Episode 3 - Bata
Mitch's POV
Nagising ako sa malakas na pagyugyog ng ate ko.
Nanginginig ang mga labi ko pati na rin ang aking mga kamay.
Pilit akong pinakalma ni Ate Sarah, ngunit parang kinakapos ako sa hininga.
Panaginip lang pala, akala ko kung ano na.
"Oh, tubig! Okay ka lang? Buti nandito ako ngayon, nabangungot ka? Ano bang nangyari?"
"Kasi ate 'yong nangyari kahapon-" napabuntong-hininga pa ako.
"Napanaginipan ko 'yong lalaki", hingal kong sabi.
"Oo, alam ko 'yon, napanood ko sa TV. Kanina pala may reporter na pumunta sa bahay gusto ka interviewhin,"
"Ha? Ano sabi mo te?" mahinang tugon ko, sabay lagok ng tubig.
"Sabi ko hindi ka muna p'wede interviewhin at masama pa pakiramdam mo." Binuksan ni ate ang kurtina.
"Oh, siya bangon na riyan. You need to eat your breakfast dahil past 10 am na. Pag dito si mama lagot ka! Late ka na kumakain," nag-aalalang sabi ni ate.
"Sorry! Napuyat kasi ako kagabi hindi talaga ako makatulog," matamlay na tugon ko kay ate Sarah.
"Mitch, sabi ni kuya kailangan ka raw magpa-check-up sa kakilala niyang doctor this morning. Alam kong na-shock ka kahapon. Gusto kitang samahan kaso may long quiz kami, kaya si Manang Pisa sasama sa'yo," sambit niya habang hinahagod ang likod ko.
"Sige te," mahinang sambit ko sa kanya.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kama niya.
"Pagkatapos mo palang magpa-check-up, samahan mo rin si Manang Pisa mamalengke, kasi darating mamayang hapon ang mga pinsan natin galing Saudi, kasama si mama," sabi ni ate habang nilalagay nito ang mga libro sa backpack na nasa mesa.
Nang marinig ko ang pangalan ni mama, parang nabuhayan ako.
"Talaga uuwi na si mama?" masiglang sambit ko sa kanya.
"Paulit-ulit?" nakangiting tugon ni ate "Oo. Mitch, kaya bumangon ka na. Sige bye!" Sabay sarado niya ng pinto.
Natuwa ako nang marinig ang magandang balita. Excited na ako na makita si mama!
Pumunta nga kami ni Manang Pisa sa doctor na kilala ni kuya. Kinausap niya ako saka binigyan ng gamot na dapat ko raw inumin everyday.
Nang matapos ang appointment ko sa doctor. Nakiusap sa akin si manang na magdiretso raw kami sa SM North, dahil doon daw kami mamalengke.
Habang naglalakad kami sa mall nagtanong ako kay Manang Pisa.
"Manang ano po ba lulutuin niyo?"
"Marami Mitch, Kare-kare, Afritada, pancit at 'yong paborito ng mama mo- 'yong letchon kawali."
"Ang daming ulam naman po ata."
Napangiti na lang ako. Ewan, for sure bukas ng umaga 'yan pa rin ulam namin, kasi si ate for sure gabi na 'yon uuwi. Si kuya weekend lang naman siya nag-stay sa bahay. Naku po! Sira ang diet ko nito!
"Namiss kasi ng mama mo 'yan, bihira lang daw siya makakain ng ganyan sa Saudi. Sige Mitch, upo ka na lang muna doon." Tinuro ni manang ang bakanting upuan malapit sa food corner.
"Okay lang po ba kayo? Baka kailangan niyo po ng tulong?"
"Okay lang ako. Tatawagan na lang kita kapag tapos na ako bumili.
"Sige po." Nagtungo na ako sa bench malapit sa food corner.
Habang naghihintay binuksan ko ang facebook ko sa cellphone.
"Ang daming notifications! Nag-viral nga talaga 'yong video!" O to the M to the G! May tumatawag ata sa cellphone ko. Sino na naman 'to? Baka 'yung reporter na! Nang tumingin ako sa caller, si James lang pala.
"Yes, love?" malambing na sabi ko sa kabilang linya.
"Love, nasaan ka? Nandito ako sa house niyo."
"Nandito ako sa Supermarket sa loob ng SM North love, sinamahan ko si manang"
"Ah, okay patapos na ba kayo? Punta ako riyan."
"Hindi pa, sige daan ka na lang dito."
Ilang minuto ang dumaan at dumating na si James, nakasando lang ito ng green na checkered at ripped jeans, kaya kitang-kita ang kanyang matipunong katawan. Nakangiti siya sa akin at kumakaway.
Malayo palang kasi kitang-kita niya ako dahil ako lang naman ang nakaupo sa food corner.
Ngunit biglang umiba ang ihip ng hangin nang dumating si James. Dahil ba ito sa kanya, kaya parang bumibigat ang pakiramdam ko. Inisip ko na lamang na siya ang dahilan ng ganitong feeling, pero bakit natatakot ako.
Habang siya ay palapit nang palapit, lalong tumataas ang kaba sa aking dibdib.
Paralisado ang aking katawan, hindi ko alam kung bakit. Parang gusto kong magtago. Ilang metro na lang ang pagitan namin ni James.
Paano na ito?
"Huy okay ka lang?" Sumenyas siya.
Gusto ko siyang pigilan.
Hindi ko alam kung saan ako nakatingin, ang mata ko ay malilikot, na parang may hinahanap na sagot.
At nang lumingon ako sa kanan, sinundan niya ito.
My eyes wide open.
"J-James, J-James sa likod mo," nabubulol pa ako habang mahinang boses lamang ang lumalabas sa aking bibig.
Sa likod ni James isang batang duguan!
Batang puno ng dugo sa katawan, at ang mata nito'y matalim ang titig sa akin.
My tears fell down. I covered my mouth. James immediately ran towards me.
"Mitch, ano bang nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong nito. Wala akong binalik na sagot. I just hugged him, feel ko safe ako sa kanya.
"shhh shhh, tahan na okay? Kalma, sabihin mo sa akin ano bang nangyari." He wiped my tears with his warm hands.
" May naki-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang marinig ko ang mga sigawan ng mga tao.
Maraming tao ang biglang nagtipon-tipon sa bandang kaliwa, na hindi kalayuan sa aming kinatatayuan. Kaya agad-agad kaming naki-isyuso.
Nakaramdam ako ng takot at kaba nang malapit na kami sa mga taong nagkukumpulan.
Napatakip ako sa sariling bibig nang makita ang batang nakadapa na basag ang ulo. Nanginig na ang buong katawan ko nang mapansin na lumabas pa ang sariwang utak sa bungo nito, habang patuloy ang pag-agos ng dugo rito, na nagpapapula sa puting tiles ng sahig ng mall.
"Tumawag kayo ng ambulance!"
"Naku nahulog yan sa fourth floor!"
"Kawawa namang bata!"
Iba't ibang bulungan pa ang naririnig ko sa mga taong nakiki-isyuso. Wala pang isang minuto na tinitingnan ko ang bata, ngunit hindi ko na siya kayang pagmasdan. Kaya agad akong tumalikod upang umalis. Mabilis naman na sinundan ako ni James.
"Okay ka lang Mitch?" nag-aalalang sabi ni James, nang makalayo kami sa maraming tao.
"Nakita ko siya kanina sa likuran mo! Tinitingnan niya ako," nanginginig na sambit ko sa kanya, habang hinihimas ko ang aking mga braso upang umalis ang nginig sa aking katawan.
"Baka may third eye ka rin Mitch?" seryosong sambit ni James.
Nagbuntong-hininga ako at kina-usap siya ng masinsinan.
"Third eye? baka guni-guni ko lang siguro 'yon. Siguro stressed lang 'to or dala na siguro ng sobrang pagod. Sabi nga ng doktor, hallucination ko lang lahat ng 'to. Dapat yata inumin ko na 'yong gamot pagdating sa bahay," mahinang sabi ko kay James.
Nang makabalik kami sa dating puwesto.
"Ay naku! Saan kayo nagpunta Mitch? Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Manang Pisa habang hawak-hawak niya ang dalawang supot ng groceries.
"Naki-isyuso po, kasi may nahulog kanina sa fourth floor," sabi ko, sabay kuha sa isang supot ni Manang Pisa. Kinuha naman ni James ang natitirang supot nito.
"Tara po hatid ko na po kayo," alok ni James.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro