Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 33 ✨


CHAPTER 33


"Where have you been, Abigail? Halos dalawang linggo ka na naming hinahanap. Nagfile na rin kami ng case sa mga pulis sa sobrang pag-aalala namin," ani Daddy habang namamaluktot na ako sa pagkakaupo dahil sa takot.

I pouted. Nanatili ang tingin ko sa sahig at hindi makatingin sa kan'ya ng diretso.

"Nagbakasyon lang po ako..." mahinang sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy kaya mas lalo akong dinalaw ng takot.

"Nagbakasyon?" kalmadong sabi niya, ngunit bakas pa rin ang galit at takot sa boses. "Ni hindi ka 'man lang nagpaalam. Halos atakihin na ako sa puso dahil sa takot. Lahat ng gamit mo nandoon sa kwarto, pati na rin ang cellphone mo. Akala ko ay nakidnapped ka na kaya halos hindi na ako umaalis dito sa bahay at naghihintay ng tawag mo," dagdag pa niya.

Nanatili naman ang atensyon ko sa sahig nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Napalingon ako kay Daddy at naabutang hinihilot ang kan'yang sariling sintido.

Nakaramdam ako nang awa habang pinagmamasdan si Daddy. Kitang-kita ko ang stress at puyat sa mukha niya. Siguro ay hindi rin siya makatulog ng maayos nang dahil sa pag-aalala sa akin. Inaasahan ko na naman na mangyayari 'to, hindi ko lang inexpect na ganito pala kasakit na makita siyang nagkakaganito.

Bakit nga ba hindi 'man lang sumagi sa isip ko na magpaalam, kung puwede naman akong humiram ng cellphone o kahit telepono doon sa resort. Napakawalang kwenta ko talagang anak. Palagi ko na lamang pinasasakit ang ulo niya.

Marahan kong nilapitan si Daddy. "Sorry, Daddy. Hindi na po mauulit," ani ko at saka siya niyakap.

Tiningnan niya naman ako bago tipid na ngumiti kasabay nang pagyakap niya pabalik sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

Kailangan ko na talagang magbago para kan'ya. Siya na lang ang mayroon ako kaya dapat ko siyang ingatan.

Ipagpapatuloy ko pa kaya ang pinaplano kong pag-alis sa field na inaasahan nilang matatapos ko?

Fuck! Hindi ko na kaya pang patagalin ang pananatili at pagtitiis sa lintik na Engineering na 'yon. Habang tumatagal mas lalo lang akong nagiging pabigat sa kan'ya. Dapat nga ay matagal ko nang ginawa ito, baka nakakatulong pa ako sa kan'ya ngayon.

Huminga ako ng malalim bago lakas loob na nagsalita. Ayoko na rin namang patagalin pa 'to, mas mabuti na 'yong marinig niya ito mismo sa bibig ko kaysa malaman pa niya sa ibang tao.

"Dad, may sasabihin po sana ako."

Nanatili ako sa pagkakayakap sa kan'ya hanggang sa naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw. Hindi ako umalis, mas hinigpitan ko pa ang yakap. Ayoko kasing makita ang magiging reaksyon niya kung sakali na sabihin ko na ang desisyon ko.

Natatakot ako.

"Ano 'yon, Abigail?" aniya, naghihintay sa sasabihin ko.

Saglit muna akong nag-isip at kumuha ng mas maraming lakas ng loob bago magsalita. Mahirap din palang sabihin ang gusto mo sa taong umaasa sa iyo buong buhay mo. Pareho kasi sila ni Mommy na umaasang susunod ako sa mga yapak nila, na magiging isang magaling na Engineer. Kaya napakahirap talaga para sa akin na magdesisyon nang basta-basta.

Fuck!

Huminga pa ako ng mas malalim bago isinatinig ang pinakamahirap na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko.

"Gusto ko po sanang magshift ng course, Daddy," mahinang sabi ko bago mariing pumikit.

Sigurado akong magugulat siya o hindi kaya ay baka magalit sa sinabi ko. Hindi imposibleng mangyari 'yon... pero sana hindi.

Nanatili akong nakapikit at hinintay ang magiging reaksyon niya. Ngunit sa ilang minutong paghihintay ko ay wala akong narinig kahit konting kaluskos, tanging ang paghinga lang ni Daddy ang naririnig ko.

Nag-isip pa ako ng mga susunod kong gagawin, nang napagpasyahan kong magmulat ng aking mga mata. Aalis na rin sana ako sa pagkakayakap nang bigla niya namang hinaplos ang buhok ko na agad nakapagpahikbi sa akin.

Pinilit kong hindi umiyak sa ginagawa ni Daddy, hanggang sa nagsalita na siya na mas lalong dumagdag sa bigat ng nararamdaman ko.

"Matagal ko nang gustong marinig 'yan sa'yo, anak. Ang gawin mo ang bagay na totoong makakapagpasaya sa'yo," aniya na naging dahilan nang tuluyang kong pag-iyak.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap kay Daddy at saka sumubsob doon sa dibdib niya. Humagulgol ako nang iyak sa saya ng nararamdaman ko. Para kasi akong nakawala sa dilim na ilang taon kong pinagtataguan. Nakahinga ako nang maluwag na parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak.

Hindi ko na alam ang sasabihin. I just need his hug... my father's hug.

"Alam kong matutuwa rin ang Mommy mo sa naging desisyon mo, Abigail. Masaya kami sa kung anong tatahakin mong daan, anak ko."

Mas humagulgol pa ako nang iyak sa sinabi ni Daddy. Niyakap din niya ako nang mas mahigpit kasabay nang marahan niyang paghaplos sa buhok ko.

Thank you, Daddy.

Thank you, Mommy.

Thank you so much, Engr. Delgado.

Pagkatapos nang araw na iyon mas naging mas masiyahin ako. Bumalik ako sa Montgomery University para i-drop ang lahat ng subjects ko, at para na rin magpaalam sa mga kaklase ko.

Hindi naging maganda ang repustasyon ko sa University na iyon, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng masasaya at nakakainis na araw na nangyari sa akin doon. Naging pasaway 'man ako, alam kong hindi nila ako makakalimutan.

Duh, si Tala kaya 'to.

...And this is the beginning of a new chapter of my journey.

Habang naglalakad sa hallway na puno nang mga estudyante, pinagmamasdan ko ang dalawang babaeng nakatayo malapit sa posteng ilang metro ang layo sa akin. Masaya silang nag-uusap na parang walang iniisip na problema. Katatapos lang yata nang unang araw ng finals nila kaya ganito na lang karami ang mga estudyante sa labas.

Siguro ay nasagutan nilang mabuti ang exam kaya gan'on na lamang silang kasaya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na may ngiti sa aking mga labi. Masaya na akong nakikita silang masaya mula sa malayo. Matapos ko silang sungitan sa lahat ng oras, hindi ko na siguro kailangan pang magpaalam.

Hindi 'man naging solid ang samahan namin, masaya na akong nakikita silang unti-unting natutupad ang kanilang mga pangarap. I'm a proud Ate here.

Nakangiti kong nilagpasan si Serenity at Margarette na masayang nag-uusap. Hindi nila ako napansin na dalawa kaya hindi ko na rin sila inabala. They're still the best seat mate for me.

Dumiretso ako sa faculty room para i-drop ang subjects ko at para na rin humingi nang tawad sa mga teacher. Hirap pala maging sakit sa ulo, ang daming pagsisisihan sa huli.

Pagkatapos nang ilang oras natapos na ang lahat ng agenda ko sa University. Mabuti na lamang at wala doon si Engr. Delgado kaya mas mabilis pa sa inaasahan ko ang nangyari. Tinulungan na rin ako ni Daddy para mas mapabilis ang proseso.

"Tala!"

Napalingon ako agad sa sigaw na 'yon. Mula sa malayo, kita ko na agad ang malapad na ngiti ni Serenity. Maging ako ay napangiti na rin dahil doon.

Buong akala ko ay hindi na kami makakapag-usap, gumagawa pa rin talaga ng paraan si tadhana.

"Saan ka galing? Papasok ka na ba ulit?" masigla niyang salubong sa akin nang tuluyan na siyang makalapit.

Umiling ako. "Nag drop na ako, eh. Wala ka nang masungit na katabi," ani ko at saka pekeng tumawa.

Umiwas ako nang tingin at inilibot ang mga mata ko para hanapin kung may kasama siya. Wala si Margarette na kasama niya kanina. Siguro ay umuwi na, ano naman ang ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Hala! Seryoso ba, Tala?"

Nilingon ko si Serenity na halatang gulat na gulat sa sinabi ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko, OA talaga ang babaeng 'to.

"Mukha ba akong nagbibiro?" taas kilay kong tanong sabay turo sa mukha ko.

Hindi naman siya naka-imik na tila natakot sa pagsusungit ko. Bahagya akong tumawa at ginulo ang buhok niya.

"Char!" tawa ko. "Oo, nag-drop na ako, ngayon lang. Kaya ikaw mag-aral ka ng mabuti ha. Gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo," dagdag ko at saka inalis ang kamay ko sa ulo niya.

Ngumiti naman siya sa akin na kahit nakangiti bakas pa rin ang lungkot sa kan'yang mga mata.

"Hindi na ba tayo magkikita?" she asked, worrying.

"Magkikita pa naman siguro, hindi naman ako aalis ng Maynila. Kung gusto mo puntahan niyo na lang ako sa bahay paminsan-minsan," nakangiting sabi ko para naman mabawasan kahit konti ang lungkot sa kan'yang mga mata.

Mabilis namang kumurba ng ngiti ang kan'yang mga labi. "Oo naman! Dadalawin ka namin doon ngayong bakasyon, okay lang ba?"

"Ofcourse, anytime. Wala naman ba kayong special classes?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko pa rin alam. Baka meron?"

Napailing na lang ako at saka ngumiti. "Sige na, aalis na ako. Saan ka ba pupunta?"

She pouted. "Nanggaling ako sa cr, nasusuka kasi ako. Tapos nakita kita dito," aniya.

My forehead furrowed.  "Bakit ka nasusuka? Anong nakain mo?"

"Yung kanin yata sa bahay parang panis, iba 'yong amoy."

"Oh, bakit kinain mo pa iba na pala ang amoy. Baliw ka talagang babae ka!" ani ko na medyo may pagtaas ng boses.

"Kasasaing ko lang n'on, girl! Paano magiging panis," depensa naman niya.

"Ha? Ikaw kaya ang may sabi na amoy panis tapos kasasaing mo lang, ang gulo mo talagang kausap kahit kelan. Bahala ka nga sa buhay mo, sige na aalis na ako. See you soon! Babush," paalam ko at saka nagmadali nang umalis.

May pupuntahan pa rin kasi ako bago umuwi. Maghahanap ako ng University na tatanggap ng special class sa photography. Sana nga ay mayroon dito sa Montgomery para hindi na ako mahirapan pa sa paghahanap.

Bumalik ako sa kotse na pinahiram sa akin ni Daddy, kasama ang dating driver namin. Hindi na kasi niya ako pinapayagang magdrive kaya kahit gusto kong ako ang magdadala, wala naman akong magawa.

Natigilan ako sa paglalakad nang natamaan ng mga mata ko si Riley na may malapad na ngiting nakikipaglandian sa isang babae hindi kalayuan sa akin. Mabilis na nag-init ang ulo ko sa nakita. Matapos niyang buntisin si Veronica, hahanap pa yata siya ng bagong biktima.

Tangina!

Huminga ako nang malalim bago taas noo na naglakad papalapit sa kanila. Baka nakakalimutan niya, may amnesia ako at ako ang girlfriend niya sa mga oras na 'to. Baka nakakalimutan niya rin, bitchesa ako at kaya ko silang sunugin na dalawa.

Duh, si Tala kaya 'to.

"Babe!" sigaw ko. Sabay naman silang lumingon sa akin na bakas ang gulat sa mukha ni Riley.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad na parang nasa isang fashion show. Dapat lang nilang malaman na batas ako. Kaya matakot talaga sila.

"Who is she, babe?" pekeng ngiting tanong ko sabay turo sa babae nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila.

Hinalikan ko pa si Riley sa pisngi habang taas kilay na nakatingin doon sa babae. Kitang-kita ko naman ang takot sa mukha ng babae kaya mas lalo ko siyang tinarayan.

"Nilalandi mo ba ang boyfriend ko?" taas kilay kong tanong bago siya hinarap.

Hindi ko naman pinansin si Riley na pilit hinahawakan ang braso ko.

Pansin ko ang paglunok niya kaya mas lalo akong ginanahang asarin siya.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Pipi ka ba? O, bingi?" sunod-sunod kong tanong. "Tsk. Hindi na nga maganda may kapansanan pa, ipagpapalit mo ako d'yan, babe?" pagtataray ko pa sabay tingin kay Riley.

Umiling-iling naman si Riley na may namumula nang mukha. "H-hindi, babe. Nag-uusap lang---"

"E'di mag-usap na lang kayo habang buhay. Break na tayo!" inirapan ko siya sabay tingin doon sa babae. "Congrats, girl, magiging ina ka rin soon. Matakaw sa jugjugan yan, eh. Ninang ako, ha? Bye."

Umalis na ako at hindi na sila hinintay pang magpaliwanag. As I said earlier, magsisimula ako ulit, at kasama sa pagsisimula ko ang alisin ang mga toxic sa buhay ko. Obvious naman 'di ba, na nangunguna doon si Riley.

Hindi na rin siguro kailangan pang lumabas na wala talaga akong amnesia. Wala rin namang may pakialam, imbis na sabihin pa nga nila sa akin ang totoo sumakay din sila sa plano ko. Tsk.

Habang papalayo naririnig ko ang sigaw ni Riley. Tinatawag niya ako na parang kailangan kong lumapit dahil gusto niya.

Duh, si Tala kaya 'to.

Manigas siya, tutal mukha naman siyang tinitigasan doon sa babae katulad ng kalandian niya kaya nabuntis ang kapatid ko. Kung hindi siya magtitino, habang buhay siyang hahabulin ng karma. Mas mabuti na rin sigurong hindi sila magkatuluyan ni Veronica, masisira lang ang buhay niya sa lalaking 'yon.

"Miss Tala Abigail Garcia..." natigilan ako sa tawag na iyon mula sa likod ko.

Sigurado akong hindi iyon si Riley, at sigurado rin akong kilala ko ang boses na iyon. Fuck! Bakit niya ako tinatawag ng gan'on? Ang pogi.

"P'wede na ba kitang ligawan?" dagdag pa niya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kasabay nang unti-unting paghinto ng lahat sa paligid ko.

Ibig sabihin ba n'on hinintay niya ako at kanina pa siya nakikinig sa amin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro