Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 20 - Baril

I dedicated this story to roljoyce. Thank you sa pagsupport at pagbabasa sa story ko.

*************************************************************

Mitch's POV

"Ito ba ang hinahanap niyo!" sigaw ni Chris na basang-basa sa ulan.

Lumapit ito sa driver's seat kung saan doon si James. Sinundan lang namin siya ng tingin at wala kaming magawa sa loob ng sasakyan.

"Lumabas kayo kung ayaw niyong iputok ko 'to sa inyo!" may diin ang bawat salitang binitawan niya, sabay kasa sa shotgun na hawak.

"Sh*t! Ano gagawin natin!"- Carlo.

"Labas!" malakas na sigaw ni Chris.

Dahil sa kanya ang susi mabilis niyang nabuksan ang pinto sa driver's seat kung saan nakaupo si James, malakas niyang hinala ito palabas. Itinaas ni James ang kanyang kamay bilang pagsuko.

Umalingawngaw ang malakas na sigaw ko sa loob ng sasakyan dahil doon. Napasabunot na ako sa buhok habang umiiyak sa matinding takot. 

Sinipa ni Chris ang likod ng tuhod ni James, kaya napahandusay itong nakadapa sa basang lupa.

Akmang babangon si James ngunit, tinapakan ng kaliwang paa ni Chris ang likuran nito, na lalong nagpasubsob sa kanya sa putikan.

Naiiyak ako, dapang-dapa si James, at basa na ng ulan, na parang baboy dahil sa putikang katawan.

Mabilis na kinasa ni Carlo ang pistol niyang hawak, at walang pasubali na nilingon siya ni Chris. Nakita kong nanginginig na tinutok ni Carlo ang baril sa pinto habang tumatagaktak na ang pawis niya sa buong katawan.

"JUSKO!" napatili ako nang itinutok ni Chris ang shotgun sa ulo ni James. Hindi magawang iputok ni Carlo ang baril kundi tiyak na wala na kaming James, na makikita.

Hagulgol lang nito ang naririnig ko.

" Chris, pls..s..ssttop this nonsense!" sigaw ko sa bintana bagamat hindi ko magawang buksan ang pinto nito, dahil una natatakot ako gumawa ng sarili kong desisyon naikapapamahak lang namin.

"TUMAHIMIK KA!" At idiniin pa niya lalo ang hawak na baril sa ulo ng mahal ko habang nakatapak ang kaliwang paa sa likuran nito. Malapit niya nang kalabitin ang gatilyo.

Parang tinutusok ang puso ko nang marinig ang iyak ng pinakamamahal ko. Wala akong magagawa para iligtas siya.

Nagmatigas si Carlo na hindi ibaba ang baril.

"Nnooo...Nnnooo pls. Nnnooo!!" umiiling kong sabi na nanginginig na sa takot.

"Kapag hindi mo ibinaba ang baril mo! sabog ang ulo! nitong kaibigan mo," panunuyo niya kay Carlo.

Nagsimula na siyang mag bilang.

"ISA!" palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Iputok mo Carlo!" pamimilit ni James.

"DALAWA!" gamit ang paa, ginalaw nito ang kamay ni James at pinuwesto sa likod. Agad niya itong tinapakan.

"TATLO!"

"Aray!" impit na ungol na lamang ang narinig ko dahil sa matinding pag-apak ni Chris sa braso ni James.

Ramdam ko ang kirot mula sa ungol ni James, nahahabag akong makita ang kalagayan niya.

"Carlo, Ibaba mo na ang baril mo please!" bulalas kong sabi at nagkakatitigan kaming dalawa ni Carlo. Niyugyog ko na ang balikat niya para ibaba niya na ang baril.

Hindi kailanman nabali ang mga sinasabi ng mga halimaw na tulad niya! Kung sinabi niyang ipuputok niya ito, ipuputok niya talaga ito. Ilang saglit pa ay sumuko na kami. Nilahad ni Chris ang kanyang kamay, hinagis ni Carlo ang baril sa kanya at agad na isiniksik sa kanyang bulsa.

"Bakit kayo sumunod, Mitch naman," dismayadong sambit ni James, sabay kagat sa ngipin dahil sa matinding kirot sanhi nang pagkakaipit ng braso niya.

Hindi ko sinagot ang tanong ni James. Ano ang aking gagawin, ayaw ko siyang mawala.

"Ano pa bang ginagawa niyo! Bababa ba kayo oh, sabog ang ulo ni James!" sigaw na utos ni Chris.

"Wag Chris, maawa ka please," pagsusumamo ko habang hinawakan ko na ang dalawang palad habang nakaupo pa rin sa sasakyan.

Wala kaming magawa kundi sundin si Chris. Pagbukas ko ng pinto sinalubong ako ng malamig na hangin, dumadampi sa balat ko ang tubig ulan na lalong nagpakaba sa buo kong katawan.

Gamit ang nguso niya pinalapit kami ni Chris sa puwesto niya at pinaluhod.

Para kaming mga basang siwsiw na nanginginig sa matinding lamig at takot.

"Mitch, kunin mo ang duct tape sa may car trunk at itali mo ang kamay ni Carlo patalikod!" utos niya habang nakatutok pa rin ang baril nito kay James.

"Bilis!" At nagpaputok siya sa lupa.

Napasigaw ako sa gulat at napatakip sa aking dalawang tenga.

Kinasa niya muli ito at itinutok sa ulo ni Carlo, habang nakatapak pa rin ang kaliwang paa nito sa likod ni James.

Taranta akong napatayo at pumunta sa sasakyan upang kunin ang duct tape. Kailangan kong umisip ng paraan. Hindi ko p'wede gamitin ang pepper spray kasi umuulan, nakita ko ang duct tape. Ginala ko ang aking paningin sa drawer. Nakita ko ang isang patalim na tatlong pulgada ang haba. Kasya lamang para sa bulsa ko. Palihim ko itong kinuha, at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko si Chris na nakamasid sa akin.

"Bilisan mo!" bulalas ni Chris. Sinara ko na ang trunk ng sasakyan, at mabilis akong bumaling kay Carlo.
Yuyuko na sana ako nang napatigil ako sa boses ni Chris.

"Mitch, ilabas mo ang nasa bulsa mo." Kita kong sumalubong ang kilay ni Chris.

"Ha?" gulat  na tugon ko. Tumikhim lang siya at nagpaputok ulit sa lupa. Nanlaki ang mga mata nito na binibigyan ako ng titig na nakakatakot.
Nag-panic akong napatayo at kinuha sa bulsa ang pepper spray, hinagis ko ito sa lupa.

"'Yan lang ba, ha!" Lalong kumunot ang noo niya. Nanginginig ang buo kong katawan at napakagat pa ako sa ilalim ng labi sa malakas na bulyaw niya sa akin. Kaya nanginginig kong kinuha ang maliit na patalim sa bulsa ko.

Isang malakas na sampal  ang pinakawalan nito sa akin.

Napahawak ako sa aking pisngi dahil sa hapdi. Doon na ako nagsimulang humagulgol sa labis na takot.

"Mitch," nag-aalalang sambit ni James.

"Chris, ano bang kasalan namin sayo," mahinang sabi ni James na nahihirapan na sa posisyon dahil sa pagkakalapat nito sa lupa.

"Itali mo na si Carlo bilisan mo!" nanggagalaiting utos ni Chris sa akin.

"Please Chris, m-maawa ka sa amin," hagulgol kong sambit habang itinatali si Carlo gamit ang duck tape. Sinasabayan ng ulan ang luhang dumadaloy sa aming mga mata.

"Mitch, itali mo na si James at itabi kay Carlo!" 

Kahit labag sa loob ko wala akong magawa kundi sundin ang mga utos niya. Inalis niya ang pagkakatapak, at pumunta sa harapan ko habang nakatuktok sa akin ang baril. Nang matapos ko siyang itali, inalalayan ko si James na wala ng lakas at hirap ng huminga.

"Bakit kasi pinigilan mo si Carlo? Mitch," hingal na wika ni James.

"Hindi, hindi ka pwedeng mawala sa-" naputol ang sasabihin ko nang sinipa ni Chris si James.

"Chris, maawa ka please!" Napaluhod na ako at nagsusumamo habang hawak ang tuhod niya.

"Maawa?" malamig na sabi niya at agad niya akong sinabunutan, kaya napatayo ako bigla, saka inilapat niya ang mukha ko sa salamin ng bintana ng sasakyan sa driver's seat.

"Sa tingin mo darating tayo sa puntong 'to kung maawain ako! Alam niyo p'wede ko na talaga ko kayong patayin sa loob ng sasakyan kanina, pero ayaw ko naman madungisan ang mahal kong sasakyan ng marurumi niyong dugo! Mas mahal pa ito sa mga buhay niyo!" galit na saad ni Chris.

"Hayop ka!" mariin na sabi ni Carlo, na matalim ang titig kay Chris.

Ngumisi si Chris at malakas na tadyak ang pinakawalan niya sa tagiliran ni Carlo na ikinapilipit nito sa sakit.

"Ano may sasabihin ka pa!" inis na sabi niya kay Carlo, at bumaling muli sa akin.

"B-Bakit mo ba ito ginagawa sa amin Chris," nangininig na sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko na rin ang mahigpit na pagkakatali niya sa kamay ko patalikod habang nakalapat ang mukha ko sa salamin.

"Bakit!" Naramdaman ko ang buga ng hangin niya sa kaliwang tenga ko, at agad niya akong hinila, at binalibag sa puwesto nina James.

Napahandusay ako sa putikan kasama sina Carlo.
Takot na takot na kaming tatlo sa mga ginagawa ni Chris. Lalong lumalaki ang kanyang dalawang mata. Nagngingitngit ang mga ngipin niya sa matinding pagkapuot.

"Kasi ginagawa ko ito para protektahan ang angkan at sekta namin na matagal ng kinalimutan ng mundo!" mariin niyang sambit.

"Nasa iyo na ang medalyon! Bakit ano pa bang kasalanan namin sa iyo!" galit na sigaw ni James.

"Simple lang, isa kayong balakid, at lahat nang hadlang sa amin ay pinapatay namin. Tutal mamatay na rin kayo sige sasabihin ko na ang totoo! Ako ang nagpapatay kay Marie!"

No way!! Not my best friend!

Chris' POV

Flashback

Nasa loob ako ng apartment ni Marie nakaupo kami sa plastic na upuan habang abalang-abala na tumitingin sa video sa laptop na nakapatong sa study table niya.

"Look bebeko totoo talaga kitang-kita dito ang mga criminals!" Nakita kong zinoom-in pa ni Marie ang video.

"Kailangan i-report natin ito bebeko sa mga police, mygosh," dugtong niya.

Hindi ako agad naka-imik sa binitawang salita niya. Kailangan ko nang umisip nang paraan. Susumbong pa ata ang babaeng ito, malilintikan na 'yan sina tito.

"Ahmm, sige sasamahan kita bukas sa mga police, sabihin mo na rin sina Mitch." At ngumiti ako ng peke.

"Thanks bebeko, buti nandiyan ka," malambing na sabi ni Marie, at yinakap niya ako nang mahigpit.

"Hayaan mo bukas wala ka ng problema" ngumisi ako habang hinihimas ang likod ng buhok niya.

Kailangan ko nang tawagan si Diego, para ligpitin ang babaeng 'to.

"Sige mahal bili muna ako nang meryenda. Ano gusto mo?" malambing na wika ko

Kahit ano mahal," nakangiting sabi ni Marie. Tumayo na ako at naglakad upang umalis.

Umiba na ang timpla ng mukha ko nang nasa labas na ako ng bahay. Sumakay na ako sa aking sasakyan.

Hindi ko na matiis ang sarili, kaya tinawagan ko na si Diego ang security guard ko.

"Confirm nakita nga ni Marie! Iniwan kong bukas ang pinto, ikaw na bahala. I-text mo ako kung tapos ka na para makabalik na ako pagkatapos kung bumili ng pagkain." seryosong sambit ko sa kabilang linya.

"Sige master"-Diego.

"Hayop ka Chris wala kang puso!" bulalas na sabi ni Mitch sa akin.

"At ako rin ang bumaril kay P01 Marasigan," sambit ko na nakangisi.

Flashback

Nasa sementeryo ako ngayon at makikipagkita ako kay Diego. Dumiretso ako sa puntod ni Marie ang meeting place naming dalawa.

"Ano naka-usap niyo ba si Cristina, kung saan ang medalyon?"

"Master, hindi namin siya makausap ng matino nasiraan na yata ng bait, gusto namin siyang kidnapin kaso lahat ng tao sa kanila binbantayan siya"-Diego

"Paano 'yan!" pagalit na sambit ko. Napahawak pa ako sa ulo at tinapon ang bulaklak sa puntod.

"Pero sabi niya wala sa kanya ang medalyon, nasa babaeng diwata raw na nagligtas sa kanya. Maputing diwata," seryosng hayag ni Diego.

"Babae?" takang tanong ko  sa kanya.

Napatigil kami sa pag-uusap nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Sinasabi ko nga ba! Itaas niyo ang mga kamay niyo!" sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki na nasa likuran ko. 

Kaya napalingon kami at nakita ko si P01 Marasigan, nakatutok ang baril nito sa amin.

Tumingin kaming dalawa ni Diego sa isa't isa at sabay kaming tumakbo, at tumago sa mga puntod. Mabilis namang nagpaputok si P01 Marasigan at hinabol kami. Kinuha ko ang baril sa bulsa nang lumapit na siya sa puwesto ko at pinaulan siya ng bala sa dibdib.

Tumawag ako kay mama para tulungan ako sa gusot na ito.

"Ma, may police dito na pumunta! Ano gagawin ko?" tarantang sambit ko kay mama.

"Go in Medical hospital and I will tell your Uncle Rico to give you a medical support. Ako na bahala sa lahat just acting like you are innocent son," nag-aalalang tugon ni mama.


"Linoko mo kaming lahat! Demonyo ka!" mapoot na sigaw ni James sa akin.

"Kaya noong araw na umalis na kayo ng bahay sinundan namin kayo. Akala ko talaga kay Gena ang medalyon." Ngumisi pa ako habang nakakatitig sa kanila.

Flashback

Binuksan ko ang doorknob ng kuwarto ni Gena, nakita ko siyang nakatayo sa bintana at nanginginnig sa takot.

"Huwag maaawa ka sa akin!" hagulgol na sambit ni Gena.

"Nasaan ang medalyon!" tumakbo ako sa kanya at agad ko siyang sinakal.

"Wala akong alam sa-" at bigla niyang kinuha ang bonnet ko dahil doon tumambad ang mukha ko.

Tinulak niya ako sa labis na pagkagulat.

"Chris!! Bakit mo ito ginagawa!" Lumaki ang kanyang mata dahil sa pagkabigla na nanginginig ang mga labi.

"Dapat ka nang mamatay!" Kinuha ko ang patalim at itinusok sa tiyan niya.

Nang masaksak ko siya sa dibdib ay napa-atras ito sa bintana dahilan upang mawalan ito nang balanse.

"TULONG!" malakas niyang sigaw.

"GENA!" nakita ko sina Mitch sa labas nakatingala at pinagmamasdan si Gena mula sa bintana, hanggang mahulog ito nang tuluyan. Nakita  ko pa na tinuro ako ni Gena, at sinundan ito nang tingin ni Mitch. Kaya napaatras ako upang hindi makita.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at niluwa nito si Diego na humihingal.

"Master umalis na po kayo dito! Ako na bahala sa kanila ililigaw ko sila para makatakas ka!"

Tumakbo na ako palabas ng kuwarto upang tumakas.


"Kaya nagpadala ako nang death threat sa inyo para ibigay niyo na ang medalyon, buti naman at nahanap mo Mitch," masiglang sambit ko habang  nakatitig kay Mitch na umiiyak.



"Kaya tumawag na ako kaagad sa bahay sa katulong ko na ihanda ang malaking palabas. Gumana naman ang plano. Ayaw ko naman makita sa CCTV sa mga street na kinidnap namin kayo." Ngumisi pa ako habang nakatitig sa kanila.

Tumigil ako sa paglalakad. 

 "Syempre buking kami do'n, para mas klaro ang storya ko sa mga police, isinakay ko kayo dito, kunwari hinahabol tayo." Napapangiti ako sa mga sinabi ko.



"Hays, Badtrip lang hindi ko kayo nadala sa bahay. Nagpaluto pa naman ako ng ibat-ibang putahi doon bago kayo patayin," dugtong ko pa sa kanila. Nakita kong nanginginig na sila sa takot.


"Sayang nagising na si Gena, pero pagkatapos ko kayong ligpitin. Ipapautos ko na rin na ligpitin si Gena at lahat ng taong may koneksiyon sa inyo!" 

Dinig ko na ang kanilang takot sa kanilang mga ungol ng pag-iyak. Nakakatawa ang kanilang mga mukha. 

Hindi ko na mapagilan ang sarili kaya humalakhak na ako nang napakalakas, na nagpapakilabot sa kanilang mga kaluluwa.

To be continued...
A/N
Sorry readers, nagloloko cellphone ko. Ngayon lang nakapag-update.

From Mig

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro