Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

✨ 09 ✨


CHAPTER 9


Magkahiwalay kaming pumasok ni Sir Pogi. May sarili naman akong kotse kaya hindi na ako nag-abalang makisakay sa kan'ya. Baka awayin na naman ako, e.

Mag-isa akong naglalakad ngayon sa hallway patungo sa building namin. Malaki ang buong campus at ang Department of Engineering ay nasa may bandang dulo pa. P'wede ko naman dalhin ang kotse ko, pero dahil ayokong mainitan ang baby blue ko ay kahit maglakad na lang ako ng napakalayo. Maiinitan kasi iyon doon sa parking at kung maghapon ako dito ay tiyak na magrereklamo ang kotse ko.

"Di ba siya yung Tala?" narinig kong bulong ng isang babae sa isa pa niyang kasama na nakasalubong ko at bahagyang tinuro pa ako. Akala siguro niya hindi ko narinig at nakita 'yon.

At dahil maganda ang araw ko ay hindi ako gagawa ng makakasira nito. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Ngunit sa bawat hakbang ko ay mas lalong dumadami ang nagtitinginan at nagbubulungan tungkol sa akin. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit at kung ano ang pinag-uusapan nila.

Hindi naman kasi ako tsismosa, at mas lalong hindi gumagawa ng scandal para may mapag-usapan sila. Walwalera lang ako, pero hindi ako iskandalosang tao.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang lahat ng mga naririnig ko. Ayokong sirain ang araw ko dahil lang sa mga walang kwentang tao. Tsk.

Duh, si Tala kaya 'to.

Agad akong nakarating sa Engineering Building dahil sa bilis ng lakad ko. Dumiretso ako sa upuan ko at padabog na nilapag ang bag ko. Kahit hanggang dito kasi sa room ay kitang-kita ko ang mga tinginan nila.

"Peste!" sigaw ko dahilan para umiwas ng tingin ang ilan sa akin, pero ang iba naman ay nanatili ang mga mata sa akin lalo na si Serenity.

Nilingot ko siya at matalim na tiningnan. "Bakit ba? May problema ba kayo sa'kin?"

Ngumuso siya bago hinarap sa mukha ko ang hawak-hawak niyang cellphone. "Ikaw ang gustong irepresent ni Engr. Delgado sa National Quiz Bee next month, Tala."

Tumalon ang puso ko sa narinig at maging ang pagbabasa sa cellphone niya ay hindi ko na nagawa. Base pa lang sa boses niyang parang nanghihina at sa mukha niyang sobrang nag-aalala ay mas lalo akong nawawala sa sarili.

Nahihibang na ba ang taong 'yon?! At sino si Engr. Delgado para gawin akong katatawanan sa mga tao. Alam ng lahat na wala akong alam sa pag-aaral, tapos ako ang ipapain niya sa pesteng quiz bee na 'yon! Kainis.

Hindi ko na binasa ang pinapakita sa'kin ni Serenity sa cellphone niya. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam na ng lahat na walang mapapala ang buong school sa akin. Hihintayin ng lahat ang kahit isang pagkakamali ko, at 'yon ang kinababahala ng lahat... maging ako.

At sino naman ang may sabi na gusto ko ang nangyayari?!

Naiinis talaga ako, nasira na ng tuluyan ang araw ko.

"Peste talaga!" sigaw ko ulit.

Tumayo ako nagtungo sa faculty room. Sigurado akong hindi na maipinta ang pagmumukha ko dahil sa inis, galit, at isama pa ang magulo kong isip. Kung sino 'man ang Engr. Delgado na 'yon ay sigurado akong baliw siya at wala sa matinong pag-iisip.

Fuck that --- argh!

Magtago na siya sa saya ng nanay niya dahil sobrang inis na inis na talaga ako!

Nagawa ko na noon ang pagsugod sa teacher, sa Rizal Prof namin dahil nga hindi niya ako binigyan ng grade, 'cause of that fucking essay. Tapos ngayon, magagawa ko na naman ito dahil sa pesteng kalokohan ng kung sino 'man siyang nilalang.

At handa ako sa isa o dalawang linggo na suspension... mas mabuti pa nga 'yon dahil makakatulog ako at makakagala. Tsk.

Well, si Tala kaya 'to.

Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa mga nadadaanan ko. Kalat na sa buong campus ang balita, at maging sa ibang department na nadadaanan ko kanina ay nakaabot na rin. Hindi lang
kasi department namin ang mapapahiya kung nagkataon, kun'di ang buong school... mas lalo na ako.

Hindi na ako nagdalawang-isip na buksan ang pinto ng faculty room bago inilibot ang mga mata ko sa buong kwarto. Kakaunti ang tao, at tamang-tama na wala si Sir Pogi.

Bumibigat ang dibdib ko sa galit. Huminga ako ng malalim at matalim na tiningnan ang mga tao sa loob --- na ngayon ay nasa akin na ang lahat ng atensyon nila. Ang ilan ay nagtataka, samantalang ang iba naman ay tila alam na ang mangyayari.

Isa-isa ko silang tiningnan at sinuri kung sino sa kanila iyong tinutukoy nilang Engr. Delgado. "Who's that stupid Delgado?!" sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong kwarto.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga reaksyon nila kaya ang iba ay tila nagtitimpi na rin sa galit. I don't fucking care!

Mas mabuti pang patalsikin na lang nila ako sa eskwelahang ito kaysa ipagpilitan nila ang isang bagay na hinding-hindi ko magagawa.

Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla namang may humawak sa braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Hindi na ako nakapalag dahil sa higpit ng hawak niya at sa lakas na nararamdaman ng katawan ko mula sa pagkakahawak niya.

Nagulat ako nang nakilala ko ang likod ng taong humihila sa akin. Kasabay ng mabilis kong paghinga ay ang kusang paghakbang ng mga paa kong sumusunod sa hila niya. Hindi ko na alam ang nangyayari. Mula sa galit ay napalitan ng takot ang dibdib ko.

Narinig niya ba ang mga sinabi ko?

Napansin kong patungo sa likod ng building ang pinupuntahan namin. Tinitimbang ko ang bawat paghinga ko at ang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko kasi ay ano 'mang oras hihimatayin na ako sa takot.

Ngayon na lang ako natakot ng ganito. Mommy, help!

Tumigil ako nang bigla siyang huminto. Tama nga ako na sa likod ng building ang tungo namin, at andito kami ngayon --- tahimik at walang katao-tao.

Natatakot ako...

Kumalabog ng napalakas ang puso ko nang marahas niya akong binitawan at humarap sa akin. Mabigat ang bawat paghinga niya, at ang mga titig niyang seryoso ay malayong-malayo sa matatalim niyang titig ngayon. Para na akong tinutusok at binubugbog sa takot.

What to do, Tala.

Huminga ako ng malalim. "S-sir..." nangangatal kong saad habang kinakabahang nakatingin sa kan'ya. Gusto kong umiwas ng tingin dahil sa takot na nararamdaman pero hindi ko magawa.

Walang nagbago sa eksresyon niya. Nanatili ang galit sa mga mata niya na parang gusto akong lamunin. Shet, kainin mo na lang ako para matigil na ang takot sa dibdib ko!

Naghintay ako ng mga masasakit na salita mula sa kan'ya... ngunit laking gulat ko nang hindi iyon ang lumabas sa bibig niya.

"Wag mo na ulit gagawin 'yon," kalmado niyang sabi kahit alam kong galit na galit talaga siya sa akin. "Lalong-lalo na ang kalimutan ang pangalan ko," dagdag niya at bahagyang umurong palayo sa'kin.

Agad na kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

Pansin ko ang pag-ngiwi niya sa naging sagot ko. May alam pa pala siyang ibang eksresyon, pero bakit palagi na lang siyang seryoso. Tsk.

Tumikhim siya. "Ako si Cash Oliver Delgado," pakilala niya na unti-unting nagpalaki ng mga mata ko kasabay nang pag-awang ng labi ko. "Hindi ako stupid, at mas lalong hindi ako peste," mariin niyang sabi sa salitang 'stupid' at 'peste'.

Nalaglag na nang tuluyan ang panga ko sa mga sinabi niya. Ibig sabihin ay narinig niyang lahat ang mga sinabi ko, pati sa room kanina?

"Shit." I mouthed.

Nakita kong pinapanood niya ako, at ang mabilis na paglipat ng mga mata niya sa labi ko. Maagap kong tinikom ang bibig ko. Alam kong nakita niya 'yon, dahil bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Pinapakain naman kita ng masasarap na pagkain, pero bakit gan'yan pa rin ang mga lumalabas sa bibig mo," aniya sabay unti-unting umaangat ang tingin diretso sa mga mata ko. "Ano pa ba ang gusto mong kainin para tumigil ka na sa pagmu-mura?" tanong pa niya.

Ikaw, Sir Pogi. Kaya ba?

Nanatili na lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko naman p'wedeng sabihin na siya ang gusto kong kainin. Joke.

Umiling na lang ako bilang sagot sabay kagat ng pang-ibabang labi ko. Kelan ba matatapos 'to?

Kinakabahan pa rin ako...

Tinitigan ko siyang mabuti sabay balik ng labi ko nang napansin kong namumula si Sir Pogi. Maagap siyang umiwas ng tingin nang napansin ang pagtitig ko. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. Nagba-blush ba siya?

Luh, si Tala lang kaya 'to.

"Bumalik ka na sa room niyo."

Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. Ano ba kasi ang tinitingnan niya? Nasa harap na nga niya 'yong maganda, tumitingin pa sa iba. Tsk.

Sinundan ko na lang din 'yon ng tingin. Bukod sa pader ay wala ng ibang makikita sa lugar na 'to. Oh, pader lang pala ay bakit tumitingin pa sa iba. Pader din naman ako!

Kaasar.

Napairap na lang ako sabay martsa paalis sa kinatatayuan ko. "Alis na ako, Engr. Delgado," paalam ko na may diin sa 'Engr. Delgado'. Ngayon ko lang kasi siya tinawag sa pangalan niya kaya dapat may emphasize. O, sabihin na lang din natin na medyo inis ako. Babaw?

Well, si Tala kaya 'to.

Nagsimula na rin akong maglakad at hindi na siya hinintay na lumingon o habulin ako. Wala naman siyang pakialam sa akin kaya hindi na ako aasa na gagawin niya 'yon. Puro naman kasi siya mixed signals, siya kaya haluin ko. Kaasar.

Bumalik na ako sa room na hindi pinapansin ang kahit sino. Kahit iyong mga paulit-ulit kong naririnig na bulungan sa mga nadadaanan ko ay hindi ko na lang din pinagtuonan ng pansin. Naiinis ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Shi- ship!

"Saan ka nanggaling?" tanong ni Serenity sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin.

Tumitig lang ako white board sa harapan namin. Wala na akong lakas para makipagtalo, kaya sana alam ni Serenity na kailangan niyang dumistansya bago pa siya pulutin ng ambulansya.

"Bakit parang may something sa'yo. Galit ka ba? May nangyari ba?" sunod-sunod pa niyang tanong na marahan kong nilingon. Kalmado lang ako, pero inis na talaga ako.

Nahagip ng mga mata ko ang pagtitig sa'kin ni Margarette. Sa tingin ko ay napansin niya ang aura ko kaya bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya si Serenity palayo sa'kin.

"Samahan mo nga ako. Nandoon daw sa canteen 'yong crush ko," aniya nang hindi na magawang tumingin sa'kin habang pilit na hinihila patayo si Serenity.

Samantalang si Serenity naman ay hindi magawang bumitaw ng tingin sa'kin hanggang sa nakalabas na sila ng pinto. Baliw talaga. Tsk.

Sumubsob na lang ako sa armchair para hindi makita ang ilang mga pasimpleng sumusulyap sa akin. Alam ko namang maganda ako, noon pa, hindi na nila kailangan ipahalata.

Nakakainis lang kasi dahil iyong pinunta ko sa faculty ay nawalan ng silbi. Hindi ko lang naman nasabi kung ano ang ipinunta ko doon, kahit kaharap ko na ang tao sa likod ng mga kalokohang 'to. Dapat ay sinabi ko sa kan'ya kung bakit ako galit na galit at kung bakit ko nasabi lahat 'yon.

Ang kaso... tikom palagi ang bibig sa tuwing kaharap ko na siya. Argh!

Nagpatuloy ang klase at gan'on pa rin ang mga nangyari. Mas lalong hindi ko magawang makinig dahil sa labas-pasok na mga isipin. Noon pa 'man ay hindi na talaga ako nakikinig kaya bakit ko pa pagkakaabalahan ang bagay na 'yon. Sinasayang lang nila ang oras ko.

Natulog ako sa oras ng Rizal hanggang sa mga sumunod na klase. Kapag hindi kasi buhay ni Rizal ang ike-kwento ay buhay niya ang ilalahad sa amin na akala mo naman ay may magandang ambag sa lipunan. Asar!

Nanatili akong nakasubsob kahit tinutusok-tusok na ako ni Serenity dahil andiyan na raw ang teacher namin sa Calculus. Bahala siya. Hindi ako takot. Hmp.

"Hindi hotel ang classroom, kaya lumabas ang gustong matulog sa klase," sermon ni Sir Po--- Engr. Delgado. Nakita na niya siguro ako.

Okay. Madali naman akong kausap.

Maagap akong tumayo at kinuha ang bag ko sa upuan bago nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Nang hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay bigla siyang nagsalita.

"Wag kang bastos, Miss Garcia," aniya na may diin sa pangalan ko. Aba't ginagaya pa ako.

Hinarap ko siya. Pansin ko ang gulat sa mukha ng mga kaklase ko pero hindi ko iyon pinansin at mas itinuon ang atensyon ko kay Sir Po--- Engr. Delgado. Halata sa hulma ng mukha niya ang pagkadismaya. 'Yan, gan'yan dapat. Hmp.

Ngumisi ako. "Nagsalita ang hindi bastos," panimula ko habang pinapanood ang unti-unting pagbabago nang timpla ng mukha niya.

Nagpatuloy ako, pero mukhang ako naman ang dismayado sa mga oras na 'to. "Kung hindi bastos baka ibang salita ang nararapat sa ginawa mong pagpapahiya sa'kin. I know I'm not smart... pero hindi ako laruan para gawin mong katawa-tawa sa mga tao," dagdag ko bago siya mabilis na talikuran.

Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko dahil ilang minuto muna ang lumipas bago siya nakapagsalita. "Saan ka pupunta?"

Pero dahil ma-pride rin akong tao hindi ko na siya nilingon muli at nagpatuloy na lang sa paglalakad. The audacity, duh!

Syempre sa bahay mo... matutulog.

Well, si Tala kaya 'to.

Dumiretso ako sa bahay niya at nagkulong sa kwarto. Hindi na ako nag-abalang maglock ng pinto except sa front door. Sariling bahay niya naman ito at sigurado akong may susi siya ng lahat ng p'wedeng susian dito. Papagurin ko lang ang sarili ko. Tsk.

Nag-shower muna ako bago nahiga sa kama niya. Nakakahiya namang dumihan, hindi pa naman ako ang naglalaba. Matutulog na lang ako kaysa isipin ko ang lahat ng problema na wala namang idudulot na maganda sa buhay ko. Pagod na nga ako, papagurin ko pa ang utak ko. Sa ganda kong 'to?!

Duh, si Tala kaya 'to.

Tumagilid ako at tinitigan ang malaking orasan sa harapan ko. Mahigit dalawang oras na yata ang lumilipas nang hindi 'man lang ako dinadapuan ng antok.

Gusto kong matulog at iniiwasang mag-isip nang hindi ko naman maalis sa isip ko ang mga sinabi ko kanina. Pakiramdam ko ay sumobra ako sa bagay na 'yon, at sa harap pa talaga ng mga kaklase ko.

Hindi ko naman sinasadya na gawin 'yon. Naunahan lang talaga ako ng galit at inis dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ako. Fuck!

Sorry for the bad words pero nakakatangina kasi. Para akong ginagago ng mundo, at ginagawa niyang sandata si Engr. Delgado para mas parusahan ako. Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng ginagawa ko?

Mapait ako napangiti at tinitigan ang nakabukas pang kurtina. Saglit ko munang tinitigan ang madilim na kalangitan. Maaliwalas ang langit at walang mga bituin --- siguro ay uulan.

Sinasamahan na naman siguro ako ni Mommy.

Tumayo ako at sinarado ang kurtina nang bigla akong nakarinig ng mga mabibigat na yabag papalapit dito sa kwarto. Naalerto ako.

Oh shit, si Sir Pogi na ba 'yon?

Malamang, bukod sa susi na dala ko ay sariling susi na lang niya ang meron. Ewan ko na lang kung may ibang tao pang nagmamay-ari ng bahay na 'to... katulad ng asawa niya. Ouch!

Nanatili akong nakatayo at pinakinggan mabuti kung tama ba ang mga naririnig ko. At nang napagtanto kong mga yabag nga iyon ay agad akong tumalon sa higaan para humiga. Hindi niya ako p'wedeng maabutang gising at baka kung ano pa ang sabihin niya sa akin. Nakakahiya.

Nagtago ako sa ilalim ng kumot. Sanay naman akong magkunwaring tulog dahil ginagawa ko na ito noon sa bahay. Nakatalikod ako sa pinto habang mariin na nakapikit, para kung sakaling pumasok si Sir Pogi ay hindi niya makikita ang reaksyon ko.

Kumatok siya sa pinto. "Tala..." mahinang tawag niya na agad nakapagpabukas ng mga mata ko.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Paanong hindi... tinawag niya lang naman ako sa pangalan ko. For the first fucking time!

"Tala..." muling tawag niya. He sounds worried and terrified. "Let's talk," dagdag niya.

Hindi ako nakakibo at nanatiling nakabaluktot sa ilalim ng kumot. Makalipas ang ilang minuto ay inilabas ko ang ulo ko at marahan na nilingon ang pinto. Tahimik na kasi siya doon sa labas, pero alam kong nandoon pa siya dahil wala naman akong naririnig na mga yabag niya paalis sa labas ng kwarto.

Haharap na sana ako ng tuluyan nang biglang gumalaw ang doorknob. Agad akong bumalik sa kaninang puwesto, pero hindi ko na nagawang itago ang mukha ko nang tuluyan ng bumukas ang pinto.

Naramdaman ko ang maliliit at maingat niyang hakbang palapit sa akin.

Shi- ship!

Hindi ako gumalaw at nanatiling kalmado sa pagkakahiga kahit sobrang kinakabahan na ako. Huminto siya sa likod ko, pero makalipas lang din ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng kaba nang naglakad naman siya patungo sa kung saan ako nakaharap. Ano ba ang gusto niya mangyari?

Kinakabahan na talaga ako... shet!

Gusto ko na lang tumayo nang naramdaman kong nasa harapan ko na siya. Nararamdaman ko na kasi ang iilang butil ng pawis na tumutulo sa mukha ko, kahit bukas naman ang aircon. Pakiramdam ko kasi ay sinusunog na ako sa sobrang init na nararamdaman ko, at kung hindi ako aalis ay baka maging abo na lang ako dito.

Kalma, Tala!

Lumipas pa ang ilang minuto nang hindi ko na nararamdaman kung ano ang ginagawa niya, maliban sa mabibigat niyang paghinga. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa nangyayari.

Tititigan niya lang ba talaga ako at tutunawin?

Napagpasyahan kong silipin na lang siya nang bigla kong narinig ang paghinga niya ng malalim kaya nanatili na lang akong nakapikit.

Hanggang sa may naramdaman na lang akong malambot at magaan na pagdampi sa noo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro