Episode 6- babae
Mitch's POV
Kinabukasan namasyal kami sa Municipal ng Lucban, Quezon. Pumunta kami sa souvenir store.
Vini-video-han ko ang bawat madaanan namin na shop. May mga taong tumitingin sa ginagawa ko, ngunit hindi ko sila pinapansin. Ang importante may ma-upload ako next week na video. Alam kong sabik na ang mga followers ko sa next content ng vlog ko.
Napatigil ako sa isang souvenir store na nagtitinda ng mga bag.
"Ay ang ganda naman nito." Hinawakan ko ang isang shoulder bag na gawa sa niyog habang vini-vedeo-han ito.
"Ay ang ganda! Cousin, bili ka para same tayo na may shoulder bag," masayang sambit ni Gena.
"Sige-sige." Binili namin ni Gena ang shoulder bag na gawa sa niyog. Bumili rin kami ng mga souvenir items na pampasalubong namin pagbalik sa Manila.
Nang makabalik kami sa mansion nangyaya si Marie, na magpiknik sa bundok.
Kaya nagtungo kami sa malawak na kagubatan sa likod ng bahay nina Chris. Tanaw ang isang kapilya at iilang mga bahay sa malayo. Maaliwalas ang paligid at maganda sa pandinig ang mga huni ng mga ibon.
"Wow, ang ganda naman dito bes! I think maganda rito mag-vlog!" masiglang sambit ko kay Marie.
Kinuha ko ang shoulder bag na gawa sa niyog at hinanap ang camera.
"Gosh! naiwan ko 'yong camera sa house nila Chris," malungkot ko na sabi kay Marie.
"Sige camera ko na lang gamitin mo." Ibinigay niya sa akin ang Nikon camera na nakasabit sa kanyang leeg.
"Ay, thank you bes!" masayang wika ko sa kanya.
"Ahm, bes p'wede mamaya ikaw na rin videographer ko?" nahihiyang pakiusap ko kay Marie.
"Sure bes. No hay problema mi amiga[No problem my friend]," masiglang sambit niya na may pagkadiin pa ang spanish na word, kaya natawa kami sa isa't isa. Naalala ko si Dora sa kanya.
"Hola! Soy Dora [Hello! I'm Dora]," inipit ko pa ang boses ko para magmukhang katunog ni Dora, na lalo kaming humagalpak sa tawang dalawa.
Napatigil ako sa pagtawa nang mapalingon ako sa gawi ni James, na tahimik lang, na animoy may hinahanap.
Samantalang sina Gena, Chris at Carlo ay abalang- abala sa pag-aayos ng picnik mat at mga pagkain.
James' POV
"Ang baho naman dito! Parang amoy dugo," mahina kong sabi sabay yuko at hinahanap ang pinagmumulan ng masangsang na amoy. Wala ba silang naaamoy na malansa? Malayo na ang linakad ko.
Hindi ko pa rin matagpuan ang pinanggagalingan ng amoy.
Patag lamang ang lupain at pinalilibutan ng mga damo. Pinagmasdan ko ang buong paligid.
May bumubulong
Bulong na hindi ko naman maintihan.
Iyak
Iyak ng mga taong hindi ko alam kung saan nagmumula. Sinabayan pa ito ng mga malalakas na hangin.
Napapikit na lang ako. Mabigat ang pakiramdam ko tila may mga matang sumisilip sa amin, hindi ko alam kung saan. Nagtaasan na lamang bigla ang balahibo ko. Alam ko may something dito.
Bumalik ako sa aking diwa nang biglang tinapik ako ni Carlo sa balikat.
"Pre, Huy! Ano ginagawa mo riyan?"
"Wala ka bang naamoy parang dugo at parang may umiiyak," sambit ko sa kanya.
"Huh? Wala! Gutom lang 'yan, tara kain na tayo. Hinihintay ka namin doon."
"Sige sunod ako." Sa huling sandali nilingon ko ang kakahuyan at agad nang linisan iyon.
Mitch's POV
Nakaupo kami ngayon sa picnic mat at abalang kumakain ng tanghalian. Nang matapos na akong kumain, naisipan kong mag-vlog.
Sinet-up namin ni Marie ang camera. Siya ang magiging videographer ko sa araw na 'to.
"Hi guys! So ito na nga. Nagpipiknik kami ngayon," masayang introduction ko habang naka-focus ang mukha ko sa camera.
"Ayan, ang supportive boyfriend ko!" turo ko kay James na nakaupo sa gilid.
Ngumiti lang si James at kumaway. "Katabi niya si Chris ang mayor namin!"
Nabigla naman si Chris nang tawagin ko siya.
"Naku Mitch 'di naman ako ready!" nakangiting sabi ni Chris na mabilis na pinunasan ang pawis sa mukha.
"Okay lang 'yan Bebe ko hot ka pa rin!" malambing na tugon ni Marie sa kasintahan.
"Sana all Bebe ko," tuksong sigaw naman ni Carlo. Dahil doon nagtawanan kaming lahat.
Kinuha ko ang camera kay Marie, upang ipakita ang chinitang bestfriend ko.
"Kilala niyo na ito, always itong nasa vlog ko. Ayan syota ni Mayor!" natatawang pagpapakilala ko kay Marie.
"Hello welcome to my world!" Nag-heart finger pa ito at nagsalita "May bayad talent fee ko rito char!" pagbibiro ni Marie saka kinuha ulit sa akin ang camera.
"Sa right side naman ang mala-diyosang pinsan ko na si Gena. Say Hi!"
"Dyosa talaga cousin? Hi po!" nahihiyang sabi ni Gena habang kumukuha ng sandwich sa tupperware.
"Ito naman si Carlo," turo ko naman kay Carlo na katabi ng pinsan ko.
"Hello!" Sabay akbay kay Gena.
"Ano ka ba!" tinanggal agad naman ito ni Gena, na halatang nairita.
"Sungit naman nitong future girlfriend ko," maangas na wika ni Carlo, na nagpapa-cute kay Gena.
"OTOT, di ako papatol sayo!" Taas kilay na sambit niya.
"Bakit? Gwapo naman ako ah, mabait, matalino," matamis na tugon ni Carlo.
"Ayaw ko ng mas bata sa akin, at ayoko ng palasuka sa byahe. You're so weak." Irap niya at umusog nang pagkakaupo, upang lumayo kay Carlo.
"Grabe naman. Age doesn't matter, but my feeling is matter," sabi ni Carlo na ginalaw pa ang dalawang kilay.
Nagtatawanan na lang kaming lahat sa away ng dalawa.
Napatigil kami sa ginagawa namin nang sumigaw si Marie.
"O M G!" malakas na sigaw ni Marie na natatatakot.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"May girl doon na pilit na kinakaladkad ng mga lalaki!" Sabay turo sa hindi kalayuan sa
aming lugar.
"SAAN?" sabay-sabay namin na tanong.
Natanaw namin ang isang babae na nakahandusay sa damuhan habang pilit na kinakaladkad ng apat na lalaki. Agad kaming kumilos upang iligtas ang babae.
Mabilis na kumilos ang mga lalaki sa amin.
Sa sobrang panic naming mga babae, nahulog ang camera ni Marie sa batuhan, kaya nabasag ang screen nito. Pinulot niya agad ito, at patakbo kaming pumunta sa biktima upang tulungan itong makabangon.
Tumakbo ang grupo ng mga lalaki sa masukal na kagubatan para makatakas. Naiwan ang
babaeng sugatan, na puno ng pasa ang mukha at katawan. Madungis at punit-punit ang
kanyang suot na puting toga, wala siyang panyapak, kaya duguan ang kanyang mga paa.
Kung pagmamasadan siya'y tila dumaan sa matinding kaharasan.
*********************************
"Miss, okay ka lang?" sabi ni Mitch, habang binabangon siya sa pagkahiga
" T-Tutulungan! niyo ko! y-yong a-ate ko!" hingal na sabi nito, habang umiiyak.
Napayakap ang babae kay Mitch at palihim na inihulog ang kung anomang bagay sa shoulder bag na dala niya.
"Miss, dadalhin ka namin sa hospital," sabi ni James na akma siyang bubuhatin.
"T-T u-ulungan n-niyo k-ko! papat-ta-a yin nila k-kami," hingal na sambit nito hanggang mawalan na lamang ito ng malay.
Pumunta agad sila sa hospital at tumawag ng mga pulis.
Kinuhaan sila ng statement at ikinuwento nila ang buong pangyayari.
"Sinearch na namin ang area, ngunit wala na kaming nakita. Hindi niyo ba namukhaan ang mga suspect?"
"Wala po! 'Di ba guys wala tayong nakita!" sabi ni Chris.
Tumango ang lahat. Patuloy pa siyang nagsalita.
"Lahat po kami busy sa piknik. Kaya nang makita namin ang isang babae na pinagtutulungan ng mga lalaki, agad namin siyang pinuntahan," seryosong sambit ni Chris sa mga pulis. Nang matapos magbigay ng statement ang bawat isa, umalis na sila sa hospital.
******************************
Mitch's POV
Bumalik kami sa mansion na nawindang sa nangyari. Bumaba kami sa van na pagod.
"Uuwi na tayo bukas tapos may nangyari pa, hindi tuloy natin na enjoy 'tong bakasyon!" sabi ni Carlo na nadismaya.
"Okay ka lang love?" nababahalang wika ni Chris kay Marie, sabay akbay sa nobya.
"Oo," matamlay na sagot nito.
Nagbuntong-hininga na lang kami at sabay-sabay kaming
pumasok sa loob ng mansion. Kinamusta kami ng mga magulang niya at sinabihan kami
na magpahinga. Tinulog na lang namin lahat ang nangyari ngayong araw.
Kinaumagahan ay umalis na kami sa bahay nina Chris, at pabalik na sa Manila. Habang nasa mahabang byahe- ay binasag ang katahimikan namin, nang biglang nagpatugtog ng gitara si Carlo at kumanta ng sikat na kantang buwan ni Juan Carlos.
🎶Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw sa dilaw na buwan🎶
Sabay sabay na kanta namin. Napapiyok si Gena, kaya agad kaming nagtawanan.
Napansin ko na walang imik si Marie, at hindi sumasabay sa kasiyahan namin.
"Bes, okay ka lang?" bulong ko rito.
"Guys may sasabihin ako," sabi ni Marie na lumingon sa amin.
Lahat kami ay tumahimik at tumingin kay Marie.
"Bakit bes?" sabi ko na nagtataka.
"Kahapon di ba sabi ng mga police kung may nakita raw tayo. Nahagip ko ata- 'yong mga
suspect," seryosong sambit ni Marie.
"Bakit ngayon mo lang sinabi!" inis na sambit ni Carlo na tumingin ng masama kay Marie.
"Kasi natakot ako. Nakita rin kasi nila mukha ko! Ano gagawin ko guys, baka balikan nila ako!" kinakabahan na sagot ni Marie.
Napukaw ang atensiyon namin nang nagbigay ng opinyon si Chris.
"Tama na 'yan! Walang nakakita! Alangan naman bumalik pa tayo sa Quezon Province. Nandito na tayo, kaya na ng police 'yan. Buhay naman 'yong babae at makakasalaysay naman siya," mariin na sambit ni Chris.
"Huwag na tayong makisawsaw baby. Nandito lang ako, proprotektahan kita," dugtong ni Chris na hinawakan ang kamay ni Marie habang nagmamaneho.
"Sure ka ba na na-video-han mo Marie?" seryosong sabat ni Gena.
"Hindi ko rin sure, pero parang kasi nakunan ko talaga eh."
Nagbuntong-hininga ito at nagsalita ulit. "Nasira kasi 'tong camera, so kailangan ko pa i-transfer 'yong memory card sa laptop ko. Pagdating sa house titingnan ko ulit," nanginginig na saad ni Marie.
"Hindi ka naman pala sure Marie!" Nag-crossed arm si Gena at nagpatuloy sa pagsasalita.
Guys, sana atin-atin lang 'to. Huwag niyo na lang sabihin sa iba. Alam niyo na for sure magagalit mga parents natin, kung malaman nila na may nangyari sa bakasyon natin. Ang mas malala pa hindi na tayo payagan mag-out of town, di ba Mitch?" seryosong sabi ni Gena na tumingin sa akin.
Tumango na lang ako na pagsang-ayon kay Gena. Malamang sandamakmak na sermon aabutin ko nito pag malaman nina mama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro