CHAPTER 17
Chapter 17
“P-parang kasalanan ko pa na kailangan kong protektahan ang sarili ko?” Naglakas loob na akong magsalita. Kailangan niyang marinig ang saloobin ko. Hindi puwede na aalis sila na may samaan kami ng loob.
Paalis na dapat si Vera. Napigilan ko lang dahil sa mga sinabi ko. Mukha namang narinig niya kahit mahina ang boses ko.
Tiningnan ko lang ang likod niya nang hindi pa rin niya ako hinaharap.
I heave a deep sigh. “Hindi ba ako puwedeng tumanggi? Hindi ko ba puwedeng sabihin na ayoko na kasi nahihirapan na ako? Hirap na hirap na rin ako. Nasasaktan din ako, Vera. Kung alam niyo lang—putangina! Living under the shadow of my mother and the woman he first loved... ang hirap mabuhay at gumising araw-araw na sana ako naman? Kung ikaw ang nasa katayuan ko maintindihan mo rin kung saan ako nanggagaling. Ngayon ko lang gagawin ito para katahimikan ng isip ko. A-ako pa ang selfish at walang kwentang kaibigan?” Yumuko ako, pinipigilang umiyak.
“Hindi ko naman hinihingi ang simpatya mo, gusto ko lang na maintindihan mo rin ako dahil kaibigan kita, Vera. Ayokong pati ikaw mawala sa'kin dahil lang dito sa letcheng buhay na mayroon ako.” Nag-angat ako ng tingin sa kaibigan, habang nilalaro ang mga daliring kanina pa hindi mapakali. It was shaking out of anger and fear.
Wala na rin akong nagawa nang kusang bumuhos ang nagbabadya kong mga luha pagkakita ko kay Vera.
She's sobbing.
“I'm sorry... I'm sorry, Tala.” Tuluyan na siyang umiyak. Nilapitan ko agad siya at niyakap.
I caressed her back. “It's not your fault, Vera. Naiintindihan kita. Gusto kitang tulungan pero sana hindi sa ganitong paraan. Intindihin mo rin sana ako.” Paliwanag ko sa kan'ya sa pagitan ng mga yakap.
Naramdaman ko ang pagtango niya. Umiiyak pa rin siya kaya mas niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang ilabas lahat ng bigat sa kan'yang dibdib.
Totoong naiintindihan ko si Vera. Matapos ang aksidente, alam kong hindi pa rin siya natatapos na sisihin ang kan'yang sarili. Kaya hanggang doon na lamang ang pagmamakaawa niya sa akin para lang matulungan ang Tito niya.
Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Kaibigan ko siya at ayokong pati siya nahihirapan.
“Tala...”
Napatingin agad ako kay Adam nang tawagin niya ako, nakatayo siya sa likod ni Vera. Nakatingin lang siya sa amin na mukhang kanina pa naghahanap ng tyempo para kausapin ako.
Kaagad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Vera nang marinig din ang boses ni Adam. Pinahid niya ang kan'yang mga luha bago humarap sa akin.
“Doon muna ako, Tala. Maiwan ko muna kayo rito,” aniya sabay turo sa upuang malapit sa pinto ng emergency room.
I nodded and watched her walk. Hindi ko na siya hinintay pang makaupo nang harapin ko muli si Adam.
Ngayon ko lang napansin ang pag-aalala sa mga mata niya. Kung hindi ako nagkakamali.
“What is it? May nangyari ba?” nag-alala ko na ring tanong. Baka kasi may hindi ako alam. Kinakabahan na agad ako.
Umiling agad siya. “There's nothing wrong. Itatanong ko lang sana, kung ayos lang ba sa'yo na ako na ang magsusundo sa mga bata?”
Sa sinabi ni Adam napatingin agad ako sa suot kong relo. Mag-uuwian na pala ang mga bata. Hindi ko na namalayan ang oras. Pati ang pagpunta ko sa trabaho hindi ko na nagawa sa daming nangyari.
“Hindi, Adam. Ako na ang magsusundo kay Oli. Magpapaalam lang—” pupuntahan ko na sana si Vera para magpaalam nang pigilan niya ako.
Hinawakan niya ako sa braso. Bumaba saglit ang tingin ko roon bago ako nag-angat ng tingin.
He smiled. “Hindi, Tala. Ayos lang. Dito ka na lang muna. Baka kailanganin ka ng kaibigan mo. At saka... baka hanapin ka rin niya.” Nanatili siyang nakangiti, ngunit hindi ang mga mata niya. Kahit hindi niya sabihin, ramdam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari.
Napapikit ako nang naramdaman kong may biglang kumirot sa dibdib ko. Fuck!
Hindi puwede... hindi pa puwede.
Umiling lang ako at binawi ang braso ko. “Babalik na lang ulit ako rito pagkatapos kong sunduin si Oli.” Umiwas ako ng tingin bago pa ako mas masaktan sa ginagawa niya. “Magkita na lang—”
“Tala... please. Kahit ngayon lang hayaan mo akong tulungan ka. Hindi ko na hihilingin na mahalin mo rin ako pabalik o tingnan mo ako kung paano mo siya tingnan. Gusto ko lang na matulungan ka–kayo ni Oli. Masaya na akong nakikita kang nababawasan ang dala-dala mong sakit at paghihirap. Masaya na akong nakikita kang masaya.”
Mariin akong napapikit.
Mas lalong hindi ko na napigilan ang aking sarili. Paano ko siya ipagtatabuyan kung pati ako naaapektuhan na rin sa mga ginagawa at sinasabi niya? Nasasaktan ako. Tangina.
Mas lalo akong nanghina nang maramdaman ko ang mga braso ni Adam sa likod ko.
“Tala?! Why are you crying? May masakit ba sa'yo? What's wrong? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Tell me, Tala. Please. Don't cry. Please.”
Nahimigan ko ang pagkataranta sa boses ni Adam. Nagmulat ako ng mga mata pero hindi pa rin ako huminto sa pag-iyak. Lumapit na rin si Vera sa amin nang nakita niya siguro akong umiiyak.
“Anong nangyari kay Tala? Bakit siya umiiyak?” tanong niya. “Tala, bakit ka umiiyak? Wala pa naman ang Doctor—hindi pa sila lumalabas.”
I just shrugged. “W-wala. I'm okay.”
Lumayo ako sa dalawa. Hinawi ko ang braso ni Adam na nakapulupot sa akin bago ako umupo sa upuang malapit sa akin. Kahit nanghihina pinilit kong makaupo mag-isa.
Pati ako sa sarili ko hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa akin. Naiiyak na lang ako ng hindi ko alam ang dahilan.
Kahit ang totoo, hindi ko pa rin siguro kung ano itong nararamdaman ko.
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako nag-angat ng tingin.
Nagulat ako nang nanatiling nakatayo sa harap ko si Adam at Vera, naghihintay sa akin. Hindi na ako umiiyak. Naghahanap na lang ako ng tamang salita kung paano ko sila mapapaniwalang ayos lang ako. Bugso lang ng damdamin ang biglaan kong pag-iyak. Malayo sa bituka.
Ngumiti ako na parang walang nangyari. “I'm okay. Sige, Adam. Ipagkakatiwala ko na muna sa'yo si Oli. Pakihatid na lang siya sa bahay. Nandoon naman sa bahay si Trevor.”
Kung tama ang pagkakaalala ko, mamayang gabi pa raw aalis ng bahay si Trevor. Kaya siguradong nasa bahay lang iyon ngayon, natutulog.
Iniwasan ko siya ng tingin bago pa siya may makitang kakaiba sa akin. Nilapitan ko si Vera at niyayang maupo sa inuupuan niya kanina.
“Tala, are you sure na okay ka lang?” pagkumpirma ni Vera pagkalapit na pagkalapit ko sa kan'ya.
Tumango lang ako sabay pulupot ng braso ko sa braso niya. “Oo. Huwag mo na akong isipin. Ang isipin natin ay ang Tito mo.” Sana hindi niya mapansin na hindi talaga ako okay. Na pati ako naguguluhan na rin sa mga nangyayari sa akin.
Fuck!
Bago umupo, mula sa peripheral view ko, napansin kong nakatayo pa rin si Adam kung saan namin siya iniwan. Nakatingin siya sa amin.
Nilingon ko agad si Vera bago pa niya ako mapansin.
Ngunit wala pang isang minuto, dumaan si Adam sa harapan namin. Sumunod ang tingin ko nang dire-diretso siyang naglakad patungo sa lobby kung nasaan ang daan palabas ng hospital.
Bakit parang pakiramdam ko nagalit siya sa akin?
Napabuntonghininga ako nang naramdaman kong unti-unti na namang bumibigat ang dibdib ko. Alam kong may hindi tama. Ramdam ko 'yon.
Tumayo ako. Kukunin ko na sana ang tubig sa tabi ng bag ko nang naramdaman kong may nag-vibrate sa bulsa ng suot kong woolen coat na below the knee ang haba. Medyo malamig na ang panahon ngayon dito sa Canada, kaya kukulangin na ang isang patong ng tela sa aming balat.
Bago tumayo kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa. Binasa ko ang text messages sa hindi ko kilalang numero.
From: UNKNOWN
Huwag kang mag-alala, ako nang bahala kay Oli. I will take care of him :)
It's Adam. Unang beses niyang mag-text sa akin. Madalas sa messenger kami nag-uusap.
Mabilis na kumalabog ang puso ko nang mabasa ang mensaheng iyon.
Napangiti ako.
Magiging mabuti at responsable siyang ama. That's for sure.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro