Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 34 ✨


CHAPTER 34


Nanatili akong nakatayo at marahang huminga nang malalim. Nagdadalawang isip kasi ako kung haharapin ko ba siya o magpapatuloy na lang sa paglalakad. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kan'ya. Mas gusto ko na lang umalis at takasan siya.

Mahal ko siya, pero hindi ko alam kung ready na ba talaga akong pumasok ulit sa isang relasyon. Lalo na't andito na ako... unti-unti nang inaabot ang mga pangarap ko.

Should I give it a try?

Muli akong huminga nang malalim bago siya marahang nilingon, ngunit kasabay n'on ang matinding sakit ng ulo ko. Tila nagdilim din ang paningin ko kaya nakaramdam agad ako ng takot. Pinilit ko pa siyang lingunin hanggang sa nanlalambot na ang aking mga tuhod.

"Tala..."

Pilit kong inabot si Engr. Delgado para kumuha ng suporta nang tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

"Tala!"

*◁♡▷*

"Her head injury might cause her a lot of unconsciousness. Pahinga at alaga ang kailangan ng pasyente. Ilang buwan pa lang noong nangyari ang aksidente, hindi pa gan'on kagaling ang kan'yang mga sugat."

Habang nakapikit hindi ko maiwasang makinig sa usapan. Kanina pa ako mayroong malay, sadyang mas pinili ko muna silang pakinggan bago ko ipaalam sa kanila.

"Doc, tungkol ko pa sa amnesia niya."

Bigla naman akong naalerto sa tanong na iyon ni Engr. Delgado. Alam kong siya iyon, kahit hindi ko siya nakikita kilalang-kilala ko na ang boses niya.

"Bakit, anong tungkol sa amnesia niya?"

Mas lalo pa akong kinabahan sa naging usapan nila. Sigurado akong siya rin iyong Doctor ko noon kaya niya natatanong ito.

Tangina!

Please, 'wag naman po sanang lumabas ang totoo. Kung sakali na malaman nila, sana ako na lang ang magsasabi.

"Sigurado po ba kayong may amnesia siya? I'm with her for the past few days, at sigurado po akong naaalala niya ako. Kung paano niya ako tingnan, at kung paano niya ako tratuhin parang hindi niya naman po ako nakalimutan," aniya.

Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa kilig kun'di dahil sa takot na baka alam niya na talaga ang totoo. Siguro ay kumukuha lang siya ng sapat na ebidensya para sabihing wala talaga akong amnesia.

Please, Doc, save me.

"Posible," panimula ni Doc. "But that doesn't mean na wala talaga siyang amnesia. Alam mo naman sigurong nakakalimot ang isip... pero hindi ang puso, Engr. Delgado."

Paulit-ulit akong nagpasalamat sa aking isip. Nakahinga rin ako nang maluwag sa sinabing iyon ni Dr. Marasigan. Mabuti na lamang at tama iyong kutob ko na mapagkakatiwalaan ko talaga siya.

Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang nangyayari. Pareho silang naging tahimik na dalawa at walang nagbabalak na magsalita.

Napagpasyahan kong magbukas na lang ng aking mga mata para sana magkaroon 'man lang ng buhay ang kwarto, nang bigla namang nagsalita si Dr. Marasigan.

"Aalis na muna ako, tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka. Maya-maya ay magigising na rin si Tala, alagaan mo siyang mabuti at 'wag mo rin siyang hayaan na mapagod," paalam ni Doc kaya hinintay ko na lang siyang makalabas bago ako nagmulat ng aking mga mata.

Hindi pa rin kasi ako handang harapin siya sa ngayon. Sa laki nang pabor na hiningi ko sa kan'ya, parang wala pa akong mukhang maihaharap.

Makalipas ang ilang minuto, tuluyan nang nakalabas si Doc. Kumuha naman ako nang lakas ng loob para magbukas ng mga mata para harapin si Engr. Delgado.

Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko iyong mga sinabi niya kanina, na gusto niya raw akong ligawan. Fuck!

"Tala..." mahinang tawag niya dahilan para matigilan ako sa pagbubukas ng aking mga mata. Naghintay naman ako sa kung anong sasabihin niya kaya nanatili pa akong nakapikit at umaktong wala pa ring malay.

"Please... don't pressure yourself. Kung patuloy kang magkakaganito dahil sa akin, mabuti pang hindi ko na lang ituloy ang panliligaw ko. Kontento na akong nakikita kang masaya sa pag-abot ng mga pangarap mo," dagdag niya.

Nakaramdam ako ng panghihina sa mga narinig ko. Para akong sinasaksak sa puso sa mga katagang iyon. Dapat ba'y tinanggap ko na ang alok niya kanina at hindi na nag-isip pa?

Tangina! Bakit bigla-bigla siyang nade-desisyon? Wala naman siyang kasalanan.

Hinayaan ko na lang lumipas ang oras nang nakapikit. Nagsisimula na naman kasing gumulo ang isip ko. Naguguluhan na ako sa mga simpleng desisyon ko na may malaking epekto sa buhay ko.

Dalawang linggo ang lumipas na parang nawawala na naman ako. Nangangapa na naman ako sa dilim kahit may lubid naman akong kinakapitan patungo sa daang aking tinatahak.

Nakakainis. Kung sana nag 'oo' na lang ako sa tanong niya hindi sana ako paulit-ulit na nagsisisi ngayon. Nakakainis naman kasi, bakit bigla niyang binabawi ang tanong niya.

"Oh, bakit ka nakasimangot? Hindi ka na naman ba napagbigyan?"

Matalim kong nilingon si Vera. "Anong hindi napagbigyan?"

"Ni Tito, 'di ba kayo na?" walang preno niyang sagot sa akin.

Mabilis namang tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo? Bangag ka ba?"

Her forehead furrowed. "Sinong bangag, ako? Hindi 'no! Isang linggo na kaya akong hindi umiinom," depensa niya. "Wag mo ngang iniiba ang topic, so kayo na ba talaga?" pag-uulit pa niya sabay tabi sa akin.

Lumayo naman agad ako at umiling. "Ofcourse not, bakit naman magiging kami?" sagot ko sabay tingin sa ibang direksyon.

Paano magiging kami kung bigla niyang binabawi ang mga sinasabi niya? Kahit kelan talaga 'yon, paasa!

"Sinabi niya sa'kin na liligawan ka raw niya..." aniya na pahina ang boses. "Hindi ba sinabi sa'yo?" biglang taas ng boses niya dahil para lingunin ko siya sa gulat.

Matalim ko siyang tiningnan. "Sinabi, pero binawi agad. Okay na?!" medyo may pagtaas kong boses na sagot.

Napakunot naman ang noo ko nang bigla siyang ngumiti na parang nang-aasar. Ilang segundo pa siyang gan'on kaya muli ko siyang tiningnan nang masama.

"Tampo yarn?" aniya sabay tawa. "Ikaw kasi pakipot kaya binabawi. Bakit ba kasi hindi mo na lang sagutin agad," dagdag pa niya.

Inirapan ko siya "Ayoko nga, may dangal akong iniingatan 'no."

"Wow! Dangal pa nga, baka pride?"

Nilingon ko siya. "Ano namang masama sa pride ko? At saka hindi 'yon pride, iniingatan ko lang ang puso ko." depensa ko pa. "Bakit ba ako nagpapaliwanag sa'yo? Hindi naman ikaw ang sasagot."

"Bahala ka nga sa buhay mo, Tala. May kakilala pa naman ako, last time na nagpakipot siya ayon tumanda nang dalaga. Ikaw din," pananakot pa niya sa akin.

Inirapan ko lang siya. "I don't care. Sanay naman akong mag-isa."

"Okay, sabi mo eh."

Totoo naman lahat ng sinasabi ko. Iniingatan ko lang ang puso ko, hindi sa kan'ya, kun'di sa sakit kapag nalaman ko nang lahat ang totoo.

Alam kong may mga bagay pa akong dapat na malaman, at alam ko rin na kulang pa ang lahat ng sinabi niya sa akin sa La Union. Kailangan ko pa ng detalyadong paliwanag.

After our lunch, we both headed to her University. Doon kasi ako napadpad sa paghahanap ng may magandang offer sa photography class. Mayroon din silang special class ngayong summer kaya nagmamadali na rin ako sa pagkumpleto ng mga requirements ko.

"Tala, saan ka pa pupunta? Babalik na kasi ako sa klase ko," ani Vera.

"Papuntang cashier, magbabayad ng tuition?" sagot ko sabay turo sa direksyon ng building kung nasaan ang cashier.

"Sige, text mo na lang ako kung tapos ka na. Sasaglitan kita mamaya," nagmamadaling aniya na tinanguan ko na lang.

Dumiretso na ako sa cashier nang tuluyan na siyang nakaalis. Halos lahat ng mga tropa ko, dito nag-aaral sa school na pagmamay-ari ng pamilya ni Keenan, Ventura University. Ako lang ang nahiwalay dahil andoon si Daddy sa Montgomery University.

May discount din akong natanggap dito dahil kay Keenan, kaya matapos kong mag inquire hindi na rin ako nagdalawang isip pa na ayusin agad ang mga requirements ko. Sayang ang swerte 'no.

Napangiti ako nang walang pila sa cashier pagkarating ko. Dumiretso naman ako agad doon at saka nagbayad. Nagfull payment na ako na umabot ng mahigit dalawang daang libo. Para lang 'yon sa buong summer class ko dito.

Hindi rin naman nagdalawang isip si Daddy na bigyan ako ng pera para sa tuition ko. Aniya, basta sigurado at masaya na raw ako sa kursong kukunin ko okay lang daw kahit maglabas pa siya ng ilang milyong piso.

Kaya dapat, pagbutihin ko nang mabuti ang bawat desisyon kong gagawin. Ilang milyon na rin kasi ang nagastos niya sa akin sa Montgomery, oras naman para bumawi.

"Tala?"

Napangiti ako nang nakita ko si Keenan hindi kalayuan sa akin. Agad ko siyang sinalubong na patungo rin sa direksyon ko. Tapos na rin naman akong magbayad sa cashier, saglit din lang naman 'yon kaya hindi na ako inabot nang ilang oras.

"Uy, salamat sa discount. Iba talaga kapag may mayaman na kaibigan," biro ko nang tuluyan na akong nakalapit.

"Wala 'yon, basta ayusin mo lang ang pag-aaral mo," he said, then tap my head. Napangiti naman ako dahil doon. "Sayang din ang fifty percent discount na kinuha sa allowance ko," dagdag niya at saka ibinaba ang kamay niya.

Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang mga sinabi. "What?! Sa allowance mo 'yon galing?"

Tumango siya. "Oo, kaya ayusin mo. Ilang araw din kaming hindi makakapag-date ni Sese dahil sa'yo."

"Baliw ka!" hinampas ko siya sa braso dahilan para mapa-'aray' siya at humawak sa kan'yang braso.

"Bakit? Masakit 'yun, ah!" reklamo niya habang himas-himas iyong hinampas ko.

"Ikaw kasi baliw, bakit mo ginamit ang allowance mo? Kaya ko namang bayaran ng buo ang tuition ko 'no!" I blurted.

"Alam ko, pero mabuti na rin 'yon para hindi ka na problemahin ng Tatay mo. Sigurado ako, sumasakit na ang ulo n'on sa'yo. Ilang taon ka ba namang nag-aaral sa Montgomery, na mas mahal ang tuition kaysa dito."

Matalim ko siyang tiningnan sa mga dahilan niya. "Kahit na, nakakahiya sa'yo at sa mga magulang mo."

"Walang nagiging successful na mahiyain, Tala. Minsan ka lang magkakaroon ng pagkakataong ganito, kaya hayaan mo na. Ilang araw na overtime, mababawi rin lahat ng 'yon."

I pouted. "Thank you, Keenan."

Ngumiti naman siya at saka muling tinap ang ulo ko. "Welcome," aniya.

Nagbago na yata talaga ang ihip ng hangin. Hindi na siya masungit katulad ng dati. Nakakangiti na rin siya na bihira niyang ginagawa sa tuwing magkakasama kami. Siguro ay binago rin siya ng pagmamahal niya sa kan'yang girlfriend.

Well, hindi pala naman mabuti na pag-isipan pa namin ng masama si Eloise. Okay fine, she got my trust now.

Nagpaalam na rin ako kay Keenan na aalis na ako para sa pagbili ko naman ng mga gamit ko. Ite-text ko pa si Vera na tapos na ako dahil sasaglitan pa raw niya ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Katulad ni Red, graduate na rin si Keenan sa kursong BSBA katulad rin ni Vera. Ang alam ko ay si Keenan ang nagpapatakbo ngayon ng ilang business ng pamilya nila dito sa Pilipinas. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang niya at ang Kuya niya, kaya siya na lang ang naiwan dito para patakbuhin ang mga ito.

Masasabi kong swerte kaming lahat ng mga kaibigan ko sa kinalakihan naming mga Pamilya. Walang naghihirap at kinakapos sa buhay. Pero kahit gan'on, hindi pa rin kami nag-iiwanan sa ere. Hindi matutumbasan ng kahit anong yaman ang aming mga pinagsamahan.

To: Vera

Done. Papunta na akong mall

Umupo muna ako sa lobby ng building nila para hintayin siya saglit. Kung hindi siya magre-reply or magpapakita sa'kin after ten minutes ay aalis na ako. Ayokong mag-aksaya ng oras sa paghihintay. Marami pa akong aasikasuhin, kaya kahit na ilang segundo hindi ko dapat na sayangin.

Habang nakaupo, pabalik-balik ang tingin ko sa aking cellphone. Para tingnan kung may reply na ba siya, at para tingnan na rin ang oras. Nag-iinit na kasi ang pwet ko sa paghihintay. Ito kasi talaga ang isa sa pinakaayaw ko, ang pinaghihintay ako. Tsk.

"Miss Garcia."

Maagap akong napalingon sa tawag na 'yon. Shet! Bakit siya andito?!

Para naman siyang bulate, kung saan-saan sumusulpot.

Napalunok ako habang pinagmamasdan si Engr. Delgado na nakatayo malapit sa may pinto. Diretso ang tingin niya sa akin na parang ako ang pakay niya dito.

Bukod sa kung bakit niya ako tinitingnan ng ganito, iniisip ko rin kung bakit at paano niya nalaman na andito ako. Pagkatapos nang araw na iyon, hindi pa ulit kami nag-uusap.

Hindi na rin kasi siya nagpapakita sa akin. Kaya kahit gusto ko siyang makita, wala naman akong magagawa kun'di hintayin lang siyang magparamdam ulit.

Pinanood ko lang siyang unti-unting lumalapit sa akin. Mula sa seryosong ekspresyon, parang bumabalik na ulit siya sa dating masungit na Engr. na kilala ko. Para saan? Para magkaroon na ulit ako ng dahilan para layuan siya?

Tangina!

I secretly bit my lower lip when he stopped right in front of me. His serious face suddenly changed into half smiling.

"Hatid na kita?" he said right away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro