Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4


Chapter 4


“Nasa labas na naman siya.”

Tinigil ko ang ginagawa kong pagtutupi ng mga damit ni Oli. I looked at Trevor as he entered the house.

Sinundan ko siya ng tingin nang dumiretso siya sa kitchen. Until now hindi pa rin kami nagkakaayos. May mga araw na kailangan lang namin mag-usap kaya wala talaga kaming choice. Just like today.

Hinintay ko muna siyang matapos sa pag-inom ng tubig bago ako nagsalita. Isang linggo pa lang ang nakalilipas doon sa restaurant ginugulo na naman niya kami.

“Pinaalis mo ba?” tanong ko pagkababa niya ng baso sa sink.

“Nope,” tipid niyang sagot bago naglakad papunta sa harap ng ref.

“Bakit hindi mo pinaalis? Baka makita siya ni Oli.”

“Ano naman kung magkita sila? Hindi naman alam ni Oli na—”

“Ha?!” I threw the clothes I was holding in the basket and stood up. “Tang ina naman, Trevor! Alam kong galit ka sa'kin pero huwag naman sana ganito. Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Anak ko si Oli kaya ako ang masusunod sa kung ano ang gusto kong mangyari.”

Humarap sa akin si Trevor na parang wala lang lahat ng sinabi ko. Kumakain pa siya ng snacks ni Oli na mixed fruits.

Nagkibit balikat siya at tinuro ang pinto. “Go ahead. Ipagtulakan mo ulit siya. Araw-araw mong ipagtulakan. Hindi na kita pipigilan.” He said, not taking his eyes off me.

“Ano ba kasing problema mo?! Bakit hindi mo na lang ako suportahan?” Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko alam kong namumula na ako sa galit.

Mabuti na lamang talaga wala ngayon dito si Oli. Kasama siya ni Tita Bella sa birthday party ng apo ng isa sa mga kaibigan niya. Kakaalis lang nila kaya sigurado akong mamaya pa sila babalik.

Trevor chuckled, sarcastically. “You're taking away his right to know his father. Should I support you with that? Unbelievable.” He shook his head in disbelief. “Ang selfish mo, Tala. Sobrang selfish mo...” mariin niyang sabi bago binaba ang bowl na puno ng prutas. Naglakad siya patungo sa hagdan at iniwan akong mag-isa sa sala.

I sat down on the couch again and took a deep breath.

Kung palagi ko siyang papatulan hindi na matatapos itong alitan naming dalawa. Magkaibang-magkaiba talaga kami ng paniniwala. Kaya kahit anong paliwanag ang gawin ko sa kan'ya hinding-hindi niya ako maiintindihan.

Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. And accepting him into our lives doesn't help. It will just cause us trouble.

I looked at the window, thinking if he's still there. Hindi niya kasi puwedeng maabutan si Oli sa labas. Wala naman akong problema sa anak ko dahil napagsabihan ko na siya. Naniniwala siya sa akin kaya wala akong dapat na ipag-alala. Si Engr. Delgado ang iniisip ko.

Napagdesisyunan kong puntahan na siya para kausapin. Kung gusto niyang makiusap ako nang paulit-paulit huwag niya lang kami guluhin gagawin ko para kay Oli.

Binubuksan ko pa lang ang pinto natatanaw ko na agad si Engr. Delgado, nakatayo sa labas ng kotse niya. Nakatingin siya sa bahay namin na parang may hinihintay.

Lumapit siya agad pagkakita sa akin. Umurong ako nang napansin kong sobrang lapit niya.

“Buti lumaba—”

“Bakit ka nandito? Hindi ba nag-usap na tayo? Bumalik ka na sa Pilipinas.” Hindi ko siya pinatapos.

“Gusto ko lang makita ang anak ko.” Kumpara noong huli naming pagkikita mas maayos ang itsura niya ngayon. Nakatulog na siya ng maayos at nakapagpahinga, I guess?

I shrugged. “Wala dito si Oli. Kaya umalis ka na,” pagtataboy ko sa kan'ya. Tinalikuran ko siya at aalis na sana nang pigilan niya ako.

He grabbed my arm and pulled me. “May karapatan ako sa bata, Tala. I respect your rights as a mother but how about mine? Anak ko pa rin si Oli. Anak ko ang pinagdadamot mo sa'kin.”

Binawi ko ang kamay ko sa kan'ya at saka siya hinarap. I gritted my teeth. “Hindi mo siya anak. Simula nang malaman kong ginawa mo akong kabit hindi mo na siya anak. Umalis ka na. Nakikiusap ako sa'yo. Umalis ka na at patahimikin mo na kami. Nagawa mo nga ng limang taon bakit hindi mo pa kami tuluyang kinalimutan?”

“Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo na hindi lang ikaw ang naging biktima dito? Sa tingin mo ba magagawa ko ang binibintang mo sa akin kung alam kong buhay si Sabrina at ang anak namin?”

“That's my point! Ginawa mo akong panakip butas sa pangungulila mo sa asawa at anak mo! Ginawa mo kaming option!”

Ang sakit pa rin pala marinig lalo na at nanggaling sa kan'ya na kung maaga niyang nalaman na buhay ang asawa at anak niya echapwera na kami ng anak ko sa buhay niya. Kung sabagay, wala namang mangyayari sa amin kung alam kong may pamilya siya.

Tang ina! Ang sakit pa rin kahit anong paliwanag pa ang gawin niya.

“Hindi 'yon sa gano'n, Tala. Minahal kita... at mahal pa rin kita. Kaya nga ako nandito sa harapan mo ngayon para humingi ng isa pang pagkakataon para makabawi.”

“Ay, thank you, ah! Iyon ba ang gusto mong marinig?” I said sarcastically. “Tang ina. Dapat pala maging thankful pa ako.” I chuckled.

“Tala! For once, makinig ka naman. Simula pa lang iyan na ang problema sa'yo. Hindi ka marunong tumanggap ng paliwanag lalo na kung taliwas diyan sa paniniwala mo. Akala mo ba gusto ko rin itong nangyayari?! Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan para sa mga anak ko. I betrayed you. Unintentionally! Naiintindihan mo na? Hindi ko alam na buhay si Sabrina. Hindi ko alam na buhay pa sila ng anak ko. Eight years! Eight years akong mag-isa. Hindi madali para sa akin lahat. Pero kinakaya ko, lalo na nang dumating ka sa buhay ko.” He stopped, taking a breath.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. I did not expect it. Mukhang pinaghandaan niya lahat ng sasabihin niya sa akin. Tumagos lahat na parang hindi ko na kakayaning magsalita o huminga 'man lang.

“Noong nalaman kong buntis ka, halos mabaliw ako kung anong gagawin ko. Andiyan na si Sabrina at ang anak ko, pero paano ka? Paano kayo ng anak ko. Gaya ng sabi ko sa'yo sa kasal ni Serenity at Noah, we tried to fixed our family, pero nangingibabaw na ang pagmamahal ko sa'yo. Importante sa akin ang pamilya, Tala. Kaya nga kahit alam kong masasaktan ko si Sabrina at O–oli, hinanap pa rin kita.”

Oli? Oli rin ang pangalan ng anak nila ni Sabrina?

I frowned. “Oli? Your son with Sabrina... Fuck! What a coincidence?! Nakakatuwa na pati sa pangalan magkaagaw sila...”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, magagalit, o maiinsulto sa mga narinig. Sa dami ng pangalan sa mundo bakit iyon pa? Tang ina talaga.

“She followed my name to Oli's name. He's my jun—”

“Ah, okay. He's the legitimate child. Of course, she can do that.” Inunahan ko na siya bago pa ako mas masaktan.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Mas may karapatan sila kaysa sa amin ng anak ko. Kaya wala akong karapatan magreklamo o magalit. Punyeta naman! Lahat na lang ba kailangan kong ikompromiso?

Ganito siguro talaga maging kabit at pangalawa lang.

Ang sakit.

“Tala... please...” He tried to grab my hand, but I quickly pulled it away from him.

I stepped back. “Umalis ka na sabi bago pa ako tumawag ng pulis.”

“Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita ang anak ko,” pagmamatigas niya.

“Hindi ako nagbibiro. Tatawag talaga ako ng pulis,” I warned him.

“Ako ang ama ni Oli, Tala. May karapatan ako sa kan'ya. Hindi mo ako puwedeng takutin—”

“Mimi!”

Saglit akong natigilan sa sigaw na iyon. Lalo na si Engr. Delgado. Hindi silang puwedeng magkita na dalawa.

Nilingon ko si Oli at nakita siyang tumatakbo palapit sa amin. Kasama niya si Tita Bella na nasa likod lang niya nakaalalay.

Pinuntahan ko si Oli at hindi na muling binalik ang tingin kay Engr. Delgado. I carried him right away and then looked at Tita Bella.

“Tita, kayo na po munang bahala dito. Ipapasok ko lang po si Oli.”

Nagmadali akong naglakad pabalik sa bahay bitbit si Oli. Hindi ko na rin hinintay pang magsalita si Tita Bella.

“Tala, kahit saglit lang. Gusto ko lang makausap ang—”

“Puwede ba tumigil ka na?! Tigilan mo na kami!” Tinulak ko ang kamay niyang humawak sa braso ko.

Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad upang mailayo si Oli sa kan'ya. Pero pilit niya pa rin kaming pinipigilan at hinahabol.

“Tala, please!” He grabbed my arm again. “Oli... I'm your father.”

Mabilis akong natigilan at sinampal si Engr. Delgado pagharap ko sa kan'ya. “I told you to stop! Hindi ka ba marunong umintindi?! At anong karapatan mong pangunahan ako sa bagay na 'yan?! Ngayon sinasabi ko na sa'yo, hinding-hindi mo na kami makikita.”

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa sama ng loob. Especially my hands that are full of anger.

Binagsak ko ang pagkakasarado ng pinto pagpasok namin. Umakyat ako at dinala si Oli sa kwarto.

I put Oli down on the bed before I sat next to him. I took a deep breath and thought about what I could do to get rid of him.

Gusto kong ilayo si Oli sa ama niya pero hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Nandito ang lahat ng mayroon kami sa Canada.

“Mimi...”

Narinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Oli. Pilit kong tinago ang inis at galit ko sa ama niya bago ko siya nilingon.

“Yes, baby?” I smiled at him.

“Are you okay?” Nag-aalala siya. Hindi maiiwasan kay Oli na isawalang bahala ang mga nakikita at nararamdaman niya. Noon pa lang ganito na siya—maalalahanin.

Tumango ako, hindi tinatanggal ang ngiti sa mga labi. “Of course. I'm alright.”

“How about the old man earlier? He said... he's my daddy ko.”

Mariin akong napapikit, pinipigilang maluha sa harap ng anak ko. Paano ko pa ipapaliwanag sa kan'ya itong lahat at pagmumukhaing sinungaling ang ama niya? Kung totoo naman lahat ng mga narinig niya.

Puwede ko namang bawiin lahat ng iyon at sabihing nagkakamali lang siya ng narinig. Pero darating din ang araw na malalaman niya ang totoo at ako naman ang magiging sinungaling sa mga mata niya kapag sinabi kong nagkakamali lang siya.

Pero kapag sinabi ko na sa kan'ya ang totoo, sigurado akong magsisimula na rin siyang magtanong tungkol sa ama niya.

“Mimi... daddy ko is coming home na?”

Mas lalo akong hindi makasagot. Niyakap ko si Oli at humagulgol ng iyak.

He's not coming home, baby.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro