Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 11 -Tawag

Mitch's POV

Kinabukasan pumunta sina James sa bahay kasama si Carlo. Nagpasya kaming tumambay sa Garden at hintayin si Gena at Chris. Umupo kami sa upuan na gawa sa bakal. Pinatong ko ang dala kong sandwitch at juice sa mesa. Maaliwalas ang paligid at malilim dahil na rin sa puno ng manga na nagsisibling pananggalang sa sinag ng araw.

"Oh, kumusta ka cousin!" sabi ni Gena nang dumating ito. Agad naman siyang umupo katabi ni Carlo.

"Ito okay na rin naman. Hindi lang talaga ako makapaniwala," mahinhin kong tugon.

" So ano bang plano natin bakit tayo nandito?" sabi ni Carlo na kumuha ng sandwich sa mesa. 


"Kaya nag-meeting tayo para malaman kung may sumusunod din ba sa inyo o may napansin ba kayong taong nag-aaligid sa bahay ninyo?" Pangunguna ni James.


"Kahapon, wala naman akong napapansin. Ikaw ba Gena?" sabay kagat nito ng sandwich.

"Wala naman! Actually sa house lang ako, so wala ako napapansin" tugon ni Gena sabay tanggi sa alok ni Carlo na sandwich.


"Kasi nga yong suspek sumunod sa amin ni James, at hindi kami sure kung mag-isa lang ba siya o marami sila!"


"OMG! natatakot naman ako bigla!" nababahalang sambit ni Gena na napasandal pa sa upuan at napahawak sa dibdib.


"Love, nasaan na ba si Chris? Akala ko nag-agree siya na pupunta? " seryosong wika ni James habang kumuha ng sandwich.


"Sabi niya OTW daw siya galing lang daw siya sa puntod ni Marie," mahinahon na tugon ko sa kanya.

"Ulitin mo na lang sa kanya yong pinagplanuhan natin kaysa hintayin siya!" mungkahi ni Carlo na halatang naiinip.


"Grabe ka naman atat! Bakit may lakad ka ba? " pagtataray ni Gena sabay irat ng mata.

Isang oras na ang nakakalipas ngunit walang anino ni Chris ang nagpakita.

"Tagal ah! James, simulan mo na isang oras na!" inip na sabi ni Carlo.


Kaya sinimulan na lang namin ang pag-uusap ng plano kung ano ang mga gagawin.

"So first, dapat magtext, call , chat pag may napansing sumusunod sa'yo," sabi ko habang tinaas ko pa ang kanang kamay at ipinakita ang index finger.

"So paano ko malalaman na suspek ang sumusunod at hindi chicks?" tatawa-tawang sambit ni Carlo habang nilagay ang dalawang paa sa mesa.

"Common sense naman!"  inis na sabi ni Gena at pinalo ito sa ulo.


"Second, dapat huwag umalis mag-isa sa bahay, school palaging may kasama."


"Pangatlo, magdala nang protection equipment para sa self-defense."


"Paano tayo makakadala pala niyan 'di ba bawal ang baril sa school or knife?"-Carlo.


"Wow, may baril ka?" gulat na tanong ni Gena.

"Oo, naman sundalo kaya lolo ko. Gusto mo turuan kita bumaril? Malakas din ako magpaputok" sagot nito kay Gena sabay kindat nito sa kanya.


"Che! Kung ikaw magtuturo di bale na lang!" Umirat ito at nag-crossed arm.


"P'wede naman natin iwan sa guard, close ko naman mga guard doon sa school" mungkahi ni James.


"At pang-apat dapat naka-on ang GPS ng mga cellphone natin, para madali tayong ma-track in case na mawala tayo."


"Huwag naman sana!" nanginginig na sambit ni Gena. Nakita kong napayakap pa ito sa sarili.


"Panglima-" Naputol ang pagsasalita ko nang tumatawag si Chris.


"Chris, nasaan ka nagsisimula na kami?"


"Sorry galing ako sa hospital kanina, pero dito na ako sa bahay!"

Sa boses ni Chris tila takot na takot ito.

"Ha? Bakit anong nangyari?" tanong ko habang hawak-hawak ng kaliwang kamay ko ang ulo ko.


"Sinundan ako ng suspek sa simenteryo, buti doon 'yong police kaya nakaligtas ako," narinig ko na humikibi ito.

"So ano nahuli ba yong suspek?Kumusta ka?" Mabilis ang pintig ng puso ko sa kaba.

"Ayon nga nakatakas, tapos si P01 Marasigan sinugod sa hospital, malala ang tama."

Nang matapos ang pag-uusap namin. Agad kong pinaalam sa aking mga kaibigan ang masamang balita.

"Guys, we need to go to Chris house now na!"

"Bakit?" takang tanong nila.

"Sinundan si Chris ng suspek at nasugatan siya tara na!"

Nagpaalam ako ka na mama na pupunta lang saglit kay Chris para kumustahin.

Pagkatapos, nagmamadali na kaming sumakay sa kotse ni James. Katabi ko si James, samantala nasa likuran naman sina Gena at Carlo.

"Kawawa naman si Chris! Buti hindi siya napuruhan," sabi ni Gena habang naglalagay ng foundation sa mukha at tinitingnan ang sarili sa maliit na salamin nito.

"Kaya dapat doble ingat tayo ngayon at humahanap lamang ng tamang tyempo ang
suspek," seryosong sabi ni James.

Mga ten minutes nang makarating kami sa house nina Chris, malapit lang ang bahay nila sa school namin.

Nang nasa house na kami ni Chris, pinindot ni James ang doorbell, mabilis namang binuksan ng kasambahay nila ang gate. Dumiretso naman si James sa Garage house nila para i-park ang kotse. Kung ihahambing ang house nila sa Quezon Province mas malaki iyon kumpara dito. Ngunit mas modernize naman ang house nina Chris, dito sa Manila.

Sinalubong kami agad ng mama ni Chris. Naka-business attire ito at parang galing na sa trabaho.

"Buti napadalaw kayo. Come in and my son is waiting all of you in his room," mahinahon niyang sambit.

"Kumusta po siya Tita" sabi ni James.

"Thanks, God! He was safe, but his shoulder was injured because he fought the culprit before the police helped him. Buti na nga lang, we have a business meeting now here in Manila. So, I can take care of my sons' condition,"sabi ng mama ni Chris, with accent habang inaakay kami papuntang second floor.

"I reported this to the police naman, and I'm scared of the safeness of my son. Due to this incident nga, we decided to transfer his schooling in the U.S after the semester break." dugtong pa niya.


Dahil first time ko makapunta sa bahay ni Chris, pinagmasdan ko ang paligid. Napakaaliwalas nito grabe, pure glass ang bawat dingding, nakasabit ang modernize floating shelves sa wall. Tapos nakalagay dito ang nagagandahang ornaments, may malaking kurtina sa sala na tinatabunan ang parte ng glass wall. Tapos marble design ang tiles ng sahig.. Kulay pula naman ang mahabang sofa,at gawa sa glass ang
mesa. Sa gitna nito ang nakapakalaking painting ng family picture nila.

Nang marating namin ang second floor ng bahay. Pumasok kami sa pangalawang kuwarto. Tumambad doon si Chris, na  nakaupo sa higaan nito. Napansin namin na  may arm sling medical support ang kaliwang kamay niya, at may adhesive bandage sa kanyang kaliwang pisngi. Kitang-kita sa mukha ni Chris ang takot na nadarama.

"Pre, ano kumusta ka" sabi ni Carlo at linapitan si Chris.


"Sige maiwan ko muna kayo. Inday will bring some snacks here para may makain kayo. Okay, just ask inday if you want something. Aalis na ako."


"Salamat po tita" sabay-sabay naming sabi.


"Hindi ko expect na mangyayari ito sa akin," mahinang sagot nito.


"Ano bang nangyari?" tanong ko na nag-aala.

"Nang naglalakad ako patungo sa puntod ni Marie. Napansin ko na may sumusunod sa akin." Nagbuntong-hininga siya at nagpatuloy sa pagsasalita .

"Kinutuban na ako nang mapansin ko na may baril ito, kaya mabilis akong tumakbo!" Nakita ko na may namumuong luha  sa gilid ng mata niya.

"Kaso nadapa ako, kaya naabutan niya ako. Nanlaban ako, ngunit tinutok niya 'yong baril sa akin. Pilit niya akong kinakaladkad!" Napahinto siya at napaluha.

"Chris, nakita mo ba ang suspek?" seryosong tanong ni James.

"Hindi,"sabi niya sabay iling. " Pero napansin ko na may mata siya na tattoo  sa kanyang braso." nanginginig na sambit ni Chris.

Mata ng tattoo?

"Tapos may sinasabi siya sa akin, kaso hindi malinaw. Sa sobrang iyak ko, hindi ko na maintihan sinasabi niya, tapos kala ko talaga katapusan ko na!" pagkatapos niyang sabihin iyon, humagulgol na siya.

Agad kaming lumapit kay Chris, upang hagurin ang likod niya. Alam ko ang nararamdaman ni Chris ngayon, kasi naranasan ko rin ito kahapon. Ang kaba at takot. 

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

Hanggang, Hanggang dumating 'yong police. Nagputukan sila. Kaya napatakbo ako at tumago," Pinunasan niya ang luha gamit ang kanyang kamay.

"Nang nagpuputukan na, mabilis akong tumakas at sumakay ng kotse upang pumunta sa hospital," humikbi siya at nagsalita muli.

"Tumawag na rin ako ng police para pumunta sa sementeryo." Huminga ito nang malalim at seryosong tumingin sa amin.

 "Ang alam ko may kailangan sila sa atinpero hindi ko alam!" napahinto ito ng ilang segundo sa pagsasalita. Gumagalaw ang mata niya na may hinahanap na sagot.

Anong kailangan pinagsasabi ni Chris? 

"Naalala ko na Medalyon! Tama kailangan ng suspek 'yong medalyon! Kailangan daw natin ibigay 'yon, kung hindi papatayin nila tayong lahat!" malakas na saad ni Chris.

Nagimbal kami sa mga sinabi niya. Puno ng kaba at takot ang mga dibdib namin ngayon. Hindi kami mapakali sa narinig.

"Anong medalyon?" takang tanong ni Carlo, na napakamot sa ulo.

"Wala bang binigay sa inyo 'yong babae?"Tumingin si Chris sa aming lahat.

"Wala, di ba Mitch? Kami ni Mitch ang tumulong doon sa girl habang hinahanap niyo 'yong mga suspek." natatakot na sambit ni Gena.

"Oo, tama si cousin, wala kaming alam sa medalyon na 'yan!" seryosong tugon ko kay Chris.

"Paano yan? Hindi tayo titigilan ng suspek habang hindi natin ibinibigay 'yong medalyon!" takot na sabi ni Chris na hinawakan pa ang nakabindang balikat. 

Natahimik na lang kami at nagtinginan sa bawat isa. Naghahanap ng sagot kung saan nga ba ang medalyon na tinutukoy ni Chris.

Nang matapos ang pag-uusap namin ay umalis na kami ng bahay.

"Anong medalyon pinagsasabi ni Chris?" sabi ni Carlo na naiinis.


"Ewan ko nga, pero natatakot ako. Baka nga may kinalaman 'yon, kaya sinusundan niya tayo?"  nababalisang tugon ko.


"Eh wala naman tayong nakitang medalyon! Wala namang dala-dala yong babae di ba?" malakas na sambit ni Gena.


"Wala ba kay Marie?" mungkahi ni Carlo.


"Imposible naman kay Marie! Edi sana hindi na tayo ginambala ng suspek! At hindi na
tayo nadadamay dito," inis na sagot ni James, habang nakatuon ang mga mata sa byahe.


"I think mas maganda kung bumalik mismo tayo sa Quezon at kausapin 'yong babae!"  dugtong pa ni James.


"No way! Ayoko na bumalik doon!" natatakot na sabi ni Carlo na umiling-iling pa.


"Kaysa naman dito tayo! Ano hihintayin na lang natin na isa-isa tayong mapahamak!" seryosong saad ko kay Carlo.


"Tama si cousin, we need to talk doon sa girl! Siya lang makakasabi saan na yung pot*ng !nang medalyon! Kasi wala tayong kay idea-idea saan na 'yong medalyon. Bakit pinipilit nila na sa atin 'yong medalyon!" nag-aalimpuyong galit na saad ni Gena.

Nagulat ako sa sinabi ni Gena, bihira lang kasi magmura iyan. Nasaan na ba kasi ang medalyon na 'yan. Kung alam lang sana namin, matagal na namin itong isinauli.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro