Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 11 ✨


CHAPTER 11


Simpleng hilo lang naman ito, sa palagay ko, kaya wala ng dahilan para pumunta pa kami sa hospital. Magpapahinga lang naman ako at baka mamaya wala na rin ito. Masyadong OA talaga ang mga matatanda. Tsk.

Kilala ko si Sir Pogi, seryoso talaga siya sa sinabi niyang babalik kami ng hospital. At dahil matigas ang ulo ko ay hindi ako sumunod sa kan'ya at nanatiling nakaupo. Ayoko nang bumalik doon, baka ibang sakit pa ang dumapo sa akin at mas lalong lumala ang hilo ko.

Lumingon siya sa akin nang naramdaman niya sigurong hindi ako sumunod sa kan'ya. Tiningnan niya ako na parang naghihintay siya na tumayo na ako or else--- hindi ko alam. May awtoridad kasi ang mga tingin na 'yon at kailangan kong sundin ang inuutos niya ano 'mang oras.

"Magpapahinga na lang ako," saad ko bago pa siya makapagsalita. Kung hindi ko gagawin 'yon sigurado akong may masasabi siya na baka hindi ko magustuhan.

Kumunot ang noo niya. "Babalik tayong hospital," his voice is warning me.

Sumandal ako at hinilot muli ang sintido ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kan'ya. "Hindi na. Ayoko sa lugar na 'yon," mahinang saad ko bago ako marahan na pumikit.

Mas lalo akong nahihilo sa nangyayari. Pahinga lang naman ang gusto ko, at hindi na niya kailangan pa na ipagpilitan ang bumalik doon.

Naiisip ko tuloy 'yong mga nangyari kanina. Kung paano sila mag-usap nang cashier sa hospital, ngiting-ngiti iyong babae sa kan'ya at siya naman itong mukhang nawiwili dahil maraming nagkakagusto sa kan'ya. Baka gusto niyang balikan iyon kaya siya nagpupumilit na pumuntang hospital.

E'di bumalik siya. Hindi na naman ako kailangan doon at isabit sa kalandian niya. Tsk.

"Baka nakakalimutan mo, nasa pamamahay kita. Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong sumunod sa'kin," walang pasubali niyang anas sa akin kaya agad akong nagmulat ng mga mata.

Tama ba ang mga narinig ko?

Parang nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Kung susundin ko siya ay para rin akong naligo ng kumukulong tubig kahit na ayaw ko at gusto niya.

He's not my fucking father! Sariling tatay ko nga hindi ko sinusunod, siya pa kaya.

Sunod your ass. Tsk.

Ibinaba ko ang kamay ko at pinasadahan siya ng tingin. Kumunot ang noo ko. "Gan'on po ba 'yon?" I sighed.

Nakakadismaya.

Maingat akong tumayo at inaalalayan ang sarili. Mariin ang pagkakahawak ko sa arm ng sofa. "Aalis na lang siguro ako," may halong inis na saad ko bago bumitaw sa hinahawakan ko.

Naiinis ako sa kan'ya. Hindi sa lahat ng oras ay tama siya, at kung wala siyang pakikinggan sa bahay na ito ay mas mabuti pang umalis na lang ako dito. Sinasakal niya ako, at ang lahat ng tao sa paligid niya.

That's not fair. Kung gusto niyang nire-respeto ay dapat marunong din siyang respetuhin ang desisyon ng ibang tao. Hindi sa lahat ng oras ay tama siya, at sa pagkakataong 'to... tapos na ako.

Hindi ako marupok.

Duh, si Tala kaya 'to.

Nagsimula akong maglakad kahit na pakiramdam ko ay ano 'mang oras sasaluhin na ako ng malamig na sahig. Huminto ako at sinukat ang layo ko mula sa hagdan.

Fuck!

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa...

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad patungo sa hagdan upang makakuha ng suporta doon. Sinubukan kong makalapit, ngunit wala pang ilang segundo ay nararamdaman ko na ang panginginig ng tuhod ko at matinding pagsakit ng aking ulo.

Muli akong huminga ng malalim, at mariin na pumikit.

Duh, si Tala kaya 'to.

Nagmulat ako ng mata. Sinubukan ko pa ang lumakad ng tuluyan nang bumigay ang tuhod ko... hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong unti-unting bumabagsak kasabay ng kusang pagpikit ng mga mata ko.

"Tala!"

I'm fucking done...

***


Nakahinga ako ng maluwag nang naramdaman ko na muli ang sarili ko. Hindi ako nagmulat ng mga mata at pinakiramdaman ang paligid.

Akala ko ay katapusan ko na, at kung hindi talaga ako papalarin ay siguradong sa impyerno ako pupulutin. Sa dami ng nagawa kong kasalanan ay wala na akong pagpipilian.

"Gawa lang daw 'yon ng pagod, Tito. 'Wag kang masyadong OA."

Saglit na kumunot ang noo ko sa narinig. Alam kong boses iyon ni Vera, at sigurado rin ako na si Sir Pogi ang kausap niya.

Ano kaya ang pinagtatalunan nilang dalawa?

"Hindi tayo nakakasigurado na gawa lang talaga 'yon ng pagod. Nakita ko kung paano siya bumagsak at mawalan ng malay. She's not fine, and I know she's sick," may diin na sagot ng lalaki sa kaibigan ko.

Ako ba ang pinag-aawayan nilang dalawa?

Kung ako nga, nagsasayang lamang sila ng oras. Totoong pagod lang ako, at kung ipagpapatuloy nila 'yon ay sila naman ang mapapagod.

Nanatili akong nakapikit at pinakinggan pa ang pagtatalo nilang mag-Tito. Parang mga baliw. Tsk.

"Doctor na ang may sabi, Tito. Hindi ka naman Doctor para pangunahan silang may sakit si Tala," balik ni Vera at saka ko naramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko. "Yes, she's not fine, kaya nga siya nahimatay," dagdag pa niya.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim dahilan para mag-alala ako. Alam kong wala akong sakit, pero bakit sa pagbuntong hininga niya ay parang may kakaiba akong nararamdaman.

Is there something wrong?

"Alam kong alam mo ang pinupunto ko, Vera. Nag-aalala lang ako..."

Tama nga ako, may kakaibang nangyayari sa dalawang 'to.

Hindi simpleng pag-aalala lang ang nararamdaman kong pinanggagalingan nilang dalawa. May malalim na dahilan kung bakit nagkakaganito sila, at iyon ang hindi ko alam.

"Umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Tala," utos ni Sir Pogi dahilan para marealize kong nasa hospital pala ako.

Baliw talaga ang lalaking 'to para dalhin pa ako dito sa hospital. Kung hindi ba naman siya one fourth na matigas ang ulo, at one fourth na sabon sa taas ng pride niya ay baka sakaling nakinig siya sa akin. Sarap manakit! Hmp.

Tumayo si Vera sa tabi ko, at makalipas lang ang ilang segundo ay narinig ko na ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Nakaalis na siya, at naiwan na naman akong mag-isa kasama ang masungit na lalaking 'to.

Kaya siguro ako nagkakasakit ay dahil sa stress ko sa kan'ya. Mukhang kailangan ko na yata talagang umalis sa bahay niya para makapagbagong buhay.

Napagpasyahan kong matulog na lang ulit kaysa harapin ko ang lalaking 'to. Bukod sa sermon na matatanggap ko, sakit ng ulo lang ang makukuha ko sa kan'ya. Mas mabuting matulog na lang ako para bukas na bukas ay makakauwi na ako.

Pag-iisipan ko pa rin kasi ang pag-alis ko sa bahay niya. Sayang din kasi sa pera kung magbabayad pa ako ng renta, at bibili ng pagkain. Praktikal lang dahil mahirap ang buhay ngayon.

Well, si Tala kaya 'to.

Naalerto ako nang naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko --- sa kaninang inupuan ni Vera. Marahan akong napalunok para hindi niya mahalata na gising na ako.

Andito na naman kasi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nakakagago na kahit galit ako ay hindi ko mapigilan ang puso ko. Gusto kong magalit na lang sa kan'ya at hindi siya pansinin dahil sa dami ng nagawa niyang kasalanan sa akin... pero hindi ko magawa dahil sa lintik kong puso.

Argh!

Hindi pa ako nakakarecover sa bilis ng tibok ng puso ko nang naramdaman ko naman ang magaan niyang paghawak sa ulo ko at marahan itong hinaplos. Gusto kong sumigaw. Mas lalo yata akong hihimatayin dahil sa ginagawa niya.

Please lang, Sir Pogi, stop fantasizing me!

Bahagya kong ginalaw ang daliri ko sa kabilang side para ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Kung wala kasi akong gagawin ay baka sumabog ako sa sari-saring dala ng puso at isip ko.

I really want to ignore his presence, pero siya itong pilit na nagpapapansin sa akin.

Duh, si Tala kaya 'to.

Napairap ako sa aking isipan at nagpatuloy sa pakikinig ng malalim niyang paghinga. Rinig na rinig ko ang mga iyon dahil siguro sa sobrang lapit niya sa akin. Hinahaplos pa rin niya ang buhok ko na para akong bata na nilalagnat at kailangan nang gumaling.

This is really an awkward situation, hindi na ako kinikilig.

Bahagya akong huminga ng malalim para masigurong hindi niya iyon mapapansin. Mas lalong awkward kung malalaman niyang gising ako. Cringe!

"Tala," mahinang tawag niya pero umalingaw-ngaw sa buong pagkatao ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Nagulat ako dahil biglaan 'yon, pero kailangan ko pa rin na umaktong walang malay.

Hirap, ah! Tsk.

Wala akong balak na gumising ngayong araw, pero sa sumunod niyang mga sinabi ay parang nagulo ang buong buhay ko.

"H'wag kang mawawala..." aniya bago huminga ng mas malalim. "Hindi ito ang ipinangako ko sa Mommy mo," dagdag niya na dahilan nang pagkuyom ng palad ko.

May hindi talaga ako nalalaman...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro