Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 32 ✨


CHAPTER 32


Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya para gawin ang bagay na 'yon. Buong akala ko ay paninindigan niya ang mga sinabi niyang nirerespeto niya ako. But, he can't resist my beauty.

Duh, si Tala kaya 'to.

Yes... nangyari na ang nangyari, dito sa loob ng kotse niya. We shared every bit of our everything. Hindi ko inaasahan ang bagay na 'to, at mas lalo na ang ibigay sa kan'ya ang virginity ko. He is my first, but I know, I wasn't for him.

Wala akong pinagsisisihan at pagsisisihan sa mga nangyari sa amin. Alam kong mali, pero gusto kong gawin at ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko.

"Sigurado ka ba na hindi ka galit sa'kin?" he said, caressing my hand.

Marahan ko siyang nilingon at saka nginitian. "Bakit naman ako magagalit? Duh, maliit na bagay," sagot ko na may halong pagbibiro.

Mabuti na 'yong ganito, kaysa isipin pa niyang gustong-gusto ko ang mga nangyari. Ayoko ng gan'on, baka hindi pa siya makatulog.

Duh, si Tala kaya 'to.

He smiled back. "I --- If I get you pregnant, pananagutan kita."

Mabilis na namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?! Buntis agad? Hindi naman siguro, 'no!"

He chuckled sabay mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako agad doon na ngayon ay unti-unti na niyang inaangat. Ang kaninang gulat ay sinabayan pa ng mabilis na pagtibok ng puso ko nang marahan niyang hinalikan ang kamay ko.

"If ever lang naman," mahinang sabi niya pagkatapos halikan ang kamay ko. "Pakiramdam ko kasi nakabuo tayo," dagdag pa niya sabay ibinaba ang kamay ko sa may hita niya. Nanatili pa rin ang pagkakahawak niya doon, kaya maging ang mga mata ko ay hindi ko na rin maalis sa pagkakatitig.

Nakaupo kami ngayon sa harapan ng kotse niya, habang tinatanaw ang overlooking view ng malawak na dagat. Hindi ko alam kung nasa La Union pa rin ba kami, kasing ganda rin kasi ng dagat na tinatanaw namin ngayon iyong beach na pinanggalingan namin. Nagkataon pa na maganda ang tanawin kaya napagpasyahan muna naming magpahangin bago tuluyang umuwi.

Napailing na lang ako bago siya nanunuyang tiningnan. "Pakiramdam mo lang 'yon. Baog ako ano ka ba!" pagbibiro ko pa bago sana babawiin ang kamay ko nang hindi niya naman ito binitawan.

Napangiwi ako.

Ngumiti lang siya bilang sagot sa sinabi ko at saka mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Alam kong hindi, gusto mo ulitin pa natin para mas sigurado?" he smirked.

Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang hinampas sa braso gamit ang libre kong kamay.

Tangina! Akala siguro niya hindi ko gusto 'yon. Enebe!

"Baliw!" nasabi ko na lang bago pasimpleng umiwas ng tingin.

Fuck! I need some fresh and clean air. Pakiramdam ko'y nababalutan na ang utak ko ng berdeng hangin. Puro kalaswaan na ang naiisip ko.

"Cute..." mahinang sabi niya na malinaw pa sa ilog pasig kong narinig. Nilingon ko siya agad na ngayon ay seryoso nang pinagmamasdan ang tanawin.

Saglit ko muna siyang tinitigan habang wala pa sa akin ang atensyon niya. Masarap palang mamuhay ng tahimik at payapa... kasama niya.

Kung sakali nga na mabubuntis ako, pakakasalan niya kaya ako? Tsk. Assuring ka na naman, Tala! Manahimik!

I sighed.

"Akala po naman ako ang cute..." I pouted, at saka muling ibinalik ang tingin sa harap.

"Ikaw nga, sino pa ba?"

Agad kong ibinalik ang tingin kay Engr. Delgado na ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon. Napatitig naman ako sa mga mata niya nang hindi pa rin nagbabago ang seryoso niyang ekspresyon.

"You're the prettiest, cutest, coolest, and most amazing person I know," aniya na mas lalong kumuha ng loob ko. "And you should be grateful for that, dahil minsan lang ako humanga sa isang tao," dagdag pa niya at saka bahagyang lumapit sa akin.

Hindi na ako nakagalaw nang bigla niya na naman akong hinalikan sa noo na agad nakapagpabilis nang tibok ng puso ko. Palagi niya na lamang ginagawa ang bagay na iyon, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang itinitibok ng puso niya.

Kailangan ko na ba talagang maniwala sa kasabihang 'action speak louder than voice'?

Tangina, Tala! You still need a fucking assurance. 'Wag kang marupok!

Nanatili ang titig niya sa akin pagkatapos niya akong halikan sa noo. Maagap naman akong umiwas nang tingin nang nagsisimula na namang gumulo ang isip ko.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa harap at saka ko ito pinagmasdang mabuti. Nanatili ang titig ko doon habang pinapakiramdaman si Engr. Delgado sa tabi ko. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko, pero hindi ko mawari kung nasa akin pa rin ba ang atensyon niya. He's just seriously staring.

Hinayaan ko na muna siya para mas maramdaman ko ang aking tinitingnan. Na agad ko rin namang ikinabigo nang hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga bagay na gumugulo ngayon sa isip ko.

Sa mga nakalipas na buwan, masasabi kong baka gusto niya rin ako... pero alam ko rin na hindi magiging sapat iyon na dahilan para kumapit ako at umasang posible nga kaming dalawa.

"You should pursue your passion..." mahinang sabi niya sa tabi ko. Nilingon ko naman agad siya dahil doon.

Nagtataka ko lang siyang tiningnan. Anong ibig niyang sabihin?

"Nakita ko ang mga kuha mo sa La Union, and that's the best shot I've ever seen," dagdag pa niya kasabay nang unti-unting pag-ngiti.

Nakaramdam naman agad ako ng hiya sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin. Siya kasi ang unang taong nakakita at nagbigay ng compliment tungkol sa mga kuha ko. Wala rin naman kasi akong pinagsasabihan tungkol doon, kahit ang mga kaibigan ko.

Pinilit ko namang ngumiti at magpasalamat. "Salamat," nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman siya pabalik kahit halata sa mukha ko ang hiya. Saglit kaming nagkatitigan at binalot ng katahimikan. Wala nang nagbalak magsalita kaya mas lalo akong dinalaw nang hiya.

Umiwas na lang din ako ng tingin kaysa hayaan kong matunaw ako sa mga titig niya. Ayoko namang masira ang araw ko sa kahihiyan.

Matapos ang ilang minuto, naalala kong bigla iyong sinabi niya kanina. Siguro nga iyon talaga ang nararapat para sa akin. Iyon lang kasi ang nakapagpasaya ulit sa akin ng sobra. Sa tagal kong nagtitiis sa kung nasaan ako ngayon, hindi ko lubos maisip na magiging masaya pa pala ako ng ganito.

Masaya naman ako noong nabubuhay pa si Mommy, na parang lahat ng ginagawa ko nagiging komportable ako dahil andiyan siya at napapasaya ko. Pero noong nawala siya parang nawala lahat ng saya na mayroon ako, na parang puro sakit na lang ang naiwan sa akin.

Iyon pala... hindi ang mga bagay na ginagawa ko kaya ako nagpapatuloy, kun'di sa mga bagay na makakapagpasaya kay Mommy. Buong buhay ko umikot ang mundo ko dahil sa kan'ya at hindi sa mga bagay na tunay na makakapagpasaya sa akin.

Kaya simula nang mawala siya... naiwan ako sa dilim nang mag-isa.

"May kilala akong sikat na photographer sa isang university, gusto mong subukan?"

Agad ko siyang nilingon sa sinabi niya, at saka malapad na ngumiti. "Si Patrick Domingo ba 'yan?" ani ko na bakas ang excitement sa sinabi.

Tumango naman siya habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Pauwi na kami ngayon matapos ang ilang oras naming pananatili doon sa may overlooking view. Baka kasi abutin na naman kami ng dilim kaya napagpasyahan na rin naming umalis.

Hindi siya sumagot hanggang sa nilingon niya ako matalim na tiningnan. "No. Hayaan mo na nga, hindi naman magaling 'yon," mariin niyang sabi at saka ako inirapan.

Nalaglag ang panga ko sa inasal niya. At marunong na siyang umirap, ah! Palibhasa bagay sa kan'ya, at mas lalo pa siyang guma-gwapo sa paningin ko. Tsk.

Imbis na mainis mas lalo ko pa siyang kinulit. "Uy! Pakilala mo naman ako, idol ko yun, eh!" hinawakan ko siya sa braso at saka ito bahagyang niyugyog.

I smell something fishy kasi. Alam kong si Patrick Domingo ang tinutukoy niya, sa hulma pa lang ng mukha niya alam kong nagseselos siya.

Well, si Tala kaya 'to.

Hindi siya kumibo at nanatili pa rin ang tingin sa kalsada. Napangisi naman ako nang napansin ko ang pagkunot ng noo niya kasabay nang pag-igting ng panga niya.

Should I tease him more? Or, should I kiss him instead?

None of the above. Baka maka two rounds pa 'to. Asa!

Ngumiwi na lang ako at saka umayos ng upo. "Wag na nga lang, magpo-prostitute na lang ako."

I bit my lower so I can stop laughing. Shocks! Hindi ko lubos maisip na magagawa ko 'yon. Kahit siguro kumain ako ng ipis, 'wag lang ako maging pokpok.

Hindi pa ako tuluyang nakakaiwas nang tingin nang bigla na naman kaming huminto sa gitna ng kalsada. Napalingon naman ako agad sa paligid. Buti na lang at wala masyadong mga sasakyan.

Agad kong ibinalik ang tingin sa kan'ya. "Bakit ka bigla-bigla humihinto? Paano kung mabangga tayo," singhal ko sa kan'ya.

Nakatingin lang siya sa akin, at walang bakas ng kahit anong takot ang mukha niya. Iyong mga mata pa nga niya ay parang gusto na akong lamunin sa talim nang pagtitig niya.

"What?" kalmadong tanong ko, kahit nakakaramdam na ako ng takot.

Napansin ko naman agad ang paggalaw ng adams apple niya bago ito nagsalita.

"Magkano ka ba?" seryosong tanong niya na ipinagtaka ko.

My brows furrowed. "What did you mean?"

"Gusto kitang angkinin," tipid niyang sagot at saka ako niyakap. Nagulat naman ako doon kaya hindi ko na magawang magprotesta. "Ilang bilyong beses ko bang dapat na gawin 'to para lang tumatak sa isip mo na akin ka lang," aniya bago ako hinalikan sa buhok, sa pagitan ng mahigpit niyang mga yakap.

"Sa akin ka lang, Tala..." he added, whispering against my hair.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro