✨ 14 ✨
CHAPTER 14
"Magjowa ba kayo ng Tito ni Vera?"
Nilingon ko si Red. Matapos kong ipagtabuyan si Engr. Delgado ay hinila na siya pauwi ni Vera. Hindi ko na rin siya tiningnan bago umalis, para saan pa? Kumukulo ang dugo ko sa galit dahil sa kan'ya. Matapos niya akong gamitin, mahihirapan na siyang ibalik ang loob ko.
Hindi na ako magiging marupok.
Well, si Tala kaya 'to.
Naiwan ako dito sa bar kasama sina Red. Nasa akin ang lahat ng mga mata nila, siguro ay nagtataka pa rin sa kung anong nangyayari.
"Duh! Sa tingin niyo ba papatulan ko ang matandang 'yon?! Ew." I rolled my eyes, and crossed my arms. Sumandal ako sa sofa at tinitigan ang bote sa harapan ko.
Kung hindi ko siguro mas maagang nalaman ang tungkol sa kay Mommy, baka mas lalo akong nahulog sa patibong ng lalaking 'yon. Kaya pala minsan nagbibigay motibo siya, at madalas ay halos isumpa na niya ako. Iyon pala pinaglalaruan niya lang ako at gagamitin.
"Pumatol ka nga sa malibog mong ex." Faith chuckled.
Kumunot ang noo ko at agad siyang nilingon. "Hinihingi ko ba opinyon mo?" I asked harshly. Kapag ganitong wala ako sa mood makakapatay talaga ako.
Pansin ko ang pagbabago ng awra niya. "Nagtatanong ka, 'di ba? Sinagot lang kita," sagot niya at saka pilit na ngumiti.
Pansin ko ang paghawak sa kan'ya ni Teo sa tabi niya, tila nakakahalata na sa sagutan namin ni Faith. Samantalang si Red, Keenan, at Max naman ay nanatiling tahimik sa tabi ko. Wala pa rin ang girlfriend ni Keenan, siguro ay tinakasan na siya.
Tumaas ang isang kilay ko. "Kelan pa naging Tito ni Vera ang ex ko? 'Wag mong sinasali sa usapan ang patay na, baka gusto mong sumunod."
Akala siguro niya ay ayos lang sa akin na inaasar niya ako ngayong wala ako sa mood para makipagbiruan. Ngayon na nga lang siya ulit sumama sa amin, pinapainit niya pa ang dugo ko.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya, kung kanina ay napipilitan siyang ngumiti, ngayon ay halos durugin na niya ako sa mga tingin niya. Fight me!
Duh, si Tala kaya 'to.
"Who the hell are you to cursed me?! Kung wala ka sa mood para makipagbiruan, mabuti pang sumama ka na lang sa kanila. Walang lugar dito ang pag-iinarte mo," she snorted.
"Faith," tuluyan na siyang hinawakan ni Teo, at maging ako ay nilapitan na rin ni Red para pakalmahin.
Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo sa mga sinabi niya. Kung wala siyang magandang sasabihin mabuti pang hindi na lang ulit siya sumama, katulad ng madalas niyang pagtanggi sa amin para sa boyfriend niyang adik.
Pinigilan ko ang sarili kong makapagsalita ng masama tungkol sa kan'ya. Ayokong magkaroon ng alitan kahit kanino sa kanila dahil ayokong pagsisihan bandang huli ang magiging desisyon ko.
After all, kaibigan ko pa rin siya... hindi lang kaibigan kun'di Pamilya ang turing ko sa kanila na madalas kong nilalapitan kapag wasak na wasak ako.
Huminga ako ng malalim at hinarap si Red. "Uuwi na ako, pakisabi na lang kay Vera kapag bumalik siya."
Tumayo ako at hindi na nagpaalam sa kanila. Mukhang narinig naman nila ang sinabi ko kay Red, sila na ang mag-adjust dahil badtrip ako. Hindi ko na rin hihintayin ang girlfriend ni Keenan, parang ayaw naman kasi niyang magpakilala. E'di 'wag, who cares!
Dumiretso ako kung saan naka-park ang kotse ko. Muntik ko nang makalimutan na sa bahay nga pala ni Engr. Delgado ako umuuwi. Kung hindi ako uuwi sa bahay niya ay mas lalong hindi ako uuwi sa bahay namin.
Saan ako uuwi? Bahala na.
Kinukuha ko pa lang ang susi ng aking kotse nang biglang may tumulak sa akin dahilan para mapasandal ako sa kotse. Nagulat ako pero agad rin akong dinapuan ng inis sa nakita. Sa lahat ng p'wede kong makita ay bakit siya pa... mas lalo akong naiinis.
"May gusto ka ba patunayan?! Hinayaan mo na kami, sana tinuloy-tuloy mo na!" sigaw ng magaling kong step sister pagkatapos niya akong itulak na akala mo kung sinong malaking tao, pandak naman.
Tumayo ako ng tuwid at hinarap siya. At dahil mas matangkad ako sa kan'ya ay halos tumingala na siya para lang makita ang ganda ko.
"Ano pa ba ang ipinagpuputok ng butchi mo?! 'Di ba, inagaw mo na siya sa'kin?" I hissed. Nakakagago lang! Ano pa ba ang issue niya, hinayaan ko na nga sila. Tsk.
"Riley broke up with me!" sigaw niya ulit na parang nasa kabilang bundok ang kausap niya.
Wala ba siyang pasok bukas? Hindi pa nga siya graduate ng grade 12 kung maka-asta akala mo mayroon nang ipagmamalaki. Ahmmm, atleast ako... nakapagtapos ng high school tapos maganda pa.
Duh, si Tala kaya 'to.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Oh, tapos? Itatanong mo kung may bago akong jowa para aagawin mo ulit?" walang preno kong tanong. "Pasensya, neng, mahina benta wala akong maibibigay sa'yo," dagdag ko na hindi 'man lang siya naapektuhan. Kapal talaga face!
Tatalikuran ko na sana siya para harapin ang kotse ko nang bigla niya akong hinawakan sa braso at pinilit na manatali. Matalim ko siyang tiningnan at binawi ang kamay ko. "Don't you dare touching me! Ayokong mahawa sa kating mayroon ka, pagamot ka muna."
Nagulat siya pero dahil makapal ang mukha niya ay hindi rin siya nagpatalo. Parehong umakyat ang mga kamay niya at sabay na humawak sa bewang. Cheap. Ew.
"For your information hindi ako ang lumapit sa boyfriend mo, siya ang kusang lumapit sa'kin!" depensa niya na parang proud pa siya sa mga sinabi niya. Sa lahat ng kabit 'yan na siguro ang gamit na gamit na linyahan.
Umiling ako. "Really? Then why are you here, pestering the real girlfriend?!" I exclaimed. Hindi siya makapagsalita. I tapped her head na agad niyang hinawi ng isa niyang kamay bago ibinalik sa kaninang puwesto.
"Hinay-hinay sa pagmamalaki, dahil kung totoo ang mga sinasabi mo, sana hanggang ngayon ginagamit ka pa rin niya. Baka nakakalimutan mo, libog lang ang habol niya sa'yo. 'Wag kang umasa na magseseryoso siya sa katulad mo dahil iniwan niya 'ko. You're just his parausan... ako ang mahal," I stated.
Nanatili ako saglit para panoorin siyang malusaw sa sarili niyang impyerno. Galit na galit na siya kaya agad ko siyang inirapan. Tapos na ako para ipaalala sa kan'ya ang katotoohan, oras naman para matutunan niyang mahalin ang sarili niya.
Tatalikod na sana ako nang bigla akong may naalala."Siya nga pala, just a quick reminder," saad ko bago siya tuluyang hinarap. "Tayong mga babae hindi dapat pumapayag na magpagamit sa mga lalaking manggagamit. Who run the world?! Girls!" I smirked.
Girls run the world, kaya hinding-hindi ako magpapagamit sa matandang 'yon o kahit kanino pa. My body, my rule.
I will never go back to that fucking house. Uubusin ko ang pera ko makalayo lang sa kan'ya. P'wede rin naman ako magtrabaho. Madali na lang 'yon, I'll ask Jarred for that.
Dumiretso ako sa pinakamalapit na hotel. Hindi na ako uulit sa kotse, pinaparusahan ko lang ang sarili ko kung afford ko naman ang komportableng kama. Bukas ko na lang kukunin ang mga gamit ko sa bahay ng lalaking 'yon, or kung mapapakiusapan ko si Vera ay sa kan'ya ko na lang siguro ipapakuha.
"What a shitty night again!" bulong ko bago itinapon ang sarili sa kama.
Tuwing gabi na lang palagi nangyayari ang mga masasaya at hindi magagandang nangyayari sa buhay ko. Saksi ang mga Tala sa lahat ng 'yon. Siguro naman ay mabibigyan na ako ng award ng langit dahil nag-e-enjoy ang mga alaga niya sa panonood sa akin.
Simula nang mamatay si Mommy noong gabing 'yon, sunod-sunod na ang mga magaganda at hindi magagandang nangyayari. Hindi ko tuloy alam kung mamahalin ko ba ang gabi o hindi. But somehow, the night is my time to forget all the bad things... by drinking.
Hindi pa ako tuluyang nakakatulog nang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko ang bag ko sa kama at agad na kinuha ang cellphone ko. Tumigil ang pag-ring nang saktong nakuha ko na ito. Marahan akong nagmulat ng mata dahil sa liwanag ng cellphone ko. Inaantok na kasi talaga ako dahil na rin siguro sa iilang bote ng beer na nainom ko, kaya nahihirapan na talaga akong magbukas ng mga mata.
Numero lang ang naabutan kong tumawag. Baka kung sinong bisaya na naman ito na parang nawawala at kung sinu-sino ang hinahanap. Napabuntong hininga ako bago sana ibababa ang cellphone ko nang bigla namang may lumitaw na message.
Ito iyong number ng tumawag. Tumaas ang isang kilay ko nang napagtantong posibleng kilala ko ang may-ari ng numero.
**
From: Unknown Number
Umuwi ka na. May naghahanap sa'yo dito.
**
Napairap ako. Magpapalusot na nga lang pang 90's pa, matanda na nga. Tsk.
Ibinaba ko na lang ang cellphone ko at hindi nag-abalang magreply. Para saan pa? I'm just wasting my precious time!
**
Kinaumagan agad akong nagtungo sa bahay ni Engr. Delgado. Sinigurado ko munang nakaalis na siya bago ako naglakas loob na pasukin ang bahay niya. Alam ko na naman kung nasaan susi.
Hindi ko na inabala si Vera dahil kauuwi lang daw ng mga magulang niya kanina. At saka nakakahiya kung iuutos ko pa sa kan'ya ang pagkuha ng mga gamit ko kung p'wede ko namang kunin mag-isa. Maliit na bagay!
Duh, si Tala kaya 'to.
Kinapa ko ang halamang nakasabit kung saan niya inilalagay ang susi. Bahagyang kumunot ang noo ko nang hindi ko ito makita. Nilipat na ba niya ng lagayan kasi alam niyang uuwi ako?
Napasinghap ako. "Yung matandang 'yon!" sigaw ko bago ibinaba ang kamay ko.
"Sinong matanda?"
Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang matandang masungit. Blangko siyang nakatingin sa akin.
Umayos ako ng tayo at pinagtaasan siya ng kilay. "Ikaw. Bakit may iba pa bang thirty years old dito?" pilosopo kong sagot.
Bahagyang kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. He cleared his throat. "Hindi ako matanda, nauna lang sa'yo," depensa pa niya bago nawala ang pagkunot ng noo niya. "Saan ka pala natulog? Kagabi pa kita hinihintay, hindi ako makatulo--- nevermind. Kumain ka na ba?"
Natulala lang ako sa sunod-sunod niyang mga tanong at kung paano niya depensahan ang pagiging old man niya. Totoo namang matanda siya, at kung kumain na ba ako... syempre hindi pa. Ofcourse, I won't tell him. Galit pa rin ako sa kan'ya.
"Busog ako." tipid kong sagot bago umiwas ng tingin sa kan'ya. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko tapos aalis na 'ko."
Papasok na sana ako sa loob nang bigla namang tumunog ang tiyan ko. Mariin akong napapapikit at kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Fuck!" bulong ko.
Sa lahat ba naman ng oras ngayon pa talaga siya hindi nakisama. Alam kong gutom ako at kagabi pa hindi kumakain. I can eat naman after kong makuha ang mga gamit ko, pero bakit naman ang reklamador ng tiyan ko!
Binuksan ko ang isang mata ko at sinilip siya. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagbukas ng isa ko pang mata nang nakitang nasa ibaba ang tingin ng mga mata niya. What is he looking at?
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Sabi mo pihikan ka sa babae. Bakit parang pinagnanasaan mo na yata ako?" panunuya ko nang hindi inaalis ang ngiti.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin at namumulang tumingin sa akin. "N-no. It's just that," huminto siya at muling ibinalik ang tingin sa baba. "Kagabi ka lang hindi umuwi lumiit na agad ang tiyan mo," he stated.
Nakaramdam ako ng inis sa mga sinabi niya. "Sinasabi mo ba na malaki ang tiyan ko?!" taas kilay kong tanong bago niyakap at tinago ang tiyan ko. Minsan talaga ay hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya. Nakakainis.
Bumalik na naman ang tingin niya sa akin at saka bahaygang tumango. "Yes. And I love that," walang pasubali niyang sagot na ikinagulat ko.
Lumapit ako sa kan'ya at hinampas siya sa braso. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi niya nadepensahan ang sarili. "Sa susunod na sabihin mong malaki ang tiyan ko ay hahalikan talaga kita. Hindi ako nagbibiro," pananakot ko bago lumayo sa kan'ya.
Alam ko namang matatakot siyang sabihin iyon dahil wala naman siyang gusto sa akin. In fact, si Mommy ang gusto niya at hindi ako. There's nothing to bs worried about.
Duh, si Tala kaya 'to.
Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob. Kailangan ko nang makaalis sa bahay na 'to bago pa siya may maisipang gawin at ikulong ako dito.
Agad akong nagtungo sa may hagdan. "Kukunin ko na ang mga gamit ko," paalam ko bago sana hahakbang sa unang baitang ng hagdan nang bigla niyang hilahin ang braso ko.
"Mamaya na, kumain muna tayo. Naiinis akong tingnan ang tiyan mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro