Chapter 13: Confussion
Aveonna
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko o kung maniniwala ba ako sa kanya. Dapat bang kiligin ako, o maramdaman ko na mahal ko din siya? Paano kung mahulog nga ako tapos may masama lang pala siyang balak sa akin, like...patayin ako?
Paano si Lady Claire at nasaan na ba siya ngayon? Bakit nawawala ang lead female character sa istorya na ito or.... baka ako na ang lead female character dito? I wish.
Anyway kailangan ko pa rin malaman kung ano ang nangyari sa kanya, para malaman ko kung ano ang mangyayari sa future ko.
Sa totoo lang maganda sa pakiramdam na para bang bumabait sa akin ang prinsipe, na hindi na siya masungit.
Gusto ko na maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa, lalo na at hindi ko alam kung matutuloy ang kasal o hindi pero kung matuloy man atleast maging civil kaming dalawa.
Sa ngayon hindi ko alam kung paano siya titingnan sa mga mata o kung paano ko siya kakausapin.
----------
Dalawang araw na ang nakakalipas at ni hindi ko kayang makita ang prinsipe.
Naglalakad ako at pinagmamasdan ang mga painting sa pader. Iba talaga kapag may talento ka. Noon pa man wala akong makitang talent sa katawan ko.
Nakakainggit minsan pero ano pa nga bang magagawa ko. Dito sa palasyo pwede akong magkaroon ng painting class o kung ano pa mang class ang gusto ko, ang problema tamad ako. Hindi naman ako ganito sa dati kong buhay, masipag ako noon. Kaya lang nakakapagod din, kaya naman mas minabuti ko munang maging tamad.
Sa pagkakaalam ko din na may mga klase din ako bilang isang Lady o future queen. Pero kaya lang sa mga mga nawawala kong memorya o at mahinang katawan ay hindi muna natuloy.
Habang naglalakad aki ay nakita ko na naman ang prinsipe. Napatigil ako at susubukan ko pa sanang magiba ng direksyon pero bigla itong nagsalita.
----------
"Iniiwasan mo ba ako? "
"No, " sabi ko naman sa kanya at pilit akong ngumiti.
"Aveonna, hindi mo naman ako kailangang iwasan, " sabi niya sa akin. Halata sa mga mata niya ang lungkot. Na guilty ako bigla, wala naman siyang masamang ginagawa sa akin. Bumabait na nga siya, ako naman itong ayaw siyang kausapin. Sabi ko pa nga sa sarili ko na hindi na ako magaala Villainess, pero ano itong ginagawa ko.
"Sorry, " sabi ko na lang.
"Wala kang kasalanan, "nakangiting sabi niya.
"Sorry, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat lang ako sa mga sinabi mo, " sabi ko naman.
"I know, dahil siguro madalas akong umiiwas sa iyo dati at... palagi akong galit sa iyo, " sabi naman niya.
" Kamahalan? " tawag ko sa kanya.
"Bakit? "
" Saan ka pala papunta ngayon? " tanong ko.
" Pumunta lang ako para dito para makita ka, " biglang nag-init ang mukha ko sa sagot niya.
Tumawa naman ito dahil sa reaksyon ko, pinisil pa niya ang ilong ko.
"Aveonna, maaari bang huwag mo na akong tawaging kamahalan? "
"Ha? Anong itatawag ko sa iyo? " naguhuluhang tanong ko.
"Pangalan ko, " nakangiting sabi niya.
"Pwede ba iyon, ikaw ang prinsipe dito. Mali naman ata na tawagin kita sa pangalan mo, " sabi ko naman.
"No, ayos lang sa akin. Please, " pakiusap niya.
"At isa pa, magpapakasal naman tayo soon, " dagdag pa niya.
"Magpapakasal talaga tayo? " kunot-noong tanong ko, nawala naman ang ngiti sa mukha niya at biglang nalungkot.
"Bakit ayaw mo ba akong pakasalan? " tanong niya.
"Sino ba namang ayaw magpakasal sa isang prinsipe? " tanong ko. Umiling lang ito.
"Gusto ko pakasalan mo ako dahil mahal mo ako, " sabi naman niya.
Hindi ako makapagsalita, parang noong una siyang umamin sa akin. Wala akong nasabi.
"Totoo ba lahat ng mga sinabi mi sa akin? " tanong ko uli.
" Oo. At paulit- ulit kong sasabihin na mahal kita, " sabi niya naman at saka hinalikan ang pisngi ko.
"Namumula ka, " natatawang sabi niya.
"Hindi kaya, " pagmamaang-maangan ko.
"Okay lang, gusto kong kiligin ka araw-araw, " biro niya. Hindi na ako nakapagsalita, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"May gagawin ka ba ngayon? " pag-iiba niya ng topic.
"Wala naman akong ginagawa dito, naglalakad lang, " sabi ko naman.
"Talaga, gusto mo bang pumunta sa kahit na saang lugar? " tanong niya pero umiling ako.
"Gusto ko na lang pumunta sa kwarto, " sabi ko na lang.
Niyakap niya ako ng mahigpit bago nagsalita.
"Mahal kita, "
"Just call me by my name, " bulong pa niya.
"T-Thoren, " naiilang kong tawag sa pangalan niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nakita ko ang malawak niyang ngiti.
"Palagi mo na akong tatawagin sa pangalan ko, after all you are my future wife, " sabi niya pa.
"Future wife? " kunot-noong sabi ko.
Natawa naman ito.
"Weird pa rin bang pakinggan? " tanong niya sa akin, tumango naman ako.
"Huwag kang mag-alala, masasanay ka rin, " sabi naman niya.
"Sana nga, "pilit akong ngumiti.
Muli niya akong hinalikan sa pisngi at saka niyakap.
"Huwag mo akong iiwan, " bakas sa tono ng boses niya ang lungkot.
"Hindi kita iiwan, wala naman akong mapupuntahan, " sabi ko naman.
"Good, " bulong niya sa akin.
"I will protect you, no matter what happen, " dagdag niya pa.
Hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi, it sounds so sweet pero hindi maiwasang kabahan. Protektahan saan? Kanino?
Bakit kailangan niya akong protektahan?
END OF CHAPTER 13
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro