Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: The manor

Ava

Nagikot-ikot lang ako sa mansyon, napakaganda ng lugar na ito. Kahit naman noong binabasa ko pa lang ito maganda na talaga ito sa isipan ko pero ibang-ibang talaga kapag sa personal.

Ibang-iba sa dati kong buhay, mas maganda. Kaya hindi ko hahayaang masira ang lahat, lalo na at buhay din ito ni Aveonna.

Hindi makatingin ang mga taong nakakasalubong tila ba may takot sila sa akin. Hindi ko naman sila masisisi, masama ugali niya.

Pumunta ako sa hardin, napangiti ako. Maganda ang lugar na ito, peaceful. Maraming iba't - ibang klase ng mga bulaklak na hindi ko naman alam ang mga pangalan. Umupo muna ako sa isang bench at nagpahinga.

Mag-isa lang ako dahil nakiusap ako sa mga magulang ni Aveonna, ayaw pa akong paalisin mag-isa pero sa huli napilit ko din sila.

Hindi pa ako sanay na tawagin silang ina at ama, dahil magulang sila ni Aveonna at kahit nasa katawan niya ako magkaibang tao parin kami.

----------

Library naman ang sunod kong pinuntahan, muntik pa akong maligaw. Masyadong malaki ang lugar na ito. Maraming kwarto na hindi ko alam ang purpose, hindi ko alam kung gaano kadami ang nakatira dito. Kung kamag-anak ba sila o hindi.

Dahil nakafocus sa dalawang bida ang istorya at hindi naman sa villainess na kagaya ko o ni Aveonna, kaunti lang ang nasabi tungkol sa kanya o sa mga nakatira dito.

Sa sobrang dami ng libro sa library hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. History kaya?
O baka naman may mahanap akong sagot sa mga nangyayari sa akin?

Tatlong floors ang ang library, akyat baba lang ako dito dahil sa sobrang pagkamangha ko. Hindi pala basa si Aveonna kaya sigurado akong maraming magugulat.

Lumabas na ako ng library, para ikutin uli ang masyon. Hindi ko naman kayang ikutin ito ng isang araw dahil sa laki. Sa totoo lang natatakot pa nga akong baka hindi na ako makabalik sa kwarto ko.
Sa chapel naman ako napadpad, umupo muna ako dito at napabuntong-hininga.

Ano nga uli ang nangyari kay Aveonna? Bakit tila wala naman akong nabasa na nagkasakit siya o ano. Sa pagkakaalam ko nga hindi siya nagkakasakit.

Ang hirap namang tanungin ang mga tao dito. Minsan nanginginig sila, madalas nahihimatay. Parang wala silang alam sa mga nangyari kay Aveonna.

Hindi ko rin alam paano o saan magsisimula. Dahil maging ako may mga tanong sa aking sarili.

END OF CHAPTER 2

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro