Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: Lady Claire Davidson

Thoren

Hindi ko alam ang sasabihin ko, baka bumabalik na nga ang alaala niya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti pero hindi ito nagsalita. Nakatitig lang ito sa akin at parang naghihintay ng aking sasabihin

"Ihahatid muna kita sa kwarto mo. " tumango lang ito at walang sinabi na kahit na ano.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay agad siyang umupo sa kanyang kama. Tulala ito at tila napapaisip.

"Aveonna, " tawag ko sa pangalan nito. Umupo ako sa tabi nito, nagulat ako nang bigla niyang isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Nasaan siya? " tanong nito sa akin.

"Bumalik na ba ang alaala mo? " tanong ko sa kanya, natatakot ako sa maaaei niyang isagot.

Umiling ito bago muling nagsalita.

"Basta alam ko lang ang pangalan niya at alam ko rin na siya ang mahal mo, " seryosong sabi nito.

Napabuntong-hininga ako. Sa lahat naman ng pwedeng matira sa mga alaala niya ay iyong misunderstanding namin? Iyong maling akala pa talaga niya.

"Nagkakamali ka, naguguluhan ka lang siguro " sabi ko naman.

"Hindi, " tipid na sagot nito.

"Aveonna, "

"Bakit? " tanong niya.

"Hinihintay ko ang sagot mo, sa sinabi ko kanina, " malumanay kong sabi.

"Ano ba ang dapat kong isagot? " tanong niya.

"Iyong tunay mong nararamdaman, " nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hindi ko alam, " mahina nitong sabi. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"Kahit hindi muna ngayon, magpahinga ka muna. Isipin mong mabuti, " sabi ko sa kanya.

-----------

Iniwan ko na si Aveonna sa kanyang kwarto upang makapagpahinga. Mukang nagulat talaga siya sa mga narinig niya, hindi ko inaasahan ang reaksyon niya. At mas lalo akong naiinis dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Dalawang taon na ang nakakalipas noong makilala ko si Lady Claire. Inakala pa ni Aveonna na sa mismong party ko siya unang nakita, galit na galit siya noong makita niya kaming magkasama.

Sa totoo lang sa labas ng palasyo ko siya nakilala, sa isang tindahan. Aaminin kong nabighani ako sa angkin niyang kagandahan at kabutihan. Palagi siyang nakangiti at mahal siya ng lahat, tunay ngang kabaligtaran ito ni Aveonna.

Kaya siguro inaasahan ng lahat na siya ang pipiliin kong pakasalan. Maging si Aveonna ganun ang iniisip.

Naiintidihan ko siya. Dahil naisip ko din iyon. Na mas bagay siyang maging reyna.

Pero may mga bagay talaga na hindi mo inaasahan. Ang mga nangyari noon dalawang taon na ang nakakaraan, isang bagay na ayokong ipaalala kay Aveonna.

---------

"Kumusta na po si Lady Aveonna? " tanong ng aking butler na si Darren.

"Mukang hindi pa siya maayos, tila nagulat nga siya sa pag-amin ko. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niya, " sagot ko sa kanya. Isa siya sa mga nakakaalam ng lahat, lalo na tungkol sa nararamdaman ko para kay Aveonna.

"Kailangan niya lang po siguro ng konting panahon, " nakangiting sabi ni Darren.

"Sana nga, " napabuntong hininga ako.

"Nagbago na talaga siya, " sabi ko pa, nakangiti lang si Darren at tila handang makinig sa aking mga sasabihin.

"Tinatanong niya ang tungkol kay Lady Claire, natatakot ako na bumalik ang alaala niya at baka dahil doon ay masaktan siya, "paliwanag ko dito.

"Naalala na niya ang lahat? " tanong ni Darren. Umiling ako bilang tugon.

"Hindi na niya dapat maalala ang lahat at isa pa alam mo naman din na mahina ang katawan niya, noon pa man. Baka kung ano ang mangyari sa kanya, " paliwanag ko sa kanya.

"Kung ganoon, ano po ang balak niyo? " tanong nito sa akin.

"Babantayan ko na lang siya at hindi ko hahayaang may manakit sa kanya, " sagot ko sa kanya.

"Susuportahan ko po kayo diyan, " nakangiting sabi ni Darren at saka ito nagpaalam sa akin.

Nang makaalis siya ay muli akong napaisip. Masasabi kong mabuting tao si Lady Claire Davidson, noong una.

Atleast iyon ang pinakita niya sa aming lahat. O baka biktima lang din siya ng sitwasyon?

Natatakot ako na baka pilit na alamin ni Aveonna ang lahat.

Ngunit paano ko sasabibin na matagal ng patay si Lady Claire Davidson? At ano ang magiging reaksyon niya dito.

END OF CHAPTER 12

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro