Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7: Plot or Victory

"Search everywhere!"

"Yes, Duke." Sabay sabay na sagot ng mga Knights kay Luke.

Agad na kumilos ang mga Ravenstein Knights kasama ang Knights of Azeria. The Order that serves directly to Archduke Cadmus. 

"Your Highness, I will deploy a troop to Duke Wesleinster's mansion here in the Capital." Lumapit si Luke sa Itinakdang Prinsipe at ipinaalam ang plano.

Kasalukuyan silang nasa silid ng Reyna na simula kaninang umaga pa pala hindi pinahintulutang makalabas. Magkayakap ang mag-ina na halatang sabik na sabik na muling makita ang isa't isa. Kanina pa umiiyak ang Reyna at hindi makapaniwala na ang anak na inakala niyang patay na ay buhay pa pala.

"I'll go with you." Sagot ni Cadmus, pero agad na tinutulan ni Luke.

"Stay here. Someone must keep watch of the palace and be with the Queen." Kanina pa hindi maganda ang kutob niya.

Masyadong umaayon sa kanila ang lahat, kahit na hindi nila napaghandaan ang planong pagsalakay, salamat sa padalos dalos na desisyon ni Cadmus.

Pakiramdam niya ay sila ang napaghandaan ng mga ito. The King, and his men are nowhere to be found. Nakapagtataka na wala ang mga ito sa Throne room o di kaya sa Counsil room gayong mayroong kaguluhang nangyayari sa labas dahil sa ginawa nilang pasabog kaninang umaga. The people reacted the way they wanted, and now they are rallying outside the palace, along with some low-ranking nobles.

The Royal Knights are gone too, iyon ang pinaka-inaalala niya, and only the palace guards are left, which are all clueless about what's happening, especially after the explosions.

Matapos makuha ang pahintulot nito ay nagsama siya ng hukbo na hindi bababa sa limampu para puntahan ang mansion ni Duke Wesleinster.

Nang marating nila Luke ang lugar ay mas lalong tumibay ang hinala niya. Wala rin ang mga ito rito at higit sa lahat ay wala ring mga Knights na sumalubong para ipagtanggol ang teritoryo ng Duke na pinagsisilbihan nila. Tanging mga maids at mga gwardya sa gates lang ang naiwan na nagkakagulo ng dumating sila Luke. He ordered everyone to be arrested and taken to the tower of Ostracize, a prison cell outside the palace, for them to be interrogated.

"Your Grace, there is something you need to see." Kasalukuyang nasa study room ni Duke Wesleinster si Luke at naghahanap ng kahit na anong maaaring magturo sa kinaroroonan ng mga ito ng tawagin siya ni Sir Marcus.

Sinundan niya ang Commander of the Ravenstein Knights at dinala siya sa isang silid kung saan napakagulo ng paligid na para bang dinaanan ng bagyo. Naroon sa silid si Drystan at binabantayan ang kung sino mang nakahiga sa kama.

"We found her here unconscious on the floor." Paliwanag ni Sir Marcus. 

Displease immediately appeared on his face seeing the unconscious woman. Napansin din agad ni Luke ang mga sugat sa braso nito, at may ilang mga pasa sa bandang pisngi.

"Take her to the Ostracize too. Walang espesyal na pagtrato siyang matatanggap, at ituturing na kaaway ng Kaharian tulad ng ama niyang nagtaksil." Parehong yumuko si Sir Ross at Drystan ng matanggap ang inutos ni Luke.

Ni minsan ay hindi niya pinagkatiwalaan ang babaeng nasa harapan. Kahit ito pa ang nagbigay ng ilang impormasyong nakatulong sa kanila ay hinding hindi niya ito pagkakatiwalaan.

'Lady Idril Freya Wesleinster.' Hindi nawala ang inis sa mukha niya habang tinititigan ang walang malay na binibini. 'What is it exactly that you want?' Hindi naniniwala si Luke na dahil lang ito sa nawalang pabor sa kanya ni Cedric. Lady Neveah's son was never an heir to the throne to begin with, even though the King was trying so hard to put his son with his mistress as the next monarch, so the position as future Queen was never for hers as well.

After securing the place, bumalik na sa palasyo sila Luke at ang ilan sa hukbong kasama niya kanina. May iilan siyang iniwan sa mansion ni Duke Wesleinster para magbantay at mag-ulat sakali mang may mangyaring kakaiba. Ang iba naman, at kasama na roon si Sir Marcus, ay patungo sa Tower of Ostracize para dalhin roon ang mga bihag. 

Kanina pa tinatanaw ni Luke ang tahanan nila. Gustong gusto na niyang umuwi upang makita ang asawa. Kagabi pa niya gustong mayakap si Morrigan, kung hindi lang nagpasya si Cadmus na sumugod at agawin ang trono sa ama.

Nang makabalik sa palasyo ay ibinalita niya kay Cadmus ang dinatnan nila sa tahanan ng mga kaaway.

"But why did you send the Lady to the tower as well?"

"She is an enemy." Mariing sagot ni Luke sa itinakdang Prinsipe.

"Tinulungan niya tayo."

"You don't know that."

"Bring her here. Hindi natin dapat tinatrato ng ganoon ang taong tumulong sa atin. Paano kung napahamak pala siya dahil sa pagtulong sa atin?"

"What exactly did she do to help us?" Hindi na napigilan ni Luke ang pagtaas ng boses niya. Sapat iyon para matawag ang atensyon ng mga Knights, at maging ng Reyna.

Kung ang listahan na naglalaman ng mga nobles na kakampi ng Hari at ni Duke Wesleinster ang basehan nito ng tulong ay gusto na sanang idagdag ni Luke na nahihibang na si Cadmus.

"You're overthinking, Luke."

"It's my duty to do so. Lahat ng tao, lahat ng bagay, lahat ng nangyayari sa paligid ay kailangan kong pagdudahan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit napakadali nating nasakop ang palasyo? The Wesleinsters hold great control over wind, and their Knights are remarkable in battle. The number of the Royal Knights would be a threat too. Kung gugustuhin nila ay maaari silang makipagsabayan. Pero ano? Lahat sila wala rito. Hindi ka ba nagtataka?"

"Let's think about that matter later. Ang mahalaga ay nabawi natin ang palasyo."

"Nabawi ba talaga natin? O tayo ang nahulog sa patibong?"

"Kaya nga natin kailangang makausap ang anak nitong babae para malaman natin kung ano ba ang nangyari sa tahanan ni Duke Wesleinster." Cadmus argued back. "At isa pa, ginawa ko na ang suhistyon mong ilagay sa house arrest ang mga nobles na nasa listahang ibinigay ni Lady Idril. Ronan, Count Francis, and your magician are currently doing that." Dugtong pa nito.

"That is why I sent her to the Ostracize to be interrogated." Hindi na pinansin ni Luke ang huling sinabi nito. At least he heeds that suggestion.

"I can't believe you would do that to a lady."

"She's an enemy." Pagpapaalala ni Luke.

"Knights," Pagtawag ni Cadmus sa mga tauhan niya. "Bring the Lady from the house Wesleinster here." Hindi nito inalis ang mga tingin kay Luke.

"Fuck it, Cadmus. Don't come crying to me if anything happens!" He warned.

"Relax. I'm just curious who the Lady is." Cadmus, like Luke, isn't fond of social gatherings and has spent most of his time in his study. He is mostly only seen during hunting season and state affairs meetings.

And his presence at the Capital has lessened since he was appointed the Archduke. He wasn't supposed to take the position since he was the Crown Prince, but it will be offered to the King's relative, and the Ravenstein couldn't afford to lose the North's support.

"How could I relax if you're acting like an idiot?" He sneered at him.

Tumalikod na rin siya sa Prinsipe at walang paalam na umalis.

"San ka pupunta?"

Luke didn't answer that. He went outside and mounted his horse. Nang makita siyang umalis ng ilang mga Ravenstein Knights na walang kasama ay nagmamadaling sumunod ang dalawa sa mga ito, samantalang naiwan ang iba upang tumulong sa pag-aayos sa pinsalang dinulot ng mga pagsabog kanina.

Luke went straight to the Ravenstein mansion, but he couldn't get past the gates, thanks to the shield.

Some Knights saw his arrival and went inside the mansion. A few minutes later, the woman he wants to see and hold in his arms is running toward him.

Kaagad na napangiti na siya.

•⋅⋅•⋅∙∘☽༓☾∘∙•⋅⋅⋅•

"My Lady, the Knights reported that the Duke has arrived."

"Really?" Mabilis kong sagot at napatayo sa ibinalita ni Sir Ross. Kanina pa ako hindi mapakali dahil ilang oras na ang nakalilipas simula ng pagsabog pero wala akong natatanggap na kahit na anong balita.

Pero teka lang, pano kung hindi pala si Luke iyon at patibong nanaman? Kailangan kong maging maingat. I can't repeat the same mistake and be a burden to them again.

I walked calmly and with grace. Pero nang matanaw ko ang pamilyar na itim na kabayo at ang taong nakasakay rito ay hindi ko mapigilan ang pabilis ng pabilis kong paghakbang.

Pero bago pa man ako tuluyang makalapit kay Luke, pinigilan ako ni Sir Ross sa pamamahitan ng pagharang ng kamay niya sa harapan ko. Three more Knights positioned in front of us, and two from behind. All of them are in their fighting stance, with their hands ready to reach for their swords.

"Identify yourself." Kalmado pero maawtoridad na sabi ni Sir Ross.

"It's me." Sagot niya kay Sir Ross, and showed him his identification. "Open up, wife. I need a fucking hug right now." Dugtong niya at inilipat ang tingin sa akin.

Si Luke nga to walang duda. Pananalita palang na nakakainis ay siyang siya na.

He dismounted from his horse and went straight to me after I undo the shield. Gustong gusto ko na rin siyang mayakap. I opened up my arms to hug him, sabik na sabik na akong mayakap siya, but instead of hugging me, his hands cupped my face and went for a kiss.

Agad na umiwas ng tingin sila Sir Ross at ang mga Knights dahil sa ginawa ni Luke. And it wasn't just a quick smack, his other hand moved down to my chin and parted my lips with his thumb, and kissed the way he would during our carnal affairs.

When he stopped ay naiwang nakaawang ang bibig ko sa gulat. He grazed his thumb on my lips sensually while a satisfied smile was painted on his face.

"Yung yakap nga pala. Muntik ko ng makalimutan." He was still smiling like the devil and hugged me this time.

"Luke!" Inis kong kinuyom ang mga kamao at pinagsususuntok ang likuran niya.

"Yeah. I love you too, wife." He groaned and kissed my neck before he let go. "Is everything alright here?" He asked.

Hindi ko siya sinagot at hinila papasok sa loob ng mansion. Nahihiya akong humarap sa mga Knights kahit na alam kong hindi naman big deal sa kanila yun, pero big deal yun sa dignidad ko.

"Wife, our room is upstairs." Parang dismayado siya na sa drawing room ko siya dinala. "Wife, our room is upstairs." Pahabol niyang ulit ng isara ko na ang pinto ng drawing room.

"Your Grace, explain yourself!" I crossed my arms and ignored his words.

"I'm also fine in the drawing room." Lumapit siya at muli akong niyakap. He even kissed my hair and my forehead saka mariin akong isiniksik sa dibdib niya. Halos hindi ako makahinga sa pagyakap ni Luke, isama mo pang naka halukipkip ang mga kamay ko sa dibdib.

"Luke, seryoso nga kasi! Alam mo ba kung gano ako nag-alala dahil sa mga nangyari kaninang umaga, at sa pagsabog sa palasyo nitong hapon?" Buong lakas akong kumawala sa yakap niya.

"I know. I'm sorry if I couldn't give a word about it." He held my hand and kissed my palm, saka inihaplos ang palad ko sa pisngi niya. "I wanted to go back home to you so bad." Daing niya.

"Ano na ba ang nangyayari?" Pagkatanong ko ay agad na nagsalubong ang kilay niya na para bang may naalalang hindi maganda.

I called a maid to prepare us some tea and a meal for Luke.

Matapos kumain ay kinuwento niya ang biglaan nilang pagsalakay sa palasyo, all because the Crown Prince was impatient and worried about his mother, The Queen. Kahit naiinis si Luke dahil humingi siya ng isang buwan para sana sa akin, ay hindi naman niya kayang hayaan na sumugod ng mag-isa ang Itinakdang Prinsipe. His patience snapped when Cadmus ordered Lady Idril to be brought into the palace because, for him, the Lady is an ally.

"Tell me, wife. Am I the one wrong here?" He asked. "Ilang digmaan at laban na ang naipanalo ko. Ilang problemang politikal na din ang nasaksihan ko rito at maging sa ibang kaharian, pero walang ganitong uri ng napakadaling pagkapanalo. An easy victory is no victory. That is what I've learned from all the wars I've been to." Paglalabas niya ng saloobin. "Hindi ko alam kung anong uri ng utak ang ginagamit ni Cadmus. He may have never been to actual wars, but the books he's been reading his whole life should have at least taught him one or two."

"Calm down. Maybe the Prince is planning something?" Pag-aalo ko sa kanya.

"No. He's stupid. That's it." Iritado pa din siya. "If anything happens to him, wala na akong pakialam. He's on his own. My priority would be you, our daughter, and the people of the Southern Duchy." Mariin niyang sabi. "We're going back to our territory." Pagpapasya niya.

"Teka, wag ka munang magpadalos dalos. Hindi ba't mas delikado kung maghihiwalay kayong dalawa ng pwersa? If the King and Duke Wesleinster are missing, and have brought an army with them, ibig sabihin ay pinaghahandaan nila kayo. It would be better to stick together and be careful. At kung may mangyari ngang hindi maganda sa Prinsipe, talaga bang wala kang pakialam?"

Hindi siya nakasagot.

See? He cares about them.

"Ang mahalaga ay nabawi ninyo ang palasyo."

"Tsk. This Kingdom is doomed if Cadmus is King."

"Luke! Speaking ill if the King is treason." Pagpapaalala ko dahil parang kinakalimutan niya ang bagay na iyon. "Here, it's chamomile." I poured him tea to calm him down. Inabot ko sa kanya ang cup, pero hindi niya iyon pinansin.

"That won't be of any help." He sat closer to me and rested his head on my shoulder. "I'm so mad at him." Kanina pa niya inuulit ulit ang mga katagang iyan. "If I had known, I would never have given him those pills!" Pagpapatuloy niya.

"Drink this. It would help." Pilit ko pa ring ibinigay ang tea. It would help him relax and have a good sleep. Baka bukas pagkagising niya ay hindi na siya ganun kairitado.

Luke took it this time. At nang matapos ay muli niyang isinandal ang ulo sa balikat ko.

We had a few more conversations after that, hanggang sa unti unting naging iilan nalang ang mga sagot niya. In less than an hour, he fell asleep. Hearing his soft snores pains me. Halatang pagod na pagod siya. I reached for the throw pillows at maingat na inihiga si Luke sa settee. Tinawag ko rin si Adellei para ikuha ako ng kumot para kay Luke.

Nang lumabas ako ng drawing room ay siya namang pagdating ni Sir Marcus. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Sir Ross.

Hindi ko nga pala naibalik ang shield. Lumapit ako sa kanila, and I found out that some Knights that serve the Crown Prince went to the Tower of Ostracize to bring Lady Idril into the palace. Wala pa rin daw itong malay, at ayon kay Sir Marcus ay mayroon nga itong ilang mga sugat at pasa. Sir Marcus went back to the palace, and when he heard that the Duke had left, he went back to the mansion as well.

Maging ako ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Tama kaya ng hinala si Luke o sadyang nag-oover think nga siya tulad ng sabi ng Itinakdang Prinsipe?

Matapos kausapin ang Commander of the Ravenstein Knights ay pumunta na ako sa silid ko at nagpahinga na rin. Mabilis rin akong nakatulog dahil panatag na ang isip ko na nandito na ang asawa ko.

When the morning came, Adellei helped me get dressed like always.

"What is it?" Tanong ko.

Pano kasi ay kanina ko pa siya nakikitang nakangiti mula sa repleksyon ng salamin.

"My Lady," Ano nanaman kaya to? Kapag ganitong excited ang tono ng boses niya ay tiyak na may inaabangan nanaman ito.

"Yes?" Sagot ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niyang pagbraid sa buhok ko.

"I heard from the other maids this morning that Young Lady Zephyra's birthday is coming up." Masaya nitong sabi.

Nagulat ako at bahagyang napaisip sa kasalukuyang petsa.

Oh my gosh, oo nga! Sa susunod na buwan na ang kaarawan ng anak ko.

"The maids are worried that, like last year, the Duchess will not celebrate it." Napatingin ako kay Adellei mula sa salamin.

Napahilot ako ng sentido ng sunod sunod na pumasok sa isipan ang alaala noong nakaraang taon.

I was in the Capital during those times, attending all the tea parties and balls I got invited to. At dahil nga wala naman akong pakialam sa bata ng mga panahong iyon, hindi ko rin alam na kaarawan pala niya.

Even if a budget is allotted for the Young Lady, the servants don't know the lengths of spending it, and they are also scared that I will get mad about it. So instead of a glamorous party fitted for a child from the Ravenstein family, I heard the Butler and the servants prepared a simple party for Zephy.

"Goodness, I'm the worst." Dahil dun ay gusto ko na kaagad puntahan ang anak ko at humingi ulit ng sorry dahil sa kapabayaan ko dati.

I want to hug her.

"Madam?" Boses ng Butler mula sa labas.

"Yes?" Sakto ring natapos nang ayusin ni Adellei ang buhok ko, kaya ako na ang nagbukas ng pinto dahil lalabas na rin naman ako.

"M-Madam, some of our Knights came and told me that the C-Crown Prince is coming." Parang nagulat ito sa inulat niya sa akin. Probably because they all know that the Queen's son is dead. "I intended to tell the Duke, but he hasn't come out of the drawing room yet." Dugtong nito.

"I see." Napangiti ako dahil mahimbing pa rin pala ang tulog ni Luke. "Ako na ang sasalubong sa Itinakdang Prinsipe. Let my husband rest." I instructed.

"Yes, Madam." The Butler made a courtesy and escorted me down.

Nang makababa kami at lumabas ay kakapasok lang ng isang karwahe.

The man that came out from the carriage is indeed the Crown Prince.

"Good lord." Narinig kong singhap ng Butler at hindi makapaniwala sa nakita.

"Do not let this news spread outside." I whispered to him dahil hindi ko alam kung nasabi na ba sa taong bayan na buhay pa ito, bago masayang ngumiti ng makalapit na ang Mahal na Prinsipe. "Greetings, Your Highness." I bowed.

"It's a pleasure to see you again, Duchess Morrigan." He offered his hand.

Agad ko rin namang inilahad ang kamay ko sa kanya. Cadmus held my hand, and he lowered his head to kiss it, pero bago pa man tumama ang labi ng Prinsipe sa kamay ko ay may nagpatong ng kamay sa ibabaw ng akin at iyon ang nahalikan ni Cadmus.

"Good morning to you too, Luke." Cadmus wiped his lips.

Hindi iyon sinagot ni Luke.

"Oh my god!" Napasigaw ako ng bigla nalang umangat ang paa ko sa lupa.

Luke lifted me on his shoulder and walked back inside the mansion. He even slammed the door shut and left the Prince outside without a word.

  _______CHAPTER 07________

Thanks for reading 🤍

Yung name ni Adellei dapat Adellie yung spelling, ngayon ko lang napansin na pinapalitan ni autocorrect. 🥲🥲🥲

VOTES. COMMENTS. RL
are highly appreciated

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro