✨ 24 ✨
CHAPTER 24
Maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga pinagsasabi sa akin ni Engr. Delgado, lalo na iyong magbabayad raw siya ng kung ano sa akin. Wala naman akong natatandaan na utang o kung ano 'man ang kasalanan niya sa akin... except mom.
Siguro ay may kinalaman talaga siya noong gabing iyon. I'll make sure na malalaman ko ang lahat ng iyon as soon as possible. Hindi pa rin niya ako madadala sa mga sinasabi niya kahit mahal ko siya.
Love won't change my plans.
Sa mahigit isang linggo ko dito sa bahay, natutunan ko nang makalakad ulit nang hindi ko na kakailanganin mag-wheelchair o hindi kaya'y ng alalay. Madali naman akong makatuto at hindi na nahirapan ang personal nurse na binigay sa akin ni Daddy.
Duh, si Tala kaya 'to.
Bibisita ngayon si Vera dito sa bahay. Alam kong ayaw sa kan'ya ni Daddy at ang iba ko pang mga kaibigan. Aniya, bad influence raw ang mga ito sa akin. At alam kong hindi 'yon totoo. Hindi naman talaga totoo ang bad influence na iyan. Lahat ng tao may sariling pag-iisip, nasa sa iyo na lang kung paano mo gagamitin. I have my own decisions, at desisyon ko ang lahat ng ginagawa ko na hindi na kailangan isisi sa mga taong nakapaligid sa akin. Gagawin ko ang gusto ko. Period.
Wednesday ngayon, may pasok si Daddy kaya hindi na niya kailangan magtiis na makita ang kaibigan ko. At saka, wala na rin naman siyang magagawa kaysa naman lumabas pa ako at makipagkita sa mga kaibigan ko. Pabor na nga sa kan'ya ang pagbisita sa akin ni Vera. And I'm bored... I'm really really fucking bored!
"Hindi ka pa papasok?" mahinang tanong ni Vera habang busy sa paghiwa ng pizza sa plato niya. Ewan ko ba sa baliw na 'yan at hindi na lamang hawakan ang pizza na kinakain niya.
"Hindi ko pa alam. Baka next week or..." sagot ko bago siya nilingon. "Next month na lang siguro," dagdag ko.
Nilingon niya ako at makahulugang tinitigan. "Okay ka na naman, ah."
"Alam ko."
Nag-iba ang hulma ng mukha niya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan ang naging sagot ko. Parang hindi naman niya ako kilala, sa tagal ko na sa eskwelahang iyon ay talagang nagsasawa na ako. Gusto ko na lang magpagala-gala sa kalye kaysa bumalik doon. Nakakasawa na bumalik sa isang bagay na hindi ka naman talaga interesado.
Babalik na sana ako sa kinakain nang bigla siyang nagsalita na kumuha ng atensyon ko.
"Mag-quit ka na lang kaya," nag-aalalang aniya.
Matagal nang tumatakbo 'yan sa isip ko. Noon pa. Wala lang akong lakas ng loob dahil sa mga pangako ko kay Mommy. Ayoko siyang madismaya sa akin. I want her to be proud of me.
"Ayoko. Katulad mo, gusto ko rin may patunayan sa mga magulang ko."
Ngumiwi siya at saka sumubo. "Hindi naman tayo pareho."
I leaned on the couch, slightly slouching to be more comfortable. Nanatili ang mga mata niya sa pizza habang ako ay hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa kan'ya. Magaan na ang enerhiyang pinapakita niya kumpara kanina na kitang-kita ang pag-aalala sa akin.
Vera is also twenty-three, ang pinagkaiba lang namin, ngayong taon siya ga-graduate. Pareho kaming napag-iiwanan, at may pinatutunayan kaya pinipilit na makapagtapos.
"Pareho tayo," I insist.
"No."
"Oo nga sabi," pakikipagtalo ko pa.
Humarap siya sa akin at matalim akong tiningnan. "Hindi nga sabi," she exclaimed. "May sarili kang desisyon, ako wala. P'wede mong takasan kung nasaan ka ngayon, ako hindi. Nangako ka lang sa Mommy mo, pero ako?" ramdam ko ang panginginig sa boses niya at ang pangingilid ng kan'yang mga luha. She's about to cry pero pinipigilan niya.
Lalapit na sana ako sa kan'ya nang muli siyang magsalita. "Sinuway ko ang mga magulang ko para patunayan ang sarili ko, at kailangan kong gawin 'yon habang buhay dahil ayokong isipin nilang mali ang desisyong tinatahak ko. Kaya kahit hirap na hirap na ako, patuloy ko pa rin na pinaglalaban ang sarili ko..."
Nanlumo ako nang bigla siyang humikbi at unti-unting humagulgol ng iyak sa harap ko. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "T-tala... p-pagod na ako..." she cried.
Mas lalo akong nakaramdam ng bigat sa dibdib dahil sa parehong kalagayan naming dalawa. Pagod na rin ako, pero hindi ko magawang sumuko dahil kay Mommy.
"Malapit ka na, Vera. Alam kong kaya mo 'yan," I said, caressing her hair.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito tungkol sa mga pinagdadaanan niya. Kaya hindi ko lubos akalain na sa bigat ng dinadala niya, gano'n na rin pala kabigat ang sakit na nararamdaman niya. Gusto ko siyang bitbitin, pero maging ang sarili kong problema hindi ko pa rin natatapos. Kaya kahit pagaanin na lang ang dinadala niya gagawin ko.
Humigpit ang yakap ni Vera. Umiiyak pa rin siya kaya mas hinigpitan ko ang yakap.
"Andito lang ako palagi, Vera. Tiwala ako sa lahat ng kaya mong gawin at sa lahat ng desisyon mo. You always make us proud. Alam mo ang ipinaglalaban mo kaya hindi ka magiging failure kahit na kailan. Doon pa lang sa pagsunod mo sa mga pangarap mo, nakaangat ka na agad sa amin. Tama ka nga, hindi tayo pareho, kasi ako..." I took a deep breathe, thinking. "Wala akong lakas ng loob para sundin ang mga gusto ko. I will never be like you, Vera." I sigh.
I will never be like her...
Bukod sa wala akong lakas ng loob katulad niya, hindi ko rin alam kung anong gusto ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundong 'to. Siguro nabuhay lang ako para magkaroon ng standard ang kagandahan.
Well, si Tala kaya 'to.
Maghapon akong nagmukmok sa kwarto pagkauwi ni Vera. Pagkatapos ng mga nangyari nagmadali na rin kasi siyang umuwi dahil uuwi raw ang mga magulang niya. Biglaan iyon kaya gano'n na lamang siya nagmadaling umuwi.
Napatitig ako sa wall clock na nakasabit sa harapan ko. Alas kwutro na ng hapon, maya-maya ay uuwi na rin iyon si Daddy. Tahimik ang buong bahay kapag wala si Daddy, maliban sa akin, si Ate Greta lang ang kasama ko dito sa bahay --- na isang 'pipi'.
Simula nang umalis ang mag-ina, parang naging isang liblib na lugar ang bahay. Naging tahimik din si Daddy at madalas ay nagkukulong na lang sa kwarto niya. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko ang mga nangyayari. He let go his happiness for me --- na isang sakit lang sa ulo.
Marahan akong napapikit, ngunit wala pang ilang minuto ay napabalikwas na ako sa pagkakahiga nang may sunod-sunod na katok akong narinig mula sa pinto. Siguro ay si Ate Greta iyon. Siya lang naman itong halos hindi humihinto sa pagkatok hangga't hindi sinasagot o kaya'y pinupuntahan.
Tumayo na lang din ako at agad na tinungo ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay agad rin akong napaurong kasabay ng pagbilis na naman ng puso ko. Anong ginagawa niya dito?
Tipid siyang ngumiti. "Hi," bati niya at saka humakbang palapit sa akin. Bahagya siyang yumuko at laking gulat ko na naman nang bigla niya akong halikan sa noo.
Ilang beses na niyang ginagawa ang bagay na 'yon, pero hanggang ngayon para pa rin akong kinukuryente sa hindi ko malamang dahilan. Para na naman akong nawawala.
Pinanood ko lang siyang unti-unting dumidistansya palayo sa akin. Bahagyang akong nag-angat ng tingin matapos huminto hindi kalayuan sa akin. Mataman siyang nakatitig sa akin, at ang kan'yang nakakalokong ngiti ay hindi 'man lang nagbabago.
"A-anong ginagawa mo dito?" I asked, stuttering.
Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa pagkakautal ko. Siguro ay iniisip niyang nauutal ako dahil sa kan'ya. Duh! No way.
Matalim ko siyang tiningnan. Napawi ang nakakaloko niyang ngisi kasabay nang paglunok niya at bahagyang paggalaw ng adams apple niya. That's fucking hot!
He cleared his throat bago ako sinagot. "Magbihis ka," aniya sa pinakamahinang boses.
Hindi ko alam kung tama ba ang mga narinig ko sa hina ng boses niya kaya agad akong nagtanong.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
Imbis na sagutin ako, bumaba lang ang tingin niya sa akin. Agad akong dinalaw ng kaba at saka siya sinundan ng tingin. Kumunot ang noo ko nang napansin ang marahan niyang pag-iling bago nag-angat ng tingin sa akin.
"P'wede na siguro 'yan," pabulong niyang sabi na malinaw ko namang narinig. "Tara na," aniya pa at saka inabot ang kamay ko na agad ko namang binawi. Umawang ang mga labi niya at naiwan ang kan'yang kamay sa ere sa ginawa ko.
"Ano bang trip mo?!" medyo may pagtaas na ng boses na tanong ko.
Naguguluhan ako. Naguguluhan na ako kanina pa sa kinikilos niya. Kanina pa ako nagtatanong pero parang wala naman akong kinakausap. Nakakainis.
Kita ko ang pagbaba ng kamay niya kaya agad akong pasimpleng ngumisi. "Kung hindi mo sasabihin sa'kin ang pakay mo, tatawag ako ng pulis," mariin kong sabi.
Bahagya siyang kumurap kaya mas lalo kong nakita ang mahahaba at itim na itim niyang mga pilik sa mata. Hindi ko alam kung may mga bagay pa ba na hindi maganda sa kan'ya, parang lahat na lamang ng tungkol sa kan'ya ay kapuri-puri.
"Wala akong pakialam kahit tawagin mo pa ang Presidente ng Pilipinas. Gusto lang naman kitang isama para magbakasyon kung 'yan ang ipinagpuputok ng butchi mo," may pagsusungit niyang sabi.
Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa mga sinabi niya. Yayayain lang naman pala niya ako, bakit hindi pa niya ako direktahin? Mahirap bang sabihin 'yon ng maayos? Fuck!
"Paano ka naman nakakasiguro na sasama ako sa'yo?" taas kilay kong tanong. "Hindi naman kita kilala para---"
"Cash Oliver Delgado, okay na?" sabad niya at hindi na ako pinatapos sa pagsasalita. "Sumama ka na lang ng maayos bago pa kita buhatin para lang sumama sa akin."
Napabuga ako ng hangin at saka ngumisi. "You can't do --- fuck!" sigaw ko.
Pilit akong nagpumiglas nang bigla niyang hinablot ang bewang ko at saka ako itinaas sa balikat niya. Buhat na niya ako at tanging mga hita ko na lamang ang hawak niya.
"Bitawan mo 'ko!" sigaw ko pa habang hinahampas ang malapad niyang likod.
"Wag kang malikot, hindi kita masasalo kapag nahulog ka."
Agad akong natigilan sa sinabi niya. E'di lumabas din. Paasa. Sasaluhin na nga lang hindi pa niya magawa. Tsk.
Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kan'ya? Palagi niya na lang akong sinasaktan. Lahat ng ginagawa at sinasabi niya walang mga kasiguraduhan. Hindi na ako aasa.
Tuluyan na kaming nakalabas ng bahay nang hindi na ako nag-inarte pa. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat sa unahan gamit ang isa niyang kamay bago ako marahan na binaba sa loob. Sinarado naman agad niya ang pinto nang hindi tumitingin sa akin. Sinundan ko siya ng tingin na tumatakbo patungo sa driver's seat.
Umayos ako ng upo nang tuluyan na siyang nakapasok. Lumabas agad ang tingin ko nang napansin sa rear view mirror ang pagtitig niya sa akin. Hindi pala sasaluhin, ah. E'di 'wag!
I immediately hold my breathe at idiniin ang sarili sa sandalan nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niyang kumakapit talaga sa ilong ko. Pasimple ko siyang sinulyapan ngunit agad ko rin binawi nang nakatingin din pala siya sa akin.
I heard him chuckled. Pakiramdam ko'y tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo sa inis kaya agad ko siyang hinarap. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla niyang hilahin ang seatbelt sa may uluhan ko at saka ito nilock. Bumalik siya sa kan'yang upuan na para na naman akong kamatis sa sobrang pula.
"Bakit hindi ka humihinga?" nanunuya niyang tanong. "Hindi naman kita niyayakap. Pero kung gusto mo ng mouth to mouth, sabihin mo lang."
He's giggling.
Napamaang ako kasabay nang panlalaki ng mga mata ko. Nilingon ko siya at saka hinampas sa braso.
"Fuck you!" sigaw ko, naiinis.
Nilingon niya ako nang hindi nawawala ang nanunuya niyang mga ngiti. Gusto ko na lang tuloy siyang sakalin. Nakakainis.
"Fuck me?" he mouthed.
I took a deep breathe. Yes! Fuck you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro