CHAPTER 13
Chapter 13
Mula sa pagsagot sa mga kliyente, napatingin ako kay Oli na nakikipaglaro pa rin sa Daddy Trevor niya. Hindi pa rin nag-si-sink sa akin ang mga sinabi ni Vera. And it was Vera, she wouldn't lie to me.
Pakiramdam ko tuloy dininig Niya ang dasal ko na magkasama pa si Oli at ang kan'yang ama. Ngunit iba ang kutob ko sa mga nangyayari, tila hindi tama.
Imposible na kami lang ang naaalala niya. Nagawa ko na ito noon kaya hindi ko na alam ang totoo sa hindi.
“May problema ba? Kanina pa kita tinitingnan, tulala ka at malalim ang iniisip.”
Tumingala ako at tiningnan si Trevor na kanina pa pala nakatayo sa gilid ko. Hindi ko siya napansin.
Ngumiti lang ako at iniwasan siya ng tingin. “Tulala lang, malalim na agad ang iniisip? Inaantok lang ako.” I lied.
Kanina ko lang nalaman ang tungkol sa pagkawala ng memorya ni Engr. Delgado at hindi pa ako handang sabihin kay Trevor iyon.
Kinakabahan at naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Ayoko munang pangunahan ako ng kahit sino sa dapat kong gawin. Ako pa rin ang ina ni Oli at ayokong ilagay sa kapahamakan ang buhay ng anak ko.
Nagulat ako nang bigla niyang sinarado ang laptop sa harap ko at pinilit na makatayo. “Matulog na kayo. Ipagpabukas mo na lang ang trabaho.”
Dinampot ko agad ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng laptop nang hilahin niya ako papunta kay Oli. Iniwan din niya ako para si Oli naman ang puntahan. Binuhat niya na lamang ito na parang isang bagay lamang ang anak ko.
“Ako na ang magliligpit ng mga kalat mamaya. Iwan mo na lang iyan d'yan.” Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Trevor at sa mga laruan na nakakalat sa sahig. “Tara na, Tala. Magpahinga ka na,” anyaya pa niya.
Napabuntonghininga na lamang ako at nagpasalamat sa isip ko. Malaking tulong din talaga ang pag-aalaga niya sa amin kahit na minsan hindi kami magkasundo.
Sumunod na lamang ako sa dalawa na nauna nang umakyat sa itaas. Napangiti ako nang makita ang mapupungay na mga mata ni Oli. Inaantok na pala ang anak ko.
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ko kay Trevor pagkatapos niyang ibaba si Oli sa kama.
He shrugged. “Mamaya-maya. Ikaw, matulog ka na.”
Tumango lang ako kahit hindi pa naman talaga ako inaantok. Sa dami ng tumatakbo ngayon sa isip ko, parang napaka-imposible pa na dapuan ako ng antok.
Nagpasalamat lang ako kay Trevor bago siya lumabas ng kwarto. Binaba ko ang cellphone na hawak ko bago umupo sa kama.
Nilingon ko si Oli at nakitang nakapikit na agad ang mga mata niya. Napangiti na naman ako.
Inaantok na talaga ang anak ko.
Hinaplos ko ang noo niya sabay hawi ng buhok bago ko siya hinalikan. “Good night, baby,” bulong ko. Mahimbing na ang tulog ni Oli. Sa sobrang pagod maghapon kaya mabilis siyang nakatulog.
Napapadalas na rin siyang ganito simula nang magsimula ang klase. Kahihiga lang namin tulog na agad siya. Kaya simula noon, nililinisan ko na siya ng katawan at binibihisan ng pangtulog pagkatapos naming maghapunan.
Saglit ko munang pinagmasdan si Oli bago ko napagpasyahan na kunin ang cellphone ko. Gusto kong kumustahin si Vera, ngunit isa na namang kasinungalingan kung sasabihin kong hindi ito tungkol kay Engr. Delgado.
Marami lang akong katanungan na kailangan ng kasagutan. Mga bagay na kung hindi ko makukuha ngayong gabi, tiyak na magpapanatili sa aking gising.
Sino ba ang makakatulog ng mahimbing pagkatapos kong marinig ang balitang iyon? Puwede ko iyong isawalang bahala at ipagpatuloy pa rin ang buhay namin ni Oli, ngunit hindi iyon ang ipinangako ko magising lang siya.
Nangako ako na bibigyan ko ng pagkakataong makilala ni Oli ang ama niya. Nangako ako na once magising siya hindi ko na ipagdadamot ang karapatan niyang maging ama kay Oli. Nangako ako ngunit hindi sa ganitong paraan. Hindi ito ang hiniling ko na mangyari.
Binuksan ko ang messenger ko at nakita agad ang pangalan ni Vera sa mga online. Kinakabahan ako, nagdadalawang-isip kung gagawin ko ba ang kanina pa tumatakbo sa isip ko.
Hindi naman siguro masamang mangamusta at magtanong, hindi ba?
Tumango ako sa sarili kong tanong sa isip ko. Kailangan ko lang talaga ng lakas ng loob at kapal ng mukha. Nag-isip na rin ako ng mga puwede kong sabihin para hindi naman ako magmukhang obvious.
Huminga ako ng malalim at icha-chat na sana si Vera nang mag-pop-up ang pangalan ni Adam sa mga messages. Nag-chat siya. Ngayon ko lang napansin na online rin pala siya.
Binuksan ko na lang ito para hindi niya isiping iniiwasan ko siya.
Amadeus Leonard Galang:
Gising ka pa?
Iyon ang chat niya sa akin. I chatted him back.
Tala Garcia:
Yep.
Bakit gising ka pa?
Amadeus Leonard Galang:
Matutulog na rin ako.
Ikaw? Bakit gising pa?
Tala Garcia:
Matutulog na rin mamaya.
Amadeus Leonard Galang:
Okay.
Mag-ba-back na sana ako nang napansin kong typing pa siya. Naghintay ako ng ilang minuto. At habang naghihintay, nag-iisip na rin ako ng mga sasabihin ko kay Vera. Marami akong gustong itanong. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin.
Natatakot akong magkamali, at hindi ako puwedeng magkamali.
Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone nang lumabas na chat ni Adam. Nagulat ako nang makita ang tatlong salita niyang chat na umabot ng mahigit limang minuto.
Amadeus Leonard Galang:
Are you okay?
Bahagya akong napangiti. Akala ko naman novela na ang tina-type niya kanina. Mag-re-reply na sana ako nang may chat muli siya.
Amadeus Leonard Galang:
You left without a word earlier. Nag-aalala lang ako baka may hindi magandang nangyari. You also ignored me when you came back to get your cart. But I'm fine. Gusto ko lang malaman kung okay ka.
Nalaglag ang panga ko sa gulat. Fuck. Oo nga pala! I forgot na nandoon pala siya kanina sa pagmamadali kong makauwi. Natakot kasi ako na baka bigla na naman silang sumulpot at guluhin na naman ang anak ko.
Fuck.
I'm sorry, Adam.
Hindi ko alam ang ire-reply at kung magpapaliwanag ba ako. Gusto ko rin sanang sabihin sa kan'ya na nagkaroon lang ng maliit na emergency kaya ako nagmadaling umalis, pero ayoko pa siyang mag-alala.
Tama nga talaga na hindi sa lahat ng oras kailangan mong magsabi ng katotohanan. I will not lie but I will not also tell him what really happened.
Tala Garcia:
Sorry.
I sighed.
Siguro nga dapat ko nang layuan si Adam. Kahit hindi sinasadya, masasaktan at masasaktan ko pa rin siya hangga't nandiyan pa rin ang nararamdaman niya sa akin. At ayoko namang mangyari iyon.
Mabuting tao si Adam. Hindi niya deserve ang katulad ko. Hindi niya deserve ang ganitong klase ng relasyon at treatment. Hindi niya deserve na masaktan.
Amadeus Leonard Galang:
I wasn't expecting you would tell me everything, but I hope one day you will trust me. I'm all ears at handang maging panyo mo.
Everything is going to be alright.
Goodnight, Tala.
Tinitigan ko isa-isa ang bawat salitang natanggap ko mula kay Adam. I trust him. Isa siya sa mga taong alam kong pagkakatiwalaan ko. Hindi lang tama na pati ang bagay na iyon kailangan kong sahihin sa kan'ya. It's personal.
Sumandal ako sa headboard ng kama at tumingala. Akala ko matatahimik na ang buhay namin pagkatapos kong magpakalayo-layo sa lahat. Akala ko matatapos na ang lahat ng paghihirap namin ng anak ko noong umalis siya. Umasa na naman ako na magkakaroon pa ng katahimikan ang buhay ko.
Nagulat ako at halos mahulog sa kama nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ang tumatawag.
Si Vera.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang screen ng aking cellphone. Bakit kaya siya tumatawag?
Malalim ang buntonghininga ko nang sinagot ko ang tawag. Pilit agad akong ngumiti nang makita ang mukha ni Vera sa screen. Video call nga pala ito kapag tumatawag sa messenger.
“Tala! Buti gising ka pa!” bati niya agad sa akin. “Katutulog lang ni Tito. Ikaw ang kanina pa niya hinahanap at si Oli. Tala, ikaw ang naaalala ni Tito at hindi ang—”
“Vera...” mahinang tawag ko dahilan para matigilan siya. “Kung iyan ang tinawag mo, hindi ako interesadong marinig. I'm glad he's awake, but please, stop mentioning his name in front of me.”
Totoong masaya akong marinig na okay na nga siya. Pero hindi ang ideyang nakalimot siya. Kung totoo nga na kami ang naaalala ng Tito niya, hindi imposibleng magkaroon na naman kami ng problema ni Sabrina. Kami na naman ang pag-iinitan niya pagkatapos ko siyang itaboy.
“Sorry, Tala. Masaya lang ako na kayo ang naaalala ni Tito. I'm sorry.” Malungkot ang boses ni Vera.
Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Vera na hindi dapat niya nararamdaman. Mali itong mga nangyayari ngayon. Hindi kami ang dapat niyang naaalala. Mas makabubuti pa sigurong kami na lang ang nakalimutan niya. Tutal kami naman ang sabit sa buhay niya.
“Ayos lang. Ikaw, kumusta ka?”
She smiled. “Masaya ako. Simula nang magising si Tito nawala na ang bigat sa dibdib ko. Kaya pasensya na kung nasabi ko 'yon. Sorry din dahil mukhang kailangan niyong bumalik dito sa Pilipinas. Hindi namin siya makausap ng maayos. Hindi rin siya kumakalma hangga't hindi niya kayo nakikita. Nakatulog lang siya dahil sa gamot na tinurok sa kan'ya ng doctor kanina. Sorry, Tala. Kailangan ko lang talagang sabihin ito. Bilang pamangkin, ayoko rin siyang mahirapan.”
Hindi ako makasagot. Naiintindihan ko siya. Pero sana intindihin niya rin ako. Hindi ko magagawa ang kahilingan niya. Kahit na paulit-ulit akong nasaktan, hindi ko pa rin iyon magagawa sa totoo niyang pamilya.
Alam ko ang pakiramdam na ma-itsapwera.
“Sorry, Vera. Pero hindi kita matutulungan.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro