✨ 31 ✨
⚠️ RATED SPG ⚠️
Skip na lang kung may gatas ka pa sa labi. Susumbong kita sa Nanay mo. Lagot ka!
CHAPTER 31
Pagkatapos nang gabing 'yon, pinag-isipan kong mabuti ang lahat ng mga sinabi niya. Halos dalawang gabi akong hindi makatulog dahil doon.
Alam kong tama siya sa lahat ng mga sinabi niya, hindi ko lang alam kung paano at saan ako magsisimula. Dahil bukod sa magsisimula akong ulit ako sa umpisa, kailangan ko rin nang lakas ng loob para kausapin si Daddy at syempre si Mommy.
"Hindi ka ba talaga sasama sa amin sa Maynila?" tanong ko kay Veronica habang busy ako sa pagliligpit ng gamit.
Ngayong araw na kasi ang uwi namin ni Engr. Delgado sa Maynila. Kahit ayaw ko pang umalis sa lugar na ito, wala naman akong magagawa dahil marami pa akong kailangan gawin pag-uwi namin.
"Hindi na muna siguro, Ate. Nakausap ko na rin si Mommy, nahihiya na rin daw siyang magpakita sa'yo at kay Daddy."
Huminto ako sa pagtutupi ng damit bago marahang nag-angat ng tingin sa kan'ya.
"Alam ba ni Riley ang tungkol sa pagbubuntis mo?" kuryosong tanong ko, pag-iwan na rin sa sinabi niya.
Ayaw ko na rin namang pag-usapan ang past naming pamilya dahil hindi iyon makakatulong sa kan'ya. Alam kong mahirap ang magbuntis, kaya hangga't maaari gagawin ko ang makakaya ko para iligtas siya, kahit laban pa iyon sa pride ko.
Umiling siya. "Dito ko na rin nalaman sa La Union na buntis ako. Balak ko sanang sabihin sa kan'ya, ang kaso hindi niya sinasagot ang lahat ng tawag ko," aniya na halatang malungkot at nasasaktan sa nangyayari.
"Gusto mo bang sabihin ko sa kan'ya?"
Maagap siyang umiling-iling. "Wag na, Ate. Ako na ang bahala, baka sa susunod na buwan lumuwas din ako ng Maynila para sa iilang requirements ko na naiwan ko doon," pagtanggi niya sa alok ko. "Ayoko rin kasing pati iyon maging problema mo pa. Marami na akong kasala---"
"Kalimutan mo na nga 'yan!" sabad ko sa dapat niyang sasabihin. "Past is past, ang ngayon ang importante. Iyang baby mo, ingatan mo 'yan ha?" tumayo ako at nilapitan siya.
Mahigpit ko siyang niyakap na mukhang hindi niya inaasahan dahil bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Naramdaman ko rin naman agad ang pagyakap niya pabalik. Napangiti ako.
"Opo, Ate. Sana magkita pa tayo ulit... para naman mas makabawi ako sa'yo," aniya sa pagitan ng mga yakap.
"Oo naman, magkikita pa tayo ulit. Alam mo naman kung saan ako hahanapin," ani ko at saka bumitaw sa pagkakayakap sa kan'ya. Ngunit nanatili pa rin ang mga kamay ko sa balikat niya at hinarap siya ng maayos.
"Punta ka lang sa bahay, isama mo ang Mommy mo para magkakasama na ulit tayong lahat." I smiled.
Tumango naman siya sabay tipid na ngumiti. "Makakaasa ka, Ate."
Matapos naming mag-usap, bumalik na rin ako agad sa pag-aayos ng mga gamit. Nagpaalam na rin muna siyang babalik sa trabaho, aniya nagpaalam lang daw siya saglit sa Manager nila na bibisitahin ako.
Napangiti ako habang inaayos ang mga gamit ko. Maganda rin pala iyong nagbabakasyon ng walang dala, dahil uuwi ka ng maraming dala pauwi. Next time na aalis ako, hindi na lang din ulit ako magdadala ng gamit.
Mas binilisan ko na ang pag-aayos ng mga gamit. Maya-maya ay baka magyaya na rin kasing umalis si Engr. Delgado, mas mabuti na iyong handa ako anumang oras. Magbabayad lang daw kasi siya at may kakausapin sa labas kaya ako naiwan dito sa kwarto ng mag-isa. Mabuti na lang dumating si Veronica para may makausap ako.
"Ate, mag-iingat kayo. See you soon..." mahinang paalam ni Veronice sabay yakap.
"Ikaw din, mag-iingat kayo ng baby mo."
Niyakap ko rin siya pabalik at saka hinagod ang likod niya. Sana ay hindi magkaroon ng kahit anong komplikasyon ang pagbubuntis niya, lalo na't nagta-trabaho siya at nag-aaral at the same time. Mapapatay ko talaga ang Riley na 'yon kung nagkataon.
"Let's go," ani Engr. Delgado. Siguro ay tapos na siyang magsakay ng mga gamit namin sa kotse.
Marahan akong bumitaw kay Veronica at saka siya nginitian. "Tumawag ka lang kung may kailangan ka," ani ko.
"Sige, Ate. Iyon pa rin ba ang number mo?"
Fuck! I almost forgot. Nagpalit nga pala ako ng number nang dahil sa aksidente. Nasira kasi ang cellphone ko doon, kaya bumili na lang si Daddy ng bago.
"Ibigay mo na lang pala sa akin ang number mo at ako na ang tatawag sa'yo. Nagpalit na nga pala ako ng number."
Agad akong lumapit kay Engr. Delgado para manghiram ng cellphone.
"Pwedeng humiram ulit ng cellphone? Ise-save ko lang ang number ni Veronica," sabi ko pagkalapit ko kaagad kay Engr. Delgado.
Wala namang pag-aalinlangan na kinuha ni Engr. Delgado ang cellphone niya sa kan'yang bulsa at saka ibinigay sa akin.
"Thank you," ani ko sabay ngiti.
Bumalik naman agad ako sa kay Veronica. Mabilis kong binuksan ang cellphone ni Engr. Delgado bago sana ito ibigay kay Veronica nang laking gulat ko nang makita ang mukha ko sa screen. The fuck!
Bahagay kumunot ang noo ko bago nilingon si Engr. Delgado na busy na ngayon sa pag-aayos ng kan'yang kotse. Napabuntong hininga na lang ako bago ibinalik ang tingin sa kan'yang cellphone.
Ito iyong picture naming dalawa sa tabing dagat. Ang kaso nga lang crinop niya ito at pagmumukha ko na lang ang nakikita ko. Baliw din pala ang lalaking 'to, ano ako jowa niya para gawin niyang wallpaper?
Tsk. Iba na talaga ang nagagawa ng mga magaganda, pinag-aagawan ng sambayanang Pilipino.
Well, si Tala kaya 'to.
Isinawalang bahala ko na lang muna iyon at saka binuksan ang cellphone niya. Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin tungkol doon, at tatanungin kung bakit niya ako ginawang wallpaper. Ni hindi 'man lang siya nahiya sa ginawa niya, tapos pinahiram pa niya sa akin itong cellphone niya.
I sighed.
Inabot ko na lang kay Veronica ang cellphone at saka ipinalagay ang number niya. Kinuha niya naman agad ito at saka nagtipa doon. Pinanood ko lang siya, habang ang isip ay lumilipad pa rin sa kung bakit niya ako ginawang wallpaper.
Hindi ko siya maintindihan. Ayokong isipin na gusto niya rin ako, dahil never niya namang sinabi sa akin 'yon. Duh, si Tala kaya 'to at hindi ako assuming.
Pero, bakit?
Ano naman ang dapat kong isipin? Kung hindi niya ako gusto, then why did he do that. Gawain lang 'yon ng lalaking may jowa 'no! Or else... crush niya ako?
Fuck! Hindi ka assuming, Tala. Kaya 'wag na 'wag mong iisipin 'yan! Kalimutan mo na... lalabas din naman ang katotohanan.
Pagkatapos naming magpaalaman ni Veronica, umalis na rin kami agad ni Engr. Delgado.
Pagkauwi ng Maynila, tatawagan ko agad siya para kamustahin, pati na rin ang bata. Hindi ko sasabihin kay Riley kung anong nalalaman ko, hahayaan ko si Veronica na gawin iyon gaya ng gusto niya. At saka, siya naman iyong nagbubuntis kaya wala na akong magagawa sa kung anong magiging plano niya.
Naiinis lang ako dahil walang kwentang lalaki talaga 'yon. Gusto ko siyang sakalin, hindi para sa akin kun'di para sa baby na dinadala ni Veronica. Tangina!
"Nasaan na ang cellphone ko?"
Mabilis kong nilingon si Engr. Delgado sa sinabi niya. Hindi ko siya naintindihan kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
"A-anong sabi mo?" tanong ko.
"Cellphone ko... hindi mo pa binabalik," aniya nang hindi tumitingin sa akin. Agad akong natauhan sa sinabi niya.
"Ay oo nga pala!" I bit my lower lip sa hiya at saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa ko. Sinilid ko kasi iyon kanina doon bago kami umalis.
Binigay ko naman agad kay Engr. Delgado ang cellphone niya sa kalagitnaan ng kan'yang pagmamaneho.
"Salamat," ani ko.
Kinuha niya naman ito nang hindi pa rin tumitingin sa akin at saka maingat na inilagay sa bulsa niya.
Napangiwi ako nang naalala ko na naman iyong wallpaper niya.
Itatanong ko ba, o hindi? Nakakahiya. 'Wag na lang siguro. Wala namang mawawala sa'kin, kahit gawin niya pang wallpaper sa buong bahay niya ang picture ko wala namang mawawala sa akin. Natural lang sa mga magagandang kagaya ko na magkaroon ng picture sa mga fans ko. Duh!
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa kalsada kaysa isipin ko pa iyong picture ko. Maganda naman ako kahit saang anggulo, kaya wala akong dapat na ika-bahala.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang wala 'man lang sa amin ang nagtatangka na magsalita. Inaantok na rin ako sa katahimikang bumabalot sa amin. Shet!
Tutulog ako! Bahala na siya sa buhay niya, ayaw din naman niya akong kausapin. Tutal, kailangan ko rin ng lakas bago ko kausapin si Daddy. Ilang araw akong nawala, hindi imposibleng nag-alala siya ng sobra sa akin.
"Matutulog na muna ako," mahinang sabi ko.
Nilingon ko siya, ngunit nasa pagmamaneho pa rin ang buong atensyon niya. Seryoso lang siya doon na parang may malalim na iniisip.
Umayos ako ng upo sabay ibinalik ang atensyon ko sa kalsada. Saglit din akong napaisip sa kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya.
Mukhang ayos lang naman siya kanina. He even teased me earlier na tumaba raw ako ng konti. I didn't bother 'cause I actually prayed for it. Matagal ko na rin namang gustong tumaba, mahirap lang sa kalagayan ko dahil sa araw-araw kong pagpupuyat at pag-inom.
At dahil hindi talaga ako mapakali, muli ko siyang hinarap. I badly wanted to know kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya.
"May problema ba?" I asked.
Nanatili akong nakatingin sa kan'ya habang naghihintay ng sagot. Alam kong may problema, dahil kung wala... kanina pa niya ako kinakausap.
Nakaramdam ako ng inis nang ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsasalita o kahit ang lumingon 'man lang. Wala naman akong ginagawa sa kan'ya para supladuhan niya ako.
"Hindi mo ba talaga ako kikibuin?" tanong ko na bakas na ang pagtitimpi.
Mas lalo akong nainis nang imbis na kausapin ako ay binuksan niya lang ang bintana ng kotse bago muling bumalik sa pagmamaneho.
I tsked. "Edi 'wag. Ikaw may gusto niyan, ah!" I hissed.
Inirapan ko siya sabay crossed arm at medyo padabog na sumandal. 'Wag na 'wag niya lang talaga akong kakausapin at kukulitin, makakatikim siya sa akin.
Matutulog na talaga ako. Bahala siya sa buhay niya. Hmp.
Mariin akong pumikit at bahagyang sumandal sa pinto ng kotse. Matutulog na sana ako ng tuluyan nang bigla akong nakaramdam ng pag-alog kaya maagap akong napabukas ng mga mata.
Tinignan ko agad si Engr. Delgado na ngayon ay medyo pinagpapawisan. Huminto rin kami sa isang tabi na mas lalo kong ipinagtaka.
"Are you okay?" aniya na mukhang nag-aalala. Kanina ay ayaw na ayaw niya akong tingnan at kausapin, pero ngayon ay halos nilalamon na ako ng mga titig niya.
Tumango na lang ako bago nag-aalalang tumingin sa paligid. "Anong nangyari? May nabangga ba tayo?" tanong ko bago muling ibinalik ang tingin sa kan'ya.
Hindi na ako nagulat nang nanatili ang atensyon niya sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko, matapos niya akong iwasan kanina, para na naman siyang cctv camera na ayaw akong pakawalan ng tingin.
Napabuntong hininga na lamang ako bago hinawakan ang pinto ng kotse nang bigla niya akong pinigilan. Nagulat ako, ngunit mas nagulat ako nang siniil niya ako ng mainit at mariing halik sa aking labi.
Kumalabog ang puso ko bilis ng pangyayari. Hindi ko alam ang gagawin. I didn't know it was coming.
Ilang segundo pa ang lumipas nang gumalaw ang mga labi niya na kusang sinundan din ng paggalaw ng mga labi ko. Fuck! We're fucking kissing.
Mas uminit at dumiin ang bawat paghalik niya na mas lalong nagpabilis nang tibok ng puso ko. Nakaramdam na rin ako ng matinding init sa aking katawan habang mas tumatagal at lumalalim ang bawat paghalik niya.
Napapikit na lang ako nang naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang naglalakbay na ngayon sa katawan ko. Marahan niyang hinagod ang bewang ko patungo sa likod ko pataas.
Shet! Mas umiinit ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nagliliyab na ako sa init. Umakyat ang mga kamay niya sa leeg ko at doon ako mahigpit na hinawakan. Mas dumiin ang mga halik niya kasabay nang pagpasok ng dila niya sa bibig ko.
Pakiramdam ko'y bumaliktad ang sikmura ko sa sensasyong nararamdaman ko ngayon. My body is begging for more.
Sumunod lang ako sa bawat paggalaw ng mga labi niya at ang dila niyang labas pasok sa bibig ko. Fuck! I want more...
Napaungol ako nang bumaba ang paghalik niya patungo sa leeg ko. Nanatili akong nakapikit at hinayaan siyang halikan ako doon.
Mariin akong pumikit kasabay nang mabilis kong paghinga nang unti-unti pang bumaba ang mga halik niya.
Fuck! I think, I know where we are going.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro