✨ 23 ✨
CHAPTER 23
Totoong ngang kahit anong sabi mo sa sarili mong hindi ka na marupok, kapag andiyan na ulit siya, guguho na naman ang mundo mo. Mahal ko, eh --- ang pangbansang dahilan ng mga marurupok... at kasama na ako doon.
I guess, I'm just being in denial all this fucking time. I'm trying my best to ignore him, and set aside all my dramas. But, I still can't deny na mahal ko na talaga siya.
I can't resist his smile, pero kaya ko siyang itulak maitago lang ang lintik na nararamdaman ko.
I blushed.
"H-hindi ako n-nagtatampo. Asa!"
Maagap ko siyang tinulak palayo sa akin at umiwas ng tingin. Naghuhuromintado na naman kasi ang puso ko sa mga ginagawa niya. Hindi rin imposibleng mapansin niya ang pamumula ko dahil sa kilig, at ayokong pati iyon ay pagsimulan pa ng pang-aasar niya.
I heard him chuckled. Narinig ko ang paggalaw niya sa harapan ko at ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagyakap niya sa tabi ko. Damang-dama ko ang init ng katawan niya kahit na medyo may kakapalan ang suot kong puting t-shirt, maging ang paghinga niya ay naririnig ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
I tilted my head para makatingin ng diretso sa harapan. Nanatili naman siyang nakayakap sa akin habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
He smell so good. Ang panlalaki niyang pabango ay hindi gano'n katapang kumpara sa amoy ng mga lalaking nakakasalamuha ko sa bar. At kahit siguro malayo at isang tingin pa lang ay masasabi ko nang mabango talaga siya. Para iyong natural na amoy na kahit pagpawisan siya ay hindi na mawawala.
Ang mga naglalakihang bisig niyang ikinulong ang sarili ko ay unti-unting bumababa sa bewang ko. Napaigtad ako nang naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya palapit lalo sa katawan niya.
He kissed my ear as I heard him whispered.
"I badly wanted to bring you home with me."
Mas lalong naghuromintado ang puso ko. Gusto ko ulit siyang itulak, ngunit may pumipigil sa akin na gawin 'yon at itigil ang ginagawa niya. Kasabay ng pagbilis nang tibok ng puso ko ang kalayaan din na nararamdaman ko ngayon.
Matagal ko nang gustong maramdaman ang ganitong pakiramdam, at hindi ko lubos akalain na sa kan'ya ko lang pala ito mahahanap. Maybe, he's the freedom that I always prayed for.
"Will you come with me?"
I shivered as I heard his melodious voice clearly. It's still sounded sexier than ever and made my skin crawled.
Ang mga kamay kong pirming nakababa ay namamawis na parang may umaagos na tubig sa tindi ng kabang nararamdaman. Mas lalo tuloy akong nahihiyang hawakan siya at itulak palayo sa akin. Pakiramdam ko ay dudulas lamang iyon at magsisilbing dahilan nang tuluyang pagkawasak ng dibdib ko.
Hindi ko alam ang isasagot sa kan'ya. May tumutulak sa akin na sumama, ngunit may pumipigil din sa akin na 'wag magpadala sa mga sinasabi niya.
I gulped.
"N-no..." I whispered in a weak voice.
A deep sigh left him as if he's weighing things on what to say next. Ayokong isipin na nasaktan siya sa naging sagot ko, dahil sigurado akong hindi lang pagsama sa kan'ya ang gagawin ko. I'll let him marry me instead.
Ilang segundo ko pa siyang hinayaan na yakapin ako. I wonder how Engr. Delgado would react if I pushed him again. Siguro ay maiinis siya sa akin o hindi kaya ay magagalit.
I took a deep breathe bago ako naglakas loob na mag-angat ng kamay para sana alisin ang pagkakayakap niya sa'kin. Ngunit, imbis na magalit gaya ng inaasahan ko, mas humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko.
"Just a moment," I heard him whispered against my skin. "Gusto ko pa."
Napangiti ako. Para kasi siyang bata na ayaw kumawala sa pagkakayakap. Sa edad niyang iyon, hindi ko inakalang bumabagay pa sa kan'ya ang pag-iinarte, lalo na't lalaki siya.
Napakagat labi ako at pilit na pinipigilan ang pagngiti. Katakot-takot na pang-aasar na naman ang aabutin ko kung makikita niyang nasisiyahan ako sa ginagawa niya. Bakit ang cute niya? Nakakainis.
"Hindi na ako makahinga," sabi ko nang hindi maalis ang ngiti. Nakakahinga naman talaga ako, nagbabakasali lang ako na baka pakawalan na niya ako sa pagkakataong 'to.
"E'di, I'll give you some air," aniya sabay alis ng mukha sa leeg ko. "Open your mouth."
Mabilis na kumunot ang noo ko sa huli niyang mga sinabi, maging ang ngiti sa aking mga labi ay agad na nabura.
"Open, what?" kuryosong tanong ko.
"Your mouth," sagot niya na parang seryosong-seryoso sa sinasabi.
"Bakit naman? Anong gagawin mo?" muli kong tanong at pinipilit na tingnan ang mukha niya. At dahil sobrang lapit niya sa akin ay nahirapan na akong gawin 'yon. Tanging katawan at tenga na lamang ang niya nakita ko.
Ibinalik ko na lamang muli ang atensyon ko sa harapan bago pa ako magkaroon ng stiff neck. Gusto ko lang naman sana tingnan kung seryoso ba siya o inaasar na naman ako.
"Mouth to mouth, 'di ba nahihirapan kang huminga?"
I heard him chuckled. Nakakailang tawa na siya ngayong araw. Siguro naman ay p'wede ko na siyang bigyan ng award sa pagbabagong buhay niya. Pero bago 'yon, kailangan ko munang bigyang pansin ang mga sinabi niya.
Maagap akong kumilos at hahampasin na sana siya nang bigla niya naman akong hinalikan sa leeg at mabilis na bumitaw sa pagkakayakap sa akin sabay tayo. Umurong pa siya para hindi ko maabot. Pakiramdam ko ay umiisok na ang ilong ko sa inis.
"Ano bang trip mo?" singhal ko. "Kanina mo pa ako iniinis."
Nakita ko ang ngisi sa labi niya kaya mas lalo akong nainis. Gusto ko na lang siyang sakalin. Bwisit!
"Hindi kita iniinis. Gusto lang kitang pangitiin," paliwanag pa niya nang hindi inaalis ang ngisi. "And I know... you did."
Kumunot ang noo ko. "I did, what?"
"You smiled..." mabilis niyang sagot sabay turo sa direksyon ng labi ko. "Earlier," dagdag niya.
Napakagat labi ako. Pakiramdam ko ay namumula na naman ako sa hiya. Ibig sabihin ay nakita niya ang pagngiti ko kanina? Fuck!
Iginala ko ang mga mata ko para iwasan ang titig niya. "N-no. I was just---" natigilan ako at saglit na nag-isip ng ida-dahilan.
Tangina, Tala! Ngayon ka pa naubusan ng back up. Mas lalong hindi mapakali ang mga mata ko sa pag-iisip ng palusot, hanggang sa huminto ito sa isang painting ng mga unggoy. Napangiti ako at malakas na ang loob na tiningnan siya sa mata.
"I was smiling because of them..." sabi ko sabay turo sa painting sa likod niya. Naglaho ang ngisi niya at nagtatakang lumingon para tingnan ang tinuturo ko. "Kamukha mo kasi sila kapag nagsusungit ka," natatawang asar ko. Ako naman ngayon. Lintik lang ang walang ganti!
Well, si Tala kaya 'to.
Mas lalo akong natawa nang nakasimangot na siyang humarap sa akin. Mas lalo siyang nagmukhang isip bata... but cute baby damulag.
"I look way way way more better compared to them," he insisted. "And don't you ever compare me again to animals, Miss Garcia."
Napa-'ow' ako at umaktong natakot sa pagbabanta niya. "Why? You'll beat me?"
"No! Of course not!" he exclaimed, annoyed. "I'll just let you experienced their life... in bed." He giggled.
I was stunned. Pakiramdam ko ay huminto ang oras at ang pag-ikot ng mundo. What does that mean? In bed? Fuck!
I immediately covered my face sa niisip. My mind is blowing up. Maging ang puso at tiyan ko ay sabay na nagkakagulo. Tangina, Tala. Hindi ito ang oras para mabaliw. Bwisit!
"U-umalis ka na nga!" sigaw ko at saka tumingin sa direksyon ng kusina. "Ate Greta! Tubig!"
I'm sweating. Para akong inaapoy sa init. Baka nilalagnat pa rin ako kaya ganito kainit ang nararamdaman ko. Pati blood pressure ko ay kailangan ko na yatang patingnan.
"Putangina," I mumbled.
"Narinig ko 'yon," rinig kong sabi niya.
Nag-angat ako ng tingin, pero inirapan ko rin agad siya dahil sa ngisi niyang hindi mawala-wala. "Sarap sakalin," muli kong bulong.
"Ako?" tanong niya. Mariin akong pumikit. Gaano ba kalaki ang tenga niya at lahat na lamang ng binubulong ko ay naririnig niya. Nakakagigil.
Bahagyang gumalaw ang ilong ko nang naaamoy ko na naman ng malapitan ang pabango ni Engr. Delgado. Marahan akong nagbukas ng mga mata. Laking gulat ko nang nasa harapan ko na naman siya at nakapantay sa akin.
Diretso lang ang tingin ko sa mga mata niya, until my eyes are slowly dropping on his lips.
It curves slowly to formed such a beautiful smile. "I'll let you choke me..." he uttered softly. "But first, you'll let me pay for what I did."
My forehead furrowed. Pay for what he did? Oh, come on! Mas buhay pa ako sa nag-aalab na apoy.
Duh?! Si Tala kaya 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro