CHAPTER 10
Chapter 10
He's alive, but he's in a coma.
When Vera heard that news from her Mom, she flew back right away to the Philippines. She still blames herself so much that she wants to make up for it by taking care of him.
Kaya hindi ko na siya magawang pigilan kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Nagkausap lang sila saglit ni Oli bago siya nagpaalam sa amin.
Maging ako ay naapektuhan din sa mga nangyari. Hindi ko pa rin lubos maisip na posibleng hindi na muling makikita ni Oli ang kan'yang ama. Pakiramdam ko nagkamali na naman ako sa mga naging desisyon ko sa buhay.
Sana hinayaan kong makilala nila ang isa't isa.
Sana hindi ko pinairap ang pride ko at nagmatigas na kaya naming wala siya.
Sana nakilala ni Oli ng mas matagal ang Ama niya.
Sana hindi ko pinagsisisihan ngayon ang mga naging desisyon ko.
Sana hindi siya nagalit kay Vera para lang makausap si Oli.
Sana hindi siya naaksidente.
Sa daming sana na paulit-ulit na nagpapaalala sa akin na kasalanan ko kung bakit posibleng mawalan ng Ama ang kan'yang dalawang anak... isa lang ang hinihiling ko... sana magising siya at magkaroon pa ng pagkakataong makilala ang anak namin.
It's not Vera's fault... it's mine.
Bumaba ako ng kotse dala ang bag ni Oli at ang pag-asang kahit hindi na mabuo ang pamilya namin, magkaroon lang sana sila ng pagkakataong magkasama na dalawa. He will take Oli to school or they will have dinner together or they're playing anywhere they want. Just like a father and a son moment.
“Mimi, susundo mo po ako later?” tanong ni Oli pagbaba ko sa kan'ya sa kotse.
It's his first day of school.
Simula nang mag-aral si Oli ito ang palagi kong nilo-look forward. Nakakatuwa rin na hindi lang ako ang excited sa first day of school niya. Sa sobrang excited kasi niyang pumasok alas singko pa lang ng madaling araw ginigising na niya ako kahit eight thirty pa ang simula ng klase niya.
Naalala ko tuloy noong bata pa ako, ganitong-ganito ako kay Mommy. Tuwing first day of school nauuna kami palaging dumadating sa school ko. At iyon ang ipagpapatuloy namin ni Oli.
“Yes, baby. I will pick you up after school. Wait mo lang si Mimi sa classroom mo, ah?” paalala ko sa kan'ya.
Mabuti at hindi pa rin naiinis sa akin ang batang 'to sa ilang ulit kong pagpapaalala sa kan'ya ng mga dapat at hindi niya dapat gawin ngayong nagsimula na ang klase. Ilang araw na rin kasi namin iyong pinag-uusapan. Mabuti na lang talaga hindi siya nagmana sa akin. My patience is wearing thin.
“Good morning, Tala.”
Napalingon agad ako para tingnan kung sino iyon. Nagulat ako na makita si Adam. Bumaba ang tingin ko nang napansin kong kasama niya iyong batang babae na napagkamalan kong anak niya.
They're early. Mukhang magkakaroon pa kami ng kakompetensya ni Oli.
“Good morning,” sinagot ko na lang siya kaysa maging rude ako sa harap ng mga bata.
Binalik ko ang atensyon ko sa daan nang muli siyang magsalita.
“Good morning, little boy. What's your name?” Si Oli siguro ang kinakausap niya. Wala pa naman kasing ibang tao akong nakikita bukod sa aming apat.
I glanced at Oli when he stayed silent. Naabutan ko siyang nakatingin kay Adam na parang nagtataka kung bakit siya kinakausap nito.
Isa rin kasi sa pinag-usapan namin na huwag siyang makikipag-usap sa strangers. Now I know I can trust him.
I shook his hand that I'm holding to get his attention. “It's okay, baby, you can talk to him. He's your Kuya Adam.” I said as he looked up at me.
Oli smiled. “Hello, Kuya Adam. Ako po si Oli,” pakilala niya.
Adam chuckled, which caught my attention. I turned to him. “Huwag naman Kuya, Tala,” aniya bago bumaba ang tingin niya kay Oli. “It's Tito Pogi, Oli, not Kuya Adam. And she's Scarlet, my niece. You can be playmates and friends.”
Pansin kong sanay siya sa bata sa tono ng kan'yang pananalita habang kausap ang anak ko. Akong-ako rin na palaging kontrolado ang boses sa tuwing kausap ko si Oli.
Siya siguro ang madalas na nag-aalaga sa pamangkin niya.
“Okay, Tito Pogi,” sagot ng anak ko bago niya ako biglang hinila. Wala akong nagawa kun'di sundan siya at iwan ang mag-Tito.
Dinala ako ni Oli sa swing. Tutal maaga pa naman hinayaan ko muna siyang maglaro.
Napatingin ako kay na Adam nang napansin kong papunta sila sa direksyon namin. Gusto rin yatang maglaro ng pamangkin niya.
Naupo muna ako sa bench malapit kay Oli at Scarlet habang naghihintay ng oras. Hindi naman masamang hayaan ko muna siyang maging masaya kaysa hanapin niya nang hanapin sa akin ang Daddy niya.
Especially now na mas mahihirapan akong sagutin siya. I can't lie to him anymore dahil sa kalagayan ngayon ng Daddy niya.
“How's your friend? It's Vera, right?” Nagtataka akong nag-angat ng tingin.
“What did you mean?”
Sumunod ang tingin ko sa kan'ya nang umupo siya sa tabi ko.
He looked back at me. “I'm so sorry. Nakita ko kasi siyang umiiyak. So I thought—maybe I can—sorry. Nevermind,” aniya sabay iwas ng tingin. “That's so rude of me asking such a personal question.” He chuckled, can't look at me out of shame.
Napangiti ako. I looked away. “Okay lang. She's fine. Umuwi na rin siya sa Pilipinas that night.” Pagbibigay ko ng detalye sa kan'ya.
“Oh, okay. So... how about you?” tanong niya na mabilis kong nilingon. Nagulat ako nang nakatingin na rin pala siya sa akin. “When are you going back to the Philippines?” he added.
Nagkatitigan muna kaming dalawa bago ako muling umiwas ng tingin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na interesado siya sa akin. I tried to avoid him. Pero paano ko naman siya iiwasan kung palagi na lang siyang sumusulpot sa harap ko? Ayoko rin namang maging bastos sa tuwing kinakausap niya ako.
So maybe talking to him will change his mind. No malice. Ipapakita ko lang sa kan'yang hindi talaga ako interesado siguradong lalayo rin siya.
“We're not coming back,” tipid kong sagot.
“Bakit naman? Hindi mo ba namimiss ang Pilipinas?” tanong pa niya.
“Nothing good happens to me there.”
“Is it because of his father?”
Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Bakit niya naman naisip 'yon? At paano rin niya nalamang walang ama si Oli?
Nilingon ko si Adam sa inis ko. Naabutan ko siyang seryoso nang nakatingin sa mga bata na parang may malalim na iniisip.
“'Yon kasi ang rason kung bakit hindi na rin ako bumalik ng Pilipinas...” biglang sabi ni Adam dahilan para mas makuha niya ang atensyon ko.
“Ako ang tumayong magulang ni Scarlet nang mamatay si Ate sa panganganak at sama ng loob sa lalaking hindi siya pinanagutan,” pagpapatuloy niya. Nanatili akong nakatingin sa kan'ya, nakikinig. Nawala na rin tuloy ang inis ko dahil sa mga sinabi niya.
“Our parents lived half of their lives here. Dito na ang naging buhay nila sa Canada kaya hindi ko sila masisisi kung ayaw na nilang bumalik ng Pilipinas. Matatanda na rin sila para mag-alaga pa ng bata. Ako na lang ang inaasahan ni Scarlet. Dadalawa lang kasi kaming magkapatid ni Ate Sasha.”
Tahimik lang akong nakikinig kay Adam habang iniisip ang paghihirap niya sa pagpapalaki kay Scarlet. Hindi ko lubos maisip na may mga gano'ng tao o lalaki pa palang handang magsakripisyo para sa mga mahal nila sa buhay. Kaya rin ba hanggang ngayon wala pa rin siyang sariling pamilya?
“Before my sister gave birth, she told me not to bring Scarlet back to the Philippines because of her father. She probably knew she wasn't going to come out alive in the operating room.”
Lumingon sa akin si Adam. Nagkasalubong ang mga mata namin kaya hindi ko na siya magawang iwasan.
“I know my stories are incredible. As a guy who you just met a few weeks ago, it's okay if you don't believe me. I just want to say that we all have our own story that other people wouldn't want to hear but we're proud to share it with them. I love Scarlet more than the stars in the sky.” He smiled, genuinely.
I smiled back. I love my son too.
Pagkatapos ng araw na iyon halos araw-araw na kaming magkausap ni Adam sa tuwing hinahatid-sundo namin ang mga bata. Nakahanap ako ng kaibigan kay Adam maliban kay Trevor na palaging busy sa trabaho.
Siguro nga tama sila... na madali kang makakahanap ng comfort sa taong totoong maiintindihan ka. Na kahit hindi ko pa sinasabi sa kan'ya ang tungkol sa ama ni Oli pakiramdam ko alam niya na ang pinagdadaanan namin.
“Magdi-dinner kami ni Scarlet sa steakhouse. Wanna join?” anyaya ni Adam pagkalabas namin ng classroom nila Oli.
Tiningnan ko si Oli at nakitang nakikinig pala siya sa amin. “I wanna join, Mimi. Scarly told me masarap foods there. Right, Scarly?” At humingi pa nga siya ng tulong sa kaibigan.
“Yes po, Tita Ganda. Please, come with us.” Scarlet pouted.
“Oo nga naman, Gan—Tala.” Adam chuckled. “Sumama na kayo. It's my treat.” He pouted too.
I sighed. “Alright. Pinagtutulungan niyo akong tatlo, ah.”
Papayag naman talaga ako since may balak rin akong pakainin sa labas si Oli. His reward for always doing good in school.
Pagkarating namin ng steakhouse umorder agad si Adam ng pagkain namin. I let him since siya ang madalas rito. Hindi kasi kami mahilig mag-steak ni Oli kaya hindi ko rin alam kung ano ang best seller dito.
Habang naghihintay ng order namin pinapanood ko lang si Scarlet at Oli. Nag-uusap sila na parang may sariling mundo. Nasa harap ko naman si Adam na mukhang nakikinig rin.
“Leo?” boses ng pamilyar na boses. “Amadeus Leonard Galang! Our class salutatorian!”
I frowned when I realized who he was and that annoying name.
Nilingon ko si Trevor. “Siya si Leo?” nagtataka kong tanong.
Nagulat si Trevor nang makita ako. Nagpabalik-balik pa ang tingin niya sa aming dalawa ni Adam na parang isang krimen na makita kaming magkasama.
“Bakit kayo magkasama na dalawa? Last time I checked hindi kayo magkasundo hanggang maka-graduate tayo ng elementary...” aniya na hindi pa rin makapaniwala. Totoo naman iyon kaya nga hindi rin ako makapaniwala na si Leo na peste ng buhay ko noong elementary ang kasama namin ngayon.
“Don't tell me may gusto ka pa rin kay—”
“Long time no see, Trev!” Hindi na natuloy ni Trevor ang sasabihin nang biglang sumulpot si Adam. Inakbayan niya ito at hinila sa tabi niya. “What brings you here?” pangangamusta pa niya na halatang may gigil sa tanong niya.
Tumawa lang si Trevor habang inaalis ang kamay ni Adam sa balikat niya. “Malaki ka na para mahiya sa crush mo Leo. Since elementary alam kong may gusto ka kay Tala. Sinusulat mo pa nga 'yung pangalan niya sa likod ng lahat ng notebook mo. Nagpa-zero ka pa sa isang quiz natin para lang maging valedictorian si Tala kahit simula grade one ikaw ang top one namin. Tama ako o tama?” panunuya ni Trevor.
Tangina.
Kaya pala?
Napakamot na lang sa ulo si Adam at nahihiyang tumingin sa akin. “Cr lang ako...” aniya sabay talikod sa akin.
Napailing na lang ako at napangiti habang tinitingnan siyang hiyang-hiya sa mga sikretong ibinunyag ni Trevor.
My childhood crush.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro