Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: What happened two years ago pt. 2

Thoren

"W-what happened next? " tanong niya, hindi ko mawari ang reaksyon niya. Galit kaya siya sa akin? Nalulungkot ba siya?

Tila walang emosyon ang mga mata niya, gaya noong kinuha siya ng lalaki.

"Are you really sure? " tanong ko dito.

"Naumpisan mo na, dapat mong tapusin, " pilit itong ngumiti.

Tumango naman ako, tama siya. Wala naman na akong magagawa.

-Flashback-

Dalawang araw na ang nakalalipas simula noong mangyari ang pagdukot kay Aveonna, maliban sa aking mga magulang at magulang niya ay wala ng nakakaalam ng nangyari.

Pinangako kong hahanapin ko siya at ililigtas ng buhay.

"Papaano natin sila mahahanap kung wala tayong alam kung sino ang mga ito? " tanong naman ni Steven.

Tama siya, wala nga akong alam kung sino sila at kung bakit nila ito ginagawa.

Pero may isa akong napansin sa lalaki, ang kanyang tattoo. Hindi pangkaraniwan ito, at higit sa lahat, ang mga taong may tattoo lang ay ang mga bandido na sinasamba si Duke Erington na matagal ng hindi nagpaparamdam.

Hindi ako sigurado kung may kinalaman sila pero sa kanila kami mag-uumpisa.

"May tattoo siya, ang mga sumasamba lang kay Duke Erington ang meron noon, isang araw at buwan ang tattoo niya, madali lang makilala, " sabi ko naman.

Napasyahan namin na mag-ikot sa kapitolyo, doon ang sentro ng komersyo. Baka sakaling may makita kaming lead o ano pa man. Hindi ko rin alam kung ano ang plano nila at kung bakit kahit isang mensahe ay hindi sila nagbigay.

Paraan ba nila ito para pahirapan ako o guluhin ang aking isip?

Halos  dalawang oras pa ay wala pa rin kaming nakita, madaming tao pero wala ni isa sa kanila ang tingin kong makakapagturo kung nasaan si Aveonna.

"Hindi ba si Lady Claire iyon? " bulong naman ni Darren.

Tama siya nga. Nasa isang tindahan siya, ganoon parin ang kanyang kilos, walang pinagbago.

Pero mukang hindi iyon ang ibig sabihin ni Darren nang itinuro niya si Lady Claire, dahil nakatitig siya sa kausap nito. Kaya pinagmasdan ko rin ito.

Nagulat ako dahil sa pagkakakilala ko kay Lady Claire ay hindi siya basta-basta kumakausap ng kahit na sinong lalaki, hindi ito pamilyar sa akin pero ang pamilyar sa akin ay ang tattoo niya sa kanyang batok. Kaparehas ito sa lalaking kumuha kay Aveonna.

Gusto ko siyang lapitan at hulihin, gusto kong sabihin niya kung nasaan si Aveonna pero pinigilan ko ang aking sarili, baka tuluyan ko ng hindi makita si Aveonna.

Bakit niya kausap ang lalaki? May kinalaman ba siya sa pagdukot kay Aveonna?

"Kamahalan, " bulong sa akin ni Steven.

"Hayaan muna natin siyang mag-isa, " sabi ko kay Steven.

Kailangang namin siyang mahuli. Naghintay kami ng matagal, nang mapag-isa na siya ay agad namin siyang pinagtulungang hulihin.

Malalakas ang mga kasama ko kaya hindi na siya nakalaban pa.

------------

"Anong ginagawa ko dito? " tanong ng lalaki.

"Tingin ko alam mo ang dahilan kung bakit ka namin hinuli, " sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo, " seryosong sabi nito

"Si Lady Aveonna, nasaan siya? " tanong ko.

"Hindi ko kilala ang taong iyan, " nakangising sabi niya.

Sinuntok ko siya, at pinagsisipa. Alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ko maiwasang mag-init ang aking ulo.

Hirap na hirap naman sila Darren sa pagpigil sa akin.

"Nasaan siya?! " halos mapatay ko na ang lalaki pero pinipigilan pa rin ako nila Darren.

"Baka hindi na natin siya makita, maghunos dili ka kamahalan, "sabi pa ni Darren.

"Hindi ko alam! " sigaw ng lalaki.

"Kamahalan ako na dito, "suhestyon ni Steven.

Tumango naman ako, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Nasaan na siya? " mahinahong tanong ni Steven.

"H-hindi ko alam! " tila nanginginig na sabi ng lalaki.

"Sabihin mo na! " bulyaw ko at saka siya sinuntok ng malakas.

"Mas mabuti kung sasabihin mo na, kung gusto mo pa mabuhay, " seryosong sabi ni Steven. Bigla namang napalunok ang lalaki.

"S-sa isang lumang mansyon, ang dating tahanan ng Duke Erington, "nanginginig na sabi ng lalaki.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad kong tinawag ang iba pang mga knight. Sasama sa akin ang iba para sugurin ang lumang mansyon, ipinaubaya ko naman sa dalawang knight ang lalaki.

"Bilisan na natin! " utos ko sa aking mga kasama.

Sila na ang bahala sa iba pang bandito, kaming tatlo nila Darren ang magliligtas kay Aveonna.

Sa wakas narating na namin ang isang lumang mansyon, halatang inabando na ang lugar na ito dahil sa mga baging at sapot ng gagamba.

"Aveonna! " sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero walang sumagot. Bigla akong kinabahan, nasaan na siya? Hindi kaya mali ang impormasyong ibinigay sa amin?

Nang makarating ako sa isang kwarto nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita kong katawan ng babae na nakahandusay. Bumilis ang tibok ng puso ko, dahan-dahan akong lumapit dito para makita kung sino ito.

Si...Lady Claire Davidson.

Papaano? Bakit?

"Steven! Darren! " tinawag ko ang mga kasama ko, mabilis naman silang dumating.

Maging sila ay nagulat sa nakita.

"Wala na siya, " sabi ni Darren habang pinupulsuhan si Lady Claire.

Tahimik kaming tatlo, walang gustong magsalita. Hindi namin alam ang gagawin, maging ako ay sandali kong nakalimutan ang totoong pakay ko sa lugar na ito.

"Kamahalan, kami na ni Darren dito, hanapin mo na si Lady Aveonna, "suhestyon ni Steven. Agad naman akong sumang-ayon dito, at mabilis na iniwan sila.

Palakad-lakad ako, hanggang sa makarating ako sa isang lawa na may tulay.

Nang makalapit ako naaninag ko ang isang lalaki.

"Kamahalan, kumusta na, " nakangising sabi ng lalaki, nasa gitna siya ng tulay ngayon.

Buhat-buhat niya ang walang malay na si Aveonna, kitang-kita ko ang dugong umaagos mula sa katawan niya.

"Anong ginawa mo sa kanya?!"  nanginginig ang buong katawan ko sa galit.

"Huwag kang masyadong sumigaw baka magising siya, " natatawang sabi niya.

"Bitiwan mo siya, " sabi ko.

"Sigurado ka ba diyan kamahalan? Baka pagsisihan mo ang lahat, "

Hindi ako nakapagsalita, hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko. Sobrang lapit ko na kay Aveonna pero ni hindi ko siya mahawakan.

"Bitiwan mo siya, " pagbabanta ko sa kanya.

"Sabi mo eh..." natatawang sabi niya saka binitawan si Aveonna, bumagsak siya sa may lawa.

"No! " sigaw ko sabay talon sa lawa. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ng lalaki.

Hindi ko akalain na malalim pala ang lawang ito, pinilit kong bilisan ang paglangoy hanggang sa mahawakan ko na siya.

Nang makaahon kami ay hindi na ito humihinga, bakas sa mukha niya ang hirap. Marami itong mga sugat, kasama na ang sugat niya sa gilid na dahil sa pagliligtas niya sa akin.

"Gumising ka, " pakiusap ko habang sinusbukan ko siyang i-CPR.

Ilang sandali pa ay umubo ito at lumabas ang mga nainom niyang tubig,  naramdaman ko rin ang mahinang paghinga niya. Nabuhayan ako ng loob.

Pagkadating nila Darren ay agad nila akong tinulungan, hindi na nila naabutan ang lalaki, ngunit ang mahalaga ay nailigtas na namin si Aveonna.

Akala maayos na ang lahat pero hindi pala. Dahil hindi siya gumising, kahit anong gawin namin ay hindi siya gumigising. Humihinga siya pero hanggang doon na lang. Akala ng lahat ay matutuluyan na siya.

Pinangako ko sa sarili ko na kalag gumising siya ay siya na ang pipiliin ko, ang magiging reyna ko sa hinaharap.

Sinabi ko na rin ito sa aking amang hari at sa kanyang mga magulang.

Naniniwala ako na gigising siya para sa aming dalawa. Kaya nangako ako na maghihintay ako kahit na anong mangyari.

-end of Flashback-

"That's it, " tipid kong sabi.

Napabuntong-hininga naman si Aveonna.

"Gusto ko na muna magpahinga, " pilit itong ngumiti.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon, umaasa ako na sana ay hindi siya magalit sa akin.

"Sasamahan na kita, "

"Huwag na, gusto ko munang mapag-isa, " tumango na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya.

Dahil ba sa sinabi ko ay magbabalik na ang mga nawala niyang alaala?

END OF CHAPTER 18

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro