Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 22- Pamilya

I dedicated this story to unbreeeykable thank you sa pagsuporta. 
************************************

Mitch's POV

"Nay sino sila!" madiin na sambit ng binatang lalaki. Tila nakainom ito, nakasandal pa ang balikat nito sa pintuan. Kung titingnan nasa bente uno pataas ang edad nito dahil sa kanyang katawan.

"Mga taga Maynila, tinulungan ko kasi may papatay daw sa kanila,"  seryosong tugon ng kanyang ina.

"Lintik!" Pinalo pa nito nang malakas ang pinto, dahil doon nagulat ako.

"Baka madamay tayo diyan nay! Paalisin niyo 'yan ngayon na!" Lasing na pagkakasabi nito.

"Saan naman sila pupunta Rat? Matulog ka na nga sa k'warto mo lasing ka na naman. Pupunta na si Kapitan para sunduin sila rito,"  bulyaw ni Ginang Berta. Pumunta pa ito sa lalaki at nagpatuloy sa pagsasalita.


"Hays, dapat ikaw kumuha ng kamote para sa pagkain ng mga baboy hindi ang tatay mo! Kung saan-saan ka pumupunta. Batugan ka talaga!" sermon pa niya habang dinuduro ang lalaki sa sobrang inis.

"Tssk, malas, malas mga 'yan!" wika ng lalaki at pasuray-suray itong naglakad at umupo sa upuan ng lamesa kasama namin, saka naghalumbaba ito upang matulog.

"Sorry, natakot ba kayo? Nakainom kasi kaya ganyan, pero mabait naman ito." Napakamot pa ang ginang sa ulo at inalalayan ang anak upang ihatid sa kuwarto.

Ngumiti lang kami bilang tugon. Kahit sa kaloob-looban namin, natakot kami at kinabahan. Akala namin si Chris na.

Nagbuntong-hininga ako at sinimulan ko ng i-dial ang number ni mama na naudlot kanina. Pasalamat ako at sinagot naman ni mama ang tawag ko.

Mommy Vicky's POV

Nakaupo ako sa sofa sa sala habang naghihintay na dumating sina Brayan at Sarah. Pumunta kasi sila sa presinto upang i-report na nawawala ang bunsong anak ko.

Nang bumukas ang pinto, agad akong napatayo upang salubungin sila. Bakas sa mukha nila ang kalungkutan.

"Ano nakita na ba si Mitch?" sabi ko na naghihintay ng magandang balita.

Umiling lang silang dalawa bilang sagot. Kaya nalungkot ako at nanghina na napaupo sa sofa.

"Hinahanap pa ng mga pulis ma. Tumulong na rin sa paghahanap si P01 Carpio, kahit siya hindi raw sinipot ni Mitch kaninang hapon," sambit ni Brayan na nababahala. 

"Sina Carlo, James din hindi rin macontact, nakapatay din ang cellphone," malungkot na saad ni Sarah na agad lumapit sa akin upang hagurin ang likod ko.

"Jusko, paano na ito," naiiyak na ako sa matinding kaba at ligalig. Anak saan ka na! Napahawak pa ako sa ulo pakiramdam ko nahihilo ako. Mabilis naman na binigyan ako ng isang basong tubig ni Manang Pisa.

Napukaw ang atensiyon namin nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Isang unknown number ang nag-text, kaya agad ko itong binuksan.

"Si Mitch, nag-text!" lumaki ang mata ko nang nabasa ko ang text niya. Napatakip pa ako sa bibig dahil sa matinding rebelasyon.

"Bakit ma?" nababahalang sabi ni Brayan.

"Si..si Chris ang nagpatay kay Marie. Jusko! At hinahabol raw sila nito! Kailangan niya ng tulong natin!" kinakabahan na sambit ko sa kanila.

 Sana ligtas ang anak ko. Lalo akong na nerbyos dahil sa nalaman ko. Hindi na ako mapakali sa matinding pag-aalala.

Tumatawag ang ginamit na number ni Mitch.

Mitch's POV

Nagsimulang bumuhos na naman ang malakas na ulan.

"Ma, ligtas na po kami. Nandito po ako sa bahay ng tumulong sa amin. Mamaya papunta dito ang kapitan, para doon daw kami sa barangay sunduin ng pulis."

"Mabuti naman anak ligtas ka, sige pupunta na kami diyan para sunduin kayo." Narinig ko ang hikbi ni mama na alam kong nag-aalala.

"Ma, kung alam niyo lang kanina akala ko mamatay na kami. Akala ko talaga hindi ko na kayo makikita."
Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang mga luha sa aking mata. Agad ko itong pinunasan ng kamay.

Mabilis naman na hinagod ni James ang likod ko.

Dahil sa malakas na tahol ng aso hindi ko na marinig ang sinasabi ni mama, kaya tumayo na ako at lumakad papuntang lababo.

"Hello ma, hindi kita marinig." Dinikit ko pa ang cellphone ng mabuti sa tainga ko.


May napansin kaming liwanag ng flashlight na tumama sa mga siwang ng kawayan.

"Ay baka si Doy, na 'yan wait lang ha." Mabilis na pumunta ang ginang sa sala.

Pinatay ko muna ang tawag dahil parang iba ang kutob ko. Kaya sumilip ako sa maliit na bintana ng kusina, tanaw dito ang bakuran nila.

Gumapang ang takot sa katawan ko, nanlaki ang mata ko sa nakita, kahit madilim alam ko, kung kay sino ang pantalon at damit na iyon, at ang baril na hawak-hawak nito. OMG!

"Carlo, James, si Chris, nasundan tayo!" nanginginig na sabi ko kanila.

"Ano!" Lumaki rin ang mata nila at bigla silang napatayo sa pagkakaupo.

Tarantang tumakbo kami papuntang sala upang pigilan si Ginang Berta na buksan ang pinto ngunit huli na ang lahat.

Nakita namin na binuksan niya ang pinto.


"Doy-" si Ginang Berta.





Malakas na sigaw ang pinakawalan ko, nang tumilapon ang ginang sa pader at napahandusay ito sa sahig.

Napatakip ako sa aking tenga nang sinundan pa ito ng dalawang putok. Nabasag ang nakadisplay na TV at mga pigurin. Gumapang si Carlo at agad na sinarado ang pinto.

Napasapo ako sa bibig nang makita ang tirik na mata ng ginang habang umaagos ang dugo nito sa ulo.
Napayakap ako kaaagad kay James sa sobrang takot.

Mabilis na pumunta sa sala ang tatlong anak nito gayo'n din ang lola nila.

"Nanay! Anong nangyari!" nanginginig na hagulgol na wika ni Sheena, at ng kuya niya habang hinawakan ang patay na ina.

"Anak ko!" iyak na sambit ng lola. Ang bunsong anak nila ay napayakap sa lola dahil sa takot.

Kahit ako napahagulgol na rin at naawa sa sinapit ng mag-ina. Nawala sa aming isip na baka ang asawa nito ay ang lalaking tumulong sa amin kanina.

"Kasalanan niyo 'to!" pagalit na sabi ng lalaking lasing.
Tumayo ito at akmang susuntukin si James ngunit isang bala ang tumagos sa kawayang bintana at tumama sa likuran ng lalaki.

Nalupasay itong nakatihaya na inalalayan ni James, habang tumatagas ang sariwang dugo nito sa likod.

Nagulantang kaming lahat at napasigaw nang malakas. Nanginig na ang mga kamay ko sa sobrang takot. Tumalsik pa ang mga dugo niya sa damit ni James na lalong nagpagimbal sa buo kong katawan.

"Kuya! Kuya!"  sigaw namamaos ng dalawang kapatid, na lalong lumakas ang hagulgol. Yinuyogyog pa ng dalawang kapatid ang nag-aagaw buhay na kuya.

"Uma....lis na kayo," may luhang tumulo sa kanyang mga mata, bago sumuka ng sariwang dugo at tuluyang nalagutan ng hininga.

"Guys, umalis na tayo dito. Bilis!" tarantang sabi ni Carlo, na nanginginig na sa takot. Narinig namin ang marami pang putok sa pintuan.

"Sheena, sumama na kayo dali!"pilit namin kinakaladkad ang dalawang kapatid na hawak-hawak ang kamay ng patay nilang kuya. Inalalayan din namin ang lola nila na hirap sa paglalakad.

Payuko kaming tumakbo papuntang kusina upang hindi tamaan ng mga ligaw na bala.

Nakita ko ang tumatahol na puting aso na nasa labas ng pinto ng kusina, na sinalubong ang batang lalaki.

Huminga ako ng malamim at walang alinlangan na lumusong ulit sa malakas na ulan, at tumakbo sa malawak na sagingan.

Nang nasa sagingan na kami. Tumahol ang puting aso nila at tumakbo sa loob ng kusina. Lumingon ako habang patuloy sa pagtakbo. Sa bukas na pinto ng kusina natanaw ko sa loob ang nanlilimahid na mukha ni Chris, puno ito ng dugo sa kanyang damit, at ang mata niya ay nanlilisik na parang demonyo habang bitbit nito ang shutgun. Tinalunan siya ng aso at agad siyang linapa sa loob.

"Kiwi!" ng-aalalang tawag ng bata na babalikan pa ang alagang aso. Kaya hinatak siya ng ate niya pabalik.

"Jun, tayo na!" mabilis sabi ni Sheena.

Basang-basa na naman kami ng ulan habang tumatakas kay Chris.

Ngayon hindi lang kaming tatlo ang tumatakbo dahil kasama na namin ang mga nadamay na mga inosenting tao.

Isang malakas na putok ang narinig namin na umalingawngaw sa loob ng kusina na lalong nagpasindak sa amin!

"Takbo dali!"Hapong-hapo na kami na tinahak ang mga puno ng saging.

Kumikidlat at kumukulog na rin. Tanging ang maliit na cellphone na dala-dala ko ngayon ang nagsisilbing ilaw namin.

"Apo, dito tayo," hingal na sabi ng lola na akay-akay ni Sheena. Dahil sa pagmamadali, nadulas sila kaya napahinto kami sandali upang tulungan silang makatayo.

"Ate, ang salamin ko nahulog," tarantang sambit ni Sheena.

Agad naming hinanap ang salamin ni Sheena. Nang makita ko na ito mabilis ko itong pinulot. Ibibigay ko na sana kay Sheena ang salamin nang napansin ko ang liwanag ng flashlight sa likuran nila.

"Dapa!" sigaw ko sa direksion nina Sheena.

Nakita kong tumagos ang mga bala sa mga puno ng saging.

 Napasigaw ako bigla, at nanginig sa takot, pati na rin sina James, na napangiwi sa nasaksihan.

Tumama ang bala sa ulo ni Sheena at tumagos sa kaliwang mata nito.

"Jusko, apo! " sabi ng lola na agad na pumunta kay Sheena.

"Lola!" sigaw ko dahil patungo sa kanya ang isa pang bala.

Napapikit ako nang marinig ko ang ungol ng matanda. Bumaon sa kanyang dibdib ang bala.

MyGhaaad!

Tumalsik ang mga dugo ng dalawa sa mga nakalaylay na dahon ng saging. Nalupasay silang tumilapon sa sagingan na nakadapa. Naghalo ang dugo nila sa tubig ulan na dumadaloy sa lupa.

'Ate, lola gising! Takot na ako!" hagulgol na sabi ng bata, habang yinuyugyog ang dalawang nakahandusay na bangkay.

Hindi ko na makaya ang nangyayari. Sumabay na ang luha ko sa tubig ulan.

Mabilis akong lumapit dito at kinarga ang musmus na bata, at tumalikod upang ipagpatuloy ang takbo. Kinuha naman ito sa akin ni James upang siya na ang kumarga.

Parang mag-asawa kaming dalawa dahil sa batang dala namin, habang tumatakbo upang takasan ang papatay sa amin.

Hindi ko mapigilan umiyak. Naawa ako sa mga sinapit ng mga taong tumulong sa amin. Lalong-lalo na ang batang karga ni James, na sa murang edad ay ulila ng lubos.



Takbo lang kami nang takbo kahit hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.

Sa masukal kami ng kagubatan dinala ng aming mga paa. Lalo akong natakot nang unti-unting namatay na ang cellphone.

"MyGhaad, bakit ngayon pa!" pinipindot ko pa ang power button ng cellphone ngunit wala na talaga. Lalo akong kinilabutan dahil sa liwanag na flashlight sa hindi kalayuan sa amin. Alam kong hinahanap kami ni Chris.
"Badtrip namang cellphone yan!"-Carlo.

"Tara na wala na tayong choice. Tumakbo na tayo ulit nandiyan na si Chris!"-James.

Wala kaming magawa kundi kumapa sa masukal na gubat , na tanging ilaw lang namin ay ang kidlat upang matanaw namin madilim na kapaligiran.

"Saan na tayo pupunta," sabi ni Carlo na napatigil sa pagtakbo.

" Bahala na," sabi ni James na lumingon sa kanang parte ng kagubatan.

Nakita ko ang malabong anyo ng tao kamukha nina Sheena at ng lola nito. Napansin kong lumakad sila sa kaliwang parte ng kagubatan at bigla na lang naglaho.

Imbes na matakot ako sa nakita. Parang nagpahiwatig pa sila sa akin nando'n ang tamang daan kaya tumungo ako sa direksiyon na 'yon.

Napansin ko ang makipot na daan na halatang ginawa upang daanan ng mga tao. Dahil sa malinis na lupa at mga batong palatandaan nito.

Nakita ko sa ibang direksiyon pupunta sina James.

"James dito ang daan!"

Mabilis silang pumunta sa direksiyon ko at nagpatuloy kami sa pagtakbo. Habang tumatakbo ako, napalingon ako sa gilid at nakita ko ulit sila Sheena sa malayong distansiya. Nakatayo sila ng tuwid, na bakas sa kanilang mukha ang matinding kalungkutan.

"I'm so sorry," malungkot na sabi ko, na ako lamang ang nakarinig.

Bigla na lang silang naglaho sa dilim.


Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at sinundan ang makipot na daan.


Hingal-na hingal na kami pero hindi namin ininda ang pagod basta makatakas lang kay Chris na papatay sa amin.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro