Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9


Chapter 9


Dumating si Vera na dala ang balitang hindi na muna matutuloy ang kasal. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa balitang iyon dahil sa sumunod niyang mga sinabi.

“N-naaksidente si Tito... Tala.” She cried. “Umalis ako na hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay. Ayoko sanang iwan ang pamilya ko na gano'n ang kalagayan ni Tito... p-pero may karapatan kayo ni Oli na malaman ang nangyayari ngayon sa kaniya. A-and I can't tell you that information through the phone.”

Nanlamig ang buong katawan ko pagkatapos marinig ang lahat ng mga sinabi ni Vera. Hindi ito ang inaasahan kong sasalubong sa akin sa tagal naming hindi nagkita. I just can't process it right now.

Paano nangyari 'yon? Hindi ba't ikakasal na dapat sila kanina? Bakit siya naaksidente? Fuck.

Marami akong gustong itanong kay Vera. But how can I ask her if I don't even have the right to know. It doesn't feel right after all.

Niyakap ko si Vera nang nagkaroon na ako ng lakas na lapitan siya. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pag-iyak. Pagkarating na pagkarating niya kanina pansin ko na agad na may hindi magandang nangyari. Hinintay ko lang na manggaling sa kan'ya.

“Nagi-guilty ako, Tala. Kami ang huling magkausap bago siya naaksident. S-sinabi ko sa kan'yang magkikita tayo a-at... a-at nagtalo kami. We argued because he wanted to sneak a call to Oli. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari sa kan'ya 'yon. He just want to see his son pero pinagdamot ko 'yon sa kan'ya. S-sana pumayag na lang ako, Tala. Sana inintindi ko na lang siya. Sana hindi siya naaksidente kung hindi siya galit na umalis ng bahay. It's all my fault. Ang sama-sama kong pamangkin...” Humagulgol siya ng iyak sa may dibdib ko.

Napabuntonghininga ako nang naramdaman kong may luha na ring dumadaloy sa pisngi ko. It feels wrong and uncertain pero hindi ko maiwasan. Tao pa rin naman ako para maawa at matakot sa puwedeng mangyari sa kan'ya.

I caressed her back even if I needed it too. “No. Stop blaming yourself in his recklessness. It's not your fault. Hindi siya nag-iingat kaya nangyari sa kan'ya 'yon. At saka tama lang naman ang ginawa mo. Prinotektahan mo lang kaming lahat sa gulo na posibleng mangyari. You're just protecting your family, Vera.”

Masakit 'mang marinig pero iyon ang totoo. She's just protecting us. Hindi lang ako, kun'di pati na rin ang Tito niya at si Sabrina.

Alam ko namang umiiwas lang siya sa gulo na hindi imposibleng mangyari sa ugali ng Tita Sabrina niya. Baka isipin pa niyang kinukunsinti ko ang best friend kong sirain ang pamilya nila. Hindi rin imposibleng sumulpot na lamang siya rito at ipamukha na naman sa akin ang pagiging kabit ko.

Umabot nang mahigit kalahating oras ang pag-iyak niya bago siya nahimasmasan. Hindi pa rin siya lubos na maayos pero madali na siyang makausap. Hindi katulad kanina na iyak lamang siya nang iyak at walang ginawa kun'di sisihin ang kan'yang sarili.

“Magpahinga ka na lang kaya muna? Ilang oras ka ring nagbyahe kaya baka pagod lang 'yan.”

Tumayo ako at kinuha ang maleta niya. Tumingin siya sa akin.

“Nagugutom ako...” she pouted.

Bahagya akong natawa sa pagpapacute niya sa akin. Akala mo naman kinakawawang bata. Epekto siguro ng byahe at pag-iyak niya.

Binitawan ko ang maleta niya bago ko kinuha ang aking bag sa sofa. “Tara, kain muna tayo. Nasa kabilang bahay pa naman si Oli. Hindi mo siguro gugustuhing magpakita na gan'yan ang itsura mo sa inaanak mo, 'di ba?”

Tumango lang siya nang hindi inaalis ang pagpa-pout niya. Nakakainis. Hindi naman cute.

Hinila ko na siya palabas ng bahay bago pa ako mainis sa pagmumukha niya. I filed three days leave to spent more time with her. Hindi rin naman ako papayag na maiiwan siyang mag-isa rito sa bahay o aalis siyang walang kasama. Puwede naman niyang samahan si Oli pero hindi pa rin magiging sulit ang bakasyon niya kung hindi niya ako makakasama.

Duh, si Tala kaya 'to!

Her best friend.

Dinala ko si Vera sa restaurant na madalas naming puntahan ni Oli, kung saan din namin nakita... kung saan namin nakita si Engr. Delgado.

Kahit papaano nag-aalala pa rin naman ako sa kan'ya. Kung ano na ba ang lagay niya ngayon o kung gising na ba siya. Hindi ko lang magawang magtanong dahil natatakot ako. Natatakot ako na mangyari ulit ang iniiwasan ko.

Kakaupo lang namin ni Vera nang magsalubong ang mga mata namin ng lalaking kapapasok lang ng restaurant. Nakaharap kasi ang upuan ko sa pinto na isang pagkakamaling nagawa ko ngayong araw.

Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki. Iniwasan ko siya ng tingin bago pa niya ako puntahan at kausapin. Baka kasi isipin niyang close na kami. Pagkatapos ko siyang iwasan buong araw sa school ni Oli ngayon pa ba ako bibigay? No way! He's married and has a kid too. Not again.

“Excuse me.”

Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Vera at laking gulat na makita si Adam. Nakatingin siya sa akin na hindi pa rin ang nawawala ang maganda niyang mga ngiti mula ng pumasok siya ng resto.

Did I just say 'maganda niyang ngiti'?! No fucking way! Erased! Erased!

Hindi niya talaga ako titigilan 'no? Sa dami ng puwede niyang puntahan dito pa talaga!

“Sure. You're excused...” Si Vera ang sumagot na may makahulugang ngiti. Binalik ko ang tingin sa kan'ya. Naabutan ko siyang nakatingin din sa akin na tila may ibang ibig sabihin.

Pasimple kong sinipa si Vera mula sa ilalim ng mesa habang pinanlalakihan siya ng mga mata. Nagawa pa talaga niyang mang-asar. Parang kanina lang halos ayaw niyang tumigil sa pag-iyak.

Nagulat ako nang bigla niya akong sinipa pabalik at muling tumingin kay Adam.

“Do you know each other?” usisa pa ni Vera. Mabilis akong napatingin kay Adam at baka kung ano pa ang sabihin niya.

Nagwagi naman si Vera na makuha ang atensyon ni Adam nang naabutan ko siyang lumingon sa kan'ya, nakangiti ngunit hindi na katulad kanina.

“Yes?” sagot niya na mukhang hindi pa sigurado. “I'm Adam,” pakilala ni Adam sabay lahad ng kan'yang kamay.

“Vera...” pakilala niya pabalik bago sumulyap sa akin. “Her best friend from the Philippines.”

“Pinoy din ako in case you wanna know lang.”

“Sabi ko na nga ba! Hello, kababayan!” She giggled before they let go of each other's hands.

“Hi.” He smiled.

“How well do you know each other pala? Saan kayo nagkakilala? May namamagitan—aray!” Bago pa matapos ni Vera ang kahihiyang ginagawa niya muli ko siyang sinipa.

Hindi pala dapat ako kay Adam matakot. Itong babaeng ito nga pala ang walang preno ang bibig. Madalas.

Nagkatinginan lang kaming dalawa para maintindihan niyang walang nangyayaring ganoon dito. He's married. Taken. And not ready to mingle.

Oo! Ako na ang single, pero hindi ibig sabihin no'n papatol na ako sa kahit na sino. Marunong din naman akong pumili ng walang sabit at hindi sasakit ang ulo ko. Mahina lang talaga ang kokote ko kaya hindi operational ang instinct ko. Kaya nga ako naloko at naging kabit.

Tama na ang isang beses na katangahan, Tala. Tama na.

I heard Adam chuckled. “We met in Bluebird Montessori when my niece took her entrance exam... but I'm planning to know her well.”

Marahan akong nag-angat ng tingin kay Adam.

Niece? So, hindi niya anak 'yong kasama niyang batang babae? Ang tanga ni Tala. Hindi pala talaga operational ang instinct ko 'no?

“If she don't mind...” dagdag pa ni Adam sabay tingin sa akin. His eyes telling me he's fucking serious.

“Syempre! She's single and always...” sigaw ni Vera na hindi ko magawang bigyang pansin dahil sa paninitig ni Adam sa akin.

If he's really telling the truth I know there's nothing wrong with what he's doing but why do I still feel bad? I feel like I'm betraying my son.

I sighed and nervously looked at Vera. “Sa ibang resto na lang pala tayo kumain. Hindi pala masarap dito.” Natataranta akong tumayo at hihilahin na sana si Vera nang biglang nag-ring ang cellphone niya.

Nanunuya niya akong tiningnan bago pinakita sa akin ang cellphone niya. “I need to take this first. Iwan ko muna kayo, ah.” She smirked and left.

Gusto ko pa sana siyang habulin nang magtama na naman ang mga mata namin ni Adam. Napaupo na lamang ako sa gulat at tinuon ang atensyon sa menu na nasa mesa.

Hindi pa ba aalis ang lalaking 'to? Nagugutom na rin ako.

“I just want to say hi lang naman sana. I'll just leave if you don't feel comfortable around me. It was really nice seeing you again here, Tala.”

Nag-angat ako ng tingin nang naramdaman kong umalis na siya. Naglalakad na siya ngayon palayo sa table namin kung saan likod na lamang niya ang nakikita ko.

Habang tinitingnan si Adam nahagip ng mga mata ko si Vera na umiiyak. She's running towards me.

“S-si Tito...” Unang kataga pa lamang na lumabas sa bibig niya parang pinanghihinaan na agad ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro