Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11


Chapter 11


“Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw si Leo?” kuryosong tanong ko pagkatapos ng ilang araw niyang pag-iwas sa akin. Alam ko namang nahihiya lang siya kaya hiyaan ko muna siya sa kung anong gusto niyang gawin.

Hindi siya makatingin sa akin. Masyado na ring matagal ang siyam na araw para palagpasin ko pa ang mga tanong sa isip ko. Marami na akong iniisip. Dumagdag pa talaga siya.

I cornered Adam when he tried to avoid me, again, for the nth time.

Mabuti na lang talaga at halos magkasabay lang kami palagi na naghahatid sa mga bata. Parang noon lang. Siya rin ang palagi kong kakompetensya sa pagpasok ng maaga noong elementary.

Hinawakan ko siya sa braso at pinilit na harapin ako. “I will not talk to you again kapag iniwasan mo pa ulit ako.” I warned him.

Tiningnan niya ako na parang may malalim na iniisip bago bumuntonghininga.

“Alright.”

Bumaba ang tingin ko nang hawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. He pulled me to the bench where we often waited for the children.

Pinaupo niya ako na kinagulat ko. Ano naman kaya ang binabalak niya?

Natulala lang ako hanggang sa naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. I looked at him.

“Kung sinabi ko ba sa'yong ako si Leo kakausapin mo ako?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. “I approached you that day—”

“Ibig sabihin, alam mo nang ako si Tala noon pa lang?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

He nodded. “You never changed.” I saw him smile. “Maganda ka pa rin,” aniya sabay tingin sa akin na kinagulat ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

“B-bolero. Hmp.” Peke akong tumawa.

“I never lie.”

“You did. Hindi mo sinabing ikaw si Leo,” mabilis kong sagot sabay tingin sa kan'ya. Akala niya makakalimutan ko ang mga ginawa niya. Never.

“That's not a lie. Hindi ko lang sinabi sa'yo na ako si Leo. Magkaiba ang pagsisinungaling sa pagtatago ko ng totoo.”

“Pagsisinungaling pa rin ang hindi pagsasabi ng totoo. Adam? Saan naman nanggaling ang pangalan na 'yan? Parte ba 'yan ng plano mo? Adam? Tsk.” I rolled my eyes.

Sa dami ba naman ng taong makikilala ko iyon pang mga manloloko. Habulin talaga ako ng mga pesteng tao. Nakakainis.

“They call me Adam. If you wanna call me Leo, that's also fine. Mas gusto ko nga na tinatawag mo akong Leo kaysa Adam.” I heard him chuckled.

“At bakit naman?” pagsusungit ko.

“Dahil puwede rin akong maging bituin kagaya mo.”

Kumunot ang noo ko sa pag-iisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Magtatanong pa sana ako hanggang sa naalala ko iyong constellation na kapangalan niya. Kung iyon nga ang kan'yang tinutukoy.

“Okay. Sige. Sabi mo, e.” Tumayo ako at hinarap siya. “Maiwan na kita. May pupuntahan pa akong kliyente. Mag-usap na lang ulit tayo mamaya. Marami pa akong itatanong sayo, ah.” Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ko siya tinalikuran.

“Tala, saglit.”

Mabilis ko siyang nilingon ngunit mabilis rin akong napaurong nang nakatayo na pala siya. Muntik pa akong matumba at mabangga sa dibdib niyang mukhang matigas. Tsk.

Bakit hindi na lang ako nabangga? Joke!

“Bakit?” tanong ko habang hinahaplos ang noo ko.

“'Yong tanong ko kanina hindi mo pa sinasagot.”

Nagtataka akong nag-angat ng tingin. “Ha? Anong tanong?”

His lips straightened, disappointed. “Kung sinabi kong ako si Leo kakausapin mo ba ako?” pag-uulit nga niya ng tanong niya kanina.

It made me think. Wala naman sigurong masama kung nalaman kong siya si Leo... na childhood crush ko. Walang masama doon!

I shrugged. “Of course. Bakit naman hindi?” I chuckled, sarcastically. “Sige na. Baka hinihintay na ako ng mga ka-meet ko. Magkita na lang ulit tayo mamaya. Bye!”

Dali-dali akong umalis at hindi na hinintay ang sagot niya. I don't think I can actually speak soberly if I found out he was Leo. 

Mabuti na lang talaga nauna siyang mabuking kaysa sa akin. Sorry, Leonard, I won.

Pagkarating sa restaurant kung saan kami magkikita ng kliyente ko kaagad akong kinabahan nang makita si Sabrina.

Fuck.

What is she doing here?! Manggugulo na naman ba ang babaeng 'yan?!

Huminga ako ng malalim bago ko nilibot ang paningin ko para hanapin ang totoong pinunta ko rito. Kailangan ko siyang iwasan hangga't maaari. Nasa hospital pa nga ang asawa niya nagagawa pa talaga niyang pumunta rito para manggulo ulit.

“Tala! Here!”

Kumalabog ang puso ko nang mabosesan ang tumawag sa akin. Tangina. It was Sabrina. Siya ang kliyenteng pinag-aksayahan ko ng oras dito?! Tangina.

I don't know why I didn't figure this out earlier. Hindi nga naman siya nagpakilala para pag-aksayahan ko siya ng oras. Bakit hindi ko natunugan?! Ang tanga lang, Tala! Ang tanga ko na naman para magpaloko!

Sanay naman kasi akong makipag-meet sa mga clients kong hindi ko naman kilala personally. Nakikipag-usap lang sila through email and magbibigay ng location kung saan kami magkikita.

That's it!

Tapos si Sabrina pa ang makikita ko sa mga oras na ito?!

No way.

Hindi ko siya nilingon at nagsimulang maglakad palabas ng restaurant. I will talk to her again. Tama na ang pangbabastos niya sa akin. Tama na ang pananakot niya sa akin. Tama na ang lahat ng sakit at paghihirap naming mag-ina dahil sa kan'ya.

“Tala! Wait! Mag-usap muna tayo.”

Wala akong naririnig. Nagdiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa labas. Uuwi na lang ako kaysa mag-aksaya ako ng oras sa mga walang kwentang tao.

“Tala, please! Nagmamakaawa ako. Kailangan ko ang tulong mo.” Nanginig ang buong katawan ko nang hawakan niya ako sa braso at pinigilan.

Hindi ko muna siya hinarap. I took a deep breath, calming myself. Hindi niya deserves ang galit at ang buong lakas ko.

Kung makikita niya akong mahina mas magkakaroon siya ng lakas na pahirapan na naman ako at ang anak ko. Hindi ko na mapapalagpas iyon.

Mariin akong pumikit bago ko siya nilingon at kalmadong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

“I'm sorry, but I can't help you.” Nginitian ko lang siya bago ko siya muling tinalikuran.

Kahit na anong tulong pa ang hingin niya sa akin hinding-hindi ko siya matutulungan. Pagkatapos nang lahat ng ginawa niya sa amin ako pa talaga ang nagawa niyang lapitan?

“He needs his son's blood, Tala. Kailangan ni Oliver ng dugo. Hindi na sapat ang dugo na nakukuha niya sa hospital...” Narinig ko ang paghagulgol ng iyak ni Sabrina kaya nakatigilan ako.

Dugo? Pumunta siya rito para sa dugo ng pinakamamahal niyang asawa? At bakit dugo ng anak ko ang pinagdidiskitahan niya kung nandoon naman ang anak niya at ang pamilya ni Engr. Delgado?

Nagbibiro ba siya? Pwes, nakakatawa!

Patago kong kinuyom ang kamao ko sa galit at inis. Sa dami ng puwede niyang biruin ako pa talagang nananahimik ngayon dito sa Canada. Pareho talaga silang mag-asawa.

“Parang-awa mo na, Tala. Kailangan na kailangan lang talaga niya ng dugo—”

“Bakit dugo ng anak ko?” Hinarap ko siya sa inis ko.

Ilang taon pa lang si Oli. Hindi niya kakayanin at hinding-hindi rin ako papayag na pag-e-eksperimentuhan nila ang anak ko.

“Kung pumunta ka rito para manggulo... wala akong time para diyan, Mrs. Delgado,” ani ko na may diin sa dulo.

“No. I didn't come here to cause trouble. Nagsasabi ako ng totoo. Kailangan ni Oliver ng dugo. Pinasok siya ng operating room noong isang araw habang comatose siya. At nagkaroon ng problema during their surgery. Wala na akong maisip na ibang paraan para makahanap ng sapat na dugo na kailangan niya... kaya ako nagpunta rito. He needs blood as soon as possible.” Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nagmamakaawa.

Hindi ko malaman kung bakit hidi ko maramdaman ang hinihingi niyang simpatya sa akin gayong nasa bingit na ng kamatayan si Engr. Delgado. Naaawa at nasasaktan ako sa kan'ya pero ngayong kaharap ko si Sabrina hindi ko magawang maawa at matakot sa mga posibleng mangyari.

“Bakit sa akin? Bakit ang anak ko?” tanging tanong ko na lang sa dami ng iniisip ko ngayon.

“No one in his family matched with his blood. Kahit k-kay Oli...” she cried.

Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan. Paanong hindi mag-ma-match ang pamilya niya at ang dugo ng anak nila? I know he's talking about his son since pareho sila ng pangalan ng anak ko.

“I don't believe you. Gusto mo lang na pahirapan ako kaya ako ang pini-perwisyo mo. Tumigil ka na, Sabrina. Nakuha mo nang lahat ng gusto mo. Pati ba naman ang katahimikan naming mag-ina hindi mo pa rin tinitigilan?”

“Nagsasabi ako ng totoo, Tala. Hindi ako mag-a-aksaya ng oras at panahon para lang pumunta rito at guluhin ka.”

“Nagawa mo na. Remember?”

“Tala, naman! Hindi iyon ang usapan dito. Tatay ng anak mo ang nangangailangan ng tulong. Hindi ako magmamakaawa sa'yo kung hindi lang dahil kay Oliver na tatay ng anak ko at tatay ng anak mo. Maawa ka naman sa anak mo! Hahayaan mo bang mawalan siya ng ama—”

“Wala na siyang ama pagkatapos mo kaming takutin, Sabrina!” sabad ko bago pa niya manipulahin ang isipan ko. “I never wished to make this happen, pero sorry hindi kita matutulungan. He's just six years old. Hindi ko ibubuwis ang buhay ng anak ko para lang sa ikabubuti niyong mag-ina.”

Kahit na anong gawin niya, hinding-hindi na mababago ang isip ko. She made this happen. Pagkatapos niya akong takutin at ilagay sa kapahamakan ang anak ko, malayo nang makahingi pa siya sa akin ng tulong.

Galit ako sa kaniya, at kay Engr. Delgado.

But I still hope that he will wake up.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro