Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7
Rejected

SILIAS DEANER

Dumiretsyo na ako sa bahay ng aking Ama dahil may didinner raw kami don, at pag uusapan tungkol sa mate ko. Ipapakasal na daw nila ako agad?

Sumalubong sakin ang mga katulong na nag hahanda sa lamesa ng aming kakainin, naka upo na don sila kasama ang kapatid kong kababae at masayang nag uusap.

Umupo ako at napunta ang kanilang atensyon sakin, lalo na ang aking ama na masayang naka tingin.

"Ano?" Tanong ko.

"Sino ang mate mo?" Masayang saad nito, kumuha ako ng karne at kinain ito bago sumagot. "Maganda ba? Baka hindi kapa lumalapit kay Osalyn?" Tanong ulit nya, si Osalyn kasi ang mang huhulang bampira at kaya nya din malaman kung sino ang mate mo. Pero hindi lang sya ang bampirang may kakayahan na ganon.

"Hindi ka nag tanong?" Masungit na tanong sakin ni Mama. Sakanya ko raw ako nag mana ng kasungitan, ganon din ang sabi ng mga iba naming kamag anak.

"Nag tanong ako."

"Sino nga ba kasi yang mate mo?" Biglang tanong ng kapatid kong si Alia.

"Pag usapan nalang natin pag tapos kumain." Saad ko at kumuha ulit ng karne.

Kinakabahan ako kapag nalaman nilang tao ang mate ko, tao si  Moira, pero madami naman katulad namin na nag kakaron ng mate na tao at isa na ako sakanila ngayon, nagulat din ako nung si Moira ang mate ko. Pero kaylangan ko tangapin dahil naka tadhana nanaman sakin yon.

Natapos na kami lahat kumain, wala na din ang dalawang babae sa lamesa kaming dalawa nalang ni Dad.

"So, sino ang maswerteng babaeng yan?"

"Moira." Simple kong saad.

"Is she halfblood?" Umayos sya ng upo. "Mas maganda kung pure blood yan, para sa angkan natin, but it's still okay even if she's half blood." Huminga ako ng malim bago sumagot, alam kong madidismaya sya dahil dito, at ayokong mang yari yun.

"H-human." Kinakabahan kong saad, iba magalit ang aking Ama.

"Ano?" Seryoso nyang tanong.

"Tao sya dad."

"Seryoso?"

"Yes."

Masama ang tingin nya sakin. "Alam mo naman na ayoko ng ganyan Silias!" Sigaw nito sa galit. "Hindi ko matatangap ang ganyan! Ayos pa sana kung half blood lang pero ano? Isang tao?!" Galit nitong tanong, hindi ko masisi ang sarili ko, tadhana ang nag desisyon nito.

"Putulin mona lahat ng koneksyon nyo Silias, itataboy kita sa pamilyang ito kapag nalaman kong nahuhulog kana sa babaeng yan. Ibabalik kita sa America!" Naging pula ang mata nya sa galit, binasag nya ang baso bago umalis sa harap ko. Nakita ko namang nanonood samin si mama, pati na din ang nakaka bata kong kapatid. Bumuntong hininga ako bago tumayo.

Ayaw nyang ng ganon, isang kahihiyan daw sa pamilya. Ayokong ma dismaya sya sakin, ako ang nag iisa nyang anak na lalaki at papamahalaan ko lahat ng sakanya sa oras na umalis na sya sa pwesto nya. Gagawin ko ang gusto nya, puputulin ko ang ugnayan namin hangang maaga pa.

Umalis na ako sa mansyon nila at bumalik sa bahay ko, ayokong madismaya sakin ang aking ama dahil sa babae lang, hindi ko na din matatangap na sya ang naging mate ko. Ayoko din naman makasal sa isang tao.

Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko, gusto ko lagi syang iligtas, lalo na don sa bar. Pakiramdam ko kaylangan ko gawin yon. Oo dapat naman tumulong lagi pero kaka iba talaga ang pakiramdam ko. Kaya dapat na ito putulin habang hindi pa huli lahat.

Hindi ako mag sisi sa disisyon kong ito, kahit meron parte sakin na ayokong gawin. Pero kaylangan ko talaga gawin. Ang bampira ay para sa bampira, ang tao ay para sa tao.

Binuksan ko ang Instagram ko at binisita ko ang profile nya lagi ko syang binibisita.

Moira Reyes

9post   134followers      489followings

Ibloblock ko na sya sa lahat ng aking social media accounts, tatangalin kona din sya sa trabaho para hindi na kami mag kita araw araw. Hindi ko na din dadaanan ang mga daan na kanyang dinadaanan, at higit sa lahat hindi na ako bibistisa sa school nila tuwing 10 a.m.

Hays oo, pero minsan kolang naman sya sundan, alam ko kasi na mate ko sya kaya ayoko mag karon ng masama sakanya. Pero ngayon hindi na dapat ako mag alala.

Ibloblock ko na sana kaso bigla nya ako finallow. Nagulat ako kaya agad ko naman sya finallow back.




MOIRA REYES.

"HAHAHAHAHA! Gago na follow back ka!" Natatawang sabi ni Henry, pati ako kanina pa ng tawa dahil sakanya, napag tripan kasi namin ang profile ni Sir, wala kami magawa sa buhay tas nifollow back ako agad agad, wow ha.

"Gaga ka talaga Henry." Saad ko habang naka tingin sa cellphone ko.

"Gago ako hindi gaga." Natatawa nyang saad.

"Pero diba?"

"Ewan ko sayo, matulog na tayo may pasok pa us bukas, baka magalit satin si Ma'am Handra, knows mo naman na lagi galit yorns." Saad nya at natawa naman ako sa pananalita nya kaya tumayo na ako dito sa kinauupuan namin.

Kanina kanina lang ay ayaw ako kausapin ni Henry tapos ngayon tawa na sya ng tawa kasama ako, diba may topak talaga sya. Kung ano ano pumapasok sa isip.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro