Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue

"Lady Aveonna?! " hindi ko kilala kung sino ang sumisigaw na iyon pero halatang - halata ang pagkataranta niya.

Masakit pa ang katawan ko, kaya hindi ako masyadong makakilos. Wala akong masyadong maalala sa mga nangyari, ang huli ko lang naaalala ay nasa kwarto ako.

Napabangon ako nang malaman kong wala pala ako sa aking kwarto.

"Who are you? Where am I?! " tanong ko sa babaeng tila gulat na gulat. Palagay ko siya iyong sumigaw kanina.

" Hindi niyo po ako naaalala? " tila naluluha niyang tanong.

"Hindi? Teka nasaan ba ako? " tanong ko sa kanya.

"Lady Aveonna, ako ito si Biñia. " malungkot na sabi niya, napatigil ako sa pangalang binanggit niya.

"Ano nga uli tinawag mo sa akin? " tanong ko sa kanya.

"Po? " tila naguguluhan niyang tanong.

"Yung pangalan ko? " tanong ko sa kanya.

"Lady Aveonna, hindi niyo rin po ba naaalala? " tila may takot sa boses niya.

"Aveonna Westales, " mahina kong sabi.

"Iyon nga ang pangalan niyo, naaalala niyo na po ba? " tanong niya.

"Aveonna Westales?! " sigaw ko. Sa pagkakataong iyon nakatingin na ako sa salamin. Blonde curly hair, purple eyes.

Bigla akong nanghina at nandilim ang paningin ko. Narinig ko pa ang sigaw sa akin ng babae bago ako bumagsak pero parang hindi ko na kayang bumangon pa.

I'm not Aveonna Westales

Right, I'm just losing my mind.

END OF PROLOGUE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro