PROLOGUE
Prologue
Tala Abigail Garcia
When I found out he was in Canada, we immediately fled back to the Philippines. I know what he's doing. Hindi na ako tanga katulad ng dati. Hindi na rin ako marupok.
I've already learned my lesson.
Well, si Tala kaya 'to!
Kasama ko si Trevor sa pagbabalik namin ni Oli ng Pilipinas. Walang nakakaalam na nandito kami maliban sa mga naiwan namin sa Canada. Hindi kami umuwi sa bahay. Madali kaming matutunton doon.
Sa dating bahay nila Trevor kami dumiretso. Malayo sa bahay namin, at higit sa lahat walang nakakaalam kung nasaan ito — kahit na si Vera.
“Sabi sa'yo ang luma na dito. Dapat nag-condo na lang tayo,” reklamo ni Trevor pagkababa namin ng kotse.
Kalong-kalong ko naman si Oli na kanina pa natutulog sa byahe. Gabi na rin kami nakarating ng Pilipinas kaya hindi imposibleng makatulog ang anak ko.
“Hayaan mo na. Maglilinis na lang tayo bukas ng umaga,” ani ko habang maingat na inaayos si Oli sa aking bisig.
“Maghanap na lang kaya tayo ng maglilinis?” suhestiyon pa niya sabay ngiti sa akin.
Kaagad akong umiling. “Ang tamad mo talaga. Madali lang naman maglinis. Saka nagtitipid ako, Trev. Hindi tayo puwedeng magtagal dito, nasa Canada ang negosyo ko.”
Natahimik si Trevor. Bago kami umalis, napag-usapan na naming dalawa na nagtitipid ako. Kaya wala na siyang magagawa sa desisyon ko.
Pero kung gusto niya talaga, tumatanggap naman kami ng libre ni Oli. Tutal marami na rin naman siyang ipon sa pag-mo-model niya sa Canada.
Pumasok na kami sa loob at nakita kong tama nga si Trevor. Luma at sobrang dumi na nang buong bahay. Hindi pa masyadong pansin sa labas dahil madilim.
“You're right...” bulong ko habang nililibot ang aking mga mata.
“Told yah. Mag-hotel na lang kaya muna tayo? Gusto ko na rin magpahinga, Tala.”
Nilingon ko si Trevor na bitbit ang mga gamit namin. Katulad ko, sinusuri niya rin ang bawat sulok ng bahay. Mukhang hindi pa nga kami makapagpapahinga agad dahil may kailangan pang linisin. Hindi naman puwedeng humiga na lang kami sa alikabok.
“Sige na, libre ko na lang. Makatulog lang ako ng mapayapa,” pagsuko niya kahit wala pa akong sinasabi.
Ngumiti naman ako agad at hinarap sa pinto. “Let's go. Nangangawit na rin ang braso ko,” anyaya ko at inunahan na siyang lumabas ng bahay.
Kahit hindi ko nakikita si Trevor, for sure napapakamot na 'yon sa ulo. That's not my problem anymore. He offered first.
Nakarating kami ng hotel na tulog pa rin si Oli. Iisang kwarto na lang ang kinuha namin with two beds. I suggested it para makatipid kami. Wala namang malisya since sanay na kami sa isa't isa. And we're cousins. Duh!
Hiniga ko lang si Oli sa kama bago ako nag-half bath. Bumaba naman si Trevor para bumili ng pagkain namin. Pareho kaming nagutom sa byahe. Paggising ni Oli siguradong pati siya gutom din.
“May nakita akong streetfood malapit dito. Shit! Namiss ko 'to, Tala! You want?” alok ni Trevor sa hawak-hawak niyang isaw.
Napangiwi ako. “No, thanks.”
Bukod sa streetfood, bumili siya ng rice, kaldereta, at sinigang sa karinderya. Iyon kasi ang request ko since bihira ko 'tong makain sa Canada. Hindi naman ako mahilig sa streetfood kaya hindi ako gano'n kasaya katulad niya.
Nagsimula na akong kumain ng kanin habang siya ay natutuwa pa rin sa binili niyang streetfood.
“Ibang-iba talaga ang lasa ng isaw dito sa Pilipinas. 'Di ba, Tala?” Nagkatinginan kami ni Trevor sa tanong niya.
Nagkibit-balikat ako at binalik ang atensyon sa kinakain ko. “I don't know. Maybe it's the place, not the food,” sagot ko.
“Yeah, you're right. I actually kinda miss this place. If you stay here for good. . . iiwan ko na rin ang buhay ko sa Canada.”
Natigilan ako at binalik ang tingin kay Trevor. “Babalik kami ng Canada, Trev. If you wanna stay here. Stay. Kaya na namin ni Oli ang isa't isa. Huwag mo na kaming—”
“Ilang beses pa ba nating pag-uusapan 'yan? I've already made my decision, Tala. Kung nasaan kayo ni Oli, nandoon din ako. I don't care if you go back and forth, basta nasa tabi niyo lang ako.”
“How about your own life? Hindi puwedeng sa amin lang umiikot ang mundo mo. Si Tasha? She will be mad once na marinig niya 'to.”
He shrugged. “I will broke up with her.”
Kaagad ko siyang pinalo sa braso at tiningnan ng masama. “Huwag kang nagbibiro ng gan'yan. Babae rin ako, Trev. Masakit para sa amin na hindi kami kayang ipaglaban ng...” Natigilan ako, biglang may naalala. Hindi ko naman siya kailangang alalahanin, ah! Tsk.
Mariing akong napapikit. “Basta 'yon! Dito ka na lang sa Pilipinas, kami na lang ang babalik sa Canada.” I rolled my eyes. Pinagpatuloy ko na ring kumain bago pa mas lalong uminit ang ulo ko.
Nakakainis kasi si Trevor. Ang daming alam.
“That is the reason why I can't leave you two. Maalala mo pa nga lang nagugulo na agad ang isip mo. Paano pa kaya kung magkita kayo ulit?” He reasoned out.
“Hindi kami magkikita.” Sumubo ako at hindi nag-abalang tingnan siya.
“You can't hide from him forever. Ngayon nandito tayo sa Pilipinas dahil may nakapagsabi sa'yong nasa Canada siya. Paano sa susunod? You never know what the future holds for you.”
Saglit akong tumahimik bago ko muling tiningnan si Trevor. “Basta ang alam ko... wala na siya sa future namin ni Oli. Kahit pa magkasalubong kami sa daan, hindi na magbabago ang isip ko.”
“But what about him?” He glanced at Oli, who was sound asleep.
Sumunod ang tingin ko kay Oli. I know what he's talking about. Bata pa ngayon ang anak ko, darating din ang araw na magtatanong siya kung sino ang kan'yang ama. Ngayon pa lang nasasaktan na agad ako kung paano ko siya sasagutin. Ayokong saktan ang anak ko.
Paano ko sasabihing hindi lang kami ang pamilya ng kan'yang ama? Paano ko rin sasabihing naging kabit ako noong nabuo ko siya? Tangina! Hindi ko kakayanin.
“Huwag na muna nating pag-usapan, Trev. Hindi pa ito ang tamang oras. Marami pang posibleng mangyari.” Umiwas ako nang tingin. Tinuon ko ang aking atensyon sa pagkain.
Kung iisipin ko 'yan ngayon, habang buhay nang magiging miserable ang buhay namin ni Oli. Kaya hangga't maaari iniiwasan ko na ang mga posibleng mangyari. Kasama siya.
Nagpapahinga na kami nang bigla akong tawagin ni Trevor. Nag-ce-cellphone siya sa kan'yang kama habang ako naman ay nag-lo-lotion sa tabi ni Oli.
“Tala...”
Nilingon ko si Trevor at nakitang gulat na gulat siya sa nakita sa kan'yang cellphone. Hindi ako nagsalita. Naghintay lang ako ng sasabihin niya.
“Nasa bahay na raw siya, lasing at nagwawala.”
Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan. “Bahay? Saang bahay?”
Imposible namang bahay nila Trevor dito sa Manila. At saka nasa Canada siya bago kami umalis.
“Bahay niyo sa Canada,” tipid niyang sagot.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko naman — nevermind.
“Hayaan mo siya.” Binalik ko ang aking atensyon sa ginagawa. Ang importante wala kami doon kahit na magwala siya maghapon.
I don't fucking care.
“Tatawag na raw sila ng pulis.” Rinig kong sabi ni Trevor.
“Mas mabuti pa nga. Tanghaling tapat nanggugulo siya at lasing pa.” I agreed.
“Are you sure?” Pagkumpira pa niya sa sinabi ko.
Nag-angat ako nang tingin. Bakas sa ekspresyon niyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Do I look like joking?
“What?” tanong ko. “Ipakulong niyo na para matapos na. Gusto ko na ring umuwi.”
Bahagyang ngumiti si Trevor na kinagulat ko. “You're just mad.”
“Ha?” Hindi ko siya maintindihan.
Anong mad? Ako? Oo. Galit ako. Sobra. I have the right pagkatapos niya akong lokohin.
“Galit ka lang kaya mo nasasabi 'yan. If you really care about Oli, hindi mo hahayaang makulong ang ama niya.”
“I care about Oli. Alam mo 'yan, Trev.” I gritted.
Kinikwestiyon niya ba ang nararamdaman ko dahil lang sa lalaking 'yon? Baka gusto niyang pati kaming dalawa mag-away.
“You don't. You just care about your feelings. Hindi ang mararamadaman ng anak mo kapag nalaman niyang pinakulong ng sarili niyang ina ang kan'yang ama dahil lang galit siya.”
Umawang ang labi ko sa aking mga narinig. So, he's taking his side now? Wow! Just wow!
Napailing ako at umiwas nang tingin. “I thought you're on my side. Ahas.” I forced a smile.
“I am, Tala. Kaya nga tinutuwid ko lahat ng baluktot mong desisyon. Kailan ba kita pinabayaan?”
“And now, sinusumbat mo lahat ng tulong mo? Unbelievable.” I chuckled, sarcastically.
“No! Ano ba, Tala? Makinig ka nga!” Halos sumigaw na siya sa inis, hindi niya lang matuloy dahil kay Oli na natutulog sa tabi ko. Bahagya pa siyang napasabunot sa sariling buhok. “Kung galit ka sa kan'ya, huwag mo akong idamay.”
“Hindi ako galit sa'yo, okay?” paglilinaw ko. “Ayoko lang na pinapakialaman mo ako sa desisyon ko. Oo. Galit ako sa kan'ya. Sobra. Kaya nga gusto ko na siyang mawala sa landas namin ni Oli. Handa akong libutin ang mundo makapagtago lang kami sa kan'ya.”
“Nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil hindi pa hinahanap ni Oli ang tatay niya. Maiintindihan mo rin ako balang araw.”
Napabuntonghininga ako sabay tumingin kay Oli sa tabi ko.
He's right.
Hindi ngayon, pero alam kong darating ang araw na kakailanganin din niya ang kan'yang Ama. Hahanapin niya siya sa akin at iyon ang hindi ko pa napaghahandaan.
“Siya nga pala, may gustong magpakilala sa'yo. Kaibigan ko. Gwapo.”
Naningkit ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Binalik ko ang tingin ko sa kan'ya. “Wala na akong tiwala sa mga gwapo, Trev. Kaya nga malaki ang tiwala ko sa'yo.” I chuckled.
Pinipigilan kong matawa nang mga mata niya naman gusto nang sumaksak sa akin. Deserve.
I sighed. “Sa totoo lang... pagkatapos ng mga nangyari sa akin, takot na akong magtiwala ulit.” I forced a smile and looked away.
Tinatanggi at iniiwasan ko lang ang lahat ng tungkol sa kan'ya, pero ang hindi nila alam, nasasaktan pa rin ako.
Nasasaktan ako para sa anak ko.
Nasasaktan ako para sa sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro