ang picture mo" pag-eexplain nya pa

"Whatever, basta inis ako sayo nung una nating pagkikita!"sigaw ko lang din sa kanya.

Nginisian lang ako ng lintek at nagsalita.

"The more you hate, the more you love"

Ayan! Yang p*nyetang linyang yan ang kinabibwistan ko! So isipin mo, ang ganda ko tapos yung kaaway ko example lang panget di pasado sa standards ko sa yun ang makakatuluyan ko? Oh bitch please! Tatalon nalang ako sa rooftop ng building kesa makatuluyan ang ganong tao. Oo! Choosy ako pero okay lang , dahil maganda ako, pero kahit di ako maganda di ko tatanggapin yon! Dahil kahit maganda ako o hindi, may DILA AKO! MAY TASTE!! Kahit panget, ang hanap gwapo!

Dala ng pagkabwisit at napatayo ako duduruin sana siya ng madulas ako at kamalas-malasang nalaglag sa labas ng bangka.

"Potek ang lamig!"sigaw ko, lumusong naman si Kyle agad at aalalayan sana ako sa pag-aakalang di ako marunong lumangoy.

Nilubog ko yung sarili ko sa tubig at lumangoy palayo ng konti. Tapos bumalik sa bangka. Wala eh, nabasa na ako eh,finish na, samantalahin na,

Bumalik ako at bumalik na rin si Kyle. At itinuloy ang naudlot kong litanya.

"Sino ba kasing p*nyetang taong nag-imbento at nagpauso ng linyang yan! Mapapatay ko talaga! At ikaw!"sabi ko at tinuro si Kyle.

"Ako?"tanong niya ng nakaturo sa sarili, gusto ko siyang ilaglag sa bangka bwisit!

"YUNG ISDA LETCHE!"sigaw ko sa kanya.

"So ako nga?"tanong niya pa, at dahil sa inis ay nakalimutan ko yung sasabihin ko. Tsk..kaazar!

"Sabagay! Mukha ka naman palang isda! Anong isda ka nga ulit? Ah! Alam ko na!"sabi ko "Hulaan mo!.."dagdag ko pa ng nakangisi sa kanya.

Napaisip naman siya, mas okay na ang usapang ganito kesa yung kanina, remembering it, ghad! Tinatalaban ako ng hiya at nakaramdam ng awkwardness.

"Goldfish?"

"Nope, hindi ka ginto!"

"Ah may galit ka pala sa akin, Shark?"

"No"

"Ano ba?"

"Hulaan mo baliw!"

"Baka bangus?"

"hinde"

"Hmm.. Tilapya?"

"No"

"Galunggong?"

"Hindi rin"

"Ano nga?"

"Hulaan mo o ipapakain kita kay finding dory!"

"Haha! Oo na!"

"So ano nga ang sagot mo? Naku! Hindi ka pwede pang- Quiapo!"sabi ko

"Tangeks! Baka nasa bungad palang ako umuusok na ako!"

"Sabagay! Kasing pangit mo ang budhi mo!"sabi ko nalang at tinawanan siya.

"Grabe ka! Pero suko na ako! Anong isda ba ako para sayo?"tanong niya, seryoso talaga siya dun?

"Janitor fish! Hahahaha!!"sagot ko at tinawanan siya. Nagpout naman siya.

"Naman eh!"maktol niya

"Ooy! Ayusin mo nga yung mukha mo! Kinikilabutan ako! Baka di ako makapigil at masuntok ko yang nguso mo at pumutok yan!"sabi niya

"Sadista!"sigaw niya sa akin
.

"Atleast Sadistang maganda!" sabi ko at ngumisi..

"Amazona!"sabi niya, ilalaglag ko na sana siya sa bangka ng tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Fine! Ayoko na! Uwi na tayo!"sabi niya at nagsagwan pabalik samantalang ako inaantok na, ng tumingin ako sa cellphone ay halos malaglag ang panga ko at lumabas ang eyeballs ko sa nakita ko.

Inbox
FROM: ASIA
'Hoy nasaan ka na! May emergency dito bat wala ka!'
01:00 AM Received

FROM: LEA
'Rae! Asan ka ba? Hinahanap ka namin bat wala ka dito! May nakapasok daw dito sa academy, damn! Nagkakagulo na dito! Wala pa kayo!'
1:20 AM Received

FROM: KUYA
'Rae!! Nasaan ka na ba? Nag-aalala na ako sayo! Hindi ka namin mahagilap! Kayo ni Kyle! Nagkakagulo dito sa Academy! Nasaan ka? Kasama mo ba si Kyle?'
1:22 AM Received

"Kyle!"sabi ko ng makaalis na kami at di ko namalayan na sasakay na pala kami ng motor. 95 mesaages from kuya, 89 from Asia at 79 kay Lea, grabe ang yaman sa load ah! At congrats sa storage ng phone ko! Akalain mo nagkasiya yun? Ibang klase.

"May nangyari daw sa academy! Look at your phone!"sabi ko at nahihimigan mo ang panic at takot ko.

Nilabas niya ang phone niya at napamura.

Hinagis niya ang helmet sa akin at sumakay na kami sa motor niya.

"Bilis Kyle!"sigaw ko..

Damn! Bakit kasi umalis pa kami ng academy? Ewan ko ba! But I have a bad feeling bukod sa alam kong may gulo na, may feeling ako na may mas gugulo pa dito!

Good Times Ends.. Yan na ang motto ko!

---

Wala talagang forever eh! Di ako papayag na maging romance tong lame kong story!

Dahil may kapakapalan ang pagmumukha ko, Press that star on your left kung nagustuhan mo tong chapter na to! Thanks for reading this! At sa pagtatyaga rito.

[Ps. Habang nagsusulat ako ng chapter ay hindi ko alam kung paanong nagkaroon agad ng gulo dito. Siguro dahil sa pagkabitter ko na rin at matik na hindi pumayag ang pagkatao kong puro landian moments ang ganap ditowss..]

Tapos na po ang Valentines Day at sumakit ang mata ko ng ilang araw dahil sa medyo marami-rami rin ang naglandian sa corridor ng school. Kaya ilang beses akong naglakad ng nakapikit wag lang makita yun. (Chos lang) Kahit landian sa story na to hindi kinaya ng imaginations ko. Pag sinusulat ko parang wala lang. Kaya nga ang lame eh!

Hehe, putcha ang haba ng author's note ah?

Pagpasensyahan ang pagkabitter ko ha!?

-SakamakiYuii

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro