Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 23-Takbo

I dedicated this story to Kathy_Zaynie13 salamat sa pagsuporta. ♥♥♥
************************************

Mitch's POV

Napatigil kami sa pagtakbo nang biglang tamaan ng liwanag ng flashlight ang isang puno na katapat namin.

Kaya mabilis kaming napaupo at dahan-dahan kaming gumapang upang hindi kami makita.

Napatago kami sandali sa isang malaking bato na pinalilibutan ng matataas na damo. Pinipilit namin pinagkakasya ang aming sarili.

Narinig ko ang nakakatakot na boses ni Chris, na hindi kalayuan sa puwesto namin.

"Tumago lang kayo pero pag makita ko kayo. Sabog ang ulo niyo!" sigaw na pagbabanta ni Chris habang tinitingnan ang bawat punong dinadaanan.

Lalo akong natakot sa narinig. Napahawak pa ako sa dibdib sa matinding kaba ng akmang lalapit siya sa amin.

Tinakpan na ni James ang bibig ng bata upang hindi marinig ang hagulgol nito. Panigurado katapusan na namin kapag marinig niya ang iyak nito.

Nagkatinginan pa kaming tatlo ng ilang metro na lang ang pagitan niya sa amin. Jusko po! Nanginig na ang mga labi ko at katawan sabayan pa ng basang damit. Tinakpan ko na rin ang aking bibig para hindi rin marinig ang iyak ko sa matinding takot.

Napabaling ako kay Carlo na dahan-dahang kinuha ang bato na nasa sulok.

"Nandiyan ba kayo?" sigaw ni Chris, na inilawan ang batong pinagtataguan namin. Narinig ko ang mga yabag niya dahil sa mga dahon at sangang natatapakan niya.

Napalunok na ako.
Mabilis na ang pintig ng puso ko.
Pigil na ang hininga ko.
Umaasa akong may himala. Nagsimula na akong magdasal.

Maya-maya nakita kong dumapa si Carlo at hinagis ang bato sa ibang direksyon. Dahil dito nakagawa ito ng ingay. Agad iyon sinundan ng flashlight ni Chris at patakbong tumungo sa direksyon na 'yon.

Myghaad muntikan na 'yon!
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nang tumalikod na si  Chris at malayo na sa puwesto namin. Wala kaming inaksayang minuto at binilisan na namin ang pagtakbo habang hindi niya pa kami napapansin.


Takbo dito. 
Takbo doon.


Pigil kami at napahawak sa tuhod dahil sa matinding pagod. Napansin namin na lumiliwanag ang mga dahon sa matataas na puno. Alam namin na malapit kami sa
highway, at hindi nga kami nagkakamali dahil sumalubong sa amin ang nagliliwanag na
street light at mga ilaw ng bahay .

Sa hindi kalayuan ay may bukas na maliit na tindahan. Nakasilong dito ang limang nakaupong mga lalaki na pawang nag-iinuman.

"Guys, humingi tayo ng tulong tara!" hingal na sabi ni James. 

Tumawid kami ng kalsada at tumungo kami sa may tindahan kung saan may nag-iinuman.

"Sir, p'wede niyo po ba kaming tulungan." Pagod na sabi ko.

"Bakit sino kayo?" sabi ng isa sa mga lalaking nakainom.

"May humahabol po sa amin"-James.

"Sino ang humahabol sa inyo?" wika ng isang lalaking hindi pa gaanong lasing.

"Si Chris Fuentes papatayin niya kami!" -Carlo.

"Saan?" tanong ng isa pang lalaki na napatayo at luminga-linga sa likuran namin.

Sa paningin ko kakasimula pa lang nila. Matino pa sila kausap.

"Sinalakay kami sa bahay nina Manang Berta diyan po sa looban sa loob ng gubat." Tinuro pa ni James ang direksion kung saan kami lumabas habang karga nito ang bata.

"Ano sa bahay nina Lola Gloria nanay ni Berta?" tarantang sabi ng matandang nagtitinda

"Opo!" seryosong wika ko sa matanda.

"Teka si Junjun ba 'yan!" sabi niya at dumungaw ito sa bintana ng tindahan niya.

"Opo," mahinang tugon ni James.

"Jusko po! Saan na sina Lola Berta?" takang tanong ng babae.

Umiiling kaming tatlo at umiyak na pagsagot sa tanong niya.

"Anak ng... kailangan malaman ito ni Kapitan. Naku tawagan mo Malong mga kapitbahay natin para pumunta sa bahay nina Lola GLoria ngayon na! Si Junjun ay dito muna para maalagaan at mabihisan ni Aleng Puding," dugtong ng babae.

Umalis ang tatlong nag-iinuman at patakbong tumawag ng mga kapitbahay. Ang dalawa
naman ay naiwan sa lamesa.

Nabuhayan kami sa sandaling iyon. Tila malapit na itong matapos. Sumulyap ako kay Junjun. Tulog na ito, mapait akong ngumiti.

Patawarin mo kami Junjun, maaga kang nangulila ng dahil sa amin.

May lungkot sa aming mga mata nang binigay namin ito sa babae.

Maya-maya nga ay may dumating na naka-tricycle at nakasunod dito ang tatlong  nakamotor na may mga angkas.

Lumabas sa trycicle ang matabang lalaki, nakauniporme ito marahil ito na ang kapitan.

"Kayo ba yong sinasabi ni Berta?" sabi ng kapitan.

"Opo" sabay naming tugon.

Katulad kanina kinuwento namin ang nangyari.

"Sige, Malong ikaw na lang maghatid sa kanila sa barangay. Parating na rin ang pulis. Pupunta na kami sa bahay nina Berta."

At bumalik na nga ang kapitan sa tricycle,
sumakay na rin ang mga kasama niyang tanod sa motor at mabilis na nagpaharurot upang pumunta sa bahay nina Berta.

"Sige Kapitan" tatayo na sana ang lalaki, ngunit pinigilan siya ng kasama nito.

"Ah, ako na pare, total papunta naman ako doon."
Nagpapasalamat ako na kahit paano matulungin ang mga tao dito.

"Sige brad alis na ako'" kumaway ito sa katropa.

"Sakay na muna kayo sa sasakyan ko. Ite-text ko lang misis ko kanina pa kasi ako hinahanap," sabi ng lalaki na nasa 40's na ang edad.
Tumango lang kami at sumakay sa tricycle.

Nasa loob kami ni James, samantalang nasa likod ng driver si Carlo.
Nang matapos niya siya mag-text. Tumungo na siya sa tricycle at pinaandar ito.

Wala kaming mga expression sapagkat bagsak na ang aming katawan sa pagod. Gusto lang
namin na makauwi.

"Salamat love, ligtas na tayo," mahinang sambit ni James.

"Kaya nga love,"  matamlay na sabi ko, sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya.

 Naghawakan kami ng aming mga kamay. Dumampi ang labi niya sa aking noo, dahil doon uminit ang aking pakiramdam.

Mabilis na pinaharurot ng lalaki ang sasakyan patungong barangay. Napansin namin na medyo malayo pala ang barangay nila.




Nawala ang aming ngiti at pinalitan ng takot nang makita namin ang pamilyar na sasakyan!

"SH*T!" malutong na sambit ko, na napahawak ako nang mahigpit kay James.
Nanlaki ang aming mga mata nang makita ang itim na van na naka-park sa gitna ng daan.

"Manong, iliko mo! Sila ang naghahabol sa amin!" tarantang sabi ni Carlo, ngunit tila bingi ito at walang tigil ang paandar.

"MANONG!" sabay na sigaw naming tatlo. 

Lumukso na ang aking puso sa matinding kaba nang huminto ito mismo sa tabi ng van.

Agad na pinuntahan kami ng anim na lalaki. Pilit kaming kinakaladkad sa loob.

Pilit kaming lumalaban ngunit wala kaming magawa sapagkat wala na kaming lakas dahil sa kapaguran.

Nanghina kami lalo nang may naamoy kami sa panyong pinantapal sa aming bibig. Nakita kong sinakay na si James, at Carlo sa loob.

Nagulat ako nang mapansin na ang lalaki na humatid sa amin ay inabutan ng puting envelop ng isa sa mga lalaking nakaitim. Nagsingkamay pa silang dalawa at nilagay nila
sa dibdib ang kanilang mga kamay na tila kamiyembro nila ito.

Akala ko ligtas na kami. Akala ko makikita ko na sina mama.

Nahihilo na ako, umiikot na ang paningin ko. Lumalabo na rin ang nasa paligid ko.

Unti-unting sumara na ang talukap ng aking mata hanggang mawalan na ako ng malay.

To be continued:

********************************
A/N Don't forget to vote and comment mga readers. Abangan ang mas matindi pang kabanata.
From Mig

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro