✨ 22 ✨
CHAPTER 22
Alas sais na ng gabi. Maghapon akong naghintay kay Engr. Delgado, pero ni anino niya ay walang dumating. Wala 'man lang siyang pasabi na paghihintayin niya lang pala ako maghapon at hindi tutuparin ang ipinangako niya. Sabagay, hindi naman pala siya nangako, pinaasa niya lang akong pupuntahan niya ako kahit hindi naman pala.
"Abigail, kumain ka muna."
Napalingon ako sa sinabi ni Daddy. Simula nang magising ako ay hindi ko pa nakikita ang dalawang bruha para dalawin 'man lang ako. Wala talagang puso ang mga 'yon. Alam kong busy si Daddy sa trabaho, pero pinipilit pa rin niyang isingit ang pag-aalaga sa akin dito sa hospital, kahit madalas ay wala siya rito.
Kung kaya ko lang ang sarili ko ngayon ay hindi na ako magpapaalaga sa kan'ya. Matanda na si Daddy, madali na siyang napapagod, at kahit galit ako sa kan'ya ay hindi ko hahayaang nakikita siyang nahihirapan.
"Nasaan ang mag-ina?" mapait kong tanong kay Daddy. Nagtitimpla siya ngayon ng kape para siguro sa kan'ya.
Natigilan si Daddy mula sa paghahalo ng kape na hawak niya bago ako nilingon. I could tell that he got surprised by what I've said. Halatang hindi niya inaasahan iyon. Pagkatapos ng ilang saglit ay umiwas siya ng tingin at ipinatong ang maliit na kutsara sa mesa bago nagtungo sa upuan sa tabi ko.
Sinundan ko lang siyang ng tingin. "Wala na sila," aniya habang maingat na umuupo.
Napapatulala ako habang unti-unting pinapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Daddy. Anong ibig sabihin ng 'wala na sila'?
"What did you mean na 'wala na sila', Daddy?" naguguluhang tanong ko nang tuluyan na siyang nakaupo.
Walang bahid ng kahit anong problema o isipin ang bawat galaw ni Daddy. Sumimsim pa siya sa kape na hawak niya bago ako tiningnan sa mata. Katulad ko, itim na itim din ang mga mata ni Daddy. Iyon lang siguro ang nakuha ko kay Daddy, bukod sa hindi nagkakalayong ugali naming dalawa.
"Pinaalis ko na sila, kinaumagahan pagkatapos mong umalis ng bahay," kalmadong sagot niya sa akin.
Napatitig ako kay Daddy. Bukod kay Mommy, alam kong mahal niya rin si Tita Rachel. Simula nang mamatay si Mommy, nakikita ko araw-araw kung paano siya nasasaktan, kaya hinayaan ko na lang din siyang magmahal ulit kahit masakit para sa akin.
Inaamin ko, madalas kaming hindi nagkakasundo, but I love him so much. Siya na lang ang mayroon ako, that's why I always want the best for him.
"Bakit mo sila pinaalis?" halata sa akin ang pag-aalala.
Kung sinabi niya lang agad sa akin hindi na ako magda-dalawang isip na umuwi. Matanda na siya, at hindi niya kakayanin ang mag-isa. Paano kung may nangyari sa kan'ya, tapos wala siyang kasama sa bahay? Fuck! I won't forgive myself kung sakaling nangyari 'yon.
Umiling si Daddy. "I know the truth..." he. Binaba niya ang tasa sa side table ng kama ko sa harap niya. Malamlam ang kan'yang mga mata na animo'y inaantok o gusto nang umiyak.
"Matagal na."
Bahagyang kumunot ang noo ko sa pag-amin ni Daddy. Kung matagal na niyang alam, bakit ngayon lang siya nagsalita? Sa tagal no'n, ay gano'n din ako katagal naghirap.
"Kung gano'n, hinayaan mo lang silang pahirapan ako?" medyo tumataas na ang boses ko sa sakit at galit na nararamdaman.
Hindi ko lubos akalain na sa lahat ng p'wedeng manakit sa akin ay pang sarili kong ama. Buong akala ko magiging kakampi ko siya sa lahat bagay, tapos ngayon malalaman kong pati siya'y sinasaksak na pala ako patalikod.
Mas lalong lumungkot ang mga mata niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin nang hindi umaalis sa pagkakaupo. Inabot niya ang kamay ko na pirming nakahawak sa guardrail ng kama ko. Kinuha niya ito at pinagsiklop gamit ang dalawang palad niya.
"Sorry, anak." Hindi siya makatingin sa akin ng diretso, at pinanatili ang mga mata sa kamay namin. "Akala ko kasi ay magbabago pa ang Tita Rachel mo at si Veronica... kaya pinalagpas ko muna lahat ng ginagawa nila sa'yo."
Bilang ama ng tahanan, naiintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin. Umaasa siyang magkakasundo kami para maging tahimik ang bahay balang araw. Ang kaso, ilang taon na ang lumipas hindi pa rin nangyayari ang gusto ni Daddy.
"Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin?"
Marami akong tanong sa aking isipan, pero hindi ko p'wedeng itanong ang lahat ng 'yon ngayong araw. Hahanap ako ng tamang oras para sa lahat ng 'yon. At hindi pa 'yon ngayon...
"Do you still remember my last words that night?" tanong niyang unti-unting umaangat ng tingin sa akin.
Bumalik lahat sa akin ang ala-ala at sakit noong gabing 'yon. Kung paano ako pagtaksilan ni Riley at Veronica, at kung paano ako pinagtabuyan ng sarili kong ama sa harap ng bago niyang pamilya. Masakit. But I need to stand for myself dahil alam ko sa sarili ko ang totoo.
Bakit kailangan pa niyang ibalik ang nangyari noong gabing 'yon? Wala naman 'yong kinalaman sa tanong ko.
Umiling lang ako.
Alam nang lahat na may amnesia ako, at kasama ang gabing 'yon sa pansamantalang pagkalimot.
"Pinaalis kita para hindi mo makita ang pagpapaalis ko sa dalawa, and I need to do that alone." His black eyes were looking at me miserably. "Sorry, anak... sa mga nasabi ko. Ginawa ko lang naman 'yon para hindi ka na madamay pa. Mahal na mahal kita, Abigail ko."
I sobbed at saka niyakap si Daddy. "S-sorry... Daddy..." Nanginginig ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil na umiyak.
Dinig na dinig ko rin kasi ang lungkot sa boses ni Daddy. Mahirap para sa kan'ya na pakawalan ang mga taong naging malapit din sa puso niya. Kaya lubos kong ipinagpapasalamat na handa siyang gawin ang lahat ng iyon para sa akin.
"Sorry, Abigail. Hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ang lahat ng 'yon." Marahang hinaplos ni Daddy ang buhok ko. "Tayo na lang ulit ang magkakampi hanggang dulo, anak."
Patuloy na bumibigat ang dibdib ko sa sari-saring emosyon na nararamdaman. Akala ko'y matatagalan pa bago kami magkakaayos ni Daddy.
Mabuti na lamang at nagkaroon kami ng pagkakataon para makapag-usap ng ganito. Sa katunayan nga'y, matagal na iyong huling nakapaglabas kami ng saloobin sa isa't isa, at hindi ko na matandaan kung kailan iyon.
Sumapit ang araw ng linggo nang hindi ko na muling nakita si Engr. Delgado. Ngayong araw na rin ako lalabas ng hospital. P'wede naman daw akong magpagaling ng mga sugat sa bahay ani ng Doctor.
I even confessed to my Doctor privately about my condition. Hindi na siya nagulat sa ginawa ko dahil sa mga tests na lumabas. Aniya, ilang beses pa raw nilang inulit ang tests pero hindi pa rin nila maintindihan kung bakit ako nagkaroon ng amnesia. Humingi naman ako agad ng tawad sa ginawa ko, at hiniling na 'wag na sanang makalabas ang ginawa ko.
Nahirapan pa itong magdesisyon dahil posible raw siyang mawalan ng lisensya kung hahayaan niyang lumabas akong may amnesia gayong wala naman talaga. Ipinangako ko namang wala ibang masisisi kapag lumabas na ang totoo. Sasaluhin ko ang lahat ng sisi, at kung sakali na hindi naman mangyari iyon ay mas mabuti. Aaminin ko rin naman kay Daddy ang totoo, hindi lang sa ngayon.
"Ipapakuha ko na lamang sa driver ang mga gamit. Mauna na tayo sa sasakyan, Abigail."
Tumango na lang ako at tahimik na nagpatulak sa wheelchair kay Daddy. Kaya ko na namang maglakad, si Daddy lang itong OA at gusto pa akong isakay sa wheelchair.
Duh, si Tala kaya 'to.
Nakakainis dahil nagmumukha tuloy akong lumpo at kaawa-awa.
"Kumuha na rin pala ako ng katulong sa bahay, anak."
Marami pang sinasabi si Daddy, ngunit nanatili lang ang mga mata ko sa dinadaanan namin. Lumilipad ang isip ko sa kung nasaang lupalop ngayon si Engr. Delgado, at walang kahit na anong pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi sa akin ni Daddy.
I'm a bit disappointed sa mga sinasabi niyang hindi natutupad. Sana ay hindi na lang siya nagsasabi para hindi na ako umaasa. Mahigit isang linggo rin akong naghintay sa kan'ya. Matapos niyang magparamdam a few weeks after, ay muli na naman siyang nagiging multo. Asshole.
Nagpaalalay ako papasok sa kotse. Mahirap pa rin palang kumilos. Akala ko ay kakayanin ko na ang sarili ko. Hindi pa rin pala.
Papasok pa lang ako ng kotse nang mabilis akong natigilan sa nakita. Malayo siya mula sa amin, pero nakilala ko agad kung sino iyon. It was Engr. Delgado, holding a bouquet of flowers.
Sa loob ng mahigit isang linggong hindi niya pagpaparamdam, hindi pa rin naman siya pumapalya sa pagpapadala ng mga bulaklak. Natutuyo na nga ang iba kaya hindi ko na malaman kung saan itatago ang mga 'yon.
I looked at my side and saw Daddy waiting for me. He didn't noticed what I've been doing kaya nanatili lamang siyang naghihintay sa pagpasok ko.
Napangiti na lamang ako bago bumalik ang tingin sa kung nasaan si Engr. Delgado, ngunit laking gulat ko nang wala na siya doon. Paano niya nagagawang umalis ng gano'n kabilis? Saglit lang akong tumingin kay Daddy, nawala na agad siya nang parang bula.
Mabilis na naglaho ang ngiti sa mga labi ko at agad na hinanap si Engr. Delgado. Kung plano niyang makipagtaguan, puwes hindi ako nag-e-enjoy. Para lang 'yon sa mga bata, at hindi na kami bata, lalo na siya.
Napairap na lang ako nang hindi ko siya makita. Sana'y habang buhay na siyang magtago, dahil ayoko na siyang makita ulit.
"Pati ba ang mga bulaklak ay ipapadala ko na rin sa kwarto mo?" tanong ni Daddy habang busy sa pag-aayos ng mga gamit namin.
Nandito na kami ngayon sa sala namin, at buong biyahe akong tahimik dahil sa lintik na pag-iisip sa kan'ya. Mas mabuti pa sigurong hindi na lang siya nagpakita dahil mas gumulo ang isip ko sa kakaisip.
"Itapon niyo na lang." Niliko ko ang wheelchair para iiwas ang tingin sa direksyon ni Daddy at ng mga bulaklak. "Gusto ko na pong umakyat, Daddy."
I can't go upstairs alone, and I need someone para alalayan ako.
"Hindi, anak. Sa kwarto dito sa baba ka na lang muna matulog, para hindi ka na mahirapan. Pinaayos ko na sa mga maid ang kwarto," ani Daddy. "Greta! Tulungan niyo muna si Abigail papunta sa kwarto niya," utos pa ni Daddy. Siguro'y iyon 'yung katulong na tinutukoy niya.
May lumapit sa akin na nasa 30's na babae. Ngumiti ito at tumango sa harap ko bago nagtungo sa likod ko at itinulak ang wheelchair. Hinayaan ko na lang din siya sa ginawa niya at sumunod sa agos ng mga pangyayari.
I'm tired. Pagod na ang utak at ang katawan ko sa mga nangyayari. I need a peaceful rest right now.
Hanggang sa pagtulog ay nahirapan ang kaluluwa ko nang dahil sa pag-iisip. I wanted to call, but I can't. Ano naman ang sasabihin ko sa kan'ya kapag sinagot na niya ang tawag? I miss him, but I won't say that to him. Baka maudlot ang lahat ng plano kong binubuo.
Maaga akong nagising kinabukasan kahit iilang oras lang naman akong natulog. Umalis na si Daddy para pumasok, as usual naiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay kasama ang maid. I even ate alone dahil nauna at maagang natapos si Daddy kumain.
Nasa kalagitnaan na ako ng panonood nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagdoorbell sa labas. Hinayaan ko muna iyon at baka sa kabilang bahay lang 'yon nanggagaling. Wala namang ibang pumupunta dito sa bahay, bukod sa mga bisita ni Daddy. Lunes ngayon, at alam ng lahat na hindi nila matatagpuan dito si Daddy, kaya imposibleng bisita niya iyon.
Nang sumunod na limang minuto na hindi pa rin tumitigil ang pagdoorbell ay tinawag ko na si Ate Greta. Patitingnan ko kung sa labas ba ng bahay nangungulit ang taong 'yon.
"Ate Greta, paki-check naman po 'yong labas! Baka importante lang," I shouted.
Mula sa kusina ay nagmadaling lumabas si Ate Greta para tingnan ang nasa labas. Mukhang hindi rin kasi titigil 'yon hangga't hindi pinupuntahan.
Nakaupo lang ako dito sa sala at hinintay ang pagbabalik ni Ate Greta. Siguro nga ay may bisita kami, matagal-tagal na kasi siyang nasa labas.
Napatingin ako sa may pinto nang makalipas ang ilang minuto ay naririnig ko na ang mga yabag ni Ate Greta. My eyes widened nang mabilis na magtama ang mga mata namin ni Engr. Delgado. His brown eyes showed different emotions as he stared at me. Pinilit kong hindi magpadala sa agos na pinapakita niya at pilit na ibinaba ang tingin.
Dumaan ang mga mata ko pababa sa suot niya. He's wearing a fitted navy blue polo shirt na naka-tucked in sa black jeans na suot niya, with his leather brown belt and leather brown shoes.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para isipin na bumabagay sa edad niya ang suot niya ngayon. Mas lalo ko rin tuloy nakita ang naglalakihang biceps at triceps niya, na minsan nang yumakap sa akin.
I immediately shook my head to take those thoughts away my mind. Ayoko nang balikan ang mga ala-alang dapat ko nang kinakalimutan. Those days are my nightmares.
Bumalik na sa kusina si Ate Greta kaya nagkaroon ako ng lakas para makapagsalita.
"What are you doing here?" tanong ko nang hindi ko pa rin ibinabalik ang tingin ko sa kan'ya. Hangga't maaari ay gusto ko siyang iwasan.
"I don't think there's nothing wrong for visiting you," rinig kong sagot niya. "I thought you'd be happy to see me."
Mabilis akong nag-angat ng tingin nang mahimigan ko ang panunuya sa boses niya.
Kunot noo ko siyang tiningnan. "You wish."
He chuckled. Maaliwalas na ngayon ang awra niya kumpara kanina. At nagagawa pa nga niyang tumawa.
Bakit gano'n na lamang niya unti-unting pinapakita ang soft side niya kung kailan nagkakaganito ako? Mas mabuti pang nanatili na lamang siyang masungit at sakit sa ulo.
"Wag mo akong tinatawanan. Ilang araw mo akong pinaghint---"
Maagap akong natigilan nang marealize ko ang sinasabi ko at ang unti-unti niyang pagngisi. Sa daldal kong 'to ay hindi imposibleng lumabas agad ang katotohanan sa pagpapanggap ko. Dapat siguro ay pati bibig ko ay nilalagyan na rin ng bandage.
Marahang tumaas ang isang kilay ko nang napansin ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Maging ang ngisi sa labi niya ay hindi pa rin nawawala.
Pinanood ko lang siya hanggang sa huminto siya sa harapan ko at bahagyang yumuko para pantayan ako. "Sorry... miss din naman kita." He smiled.
Siguro ay may nakain ito, o hindi kaya ay nanuno at hindi na tumitigil sa pagngiti. Sabagay, hindi na rin naman masama, masungit 'man siya o maging palangiti ay bumabagay pa rin sa kan'ya.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita nang naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Maagap akong umurong, ngunit huli na nang nagtungo ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko para pigilan ako at walang pasintabi akong hinalikan sa noo.
"Wag na tampo, baby ko. Andito na ulit ako."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro