Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 28 ✨


CHAPTER 28


Tinitigan ko siyang mabuti. Sa tingin ko naman ay nabawasan kahit pa-paano ang alcohol niya sa katawan pagkatapos niyang matulog.

Magulo ang buhok niya na madalas ay ayos na ayos ito sa tuwing nakikita ko siya. Maging ang suot niya ay gusot na rin na halatang galing sa pagtulog at syempre sa paglalasing.

I sighed.

"Wala," tipid kong sagot.

Kahit naman siguro tanungin ko siya ngayon hindi rin niya sasabihin kung sino iyong Sabrina na bukang bibig niya sa pagtulog. Sinong lalaki naman ang aamin ng harap-harapan, 'di ba? Unless, nahuhuli.

So, I will make sure na mahuhuli kong muli sa bibig niya kung sino si Sabrina, nang gising, hindi habang natutulog. Lulunukin ko ang natitira kong pride para lang sa tintik na babaeng 'yon. Kaya sana may mapupuntahan naman ang lahat ng pagtitiis ko.

"Kumain ka na, halatang hindi ka pa rin kumakain."

Lumapit ako sa kan'ya nang hindi siya tinitingnan at saka kinuha ang kamay niya. Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Hinila ko siya patungo sa restaurant at saka pinaupo sa kanina kong puwesto. Wala naman siyang nagawa kaya umupo na lang din siya gaya ng gusto ko.

Dapat lang, marami kang kasalanan sa akin. Gawin mo ang lahat ng gusto ko. Lintik lang ang walang ganti.

Duh, si Tala kaya 'to.

Umupo ako sa harapan niya at saka ibinigay sa kan'ya ang menu. "Umorder ka na, kumain na ako kanina. Ikaw naman ang magbabayad kaya order-in mo na ang lahat ng gusto mo."

Bahagyang kumunot ang noo ko nang hindi siya gumalaw at nanatili ang titig niya sa akin. Napakamot ako sa noo at saka binawi ang menu.

"Ako na nga lang," I hissed at saka tinitigan ang menu. Hirap naman kausap nitong lasing na 'to, sarap sampalin para matauhan.

"Oo, ikaw nga."

Agad akong nag-angat ng tingin sa sinabi niya kasabay nang muling pagkunot ng noo ko. "Ha? Anong sabi mo?" nagtataka kong tanong.

Ang mapupungay niyang mga mata ay marahan na pumipikit na animo'y nasa isang telenobela na naka-zoom at nagslo-slowmo sa paningin ko. Sa lahat ng lalaking kilala ko, bukod tangi ang ganda ng mga mata niya. Para kasi itong nang-aakit kahit sa simpleng mga paggalaw lang.

Fuck! Agad akong umiling at saka tumingin sa ibang direksyon. "Kulang ka lang siguro sa kain. Umorder ka na nga!"

Muli akong bumalik sa menu at saka ito pinagpapawisang tinitigan. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Alam kong nag-i-ilusyon lang ako, pero tangina ang pogi ng mga mata niya lalo na kapag mapupungay.

"Hindi ba tinatanong mo kung ano ang gusto ko?" bigla niyang tanong na muling nakapagpaangat ng tingin ko.

Tumaas ang isang kilay ko na tila naghihintay sa mga susunod niya pang mga sasabihin. "So? Then, tell me para maka-order na tayo."

"Ikaw nga," sagot lang niya.

Naningkit ang mga mata ko at naguguluhan siyang tinitigan.

"Ikaw ang gusto ko, meron ba sa menu?" dagdag pa niya na nagpahuramentado na naman ng puso ko.

Shit. Bumanat lang bumigay ka na naman, Tala. Ang rupok-rupok mo talaga!

Napalunok ako at saka marahan na bumalik sa menu.

"W-wala. I'm not available," pilit kong sagot kahit nauutal na ako sa bilis pa rin nang tibok ng puso ko.

I heard him chuckled. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa hiya dahil sa lintik na lalaking 'to. Trip niya ba akong asarin today? Sige, game ako.

Well, si Tala kaya 'to.

Muli akong napalunok at huminga nang malalim bago lakas loob siyang tiningnan. Nakangiti siya na halatang nag-e-enjoy sa pang-aasar sa akin. Okay, enjoy!

"Masarap ba 'yung suso, Engr. Delgado?" nanunuya kong tanong na agad nakapagpalaho sa ngisi niya. Hindi ko alam kung gulat ba siya o nagtataka sa tanong ko, basta ang alam ko panalo ako.

Duh, si Tala kaya 'to.

"What do you mean?" he asked.

Nakakunot na ang noo niya na kanina ay tuwid na tuwid sa pagngisi. Wala na rin bahid ng pagtataka o gulat ang kaniyang mga mata, blangko na ito ngayon habang nakatitig sa akin.

"Nevermind. I'm just wondering," I mumbled, secretly smirking.

"Tell me, kaya ka ba galit sa'kin? May nagawa ba ako kanina? Wala kasi akong maalala," sunod-sunod niyang tanong na hindi ko na nasundan sa sobrang bilis.

Oh, that's why. He can't remember a thing 'cause he's drunk. Gan'yan pala siya malasing... nakakalimot.

"Nothing. Kalimutan mo na, kumain ka na lang para makatulog ka na ulit at baka sakali na maalala mo. Diyan ka na nga!"

Tumayo ako at saka siya iniwan sa mesa. Naiinis na naman kasi ako. Gusto ko siyang sakalin sa inis, kaya aalis na lang ako bago ko pa iyon magawa.

"Teka nga, Tala!"

Ngunit bago pa ako tuluyang makaalis nahawakan na niya ako agad sa braso at walang pasubaling hinarap sa kan'ya.

"Kausapin mo nga ako ng maayos. Hindi ko na 'to uulitin kaya sagutin mo 'ko, may nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" tiim bagang niyang tanong habang diretso ang mga mata sa akin.

Natulala ako nang ang mapupungay niya mga mata ay namumula na sa galit. Alam kong nagtitimpi lang din siya sa akin dahil kung hindi kanina pa niya ako sinisigawan.

I gulped. Ginusto mo 'yan, Tala, kaya panindigan mo.

"Oo na! Happy?!" singhal ko bago binawi ang braso ko sa kan'ya.

Pansin kong nagulat siya sa ginawa ko, pero wala pang ilang segundo ay nagmadali rin siyang lumapit sa akin. Pilit niyang binabawi ang kamay ko na pilit ko rin namang tinatago at inilalayo sa kan'ya.

"Let me explain..." mahinang sabi niya na hindi pa rin tumitigil sa pag-abot ng kamay ko.

"Explain, what?" ani ko na tila natatawa sa gusto niyang mangyari. "Ni wala ka ngang maalala tapos mag-e-explain ka pa. At saka, para saan? Jowa ba kita? Hindi naman, 'di ba? Kaya malaya kang gawin lahat ng gusto mo, Engr. Delgado," may diin kong sabi sa pangalan niya bago itinaas ang kamay ko.

"You want this? Then, work hard for it. Babush!" I smirked.

Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Walang pagdadalawang isip akong umalis at iwan siyang tulala. Tutal magdidilim na naman, maliligo na lang siguro ako. Sayang ang beach kung hindi ko papansinin.

Dumiretso ako sa kwarto namin at hinanap iyong mga paper bag na binigay niya sa akin kanina. Isa-isa ko iyong kinuha at ipinatong sa kama. Nilock ko muna ang pinto bago isa-isang tiningnan ang mga laman nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang nakitang nandoon nga lahat ng mga napili ko, maging ang one-piece na ayaw niya. Unti-unting kumurba ang labi ko sa saya. I won.

Duh, si Tala kaya 'to.

Dali-dali kong kinuha ang kulay pulang one-piece na napili ko. Sa puti at sexy kong 'to, ewan ko na lang kung hindi tulo laway ang lalaking 'yon kapag nakita ako.

Mabilis akong nagpalit at kinuha ang see-through pang-ibabaw. Mamaya ko na lang siya aakitin sa beach, at baka mapigilan pa ako sa paliligo kung lalabas akong naka one-piece lang.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago lakas loob na nagtungo sa may pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ito binuksan. Napaurong naman ako agad sa gulat nang nakitang seryoso siyang nakatayo sa harap ng pinto.

Nararamdaman ko na naman ang unti-unting pagbilis nang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil na rin sa suot ko at ang hindi ko inaasahang makakaharap ko siya agad ng ganito kabilis. Hindi pa nga ako handang akitin siya, tumitiklop na agad ako sa presensya niya.

Nanatili akong tahimik at pinanood ang bawat paggalaw niya, hanggang sa napansin ko ang pagbaba ng mga mata niya sa katawan ko. Marahan ang paggalaw no'n, na parang sinusuring mabuti ang bawat detalye ko. Maging ang adams apple niya ay marahan din na gumalaw kasabay ng mga mata niyang hindi pa rin inaalis sa katawan ko.

Kung hindi ko siya pipigilan sa paninitig, baka maya-maya ay natutunaw na ako sa lagkit ng mga tingin niya. I cleared my throat para kuhanin ang atensyon niya, na agad ko rin namang napagtagumpayan.

Nag-angat siya ng tingin sa akin, ngunit laking gulat ko nang nakita ang pamumula ng dibdib niya. Wala iyon kanina sa resto, mapapansin ko naman agad iyon dahil bahagyang nakabukas ang botones ng suot niyang polo.

"May allery ka ba?" I asked out of curiosity. Baka kasi may nakain siya kanina kaya namumula ang dibdib niya.

"W-why?" naguguluhan niyang tanong, na bakas ang pagkakautal sa sinabi.

Bahagya akong lumapit sa kan'ya at hahawakan na sana ang dibdib niya nang bigla niya akong pinigilan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko bago ito marahang ibinaba palayo sa dibdib niya. Natigilan naman ako sa gulat at walang nagawa kun'di sumabay na lang sa agos.

"If you're teasing me, Tala. Please, tigilan mo na. I respect you," aniya at saka marahang binitawan ang kamay ko.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. I even hold my breathe at nagbabakasakali na baka pati ang pagtibok ng puso ko ay tumigil din.

Tinitigan ko siyang mabuti, seryoso lang siyang nakatingin sa akin na parang walang nangyayari.

"Mauna ka na sa labas, magpapalit lang ako tapos susunod na rin ako sayo doon."

Tumango lang ako bilang sagot bago niya ako nilagpasan at nagtungo sa loob ng kwarto. Nakahinga naman ako agad ng maluwag nang tuluyan na siyang nakapasok.

"Fuck!" I hissed.

Mariin akong pumikit at inalala ang mga nangyari. Tangina! Nakakahiya. Bakit parang lumalabas na inaakit ko nga siya? Hindi ko pa nga nasisimulan nasupalpal na niya agad ako. Shit!

Padabog akong naglakad palabas ng resort patungo sa beach. Naisahan na naman niya ako. Dapat pala hindi ko na lang pinansin ang dibdib niyang 'yon. Tanginang dibdib 'yan, sumusobra na 'yan sa'kin ngayong araw!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang hindi ko pinagtuonan ng pansin ang suot ko. Natural lang naman siguro ito dahil nasa beach ako. Karamihan ng mga babaeng nakikita ko nakabikini rin katulad ko. Kaya nakakainis lang isipin na may mga lalaki pa rin na kj pagdating sa mga pananamit namin. Mga manipulative sadboi tangina.

"Ate!"

Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Napangiti naman ako nang nakitang si Veronica iyon na tumatakbo palapit sa akin.

"Hi," bati ko naman pabalik nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin. "Saan punta mo?"

"Doon lang sa may beach," ani ko sabay turo sa direksyon ng beach. "Maliligo sana, kahapon pa ako kating-kati na maligo."

"Oh, okay. Samahan na kita? Nag-off na pala ako ng mas maaga para hindi ka na maghintay hanggang six. Andiyan na rin naman 'yong kapalit ko kaya pumayag na rin sila."

Malapad naman akong napangiti sa sinabi niya. "Sounds great, tara?" anyaya ko sa kan'ya.

Ngumiti naman agad siya at tumango. Nagpaalam siyang magpapalit muna ng panligo kaya nauna na ako sa may beach para doon na lang siya hintayin.

Iilang hakbang lang din naman ang layo noon sa resort kaya hindi na hassle para sa kan'ya na maglakad mag-isa patungo sa beach. At saka mukhang sanay na rin naman siya dahil sa pamamalagi niya dito.

"Nabalitaan ko 'yong nangyari. Nagka-amnesia ka raw, Ate?" tanong niya na parang kahapon lang nangyari dahil sa ekspresyon niyang gulat na gulat.

Tumango lang ako bilang sagot. Amnesia 'kuno' na hindi ko alam kung gumagana ba talaga ang pagpapanggap ko. Parang wala lang kasi kay Engr. Delgado ang amnesia ko. Tsk.

"Hayaan mo na 'yon, kaya siguro ako nawalan ng alaala para hindi ko na alalahanin pa. May mga bagay sigurong dapat na lang kinakalimutan," pagda-dahilan ko. But, on the other side medyo tama ako, lalo na sitwasyon namin.

Tumango lang naman siya sa sinabi ko, siguro naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Matalino si Veronica, at iyon ang hindi niya nagamit ng maayos. Sa lahat kasi ng puwede niyang tularan, ay ako pa na pariwara rin.

Napailing na lang ako sa kung anong tumatakbo sa isip ko at saka inalala ang pakay ko kung bakit ko siya gustong makausap ng masinsinan.

"Paano pala kayo napadpad dito?" seryoso kong tanong habang pareho kaming nakaupo sa buhanginan.

Kakatapos lang namin maligong dalawa, nagpapahinga muna kami saglit tapos maliligo ulit maya-maya. Medyo madilim na ang paligid, siguro ay pasado ala sais na at kanina pa rin kami naliligo. Ang ipinagtataka ko lang ay iyong lalaking nangako na susunod pero hanggang ngayon wala pa rin.

"Taga rito si Mommy sa La Union," panimula niya bago umiwas ng tingin sa akin. "Buti na nga lang may bahay pa sina Lola dito kaya hindi kami nahirapang maghanap ng matitirahan," dagdag pa niya habang malayo ang tingin sa karagatan.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kahit madilim, at iilag ilaw lang ang nagsisilbing liwanag naming dalawa, hindi ko ikakailang nangingibabaw talaga ang ganda niya. Syempre kasunod sa akin, duh!

Pansin ko rin ang lungkot sa mga mata niya habang binibigkas ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sino naman ang hindi malulungkot? Kung ang nakasanayan mong buhay ay mawawala na lang bigla sa'yo ng isang iglap.

She used to be a princess in our home, tapos bigla siyang maglilinis ng mesa sa isang resort. She doesn't belong here.

"Hindi na ba kayo babalik ng Manila?" panibagong tanong ko.

Maagap naman siyang umiling nang hindi pa rin tumitingin sa akin. "Wala naman kaming gagawin doon, at saka mahirap ang buhay sa Manila. Mabuti rito may ilang kakilala si Mommy kaya madali akong nakakuha ng trabaho."

"Paano ang pag-aaral mo? Hindi ba nasa Manila ang buhay mo."

Sa pagkakataong ito ay lumingon na siya sa akin. "Nagpatransfer na ako dito sa La Union. Tuwing wala akong pasok sa school, iyon naman ang araw ng duty ko dito sa resort. Naiintindihan naman nila ako dahil nag-aaral pa ako."

Kahit nakangiti, nahimigan ko pa rin ng lungkot ang mga sinabi niya. Katulad ko, magaling din magpanggap ang babaeng ito, ang ipinagkaiba lang namin, mas magaling akong artista kaysa sa kan'ya kaya madali ko siyang nababasa.

"Bumalik na lang kayo sa Manila, hinihintay kayo doon ni Daddy," wala ng pasikot-sikot kong sabi. Alam ko namang gusto rin nilang bumalik sa bahay, katulad ko, at ni Daddy.

Pilit siyang ngumiti at umiling-iling. "Hindi na, Ate. Sa dami naming kasalanan sa inyo wala na kaming mukhang maihaharap kay Daddy."

Umiling naman agad ako sa pagtanggi niya at saka inabot ang kamay niyang prenteng nakapatong sa mga tuhod niya.

"Pero hindi ibig sabihin no'n hindi na kayo importante. Pamilya tayo dito, at ang pamilya nagpapatawad..." ani ko at saka binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Pero, Ate..."

"Tama na ang pero-pero, kalimutan na lang natin ang lahat ng 'yon. Past is past, okay?" pagkumbinsi ko pa sa kan'ya.

"Ate, kasi... may hindi pa ako nasasabi sa'yo."

Bakas sa mukha niya ang takot, at dahil na rin sa pagkakahawak ko sa kan'ya ay mas madali kong naramdaman iyon. Mas hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay niya para kahit pa-paano mabawasan ang kung ano 'mang takot na nararamdaman niya.

"Sabihin mo lang, makikinig ako."

Ngunit bago pa siya makapagsalita lumandas na ang nagbabadyang luha na kanina ko pa rin napapansin sa mga mata niya. Humagulgol siya ng iyak bago ako binitawan at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko rin naman agad siya pabalik.

Nakaramdam ako ng takot sa kung ano 'man ang sasabihin niya. Hindi kasi siya iiyak kung hindi iyon gano'n ka-importante.

Isinantabi ko ang takot na nararamdaman ko bago ko marahang hinaplos ang likod niya. "Tahan na..." mahina kong sabi.

"A-ate... kasi..." aniya sa pagitan ng paghagulgol niya. "B-buntis ako..."

"What?!"

"At... si R-riley ang... ama..." mas lalong lumakas ang iyak niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero nanginginig ang buong katawan ko sa inis. Hindi kay Veronica, kun'di kay Riley. Kung matino siyang lalaki hindi niya hahayaan si Veronica na umalis ng Manila palayo sa kan'ya at sa pamilya niya.

"Tangina!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro