Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 30 ✨


CHAPTER 30


Pagkatapos naming manood ng sunset, napagpasyahan naming dumiretso sa resto para magdinner. Nagugutom na rin kasi ako. Dahil yata sa pagiging hyper ko kanina nawala ang lahat ng kinain ko maghapon.

Napangiti ako nang nakita ang mesa naming punong-puno ng pagkain. Shet! Gutom na gutom talaga ako!

Simula kanina hindi pa rin nawawala ang saya sa puso ko, at bakas iyon sa labi kong hindi na nawala ang malapad na ngiti. Ang kinakatakot ko lang naman sa ngayon, ay ang kapalit nitong sakit at lungkot. Alam kong lahat ng bagay may kapalit, lahat ng bagay hindi permanente sa mundo.

Ang hiling ko lang sana... na sana ay hindi na muna ito matapos... na sana ay manatili na lang ito habang nabubuhay ako sa mundong ito.

"Eat well, Tala."

Maagap akong nag-angat ng tingin kay Engr. Delgado. Maging siya ay may ngiti rin sa mga labi. Siguro ay nahawa na rin siya sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Tumango naman ako biglang sagot. "Okay. Ikaw din," tipid kong sabi nang hindi nag-aalis ng ngiti.

"Kumain ka ng marami. Para sa'yo 'yang lahat," dagdag pa niya.

"Bakit, hindi mo ba ako tutulungan?" reklamo ko.

He chuckled. "I will. Alam ko namang hindi kakayanin ng katawan mo ang lahat ng 'yan," biro niya.

"Iyan ang alam mo," pakikipagbiruan ko pa sa kan'ya.

Halos ganito rin kasi ang dami ng inorder ko noong kumain ako nang galit ako sa kan'ya. Bawasan lang siguro ng one fourth.

Iiwas na sana ako ng tingin para makapagsimula na sa pagkain nang bigla siyang nagsalita.

"I like your smile. Dapat ganiyan ka na lang palagi," aniya na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kan'ya.

"Ha?" tanong ko na tila kinaklaro ang mga narinig ko. Ayokong maging assuming dahil hindi naman bagay sa mga katulad kong maganda 'yon.

Duh, si Tala kaya to.

"I said your smile... I like it," pag-uulit naman niya gaya ng gusto ko.

Kinakabahan na naman ako na parang natatae sa kilig. Kaya imbis na ipahalatang kinikilig ako, ngumiti na lang ako ng mas malapad.

"Bakit smile ko lang?" may halong birong tanong ko, hindi pinapahalata ang kung ano 'man ang totoong nararamdaman ko.

Pansin ko namang nagulat siya naging tanong ko kaya agad kong sinundan ang mga sinabi ko.

"Char!" pekeng tawa ko.

Awkward.

Bahagyang bumaba ang tingin ko nang napansin ang namumula niyang dibdib. Plain na puting sando lang ang suot niya, kaya kapansin-pansin agad ang pamumula doon.

Agad akong dinapuan ng kuryosidad sa aking nakita. Hindi pa naman kami nagsisimulang kumain, kaya imposibleng allergy iyon... katulad noong nakaraang araw na pamumula rin ng dibdib niya.

Magsasalita na sana ako para tanungin siya nang bigla naman siyang gumalaw at tumawag ng crew.

"Miss!" tawag niya sa babaeng hindi kalayuan sa amin.

Agad namang sumunod ang tingin ko doon sa babaeng naglalakad na papalapit sa amin. She's wearing her sweet smile, just like the other crew here. Sobrang accommodating ng resort na ito, kaya nakakaaliw balik-balikan. Siguro, babalik ulit ako dito.

"Yes, Sir? May kailangan po ba kayo?" agad na tanong noong babae.

"May available ba kayong bathrobe? Nilalamig na kasi ako," sagot naman ni Engr. Delgado doon sa babae.

Napatingin ako agad sa katawan ko. Katulad niya, exposed rin ang katawan ko sa kung ano 'man ang sumisimoy na hangin ngayon. At hindi naman ako nilalamig, mas malamig pa nga iyong aircon namin sa kwarto pero never siyang nagkukumot. Minsan pa nga nagigising ako na wala na siyang damit, kahit bago matulog may suot naman siyang sando.

Bigla namang may pumasok sa isip ko na agad nakapagpaguhit ng ngisi sa labi ko.

I think... he's blushing.

Marahan akong nag-angat ng tingin nang nagpa-paalam na iyong babae para kumuha ng bathrobe. Nang tuluyan nang makaalis iyong babae, agad kong tiningnan si Engr. Delgado na ngayon ay pilit na umiiwas ng tingin sa akin.

Hmmmm... mukhang tama nga ako.

"Sir..." marahang tawag ko sa kan'ya na may halong pang-aasar.

Tumingin naman agad siya sa akin na tila nagulat sa sinabi ko. "Hm?" tanging sabi niya.

"Nilalamig ka ba talaga o kinikilig?" panunuya ko.

"Ofcourse not. Bakit naman ako kikiligin?"

Pinipigilan ko namang matawa sa naging reaksyon niya. Maging ang mga mata niya ay hindi rin mapakali at hindi makatingin ng diretso sa akin habang nagsasalita.

Hay. Ganiyan pala kiligin ang isang Engineer, namumula na nga todo tanggi pa.

Nagsimula na lang ako sa pagkain kaysa pilitin pa siyang umamin. Alam ko namang hindi niya gagawin iyon. Sino nga ba naman ang lalaking aamin na kinikilig sila? Wala.

Nang dumating ang bathrobe ni Engr. Delgado agad rin niya naman itong sinuot. Pinanood ko lang siya sa pagsusuot noon, hanggang sa matapos siya at nilabas ang kan'yang cellphone.

Nanatili ang panonood ko kay Engr. Delgado, na busy na ngayon sa pagtingin sa cellphone niya. Seryoso ito, pero bakas sa ekspresyon niya ang pagkamangha sa tinitingnan.

Dinalaw naman agad ako ng aking kuryosidad sa kung anong tinitingnan niya. Napapangiti rin kasi siya habang tinitingnan iyon.

At dahil may konting katsismosahan ako, umupo agad ako ng tuwid at tiningnan siya ng diretso.

I cleared my throat bago nagsalita. "Anong tinitingnan mo?"

Napatingin naman siya sa akin na parang wala lang ang biglaan kong tanong. Saglit niya munang sinulyapan ang cellphone niya bago ito tinago at itinuon sa akin ang buong atensyon niya.

Umayos siya ng upo at tiningnan ako sa mata. "Why did you take Engineering?" seryoso niyang tanong

Ha? Ano raw? Interview ba 'to? Kaloka!

Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit?" kuryosong tanong ko. "Bakit mo natanong?"

Bahagya siyang umiling. "Gusto ko lang itanong," sagot niya.

"Kasi?"

"Kasi mukhang hindi siya para sa'yo," he blurted.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Binitawan ko ang hawak kong tinidor bago mas umayos ng upo.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Ikaw ba ang nasa katayuan ko?" medyo naiinis na rin kasi ako sa pangingialam niya.

Hindi naman sa ayaw kong pinag-uusapan, ayoko lang na pinangungunahan niya ako sa gusto ko. Nagpapasalamat na nga ako sa kan'ya kanina dahil sa nangyari, tapos ganito naman ang gagawin niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, maiinis na naman yata ako sa kan'ya.

"No," diretsong sagot niya. "Pero kita kung paano mo pabayaan ang pag-aaral mo. You took Engineering because of your family, right?"

Umiling-iling ako. "Hindi mo nga ako kilala. Nag-engineering ako dahil gusto ko. Period," mariing sagot ko.

Huwag na sana siyang makipagtalo pa sa akin. Mas lalo lang akong maiinis sa kan'ya.

"You took Engineering dahil gusto mo, o dahil gusto mong ipakita sa pamilya mo na kaya mo?" pakikipagtalo pa niya sa akin.

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sino ka ba para sabihin 'yan? Teacher lang naman kita, ah! At wala kang pakialam sa nangyayari sa buhay ko."

Nakakainis. Gusto ko na lang umalis sa lugar na ito at iwan siya, pero hindi ko magawa dahil sa lintik na utang na loob ko sa kan'ya.

Nanatili siyang nakaupo at kalmado, kahit inis na inis na naman ako sa kan'ya.

"Alam ko..." tanging sagot niya.

"Alam mo naman pala, eh!" medyo tumataas na boses kong sabi.

"Calm down, Tala. Gusto lang naman kitang tulungan," pagpapakalma pa niya sa akin. "I'll talk to your Dad if you want," dagdag pa niya.

Napahilamos ako sa inis at sa gulo ng isip ko. May part kasi sa akin na gusto kong tulungan niya ako, pero may isang bagay na pilit pumipigil sa akin... si Mommy.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo," kalmado ko nang sabi, sabay iwas ng tingin sa kan'ya.

Mula sa pagiging masaya, para na naman akong binabalot ng lungkot at sakit. Naging bihag na naman ako ng sarili kong pagkatao.

"Tala..." mahinang tawag niya sa akin.

Hindi ko siya nilingon, at hinintay na lamang ang nais niyang sabihin.

"Alam mo ba na nakausap ko ang Mommy mo bago siya nawalan ng buhay?" dagdag niya na mabilis kong nilingon.

Pakiramdam ko'y sumikip ang dibdib ko sa ideyang baka may alam nga siya sa totoong mga nangyari. Hindi lang ito tungkol sa Mommy ko, kun'di kung bakit sila magkasama noong gabing iyon.

"Alam mo rin ba na nakiusap siya sa akin na bantayan at alagaan kita?"

Mas lalo akong nanghihina sa bawat salitang mga lumalabas sa bibig niya. Pakiramdam ko'y maraming bagay pa ang dapat kong malaman. At kailangan kong mas maging matibay at malakas para doon.

"B-bakit niya naman gagawin iyon? Andiyan naman si Daddy para gawin ang bagay na 'yon," ani ko na kahit pigilan ko ang nararamdaman ko ay kusa itong lumabalas sa bibig ko.

"Dahil wala siyang tiwala sa Daddy mo, he cheated once to your Mom na kahit siguro itago ko ay malalaman mo rin bandang huli."

"Fuck! Tigilan mo nga ang paninira sa Daddy ko, he will never cheat to my Mom," depensa ko sa kan'ya.

Kilala ko ang Daddy ko, gano'n lang siya pero never niyang lolokohin si Mommy. Mahal niya si Mommy, at alam ko 'yo.

"He did, Tala. At iyon ang kailangan mong tanggapin."

Umiling-iling ako. "No. Sinisiraan mo lang ang Daddy ko dahil galit ka sa kan'ya."

Ngumisi siya, na tila hindi makapaniwala sa mga narinig sa akin. "Iyon pa rin ba ang iniisip mo? Na may relasyon kami ng Mommy mo, kaya iniisip mo na galit ako sa Daddy mo? That's bullshit, Tala."

"Dahil totoo! You and Mom, kayo ang may relasyon," mariin kong paratang sa kan'ya.

Pansin ko ang tinginan ng ibang tao sa paligid, pero hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin. Naiinis ako, naiinis na naman ako at wala na akong pakialam sa iniisip ng ibang iba.

"Wala na akong pakialam sa kung anong iniisip mo, ang gusto ko lang ay tulungan ka. Gusto kong malaman mo na kung ang Mommy mo ang dahilan ng lahat... itigil mo na, Tala."

Nanatili akong tahimik, pinapakalma ang sarili. Pinanood ko na lang siya at hinintay kung ano pa ang mga dahilan niya sa akin. Tangina!

"Your Mom tell me everything, pati na rin ang dahilan kung bakit ka nasa engineering ngayon, kahit ayaw mo. Sinabi niya na nangako ka sa kan'ya, at iyon ang huling bilin niya sa akin... na tulungan kitang hanapin ang mga pangarap mo," dagdag niya.

Bakit ba ang taas ng tingin niya sa sarili niya? Na alam niyang lahat, kahit --- Fuck! He's fucking right!

"May mga pangakong nananatiling pangako lalo na kung alam mong hindi 'yon para sa'yo," he said.

Kumalabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay nilamon ako ng mga silatang sinabi niya. Alam kong totoo ang mga lumalabas sa bibig niya, pero alam ko rin sa sarili ko na mahina ako at hindi ko kaya.

"At may mga pangarap na nananatiling pangarap na lang dahil sa sinasabi sa'yo ng ibang tao..." aniya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Kaya huwag mong hayaan na pangunahan ka ng ibang tao sa magiging desisyon mo, Tala. There are things that may be good for others... but not for you. Find and follow your own path. Take all the time you need to have the strength to do the things that you love the most."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro