Chapter 03
Wariana’s POV
Lunch break na at ako nililigpit lang yung mga gamit ko. Lumapit na sa akin si Lea. "Oh my G!! Beshhyy buti nalang–"
"Andyan yung alagad ni Kuya! Sssshh!!" bulong ko sa kanya. Nakatingin kasi sakin si Mr Stupid. Ewan ko ba kung anong meron at gusto nya akong kitilan ng buhay. 'Yung tingin nya halo-halo. 'Yung tingin na para bang pinag-aaralan nya ako, pinapanood galaw ko, kinakabisado yung mukha ko o pinapatay nya ako sa isip nya.
"Ay oo nga! Hihihi! Sorreyy!!" sabi niya. Hinintay ko muna na makalabas yung asungot, tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Binigyan ko sya ng what are you waiting for? Look, at mukha namang successful kasi mukha syang nafrustrate. Bwahahah, pasimple kasi siya tumingin eh, kung yung iba hindi sya mapapansin, yung iba yon!
"So beshy! Berytenkyu talaga!! Hindi ako mawawarningan!" sabi nya
Ows? Hindi sya mawawarningan? Eh diba nga ilang beses nya ng itinumba yung pinto ng principals office? Siraulo ba to?
"Yung sa principals office?" tanong ko
"Oh that thing? Tch! Pwede kong sirain kahit ano dito wag lang yung sa faculty at mga classrooms at yung restricted area. So tara? Lunch na tayo?" sabi niya at tumango naman ako.
Naglalakad na kami patungo sa cafeteria at yung mga nasa tabi pag nakikita ako nagbubulungan.
What it could be?
Nung malapit na kami ni Lea sa cafeteria ay napapansin kong halughog sya ng halughog sa gamit nya.
"Gosh! Naalala ko na! Naiwan ko yung make-up ko sa dorm!" bigla nyang sabi at tumakbo. Susundan ko sana sya kaso may lumipad na papel, parang note sya.
Kinuha ko iyon at binasa.
Kuha ka na ng food natin. Treat mo muna ako. Kunin ko lang make-up ko. Umupo ka kahit saan mo gusto.
Maganda mong dormmate,
Lea
Wow! Ambilis naman nya? Kinuha ko iyon at binulsa. Pumunta na ako deretso sa Cafeteria at Omygulay! Ang haba naman ng pila?!
Pumila nalang ako sa dulo. At fortunately mabilis naman itong umusad.
Isang estudyante nalang at ako na! Finally!! At yung kaninang maingay na mga estudyante lalong umingay ng may tatlong babae ang pumasok ng cafeteria. Agad itong pumunta sa direksyon ko. Mukhang mga maldita,yung tipong walang gagawing maganda sa mundo? Ganon ang itsura nila. Pero masama ang manghusga ng kapwa so erase-erase.
Ako na ang oorder.
"Miss yung Spaghetti nga po tapos Cake yung chocolate dalawang slice po tapos dalawang baso ng icedtea." sabi ko sabay abot ng card. Yeah! Parang credit card sya ng school.
"Got it maam!" sabi nung Cashier at maya-maya ay andyan na agad yung order ko.
Kukunin ko na sana yung tray ng biglang umatras yung mga nasa pila at may biglang may kumuha ng iced tea at binuhos sa akin yun.
*splash
"Welcome to W. Academy, newbie. And oh,sorry, sinadya, hahahahahahahahhaah!" sabi sakin ng lider nila at nagtawanan ang lahat.
Oh my dear people or students of W. Academy, can't you see the invisible placard that is following me? It says Don’t mess with me if you still want to live or Don’t mess with me if you dont want to see the devil?
"Wow! At nagsalita ang pader!" sabi ko na mukha kunwaring namamangha.
Tumaas ang kilay ng lider.
"At sino ang pader?"tanong nya
"Sino ba ang nakikipag-usap sakin? Tch! Bakit di ko naisip na wala palang tenga ang mga pader?" sabi ko at binangga siya. Halata sa mukha niya ang gulat. Take note: Bitbit ko na yung tray.
"How dare you!" galit niyang sabi
"Huh? How dare me? I dont know!"sabi ko nalang at umalis pero God!
Ako ang tipo ng taong pinahahalagahan ang aking gorgeous hair!
''Don’t touch my hair!" sabi ko at humalakhak naman sila
Binitawan ng isa yung buhok ko. Humarap ako sa kanila,yah! Wanna fight with me? Okay then, I'll give you hell on my very first day.
Tinapon ko sa lider nila yung LAHAT ng pagkain ko sa tray. Medyo nanlumo ako kasi nagugutom na ako at hindi nya deserve na pag-aksayahan ko sya ng pagkain,duh! Ang dami kayang taong nagugutom?!
Pero all of those fade when I saw shock in all their faces. Aba! Sulit din naman pala!
Nanlilisik ang mata ng lider na tumingin sakin.
"What the Hell! Bago ka lang nga talaga!! How dare you! Sisiguraduhin kong paparusahan ka ni Reim!" sabi niya
Tinawanan ko sya.
"Edi isumbong mo! Pagnagsumbong kana makakalayas ka na kasi sa pagkakaalam ko ang academy na ito ay hindi para sa mga nasa nursery!" sabi ko nalang..
"Sisigura—babe! babe!" sigaw nya at tumakbo kay..
"Babe! She did this to me! Kill her!"sigaw nung b*tch lider.
Nginisian ko siya at tinignan yung lalaki
"As if you can, hindi ko alam na mababa pala ang standards mo sa babae kuya." sabi ko, kuya Reim frowned at me.
"What? Kuya?"gulat na tanong ni bitch
"Stop it Rae!" sabi niya at tinulak ang babae palayo sa kanya.
"I didn't do anything Big brad!" sabi ko sa kanya.
"Yes you did, I was here all along." sabi nya sakin.
"Oh? Did you like my show?" sabi ko kay Kuya at tinignan ko naman yung mga bitchesera.
"Kuya? Pinatulan mo ba talaga yang bitch na yan? Tangina, di umabot sa level ko! Pipili nalang talampakan ko pa?"sabi ko kay kuya.Kita ko sa peripheral view ko na nagpout si kuya.
"Tch! Hindi ako papatol sa gaya niya! I like a woman like you!"sabi niya
"Kuya! Magkapatid tayo"sabi ko
Tumawa siya, "Almost a type of you but youre not my type, overqualified ka!" sabi naman niya at ako naman ang tumawa.
Okay, tama na ang siblings talk namin, maraming nag-aabang sa susunod na mangyayari sa palabas na ginawa ng mga bitches na ito. Lumapit ako sa lider ng mga bitches na tulala pa rin. Ano? Nagkamali ng binangga no?
"So,back to you girls. Wag nyo akong kakalabanin dahil una sa lahat, tahimik lang akong bumibili ng pagkain and then dadating kayo? Bakit sino ba kayo?" tanong ko. Nagtaray pa sakin yung lider.
"I am the Queen Bee here!" sagot niya.
Di ko na mapigilang matawa.
"Heck!? Ano?l? Ikaw ang Queen Bee? May katarata na ba ang tao dito? Naubusan ng mas maganda? Tinatakot mo ba sila?" tanong ko sa kanya.
Sumagot siya ulit. "Hinde,dahil ako lang ang maganda dito" sabi niya at tinigilan ko ang pagtawa.
"Hmm.." tumingin ako sa paligid.May naispatan akong babaeng maputi at maganda. Mukha siyang haponesa.
"Ikaw! Ikaw,tara! Halika dito, I'll make you a star! I'll give you spotlight!" sabi ko habang turo-turo yung babaeng haponesa.
Mukhang nahihiya pa ata sya kaya tinulak pa siya ng kaibigan nya.
Hinila ko siya palapit sa harap ng babae.
"Hoy Ms Self-Proclaimed Queen Bee, kailan birthday mo? Reregaluhan kita ng salamin para makita mo yung mukha mong parang tinapakan ng libo-libong tao!" sabi ko at nagtawanan yung iba.
"Ikaw ang may katarata newbie! I dont care kung kapatid ka pa ni Reim!" sabi niya wow! Katakutan mo ko kung sino ako! Gaga!!
"Hmm? Ikaw!" sabi ko at nilingon yung haponesa.
"B-bakit p-po?" utal-utal nyang tanong
"Kailan ka pa nag-aaral dito?"
"S-simula s-second y-year high po"sagot niya
Hinarap ko ulit yung feelingerang bitch.
"Nakikita mo ba itong si Miss Haponesa? Diba? Mas maganda siya sayo diba?"sabi ko at nagblush naman yung japanese. Hiyang-hiya lang talaga?
"Hinde!"
"Putcha ang tibay ng Apog mo!!Wuuuu!!Grabe!!" wow ha?wow lang!
Binitbit ko naman si Girl kay Kuya. Binulungan ko si Kuya,halata ang gulat sa kanya pero tumango rin sya. Hinawakan ni Kuya yung kamay nung babae.
Binalikan ko yung bitch.
"May gusto ka kay Kuya ko diba?" sabi ko
Tumaas ang kilay nya
"Pake mo? Hindi naman ikaw ang—Oh my God!" bigla nyang sinabi ng masaksihan ang ginawa ni Kuya.
'Good Job!'
Nginisian ko siya.
"Kiss her when I snap my finger or else I will post all your embarassing pictures!"
Tumigil na si Kuya at tinignan yung girl. I can see that he mouthed 'sorry, that was an order only' Hindi naman mukhang nagalit si girl kaya Okay talaga!!
"So? Did you like it? Because I am loving my show!" sabi ko witch matching pikit-pikit.
"What the Hell!" sabi niya at humagulgol na sa iyak.
Pinatahan na siya ng mga bitch nyang kasama.
"So, I think lesson learned? Huh? Dont mess with people like me? Because youre just a bunch of ugly bitches!" sabi ko at tinalikuran sila. Nung mga naka apat na hakbang ako lumingon ako ulit.
"Thank You b*tches for the Welcome Party! I really appreciate—no! Let me rephrase! I really love it!" sabi ko at ngumiti ng nakakaasar.
Oh my! I love my self!! I am very talented! I am a gifted child!! My!!
I love the Welcome Party From The Bitches.
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro