Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2


Chapter 2


“Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni Trevor until now?” Sy asked while we were taking a break from work.

Nagkita lang kami dito sa coffee kung saan madalas kaming pumunta. Ito rin lang ang may masarap na kape at malapit sa workplace naming dalawa. Iwas hassle since walking distance lang naman.

Ngumuso ako pagkababa ko ng tasang may kape sa saucer na nasa ibabaw ng mesa sa harap ko.

“Galit pa rin sa'kin 'yon. Now tell me, sinong bugnutin sa aming dalawa?” Sumimangot ako para makuha ang simpatya niya.

Sy rolled his eyes. “Huwag niyo na akong idamay sa away niyong magpinsan. Mag-uusap din kayo no'n. Kung ano 'man ang pinag-awayan niyo, pag-usapan niyo na lang ulit.”

I sighed. “Ang pangit mo talagang ka-bonding. Kumusta na ba kayo ng bago mong boyfriend? Baka dahil do'n kaya hindi kita makausap ng matino.”

Bumuntonghininga rin siya at sumimsim sa kape niya. “Wala na akong boyfriend. He left kasama ang part-timer ko. Babae at mas bata kaysa sa akin.”

I was saddened and dismayed by his news.

“Nakita ko pa kayo dito noong isang araw, hindi ba? Anong nangyari?” usisa ko. He seems to be the one who needs help at this time.

Mabait na boyfriend si Sy pagdating sa mga nagiging boyfriend niya. Mabait din siyang kaibigan at boss. I once worked under him noong unang mga araw ko dito sa Canada. Ang intimidating lang niya sa una pero habang tumatagal he's actually super nice. Kaya nga nagkasundo kami agad at naging Ninang pa ni Oli.

Sy frowned. “Hayaan na lang natin sila. Maraming lalaki diyan, 'yong seseryosohin na ang isang katulad ko.”

I agree. Maraming lalaki diyan, kaya bakit kami magtitiis sa mga lalaking katulad nila?

Duh, si Tala at Sy kaya ito!

We're super duper pretty and expensive.

Kidding!

Basta alam ko lang na may karapatan din kaming sumaya at mahalin ng totoo. Hindi iyong puro salita lang at kulang naman sa kilos.

Nagpaalam na ako kay Sy nang tapos na ang break time ko. Magkikita pa naman ulit kami. Walking distance lang din naman ang office ko at studio niya.

I planned to go out for dinner with Oli tonight. Gusto ko lang ilabas ang anak ko from time to time. Simula nang maging busy kasi ako sa trabaho, si Tita Bella na ang nag-aalaga sa kan'ya. Sinasama ko naman siya minsan kapag magaan ang trabaho ko. Since, maraming nagbo-book sa amin ngayong buwan hindi ko pa siya puweseng isama.

Dali-dali akong nagligpit ng mga gamit ko nang mag-a-alas sais na pala ng gabi. Hindi ko namalayan ang oras sa dami ng portfolio na kailangan ko aprubahan.

I called Tita Bella na male-late ako ng ilang minuto. Nakabihis na naman daw si Oli sa sobrang excited niya sa paglabas naming mag-ina.

Malayo pa ako sa bahay natatanaw ko na agad si Oli kasama si Tita Bella. Mukhang hindi na makapaghintay ang anak ko.

Kaya gustong-gusto ko talagang lumalabas kami. Nakakawala ng pagod kapag nakikita kong masaya ang anak ko. Na kahit maghapon pa akong maraming ginagawa may sasalubong naman sa akin pag-uwi ko.

Malaki ang ngiti ko nang huminto ako sa harap ng bahay. Pababa na ako nang may napansin akong kotse sa harapan. May nakikita akong tao sa loob pero hindi makilala kung sino sa sobrang dilim.

I shrugged as I opened the door. Mind your own business, Tala. Lahat na lang kasi pinapakialaman mo. Tsk.

Pagbaba ko ng kotse dumiretso agad ako kay Oli at Tita Bella. Tumalon sa tuwa si Oli nang salubungin ko.

“Mimi! You're here!” sigaw pa niya.

Mas lumapad ang ngiti ko sa paglapit niya sa akin sabay yakap. “Are you excited, baby?” tanong ko, hinihimas ang likod niya.

“Kanina ka pa hinihintay niyan. Ayaw na nga pumasok sa loob ng bahay namin pagtapos ko siyang bihisan.”

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Bella. Mabuti na lang summer ngayon dito sa Canada. Tiyak na magkakasakit ang batang 'to sa pinaggagawa niya kung sobrang lamig dito sa labas.

“Pasensya na talaga, Tita. Sa susunod po kayo naman ang ilalabas ko. Nandiyan na po ba si...” I paused and looked at their house. “Si Trevor?” I added.

“Wala pa, Tala. Nagpaalam sa akin kanina may photoshoot raw siyang pupuntahan.”

Napatango-tango ako sa sinabi ni Tita bago binalik ang tingin sa kan'ya. Nagpaalam na rin kami para hindi kami masyadong gabihin.

Marami pa namang bukas na restaurant ng ganitong oras. Since nasa Toronto, Canada kami which is described as ‘New York City run by the Swiss’, maraming puwedeng puntahan. At kung sa Pilipinas naman, para kaming nasa Manila. Gising ang mga tao sa gabi.

Twelve hours ahead nga pala ang Pilipinas dito sa Toronto. Kung Tuesday ngayon dito at alas sais ng gabi, Wednesday alas sais naman ng umaga ngayon doon sa Pilipinas.

Pinasakay ko muna si Oli sa front passenger seat at nilagyan siya ng seatbelt. Nilingon ko pa si Tita Bella para magpaalam.

“Tita, mauna na po kami. Baka po this weekend makalabas tayo. Pasabi na rin po kay Trevor.” I smiled.

“Huwag mo na munang isipin 'yon. Mag-enjoy na muna kayo ni Oli. Ingat kayo, ah?” ani Tita.

I nodded and smiled.

Alam na siguro ni Tita Bella na hindi kami nag-uusap ni Trevor. Hindi na kasi siya nag-abalang tanungin kung bakit kailangang siya pa ang magsabi kung sa bahay naman siya natutulog.

Maybe because she knows his son very well.

Masiyahing tao si Trevor, pero kapag iyon nagalit at alam niyang tama siya, umasa kang itataas noon ang pride niya hanggang sa ikaw na ang sumuko at mag-sorry. Gagawin ko naman iyon, pinapatagal ko lang at baka sakaling siya ang unang lumapit sa akin. Kaso ang labo, mas malabo pa sa ilog pasig.

Nasa parking na kami ng restaurant na kakainan namin ni Oli. Pababa na sana ako nang napansin ko na naman iyong kotse kanina. It's a black mustang with the same plate number. Nakasunod siya sa amin?

Bumalik ako sa pagkakasandal at pasimpleng tiningnan ang kotse mula sa salamin. Sa loob ng limang taon na paninirahan namin dito, ngayon lang ito nangyari sa akin. Hindi kaya si—fuck.

“Peste. Hindi ba talaga niya kami titigilan?” bulong ko sa sarili nang napagtanto kung sino iyon.

Mariin akong napapikit. Paano kami ngayon makakalabas ni Oli kung nandiyan siya? Nagpa-reserved pa naman ako ng table at hindi puwedeng i-refund ang binayad ko roon.

“Mimi, what's wrong?”

Napilitan akong ngumiti paglingon ko kay Oli.

“Aren't we going out yet? I'm hungry na po.” He pouted.

Napangiti ako sa pagpapa-cute ni Oli. How can I resist his cuteness? Wala naman sigurong gagawin na masama ang ama niya dahil kung hindi ipapakulong ko na talaga siya.

“Alright. Let's go. Kawawa naman ang baby ko.” I chuckled and pinched his fluffy cheeks.

Nilingon ko ang pinto nang may pag-aalinlangan. Napatingin muna ako sa side mirror at tiningnan ang kotse. Nandoon pa rin siya.

Gusto ko na sanang umalis at lumipat ng ibang restaurant kaso nagugutom na si Oli. Late na nga ako dumating, gugutumin ko pa ang anak ko.

I took a deep breath before getting out of the car. Mabilis ang paglalakad ko patungo sa pinto ni Oli. Kinuha ko agad siya at nilock ang kotse. Hindi ko na rin siya binaba. I carried him until we reached the door entrance.

Hinahangos kong binaba si Oli. Napatingin pa ako sa kotse at nakitang hindi siya umalis doon. I breathed a sigh of relief. Mukhang wala naman siyang binabalak na masama.

Masaya kaming nag-dinner ni Oli pero ang isip ko nandoon pa rin sa kotseng nasa labas. Nakaalis na kaya siya?

“Mimi, let's bring home some food for Daddy Trevor.”

Nag-angat ako ng tingin kay Oli. He's now eating his dessert.

I smiled at him. “Yes, baby. We'll bring him some food later. What food ba ang gusto ni Daddy Trevor mo?”

Tumingala si Oli at nilagay ang hintuturo niya sa kan'yang sintido, tila nag-iisip sa kung ano ang bibilhin namin sa Daddy Trevor niya. Hindi na ako nagulat sa pag-alala niya kay Trevor. Sa tuwing lumalabas kasi kaming mag-ina hindi nawawala ang pasalubong niya sa bahay.

He's such a wonderful kid.

“He likes vegetable salad and...” panimula niya at nag-isip pang muli. “Fruits! Apple, Mimi! I want apple, too!”

Tumawa ako ng bahagya. “Sige. Bibili tayo ng apple sa grocery store mamaya. Then, let's order vegetable salad later. Is that alright, baby?”

Masigla siyang tumango bago pinagpatuloy ang pagpapak sa cake niya.

Pinagmasdan ko pa si Oli habang kumakain. Nakakatuwa na magaling na siyang magtagalog. Noon hirap na hirap pa akong turuan siya, pero habang tumatagal natututunan na rin niyang bigkasin ang mga salita. Kinakausap ko rin talaga siya ng tagalog. Naririnig din siguro niya sa bahay at bahay nila Trevor kaming magtagalog.

Tapos nang kumain si Oli. Hinihintay na lang namin ang take out naming vegetable salad para kay Trevor. Naging vegetarian na kasi ang lalaking 'yon simula nang magkaroon ng sunod-sunod na project.

“Let's go, baby. Nandito na pasalubong natin kay Daddy Trevor mo,” anyaya ko kay Oli at saka tumayo.

I held his little hand before we left the restaurant. Mahigit isang oras din kaming kumaing mag-ina. Nabusog

Palabas pa lang kami ng restaurant naaninaw ko na agad ang kanina ko pa pinagdadasal. Na sana hindi siya ang nasa isip kong may-ari ng kotse.

Babalik na sana kami sa loob nang makita niya kami. Mahigpit kong hinawakan si Oli at dali-daling naglakad papunta sa kotse. Wala na kaming kawala. Sa tigas ng mukha ng lalaking 'yan baka abutin kami ng closing hindi pa rin siya umaalis.

Sumunod naman ang anak ko na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Tama na ang pagkikita nila sa Pilipinas. Iyon na ang huli.

“Mimi, wait! Sakit na po ng feet ko,” reklamo ni Oli nang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad.

Huminto naman ako at agad na binuhat si Oli. Kahit busog at may hawak akong take out namin kinaya ko pa ring buhatin siya. Kahit na anong mangyari hinding-hindi na sila puwedeng magkita.

“Tala!”

Pumintig ng bahagya ang puso ko nang marinig ang boses niya. Nanginginig ang buong katawan ko sa inis at galit. Ibababa ko lang talaga si Oli bahala na kung anong mangyari mamaya.

“Mimi! I think I know him...” Mas binilisan ko pa ang paglalakad sa sinabi ni Oli. His sharp memory is probably one of my problems right now. Nakilala niya ang ama niya.

Hindi ko na hinayaan pang marinig ang sunod na sasabihin ni Oli. Pinasok ko agad siya sa kotse pagkarating namin. Inabot ko rin ang lahat ng hawak ko sa kan'ya bago sinarado ang pinto.

Papunta na sana ako sa passenger seat nang harangin niya ako. Hindi ko siya tiningnan. Malayo ang tingin kong iniwasan siya.

I bit lower lip.

Hindi ba siya marunong umintindi na ayaw ko siyang makita at makausap? Ilang beses ko pa ba dapat na sabihin sa kan'ya 'yon? Baka gusto niyang makulong muna bago niya kami tigilan.

“Tala, please. Kahit saglit lang...” pagmamakaawa niya.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Hahawakan na sana niya ako nang nailayo ko agad ang kamay ko. Nilagpasan ko siya nang magkaroon ako ng pagkakataon.

“Tala...  parang awa mo na. Kausapin mo naman ako.”

I can't hear anything. Sabihin niya iyon sa lahat ng maloloko niya. I was no longer the Tala he knew.

“Please... I'm begging you. Please...”

Natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko. Mabuti na lang at dito ako sa likod dumaan. Hindi kami makikita ni Oli.

Sinilip ko pa si Oli sa loob bago ako bumuntonghininga at hinarap si Engr. Delgado.

I took his hand off my arm. Pagtatabuyan ko na rin sana siya nang napansin kong may luha sa mga mata niya. Bukod sa kan'yang mga luha, pansin ko ang pagod at lungkot sa mga mata niya. Mukha rin siya ilang araw ng walang tulog at pahinga.

He looks like a mess. Malayo sa Engr. Delgado na kilala ko.

Nawala ang lahat ng gusto kong sabihin sa kan'ya. I shouldn't have felt sorry for him, pero tao pa rin naman ako. At bilang tao ayaw ko nang umasa siya. Kailangan niyang matauhan.

“Tala... si Oli, ang anak ko. Parang awa mo na... gusto ko pa siyang mas makilala. Gusto ko siyang makasama. Anak ko pa rin siya kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan. Kahit ang anak ko na lang, Tala. P-please...“

Naalala ko bigla ang lahat ng mga nangyari five years ago. Kasama niya noon ang anak niya at si Sabrina, habang ako umiiyak sa loob ng sasakyan.

May una siyang pamilya. May anak at asawa. At iyon ang hindi ko matanggap para sa anak ko. Ayokong lumaki siya na maraming tanong kung bakit pangalawa lang kami sa buhay ng ama niya.

Bilang ina, hindi ko kakayanin na makitang nasasaktan ang anak ko. Kaya kahit gusto ko siyang initindihin hindi ko magawa. Naging kabit ako at anak sa labas ang anak ko ng hindi ko nalalaman.

Mas mabuti pang magpakalayo-layo na lang kami kaysa mangyari ang kinakatakot ko.

“Tala... nagmamakaawa ako.” He cried and begged me.

I didn't listen to him. My son is more important.

“Bumalik ka na sa Pilipinas, Engr. Delgado. Huwag ka na ring babalik dito. You're just wasting your time and energy. H—hindi ka na namin kailangan.” Pagkatapos kong magsalita tinalikuran ko na siya at tumakbo papasok sa kotse.

Sumubsob ako sa manibela at mariing pumikit. Mabilis ang tibok ng puso ko at nagbabadya ang aking mga luha.

Bakit naaawa ako sa kan'ya? Sinabi ko na sa sarili kong hindi na ako ang dating Tala na kilala niya. Pero bakit naiiyak ako?

Huwag kang iiyak, Tala. Please lang.

“I knew it! He's the old man with ice cream, Mimi. Let me say hi to—”

Mabilis akong bumangon nang narinig kong bubuksan na ni Oli ang pinto ng kotse. Pinigilan ko siya at pinabalik sa kan'yang upuan.

“Huwag na huwag kang lalapit sa lalaking 'yon, Oli. Naiintindihan mo ba ako?”

Mabilis na tumango si Oli sa sigaw ko. Kahit ako nagulat din sa ginawa ko.

“I'm sorry, Mommy.”

Doon pa lang napahikbi na ako at humagulgol ng iyak. Kaagad kong niyakap si Oli.

“I'm sorry, Oli. S-sorry...” kasi hindi ko maibigay ang mga bagay na dapat mayroon ka.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro