✨ 26 ✨
CHAPTER 26
Pagkatapos nang gabing 'yon halos hindi na naman ako makapag-isip ng tama. Alam ko sa sarili kong may binubuo akong plano, ngunit nangingibabaw na naman sa akin ang nararamdaman ko patungo sa kan'ya. Hindi ko na rin talaga minsan maintindihan ang sarili ko. Nakakainis.
Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi kay Engr. Delgado. Nakita ko lang siyang pagod sa paghahanap sa akin, para na naman akong gumuguhong gusali dahil sa tindi ng pagkakasagi niya sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit anong oras na naman ako nakatulog kagabi at hanggang ngayon ay napapatulala pa ako na parang baliw.
Gusto ko siya... but fate decided to play with us.
At mukhang kailangan pa naming makipaglaro hanggang sa tuluyan kaming mapunta sa dulo. Ano nga ba ang katapusan naming dalawa?
I sighed.
Napatingin ako sa direksyon nasaan ang pinto nang naramdaman ko ang pagbukas nito. Siguro ay si Engr. Delgado iyon.
Ang alam ko ay magkasama kami sa kwarto, pero ako lang ang natulog dito kagabi. Simula nang ihatid niya ako dito sa kwarto ngayon pa lang ulit siya nagpakita sa akin. Saan kaya siya natulog kagabi?
Pagkapasok ay agad bumaba ang tingin ko sa mga dala niyang paper bags. Binaba niya iyon sa kama at maagap na tumalikod. Napatayo ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang pinigalan.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
Ni hindi siya lumingon o hindi kaya'y sumagot, pero natigilan siya.
Muli ko na lang siyang tinanong. "Saan ka natulog kagabi?"
Sa pagkakataong 'to ay bahagyang gumalaw ang ulo niya at pasimple akong sinulyapan. "Kailan ka pa nag-alala sa'kin?" aniya sa mababang boses.
Wait, what?! Nagtatampo ba siya?
Hell, no!
I gritted my teeth para pigilan ang inis. Ako ang may kasalanan kaya dapat kong magpakumbaba.
I sighed. "Stop acting like a kid, hindi bagay."
Fuck! Sabi ko magpakumbaba hindi umasal na parang tore sa taas ng pride.
Well, si Tala talaga 'to.
Napakagat labi na lang ako nang tuluyan na siyang humarap sa akin. Malayo sa inaasahan kong galit o inis na ekspresyon ang ipinakita niya sa akin. He can still managed to smile.
"Don't mind me, 'cause you don't need to worry about me," he shook his head na parang may tinatagong tampo sa akin. "Tungkol naman sa tanong mo... I'll get your breakfast outside, and I slept in my car last night. Okay na?"
Natulala lang ako sa mga sinabi niya. Para lang naman akong nahuli sa sarili kong bitag. Tila may bato rin na nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Totoo ba talagang nagtatampo siya sa akin?
I cleared my throat. Napagdesisyunang humanap ng tamang sasabihin. I think, I should need to apologize.
"A-about last night..." I started, nervous. "Sorry kung pinag-alala kita."
Mahigpit akong napahawak sa ibabang parte ng suot kong oversized shirt. Kahit pilit niyang pinipigilan, randam na randam ko pa rin ang inis sa mga sinasabi niya. Alam kong hindi iyon simpleng tampo lang, dahil mukhang nag-alala talaga siya kagabi sa akin.
Hindi siya nagsasalita noong hinatid niya ako dito sa kwarto kagabi. Doon pa lang alam ko nang mali talaga ang ginawa kong pag-alis ng hindi nagsasabi. Sinawalang bahala ko naman 'yon dahil akala ko huhupa rin agad ang nararamdaman niya... nagkamali ako.
"Kalimutan mo na 'yon. Tutal, hindi rin naman importante."
Mas lalo akong binalot ng takot. Kung kanina ay kinakabahan lang ako, ngayon ay halos malaglag na ang puso ko.
Hindi naman siguro 'to prank, 'di ba? Fuck! Can someone tell me this isn't real. Natatakot na talaga ako.
Napayuko na lang ako nang hindi ko magawang makatingin ng diretso sa mga mata niya. I just can't admit right in front of him what I really feel now.
"See..." rinig kong sabi niya. Nahimigan ko rin ang inis doon kaya agad akong nag-angat ng tingin. He look so disappointed.
He stared at me blankly. "Alis na muna 'ko, ipapahatid ko na lang dito ang breakfast mo."
Napatingin ako sa pintuan nang tinalikuran niya muli ako at nagsimulang magtungo patungo doon. Ni hindi niya ako hinintay na magsalita. Sabagay, wala rin naman pala akong sasahihin.
Napabuntong hininga ako ngunit agad rin na natigilan nang bigla siyang huminto sa pagbubukas ng pinto. Lumingon siya sa akin saglit bago bumaba ang tingin sa kama na mayroong paper bags.
"Lahat ng 'yan ay mga napili mo kagabi. Dinagdagan ko na rin at baka kailanganin mo pa nang masusuot," aniya sabay angat ng tingin sa akin. "Suotin mo na lahat ng gusto mo... hindi na ako mangingialam," dagdag pa niya bago umiwas nang tingin at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Oh, great! What an amazing vacation! Tsk.
Napahiga na lang ako sa kama at mariin na pumikit. Matutulog na lang siguro ako maghapon. Sino naman ang gaganahan mag-enjoy kung ganoon ang kasama mo?
He is definitely mad at me. I am willing to face his anger pero hindi sa paraang ibibigay ko kung anong gusto niyang mangyari. I will not let him see me falling from his trap.
Alas tres na nang lumabas ako mula sa kwartong kinuha ni Engr. Delgado para sa amin. Simula kanina ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin, dahil doon napagdesisyunan ko na lang na lumabas.
Kanina ko pa rin siya hinihintay, at mukhang wala na talaga siyang balak na puntahan ako. Ako na lang siguro ang maghahanap sa kan'ya kung ayaw niyang magpakita sa akin.
Hindi rin naman p'wedeng hayaan ko na lang siyang may galit sa akin. I'll try to forget about my pride just to make things clear between the both of us.
Ayoko rin namang matapos ang bakasyong ito nang hindi kami nagpapansinan. At ayoko rin na masira ang bakasyong ito nang hindi nag-e-enjoy, ngayon na nga lang ulit ako nakapunta ng beach masisira pa.
Binati ako ng ilang crew ng resort, at tanging pagtango na lamang ang naging sagot ko. Wala akong energy para batiin silang lahat, bukod sa stress ko sa lalaking hinahanap ko ngayon, wala pa rin akong kain simula pa kagabi.
May dumating na breakfast at lunch sa kwarto, pero ang lahat ng iyon ay hindi ko kinain. I lost my appetite because of what happened. Siguro ay pinaparusahan niya ako kaya kahit ang kumain ay hindi ko na rin magawa.
I need to find him as soon as possible para humingi ulit ng tawad... for the second time. At kung hindi pa rin niya tatanggapin iyon ay wala na akong magagawa. Uuwi na lang siguro ako ng mag-isa sa Manila kaysa manatili dito kasama siya. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.
Duh, si Tala kaya 'to.
Dumiretso ako sa beach nang hindi ko siya nakita sa lobby at restaurant ng resort. Kung hindi ko siya makikita sa beach, sa bar na malapit ko siya hahanapin. At kung wala pa rin, ako ang iinom.
Ang problema ko lang ay wala akong pera na dala dito. Parte pa naman siguro ng resort ang bar at i-cha-charge ko na lang muna sa room namin ang maiinom ko. Babayaran ko na lang lahat ng gastos ko pag-uwi namin.
Nang makarating ako sa tabing dagat agad na lumanding ang mga mata ko sa dalawang taong malagkit na naglalandian. Napairap na lang ako sa ere at iginala ang mga mata ko sa paligid. Mukhang wala naman akong makukuha dito, dahil puro magjo-jowa lang ang nakikita ko.
Nilingon ko ang gawi ng bar. Iyon na lang kasi ang natitirang option ko. Kung wala siya doon... e'di wala.
Nagsimula akong maglakad patungo sa direksyon ng bar. Isa na malapit sa resort na tinutuluyan pa lang namin ang nakikita ko. Hindi ko pa alam kung ilang bar ang mayroon dito.
Maraming tao ang lugar na 'to. Mukhang dinadayo talaga dahil sa ganda ng dagat, at sa white sand nito. Kaya rin siguro maraming establishments ang nakatayo malapit sa beach. Para na rin akong nasa Boracay sa ambiance na nararamdaman ko.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa bar nang kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad. My eyes captured all the scenes on what these two people in front me doing.
Nakakabilib naman... akala ko ay nasaktan ko talaga siya sa nangyari. Iyon naman pala ay may balak na maghanap ng ibang makakasama. Sana ay hindi na lang niya ako sinama para hindi na siya nahirapan pa.
Nanlalamig ang buong katawan ko at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. He's obviously drunk dahil sa pula ng mukha niya pababa hanggang dibdib.
He's now wearing a white polo, unlike last night na naka-black polo shirt siya. His three upper botton was unbuttoned that defined how hot this old man. Siguro kung hindi ko siya kilala ay matagal ko na siyang nilandi.
I kept a straight face on. I tried to ignore the pain that suddenly enveloped my fucking heart. Masakit. Umasa na naman akong kahit papaano ay magkakaroon kami ng oras na dalawa... akala ko na naman pala.
Hindi ko mapigilan ang inis at selos sa dibdib ko nang nakita ang mahigpit niyang paghapit sa bewang ng babae na umaalalay sa kan'ya sa paglalakad. Wala ba siyang mga paa para magpaalalay pa sa babaeng 'yan? Mukhang nakakalakad pa naman siya, ah!
Naningkit ang mga mata ko kasabay nang pagkirot ng puso ko nang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya matapos ang pagdikit ng babae sa kan'ya. Siguro ay nasiyahan siya sa malaking suso na dumadampi ngayon sa katawan niya. He's a fan of big boobs just like the other guys.
Nakakainis.
Kaya pala ayaw niya akong pinagsusuot ng swimsuit kasi hindi malaki ang suso ko at walang maipagmamalaking pwet? Fuck him!
E'di diyan na lang siya sa malaking suso na 'yan. Sorry, ah! Ito lang ang kayang i-produce ng katawan ko. I don't have big boobs and big ass, but I have beauty and brains na hindi kayang tapatan ng mga babaeng katulad niyan. Pokpok!
Sa kabila nang pagtitiis ng sakit ay lakas loob ko pa rin silang nilapitan na dalawa. May kailangan lang akong gawin, at hindi ko na p'wedeng ipagpabukas 'yon. Nangangati na kasi ang palad ko.
Taas noo aking lumapit sa dalawa at walang pasubaling sinampal si Engr. Delgado.
Tumuwid ang tayo ni Engr. Delgado dahil sa ginawa ko. Nakita ko rin ang gulat sa babaeng nasa tabi niya ngunit wala sa kan'ya ang inis ko. Sa lalaking lunod sa alak na nasa harapan ko ngayon ako galit na galit.
Mas lalong bumibigat ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Gusto ko siyang sakalin sa inis. Alam ko namang wala akong karapatan na magalit, pero galit na galit pa rin ako, kasi nagseselos ako! I'm fucking jealous! At ngayon ko lang ito naramdaman sa tanang buhay ko.
"Magbakasyon ka na lang mag-isa mo, uuwi na ako!" singhal ko sa kan'ya na hanggang ngayon ay tila kinikilala pa rin niya ako. Nang dahil siguro sa kalasingan ay halos hindi na niya ako makilala.
Kinuyom ko ang aking palad at huminga ng malalim. "Nakakatangina naman! Bakit ka ba naglalasing ng ganyan?" tanong ko nang nakaramdam na naman ako ng awa.
Hindi ko alam kung kakayanin ko ba siyang iwan ng ganito. Alam kong lasing lang siya, at hindi ko p'wedeng ipagkaila na nangyari na rin sa akin ang ganito. Ilang beses na rin akong nagpakalunod sa alak, at ilang beses na rin akong umuwi ng walang malay dahil sa kalasingan.
Taas kilay kong nilingon iyong babae. "Girlfriend nga pala, and you are?" I confidently said.
Pansin ko ang gulat sa ekspresyon ng babae matapos kong magpakilalang girlfriend ni Engr. Delgado. Bahagya pang kumunot ang noo niya at saglit na sinulyapan ang lalaking akay-akay niya.
"Ang sabi niya ay single raw siya," naguguluhan niyang sabi sabay tingin sa akin.
"At naniwala ka naman? Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko," may diin kong pananakot sa kan'ya. Nagmadali naman siyang umalis at saka inabot sa akin ang braso ni Engr. Delgado na kanina ay nasa bewang niya.
I smirked. Wala kahit sino ang p'wedeng humarang sa dinadaanan ko.
Duh, si Tala kaya 'to.
Napairap ako sa ere bago nilingon si Engr. Delgado. I frowned as I carefully carried his arm in my shoulder. Hindi lang pala stress ang aabutin ko sa bakasyong ito, pati pag-aalaga sa lasing ay aakuin ko pa.
Naririnig ko ang pagbulong-bulong niya habang inaakay ko siya. Wala nga lang akong maintindihan dahil para niyang kinakain ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Inom pa more!
Obviously, mabigat siya. Sa braso pa lang niya tiyak na malulumpo ako. Kaya nang makarating kami sa may lobby agad akong nagpatulong sa mga crew ng resort. Lumapit naman agad sila sa akin.
"Room 14," ani ko pagkatapos nilang kunin sa akin si Engr. Delgado.
Nag-stretch muna ako bago sumunod sa kanila. Masakit din sa braso, ah! Humanda ka sa'kin kapag nahimasmasan ka na. Ako naman ang babawi.
Nagpasalamat naman agad ako sa mga crew na tumulong sa akin nang ibinaba na nila sa kama si Engr. Delgado. Nang tuluyan na silang makalabas agad ko namang tinitigan ang wala nang malay na lalaki.
Tiningnan ko siyang mabuti. Sinuri ko ang buong pagkatao niya hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa --- fuck!
I shook my head. "No, Tala! Krimen ang kabastusang ginawa mo. Mas mabuti pang kumain ka na lang kaysa pagnasaan ang lalaking 'yan," pagkausap ko sa sarili ko bago umiwas ng tingin.
Bago ko pa tapusin ang buong pagkatao niya ay baka kung ano pa ang maisip ko. Mabuti pang umiwas kaysa magkasala.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad patungon sa pinto. Kakain na lang ako, mamaya ko na iisipin lahat ng mga nangyari. Pinanghina ako sa pagbubuhat sa kan'ya, at kailangan kong magpalakas para naman may ibubuga ako kapag nagkasagutan ulit kaming dalawa.
Nasa may pinto na ako nang napatingin ako kay Engr. Delgado. Nagsasalita kasi siya at bahagyang gumalaw sa pagkakahiga.
Nanatili akong gano'n at pinakinggang mabuti ang mga sinasabi niya, hanggang sa may isang salita akong hindi ko nagustuhan.
"I love her... Sabrina..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro