Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Questions

Thoren

"Why are you here? " tanong niya. Nasa pinakasulok siya ng kanyang kama habang nakayakap sa mga tuhod. Nakatingin lang ito sa akin ng seryoso. Pinagmasdan ko ang mga nito, para silang walang buhay.

"Gusto ko lang malaman kung maayos ka na, " sagot ko.

"Why? " tanong niya naman.

"What kind of question is that? " naiinis ako sa tanong niya, ano ba talagang problema niya.

"You always hated her, bakit ngayon nag-aalala ka sa kanya? Anong plano mo? Balak mo siguro siyang patayin, kailan ba? Ngayon na ba? " tila may galit niyang sabi. At bakit base sa pagsasalita parang ibang tao ang tinutukoy niya.

"Sino ba iyong tinutukoy mo? " tanong ko, nanlaki naman ang mga mata niya na tila nagulat. Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita.

"Si Aveonna. Ako. "

"Alam nating dalawa na malaki ang galit mo sa akin, so what's your plan? " may galit sa tono ng boses niya.

"Wala akong plano sa iyo, " sagot ko.

"Liar. Di bale aalamin ko na lang, " sabi niya habang nakangisi.

"Babalik na lang ako. Mukang hindi ka pa magaling, " sabi ko na lang.

"Baka pagsisihan mong hindi mo pa ako pinatay ngayon, " pang-aasar niya sa akin.

Iniwan ko na siya sa kwarto. May naaalala kaya siya sa mga nangyari noon?

Ang hindi ko alam ay kung bakit niya pinagdidiinan na gusto ko siyang patayin. I hated her guts pero hindi ko magagawa ang mga pinagbibintang niya sa akin.

Maaaring may bahagi sa kanyang alaala ang unti-unting bumabalik at mali lang ang interpretasyon niya.

Kung bumabalik na nga ang alaala niya kailangan ko siyang bantayan mabuti dahil kung hindi magkakaroon ng isang napakalaking problema.

--------

"Saan ka na naman pumunta? Gawain ba ng isang prinsipe ang maglalabas ng palasyo? " sermon ng aking amang hari. Kanina pa pala niya ako hinahanap. Sa sobrang laki ng palasyo nagagawa parin niyang malaman na wala ako dito sa palasyo.

"Pinuntahan ko si Lady Aveonna, " tipid kong sagot. Tila nawala naman ang galit nito sa pagbanggit ko kay Aveonna.

"Ganoon ba. Kumusta na siya? " tanong naman niya.

"Marami parin siyang hindi maalala, " sagot ko naman.

"Ganoon ba. Dito mo na lang kaya siya patuluyin. Madalas wala ang mga magulang niya at mag-isa lang siya sa kanilang tahanan. Siya naman ang nakatakdang maging kabiyak mo, mas mabuting nasa palasyo siya at hindi ka na tumatakas para lang makita mo siya, " suhestyon ng amang hari.

Pilit akong ngumiti. Hindi ko alam kung may binabalak si ama na masama o gusto niya lang talaga kaming paglapitin.

"Baka hindi pumayag si Lady Aveonna, sinabi ko na po sa inyo na wala siyang naaalala tungkol sa akin, "sagot ko naman.

"Utos ito ng hari, " seryosong sabi nito.

Wala naman akong magagawa kapag sinabing utos ito ng hari. Prinsipe pa lang ako kaya sa ngayon kailangan ko munang sundin si ama. Aasa na lang ako na umayaw si Aveonna para hindi siya makapasok ng palasyo, tutal mukang malaki ang galit niya sa akin ngayon.

---------

"Wow! Ang ganda naman dito, " excited at parang bata na nagtatalon si Aveonna. Matapos akong sabihan na dito muna sa palasyo tutuloy si Aveonna agad pala itong nagpadala ng sulat sa dalaga.

Akala ko hindi papayag si Aveonna pero nagkamali ako, kinaumahan lang ay dumating na siya sa palasyo. Kasama niya ang kanyang alalay na si Biñia na ikinagulat ko. Noon, sa tuwing pumupunta siya dito ay marami siyang kasamang alalay pero ngayon isa na lang at mukang magkasundo ang dalawa.

"Iba talaga kapag palasyo, " nakangiting sabi nito.

"Akala ko hindi ka papayag sa utos ni ama, " sabi ko dito.

"Utos ng hari at isa pa sino ba namang ayaw tumira sa palasyo, " masayang sagot niya.

"Ang mga katulong na ang bahala ituro ang kwarto mo, magpahinga ka muna at ipapatawag ka ng hari mamaya, " sabi ko. Tila hindi naman ito nakikinig dahil nakamasid lang ito sa kabuuan ng palasyo.

"Nakapunta na ba ako dito? " seryosong tanong niya.

"Oo, " sagot ko naman.

"Parang pamilyar ang lugar na ito, madalas ba ako dito? " tanong niya uli. Hindi parin niya inaalis ang mga titig sa palasyo.

"Oo,"
"Ang tipid ng sagot mo, " inis na sabi niya.

"Alam kong marami kang katanungan, magpahinga ka muna at sasabihin ko sa iyo ang lahat, " paninigurado ko sa kanya.

"Marami akong katanungan at hindi ako sigurado kung sa iyo ba ako dapat magtanong. Pasensya na pero ayokong magtiwala sa iyo, hindi ako iyong dati na baliw na baliw na sa iyo. Natuto na ito, " seryosong sabi nito.

"Lady Aveonna, " pagpigil sa kanya ni Biñia na tila natatakot sa asal ng kanyang amo.

"Okay lang iyan, "nakangiting sabi niya sa katulong.

"You won't kill me for that right? " sabi nito at saka ako kinindatan.

Nagsimula itong maglakad, tahimik lang ito habang pinagmamasdan ang bawat likhang sining na nakalagay sa bawat pasilyo at pader.

"So talented, " bulong pa nito.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa kwarto niya, kitang-kita ang pagkamangha niya dito. Sadyang inihanda ito para sa kanya, afterall she is the future queen.

"So, kailan ang kasal? " nagulat naman ako sa tanong niya.

"What do you mean? " tanong ko pabalik, bakit biglang doon napunta ang usapan?

"Alam mo ang ibig kong sabihin. Hindi ba engaged na tayo? Edi ibig sabihin noon kasal ang sunod, curious lang, " paliwanag nito.

"Pagkatapos ng 19'th birthday mo," tipid kong sagot, kumunot ang noo  nito.

"Ilang taon na nga ba ako? " tanong niya, napabunting hininga ako at napailing.

"Hindi mo alam? " tanong ko sa kanya, umiling lang ito. Maging ang kaarawan niya ay hindi niya maalala.

"Well, it doesn't matter. I feel young, " masayang sabi nito at saka humiga sa kanyang kama.

"Magpahinga ka na muna at saka tayo mag-uusap, " sabi ko naman.

"Last question, " sabi niya bigla uli nagseryoso ang mukha niya.

"Ano na naman iyon? " hindi ko mapigilang mainis sa kanya.

"You should know, Lady Claire Davidson, two years ago dapat nasa party siya. Your birtbday remember? Where is she? What happened to her? " nagulat naman ako sa mga sinabi niya, palaanong nalaman niya iyon? Totoo bang nawala ang alaala niya o niloloko niya lang kaming lahat.

"So, kilala mo nga siya, " nakangising sabi nito.

Hindi na ako nagsalita pa at iniwan na siya sa kanyang kwarto.

END OF CHAPTER 6

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro