✨ 40 ✨
CHAPTER 40
Nasa Canada na ako, finally.
Pagkalabas sa lobby ng airport, agad na hinanap ng mga mata ko si Trevor. Ilang ulit ko pang tiningnan ang cellphone ko sa pagbabakasakali na nagchat na siya. Mabuti na lang libre ang WiFi dito sa airport, dahil kung hindi mahihirapan talaga akong makausap siya.
Naglakad-lakad pa ako para hanapin si Trevor nang biglang may humawak sa balikat ko. Maagap akong tumalikod at sisipain na sana ito nang bigla itong nagtaas ng kamay sabay tawa.
"Easy! Napaghahalataan ang pagiging bouncer mo," he chuckled.
Sinimangutan ko siya. "Peste, akala ko kung sino."
Mas tumawa pa siya sabay baba ng kamay at kinuha ang mga gamit ko. "Ikaw naman kasi, kanina pa ako doon hindi mo naman ako pinapansin," aniya sabay turo sa pinanggalingan ko.
Sinundan ko naman 'yon ng tingin bago nagtataka siyang tiningnan. "Hindi kita napansin, seryoso ba?"
He slightly nodded. "Seriously. Definitely. Surely. One hundred percent, okay na?" he smiled, showing her two deep dimples.
Inirapan ko siya. "Pa-cute, ang bwisit."
"Atleast cute," sagot pa niya at saka ako inakbayan. "Tara na, hinihintay ka na nila sa bahay."
Sumunod na lang din ako nang nagsimula na siyang maglakad. Nanatili ang pag-akbay niya sa akin habang paglalakad, hanggang sa huminto kami sa harap ng isang kotse.
"Pumasok ka na sa loob, ilalagay ko lang 'to sa likod," aniya sabay alis ng pagkakaabay niya sa akin at saka ako pinagbuksan ng pinto.
Pumasok na lang din ako passenger's seat at hinayaan siyang maglagay ng mga gamit ko sa likod. Kokonti lang din naman iyon kaya hindi na siya mahihirapan doon. Kaya na niya 'yon.
Habang naghihintay sa pinsan ko, hindi ko pa rin mapigilang isipin ang mga naiwan ko sa Pilipinas. Si Daddy, ang mga kaibigan ko, si --- tangina.
Mariin akong napapikit. "Kalimutan mo na, Tala." bulong ko.
Huminga ako nang malalim bago nagmulat ng mga mata. Sakto rin ang pagpasok ni Trevor kaya mabilis akong ngumiti at nilingon siya.
"Salamat, Trev." I smiled.
"No probs. Mangyan nga napagbibigyan, ikaw pa kayang..." huminto siya at saka natatawang umiwas nang tingin.
"Joke mo pang-kanto sa Pilipinas. Funny. Hehe."
Inirapan ko siya at nagkunwaring naaasar kaya agad siyang tumahimik. Mabuti na lang din pang-Pilipinas ang joke niya, dahil kung hindi baka hindi ko siya magets.
Si Trevor ang pinaka-close ko sa lahat ng mga pinsan ko. Ilang taon pa lang kasi simula nang sumunod siya dito sa mga magulang niya sa Canada. Burakbol din kasi siya katulad ko, kaya napilitan silang kunin siya doon sa Pilipinas.
Nagsimulang magmaneho si Trevor nang hindi na ako inaasar. Natakot siguro. Well, speciality ko kasi ang manalo kaya wala siyang laban sa akin.
Duh, si Tala kaya 'to.
"Ano pa lang naisipan mo bakit ka pumunta dito? Masyado yatang biglaan," usisa ni Trevor nang hindi tumitingin sa akin. Seryoso kasi siya sa pagmamaneho.
Wow, nagbago na ang kupal kong pinsan. Seryoso na sa buhay. Well, good for him.
"May tinataguan kasi ako, ayoko namang magpahuli kaya lumayo na ako ng sobra," may halong biro na sagot ko.
"Ano naman ang atraso mo?" tanong niya at saglit na sumulyap sa akin. "Siguro nangabit ka sa may jowa sa bar? Ano?" pang-aasar pa niya.
Hinampas ko siya. "Huwag kang namemersonal, namumuro ka na, ah!" singhal ko.
"Hala, seryoso ba?" tiningnan niya ako na parang gulat na gulat.
Inirapan ko siya. "Tse, mabaog ka sana."
Tumingin ako sa labas at iniwasan ang mga tingin niya. Baka kasi makaramdam na apektado ako at paulanan ako ng kung anu- anong tanong. Mabuti nang manahimik kaysa magkagulo.
Pagkarating sa bahay nila agad akong sinalubong nina Tita at Tito, at ilan ko pang mga pinsan. Isa-isa nila akong niyakap at binati.
"How's your flight, Tala? Napagod ka ba?" tanong ni Tita Bella, kapatid ni Papa, na Mommy ni Trevor.
Ngumiti lang ako at umiling. "Okay lang po, Tita. Kayo po?" tanong ko pabalik habang naglalakad kami papasok ng bahay.
"Pasok ko na sa loob mga gamit mo, doon ka na lang sa kwarto ko. Tabi tayo," ani Trevor sabay kindat.
Nanliliit ang mga mata kong tiningnan si Trevor sa sinabi niya. Hahabulin ko pa sana siya nang tumakbo na siya sa loob.
Naalala ko rin na kasama ko pala si Tita Bella kaya agad ko siyang nilingon. "Sorry, Tita. 'Yong anak niyo pong 'yon sarap bugbugin."
Natawa naman si Tita sa sinabi ko. "Sinabi mo pa, Tala. Maging ako sumasakit na rin ang ulo sa pagpapatino diyan," reklamo rin ni Tita Bella sa anak niya.
Nagtawanan lang kami hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Naghanda sila ng maraming pagkain na sobrang ikinatuwa ko. Hindi pa rin kasi ako kumakain, ilang oras na.
Maliit lang ang pamilya namin, pero masaya. Nahiwalay nga lang kami dahil mas pinili ni Daddy na manatili sa Pilipinas. Apat lang silang magkakapatid at ang lahat ng iyon andito na sa Canada.
Masaya naman naming pinagsaluhan ang mga inihanda nilang pagkain. Labis na saya ang naramdaman ko sa mga oras na ito, ang iniisip ko lang ngayon ay si Daddy. Kung sana ay kasama siya siguradong mas masaya kami ngayon.
Siguro mamaya, o bukas ko siya tatawagan at ipapaalam na andito ako ngayon sa Canada. Hindi ko alam kung makakasunod ba siya dahil ss trabaho, pero sana kahit saglit makapunta siya.
Pagkatapos kong kumain naramdaman kong may tumabi sa akin sa sofa. Hindi na ako nagulat nang si Trevor iyon.
"Uy! Tahimik mo," aniya sabay siko sa akin.
Inirapan ko siya. "Namimiss ko lang si, Daddy."
"Oo nga, bakit hindi mo kasama si Tito Daddy? Sobrang biglaan talaga ng ---"
Nilingon ko siya. "Paulit-ulit ka naman, eh." I cut him off.
"Nakakabigla lang talaga. Bakit ba kasi?" pangungulit pa niya.
"Basta, next time ko na lang sasabihin. Ang kailangan ko ngayon, tulong. May alam ka ba na pwede kong pasukan? Kahit anong raket, basta legal."
Naningkit ang mga mata niya. "Parang pinapalabas mo naman na adik ako. Gwapo lang ako pero hindi ako adik."
"Oo na, basta tulungan mo lang ako," pagsuko ko para lang matulungan na niya ako.
Nagkibit-balikat siya, senyales na wala na siyang magagawa kun'di tulungan ako. Wala na naman talaga siyang magagawa, dahil sa ayaw at sa gusto niya ako ang masusunod.
Nagkibit-balikat na rin lang ako at tatayo na sana para ilagay ang mga pinagkainan ko sa lababo nang bigla niya akong hilahin paupo kaya agad akong napalingon sa kan'ya.
"Teka, ibig sabihin ba n'on dito ka na for good?" gulat niyang tanong na may paglaki pa ng mga mata.
Napairap ako sa ere bago siya tinatamad na tiningnan. "Hindi ba obvious?" pagsusungit ko. "Basta bukas, Trev. Bukas, ah." paulit-ulit kong sabi at saka tumayo hawak-hawak ang plato ko. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata para maalala niya.
Sa susunod ko na lang din siguro sasabihin sa kanila na buntis ako, kapag may trabaho na akong pagkukunan para sa mga expenses ko.
Natapos ang buong araw na pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari. Kung gusto kong maging malakas at makausad, kailangan kong tulungan ang sarili kong makaahon. Mahirap... pero kakayanin.
Kinabukasan agad akong sinamahan ni Trevor sa mga kakilala niya. Most of them are Filipinos kaya hindi na rin ako nahirapang makipag-usap. Ang kaso lang, hindi sila nangangailangan ng mga staff kaya unti-unti na akong nawawalan nang pag-asa.
"Medyo pagod na ako, Trev."
Umupo ako sa bench pagkalabas namin sa isang boutique shop na pagmamay-ari ng kaibigan niya. Medyo gutom na rin ako, kahit kumain naman kami ng almusal sa bahay. Umupo naman sa tabi ko si Trev at saka ako tinapik sa braso.
"Ano ba kasing problema? Bakit kating-kati ka na maghanap ng trabaho? Kaya ka naman naming pakainin---"
"Hindi nga kasi pwede," sabad ko sabay lingon sa kan'ya. "Kailangan kong mabuhay dito ng limang taon o higit pa, hindi naman pwedeng umasa lang ako sa inyo 'no."
"Anong hindi pwede? Pwedeng-pwede 'no, kahit habang buhay pa," pakikipagtalo pa niya sa akin. "Alam kong may tinatago ka, Tala. Sabihin mo na bago ko pa tawagan ang Tatay mo," pagbabanta pa niya.
Hindi ko alam kung paano, pero naramdaman kong kailangan ko na siyang sabihin kay Trevor. Sa tingin ko'y siya lamang ang makakatulong sa akin sa mga panahong 'to, kaya kung may dapat akong pagkatiwalaan, siya iyon.
Kinagat ko ang ibabang labi ko bago siya tinitigang mabuti sa mga mata. "Buntis ako, Trev," pag-amin ko.
Pansin ko ang pagbabago sa ekspresyon niya. Bakas ang gulat at pagkabigla sa reaksyon niya sa sinabi ko.
"Putangina! Huwag mo akong binibiro nang gan'yan, hindi ako natutuwa."
Seryoso ko siyang tiningnan sabay turo sa mukha ko. "Mukha ba akong nagbibiro?"
"Putangina!" sigaw pa niya sabay tayo sa harap ko. "Sinong ama?!" tanong niya na bakas na ang galit sa tono ng kan'yang pananalita.
Hindi ako nagsalita. Yumuko ako at hindi makatingin ng diretso sa kan'ya.
"Don't tell me siya 'yong --- Tala, naman! Hindi ka ba nag-iisip?! Hahayaan mong hindi niya panagutan ang bata?!" muli niyang sigaw.
Mas lalo akong nanghihina sa mga sinasabi niya. Kung alam niya lang ang pinagdadaanan ko, maiintindihin niya kung bakit ko 'to ginagawa.
Hindi rin gan'on kadali lahat, lalo na sa sitwasyon namin ngayon ng anak ko.
Nag-angat ako ng tingin. Bakas sa mukha ni Trevor ang inis. Daig pa niya akong magreact sa reaksyon niya ngayon. Natatawa ako pero hindi ko iyon pwede ipakita dahil baka mas magalit siya sa akin.
Tiningnan niya ako nang masama. Ngunit ilang saglit pa ay nawala rin ang inis niya at saka bumuntong hininga.
"So, anong plano mo ngayon?" nag-aalalang tanong niya.
I bit my lower lip then I answered him. "Bubuhayin ko ng mag-isa ang anak ko dito," I stated. "Kaya kailangan ko talaga ng tulong mo."
Saglit siyang tumingin sa malayo bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "May isa pa akong kilala, masungit 'yon pero mabait."
"Okay lang, Trev! Sanay na ako sa mga masusungit na tao, specialty kong magpalambot ng puso," tinaas ko ang kaliwang kamay ko sabay tayo. "Promise!"
"Sigurado ka ba? Iba na kasi ngayon, Tala. Buntis ka, hindi ba't bawal ang stress sa mga buntis?" nag-aalala pa niyang sabi.
Umiling ako. "Okay lang ako, Trev. Hindi na big deal sa akin ang gan'ong bagay, ako pa ba?" pagyayabang ko sabay kindat sa kan'ya. Inakbayan ko pa siya kahit medyo mas mataas siya kaysa sa akin.
"Sige, ikaw bahala. Basta, sabihin mo agad sa'kin kung susungitan ka ni Simon," bilin niya.
Tumango lang ako na parang kayang-kaya ko lahat. Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit sino pa ang iharap nila sa akin siguradong titiklop sa alindog ko.
Well, si Tala kaya 'to.
Pagkatapos naming mag-usap, niyaya ko agad siyang pumunta doon sa kaibigan niya. Wala naman siyang naging reklamo dahil mukhang naaawa siya sa akin. Gagamitin ko na rin muna ang awa na 'yon para mabuhay dito sa Canada. Lahat gagawin ko para lang mabuhay, pati na rin ang anak ko.
Natigilan ako nang huminto kami sa tapat ng isang commercial building. Tiningnan ko muna 'yon mula sa bintana bago ko nilingon si Trevor.
"Sa kan'yang business ba 'to?" kuryosong tanong ko.
Tumango siya. "Building niya 'yan, pero may isang bagay siyang pinagkakaabalahan."
Tumango-tango naman ako. "So, tara na?" medyo excited kong anyaya sa kan'ya.
Ngumiti naman siya kaga nagmadali na akong bumaba ng kotse. Habang naghihintay kay Trevor, pinagmasdan ko muna ang ilang palapag na commercial building sa harap ko.
Para kasi siyang mall, pero hindi gan'on kalaki. Masyadong magaling sa business ang kaibigan niyang 'yon, ah. Sana all.
"Tara na, Tala."
Sumunod naman ako agad sa kan'ya nang nauna na siyang pumasok sa loob. Hindi na ako nagtaka nang maraming bumati kay Trevor sa mga nakakasalubong namin. Iba na talaga ang panahon ngayon, kapag may itsura ka instant celebrity ka na.
Mabuti na lang maganda ako, kaya hindi na rin ako magtataka kung mamaya, bukas, o makalawa instant celebrity na rin ako.
Duh, si Tala kaya 'to.
Huminto ako nang huminto si Trevor sa tapat ng isang --- tumingala ako.
"Star Creative Studio..." mahinang basa ko sa pangalan ng tinigilan namin.
Mabilis kong nilingon ang kasama ko. "Photography studio, Trev?!" gulat kong tanong.
May mga picture kasi sa glass wall nito, at halata na isang photography studio nga itong tinigilan namin. Fuck! Bakit parang lumulundag ang puso ko sa sayang nararamdaman.
Tumango si Trevor. "Iyan ang pinagkakaabalahan niya, Tala. He's a professional photographer and a businessman."
Napa-ow ako bago muling pinagmasdan ang studio. Mukhang magkakasundo naman kaming dalawa. I can handle this. Easy.
Niyaya na niya akong pumasok sa loob kaya sumunod naman ako agad sa kan'ya. Namangha ako sa mga picture na naka-display sa wall. Halatang professional nga ang kumuha ng mga ito.
"Sy!" sigaw ni Trevor kaya agad akong napatingin sa direksyon niya.
Nahagip din ng mga mata ko ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin. Nakangiti itong nakatingin sa pinsan ko.
"Trevor Zane Tuazon, my favorite model. Long time no see..." ani nito at saka nakipagyakapan kay Trevor.
Malinis siyang tingnan mula ulo hanggang paa. Mukhang professional... pero there's something wrong... or there's something smelly.
Pinanood ko lang silang dalawa hanggang sa bumitaw na iyong lalaki. Mabilis namang dumapo ang mga mata nito sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na agad ko rin namang sinundan.
Mabuti na lang talaga may taste ako sa fashion, hindi niya ako maba-bash.
Bumalik ang tingin ko sa kan'ya nang bigla siyang nagsalita.
"Trevor, who is she? Girlfriend mo?" usisa nito habang nakaturo sa akin.
Umiling naman agad si Trevor. "Hindi, Sy. Pinsan ko 'yan," ani Trevor at saka ako tinuro. "Tala, si Sy. Sy, si Tala," pakilala niya sa amin.
Nagtaas naman ako agad ng kamay para makipag shake hands. Tiningnan niya lang ito na parang nangdidiring hawakan ang kamay ko.
Tangina. Suplado nga. Kainis.
"Okay," aniya at saka ako iniwasan nang tingin sabay tingin kay Trevor. "So, what's up? Anong maitutulong ko?" aniya pa.
Ngumiti naman agad ang pinsan ko na tila ipinagyayabang ang dalawang dimples niya.
"Kailangan kasi ni Tala ng trabaho, kung may ---"
"No," mabilis niyang sabi at saka kami tinalikuran. "I don't trust girls, Trevor, at alam mo 'yan."
Naglakad siya pabalik sa kung saan siya nanggaling kanina. Sinundan naman agad siya ni Trevor kaya sumunod na rin ako.
"Dali na, Sy. Trust me, maaasahan mo si Tala. She'll not dissapoint you," pagmamakaawa pa ni Trevor habang pilit na hinahabol ang lalaki. Kinuha niya ang braso nito at saka niyakap na parang naglalambing na jowa. "Please..." dagdag pa niya at saka nag puppy eyes.
Napangiwi naman ako sa kalandiang taglay ng pinsan ko. Kahit hindi nila sabihin, halata namang bakla iyong Simon.
So, ano namang problema niya sa aming mga babae? Sila nga nirerespeto namin, tapos kung maka-I don't trust girls siya parang hindi naman makatarungan.
"Bakit ba kasi?" rinig kong sabi nito sa pinsan ko. Huminto sila sa harap ko sabay sulyap sa akin. "Ano namang alam niyan? Siguraduhin mo lang na hindi ako aahasin niyan dahil ikaw ang ipapakulong ko," ani pa nito at saka tinanggal ang pagkakahawak ng pinsan ko sa braso niya.
Hinarap niya ako at taas kilay na tiningnan. "May boyfriend ako, five months pa lang kami kaya huwag kang magkakamali na ahasin siya dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin."
Natigilan naman ako sa pinagsasabi niya. Itataas ko pa lang sana ang isang kilay ko para sagutin siya nang nahagip ng mga mata ko ang pagsenyas sa akin ni Trevor na 'huwag mo nang patulan' look.
Huminga na lang ako ng malalim bago kalmadong nagsalita. "Don't worry, I don't trust boys naman. So, okay na?" sagot ko na lang.
Inirapan niya ako. "Fine. You can start whenever you want, just don't touch my boyfriend."
Napangiti naman ako agad sa sinabi niya at saka nag thumbs-up kay Trevor. "Thank you..." I mouthed.
Ngumiti lang si Trevor at saka hinarap si Sinom. "Thank you, Sy. Huwag kang mag-alala, magbabalik loob na ulit ako sa'yo. You can use me 24/7," he smirked.
"Dapat lang, 'no," ani Simon. "Sige na, may kliyente pa akong hinihintay. Sabihin mo na lang diyan sa pinsan mo na ayoko sa pokpok, okay? Sige, bye."
Tuluyan nang umalis sa harap namin si Simon kaya parehong malalaking ngiti kaming nagtinginan ni Trevor. Inakbayan ako ni Trevor bago kami nagsimulang maglakad palabas ng studio.
"See, I told you. Masungit pero mabait," pagyayabang pa niya.
Napangisi ako "Hindi naman," sagot ko. "Takot lang mawalan ng jowa," I chuckled.
Nagtawanan kaming dalawa bago tuluyang umalis sa building. Kumain muna kami ni Trevor sa paborito niyang resto bago kami umuwi.
Walang pasok ngayon si Trevor, pero may part time job siya mamaya. Kaya naman siyang pag-aralin ng mga magulang niya, parehong Doctor pa nga ang mga ito dito sa Canada. Pero pilit nilang pinapatino si Trevor para matutong kumayod para sa mga luho niya. Nag-iisang anak kasi ito kaya medyo pilyo at maluho, katulad ko.
Pagkauwi napagpasyahan kong tawagan si Daddy. Hindi na kasi ako mapakali sa pag-aalalang baka atakihin pa siya sa puso kakahanap sa akin.
I tried calling him through landline pero walang sumasagot. Sinubukan ko rin siyang tawagan sa cellphone pero wala rin.
Unti-unti na akong dinadapuan ng takot sa pag-aalalang baka may nangyari na sa kan'ya. Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Trevor.
Nakita ko siyang naghuhugas ng pinggan kaya agad ko siyang nilapitan.
"Trev," tawag ko pagkalapit ko sa kan'ya.
"Hmm?" sagot niya nang hindi inaalis ang atensyon sa paghuhugas ng pinggan.
"Hindi ko matawagan si Daddy. Baka may nangyari nang masama d'on," ani ko na hindi maitago ang pag-aalala.
"Hindi mo talaga matatawagan 'yon," aniya na parang walang pakialam sa pag-aalala ko. Seryosong-seryoso pa siya sa paghuhugas.
"Tangina naman, Trev. Seryoso ako, baka may nangyari na d'on."
Nilingon niya at saka nginitian. "Hindi mo nga kasi matatawagan 'yon kasi nga nasa eroplano, okay na?" aniya at saka muling bumalik sa paghuhugas.
"A-ano?"
He tsked. "Slow mo naman, gan'yan ba kapag buntis?" muli siyang lumingon sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata. "Papunta na siya dito. Tinawagan kasi siya ni Mommy kagabi, ayon nag-atubiling sumunod. Ano, okay na? Ano pang gustong mong ipaliwanag ko? Kung bakit hanggang ngayon toxic pa rin ang mindset ng mga Pilipino? Sorry, pero hindi na 'yon sakop ng siyensiya ko," litanya niya sabay ngisi bago bumalik sa paghuhugas.
Natulala ako at bahagyang lumapit sa upuang malapit sa akin at saka umupo.
Tangina!
Ito na nga ang sinasabi ko. Pakiramdam ko'y hihimatayin ako sa takot at kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam ang mangyayari, pero feeling ko galit si Daddy.
Maghapon akong naghintay kay Daddy, maghapon din akong inaasar ni Trevor na baka paluin daw ako sa pwet ni Daddy kasi palagi na lang daw akong tumatakas.
"Ayan kasi, takas ka nang takas sa bahay niyo, nakalunok ka tuloy ng pakwan. Masarap ba?" pang-aasar pa niya habang ako kanina pa kinakabahan.
Hindi na lang ako nagsalita at baka mas asarin pa niya ako lalo.
"Pero seryoso na, sinong ama? Hindi ba si Riley ang boyfriend mo? E'di si Riley ang ama?" usisa pa niya at mas lumapit sa akin sa sofa.
Matalim ko siyang tiningnan. "Kung hindi ka titigil hihilahin ko 'yang dila mo."
"Bakit na naman?! Nagtatanong lang naman ako," dipensa pa niya at bahagyang lumayo sa akin. "Sabagay, buntis ka nga pala. Mas umiksi ang pasensya mo. Sige na, hindi na."
Tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa may pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin, hanggang sa huminto siya at nilingon ako.
"Papasok na ako sa coffee shop, may gusto ka bang pasalubong mamaya?" seryoso ngunit may konting ngiti na tanong niya. Kahit hindi pala siya ngumingiti ng sobra nakikita pa rin ang dalawang dimples niya. Hay, sana all.
Nag-isip ako saglit bago sinabi ang gusto ko. "Gusto ko ng isaw, kwek-kwek at mangga," ani ko.
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. "Tangina! Wala ka sa Pilipinas, Tala. Saan mo naman ako paghahanapin niyan?" aniya sabay kamot sa ulo.
"Oh, 'di ba nagtatanong ka ng gusto ko? Tapos ngayon magrereklamo ka, ewan ko nga sa'yo. Basta gusto ko niyan," ani ko sabay irap.
"Bwisit! Kung hindi ka lang buntis masasapak kita," reklamo pa niya sabay padyak ng paa.
Natatawa ako kaya hindi ko magawang tingnan siya. Baka kasi hindi ako bilhan, eh. Naramdaman kong lalabas na siya ng pinto nang bigla akong may naalala.
"Trev!" sigaw ko sabay tayo at saka siya pinigilan.
Nilingon niya ako pero ang mga mata niya parang papatay na sa galit. "Ano? Baka may gusto ka pa, sabihin mo na."
Ngumiti ako sabay tumango. "Yung mangga sana hilaw. Salamat!" sigaw ko sabay bitaw sa braso niya. Nagmadali naman akong bumalik sa kwarto para wala na siyang reklamo.
Humiga ako sa kama at tahimik na tinitigan ang kisame. Tama si Trevor, baka nga hindi ako nag-iisip, baka nga tanga talaga ako dahil imbis na ipaglaban ang karapatan ng anak ko mas pinili kong tumakas at magpakalayo-layo.
Pero... mas pipiliin ko pang maging tanga at marinig ang lahat ng masasakit na salita sa kanila, kaysa ipagsiksikan ko ang sarili ko at ang anak ko sa lalaking may sarili nang pamilya.
Hindi 'man ako matalino... kaya ko namang ilugar ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro