Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 35 ✨


CHAPTER 35


Napawi ang nararamdaman kong galit sa pagtatago niya nang ilang araw sa simpleng alok niya na iyon. Gan'on na ba talaga ako karupok pagdating sa kan'ya? Nawawala ang lahat ng nararamdaman ko na parang gusto ko na lang siyang makasama.

Tumayo ako at taas kilay siyang tiningnan, binalewala ang pagpapa-cute niya.

"Ihahatid saan? Driver ba kita?" tanong ko.

Tila nagulat siya naging sagot ko at sa reaksyong ginawa ko.

Imbis na sagutin ay umurong lang siya at pasimpleng lumunok na agad kong nahalata dahil sa paggalaw ng adam's apple niya. Akala siguro niya ay isasawalang bahala ko lang ang hindi niya pagpaparamdam sa akin ng ilang araw. Neknek niya!

He cleared his throat, and then sighed. "If you're mad, okay sorry. Hindi---"

"Kung magso-sorry ka ayusin mo naman," I snorted, pagtutol sa dapat niya sanang sasabihin. "Hindi ka na nga nagparamdam sa akin ng ilang araw, lumalabas pa sa ilong ang sorry mo."

Inirapan ko siya at saka nagmadaling umalis. Nilagpasan ko siya na parang hindi ko siya nakikita. Tutal, wala rin naman siyang paramdam, lulubusin ko na.

Bahala siya sa buhay niya. Tsk.

"Tala!"

Natigilan ako na parang mas lalong nag init ang dugo ko sa kan'ya. Lumingon ako at matalim siyang tiningnan.

"Tala?! Hindi ba't Miss Garcia?" medyo may pagtaas ko nang boses na sabi. "Ano ba talagang trip mo sa buhay? Parang pinaglalaruan mo naman ako, eh!"

Mabuti na lamang at nakalabas na kami ng lobby kaya hindi na ako nahihiyang sumigaw. Hindi ko alam pero nag-iinit na naman ang dugo ko sa kan'ya. Alam ko namang wala akong karapatan, pero ang inis ko kan'ya umaabot na talaga sa dulo ng daliri ko sa paa.

Nanatili ang inis kong tingin sa kan'ya habang ang ekspresyon niya ay unti-unti nang nagiging blangko ang tingin. Para na naman niya akong binabasa na parang papel.

Ngunit imbis na magpaapekto, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ano?! Titingin ka na lang, hindi ka magsasalita?"

Instead of answering my questions, he walked closer to me, wearing his calm but dangerous eyes. Siguro ay naiinis na rin siya, hindi lang nagpapahalata.

Umurong ako, na sinundan lang din niya para makalapit sa akin.

"Wag kang lalapit sa akin, galit ako!" pigil ko sa kan'ya. Hindi siya nakinig at mas lalo pang lumapit sa akin.

Lalayo na sana ako nang bigla niyang abutin ang kamay ko at saka ako hinila papalapit sa kan'ya. Wala na akong nagawa nang bigla niya pa akong yakapin na parang ayaw na niya akong pakawalan.

"Sorry, Tala. Sorry..." aniya sa pagitan ng mga yakap habang hinahaplos ang buhok ko.

Marahan akong napapikit na parang dinadala na naman niya ako sa paraiso nang dahil sa mga sinabi niya. Fuck his fucking words!

Mariin akong pumikit at saka bumuntong hininga. Itigil mo na ang pagiging marupok, Tala! Tangina!

Itutulak ko na sana siya palayo nang bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Shit, nasusuka ako!

Tuluyan ko na siyang tinulak at bahagyang napahawak sa tiyan ko. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin. Lumayo na lang ako sa kan'ya at saka tumakbo patungo sa nakita kong malapit na damuhan.

Ibinaba ko ang bag ko at saka lumuhod para sumuka. Nakaramdam din ako ng hilo sa mga panahong 'to na parang gusto ko na lang humiga dahil sa panghihina.

Ilang segundo pa ang lumipas na pinipilit kong isuka ang lahat ng kinain ko simula pa kanina. Fuck! Ano bang nakain ko at ganito na lang ang nararamdaman ko?

"Anong nangyari?"

Bahagya naman akong napalingon sa gulat nang biglang may humawak sa likod ko. Hinaplos niya pa ito na tila nag-aalala sa nangyayari.

Napairap ako nang makitang si Engr Delgado 'yon. "Lumayo ka nga!" pilit kong sigaw kahit nahihilo pa rin ako.

Napapikit ako at pinakiramdaman pa ang sarili. Fuck! I really hate this feeling. Sa tagal ko nang hindi umiinom, parang naninibago na ako sa pagsusuka.

Mariin akong napapakit at saka bahagyang lumunok. Yuck!

"Tala, are you okay? Dalhin na kita sa hospital," I heard Engr. Delgado said, still caressing my back.

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagmulat ng aking mga mata at saka siya nilingon. Gan'on pa rin ang ipinapakita niyang ekspresyon, nag-aalala.

Inirapan ko siya. "No," tipid kong sabi.

Pinilit kong makatayo kahit pakiramdam ko'y babagsak ako ano 'mang oras. Hindi na rin ako nagulat nang inalalayan niya akong tumayo, hinayaan ko na lang din siya dahil mukhang kailangan kong ng tulong.

Nang tuluyan na akong nakatayo, naging sunod-sunod ang paghinga ko. Bakit parang kakaiba itong nararamdaman ko, malayo sa normal na pakiramdam tuwing nasusuka ako dahil sa kalasingan?

Hindi siya bumitaw sa pagkakahawak sa akin. Hinayaan ko siya hanggang sa kaya ko nang makatayo nang mag-isa.

"Are you drunk?" mahinang tanong niya dahilan para mabilis na kumunot ang noo ko.

I gritted my teeth, at saka matalim siyang tiningnan. "Kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang. I'm not drunk, so stop accusing me," mariin kong sabi.

"I'm just asking, and that's the only reason why---" aniya ngunit bahagya rin siyang natigilan na ipinagtaka ko.

Nanatili akong nakatingin sa kan'ya habang naghihintay ng mga susunod pa niyang sasabihin. Lumipas pa ang ilang minuto nang hindi siya nagsalita, hanggang sa bumaba ang tingin niya na mas lalo kong ipinagtaka.

Magsasalita na sana ako nang bigla na naman niya akong yakapin, iyong mahigpit na kahit ang pagtibok ng puso niya ay nararamdaman ko na. Mabilis iyon na parang galing siya sa malayong pagtakbo.

Saglit ko munang pinakiramdaman iyon bago ako nagpumiglas para bitawan niya nang mas humigpit lang iyon.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko.

Hindi siya nakinig at mas lalo pang humihigpit ang yakap niya sa akin.

"Please... hayaan mo muna ako, kahit saglit lang..." mahinang sabi niya sa pagitan ng mahigpit na yakap.

"Bakit ba kasi?! Para ka namang ewan!" muli ko na namang sigaw at saka pilit pa ring kumakawala sa pagkakayakap niya.

"P-please... I badly need this," aniya na agad kong nahimigan ang paggaralgal ng kan'yang boses.

Natigilan ako. "Umiiyak ka ba?" kalmadong tanong ko.

Umiiyak ba siya? Bakit naman siya iiyak, may ginawa ba ako? O may pinagdadaanan ba siya?

Tangina! Pinag-iisip pa ako!

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakayakap sa akin. Hindi na rin ako gumalaw nang naramdaman kong umiiyak nga siya.

Pakiramdam ko'y kasalanan ko kung bakit siya umiiyak. I know... I'm guilty.

Lumipas pa ang ilang minuto nang nanatili kami sa gan'ong posisyon. Hinayaan ko muna siyang yakapin ako hanggang siya na mismo ang kusang bumitaw sa pagkakayakap.

Nagtama ang mga mata namin, at bakas doon ang lungkot sa kan'yang mga mata. Naguguluhan ako sa kung anong nangyayari sa kan'ya. Parang kanina lang ay hindi naman siya nagpapaapekto sa inaasal ko.

Sumuka lang naman ako nagbago na agad ang ihip ng hangin. Mali ba na sumuka ako sa harap niya?

"B-bakit ka nagkakagan'yan?" naguguluhan kong tanong. "May ginawa ba akong mali?" dagdag ko pa.

Umiling lang siya sa tanong ko.

"Oh, bakit ka gan'yan?" medyo naiinis ko nang tanong. "Kung hindi ka magsasalita huwag mo na lang ako kausapin kahit na kailan."

Mas tinitigan ko siya sa kan'yang mga mata, nangungusap ito na parang may gustong sabihin. Hindi naman ako manghuhula para hulaan at basahin ang nasa isip niya. Nakakainis.

Napakamot ako sa kilay at nag-aamba nang sungitan siya ulit nang bigla kong napansin ang paggalaw ng adam's apple niya.

Tiningnan ko siya na parang naghihintay sa kung anong sasabihin niya, hanggang sa tuluyan nang gumalaw ang kan'yang mga labi.

"I think we need a PT."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "PT? Anong PT? Putangina?"

Tinitigan ko siya at mas lalo pang naguluhan nang bigla siyang napahawak sa sintido habang ang isang kamay ay nakawahak sa kan'yang bewang. Maging ang paghinga niya ay malayo sa pagiging normal. Na-te-tense ba siya?

Shit! Sisirain ba niya ang utak ko kakaisip.

Pilit kong pinigilan ang sarili kong magalit sa kan'ya. Kalma, Tala.

"Ano?" I sighed.

He took a deep breathe, na parang wala na siyang ibang choice kun'di magpaliwanag sa akin.

"Pregnancy test, Tala." he blurted.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro