Chapter 4
Chapter 4
Invitation
10:56 pm.
Wala na masyadong customers pero may iba pang pumapasok dito, may mga mag shota mga mag asawa mga mag kakaybigan.
Naka upo ako ngayon dito katapat si Henry.
"Look beh, pinapapunta tayo sa birthday ng boss mo." Saad ni Henry habang kumakain.
"Baka kayo lang diba kakilala sya ng Daddy mo." Saad ko sakanya.
"No beh, kasama kadaw, pero hindi ako pupunta dyan, g kaba sa mall may sasabi ako."
"Ngayon na?" Bumaling sya sakin ng tingin.
"Sa birthday ni Silias," seryosong saad nito.
Gusto ko pumunta pero sige na nga pupunta nalang ako sa mall kasama si Henry
"Sige, sasama ako sayo." Tumayo sya dahil tapos na sya sa pag kain. "Nice beh, balikan kita here mamaya pag tapos mo, pumunta daw ako sa house now na." Nginitian ako nito at umalis na.
Kaka iba talaga si Henry, bumalik na ako sa trabaho at nilinis ang lamesang pinag kainan nya.
-
HENRY GOMEZ (JASPER)
"Ano baket ma?" Tanong ko, bakit naman nila ako papuntahin dito. Dapat tulog na sila.
"Pupunta kaba sa birthday ng kaybjgan mo?" Ngumiti ako at tinabihan sya sa sofa.
"Hindi ma, may lakad kami ni Moira. Bakit nyo pala ako pinatawag?"
"Hinahanap ka ni Bryan." Saad nya at bigla lumabas si Bryan kung saan.
Umalis naman si Mama at pumunta sa taas.
"Tara? Bar?" Umupo sya sa tabi ko.
"May susunduin ako mamaya, pass." Mayabang kong saad,
"Sus tara na! Nag papa kabaliw ka dyan sa Moira na yan ayaw mo naman umamin, tsaka minsan lang to tara na." Pag pumulit nya sa'kin kaya sumama na ako.
-
Nasa bar na kami ngayon at nag iinom, pero hindi ako mag papakalasing dahil susunduin ko pa si Moira.
"Ano pre? Pag ipag papatuloy mo padin yang pag papangap mong bakla?" Bumuntong hininga ako, oo hindi talaga ako bakla nag pangap lang akong bakla para maging komportable si Moira kasama ako.
"Hindi na, diba aamin nga ako." Sabay inom ng alak. "Bukas na bukas, at ititigil kona din ang pag papangap ko..Pero malay mo baka layuan nya ako pab tapos nun."
"Sus? Sa tagal nyong mag kaybigan. Alam mo pre hindi maman masama umamin, malay mo parehas nyo gusto ang isat isa."
"Alam mo naman siguro yung satin diba?" Saad ko sakanya at uminom ulit ng alak.
"Ano ba? Wala pa tayo sa tamang edad para malaman yang mate mate nayan, tsaka malay mo si Moira talaga mate mo diba. Tignan mo si Silias, malalaman na nya mate nya bukas kasi birthday na nya. For sure magandang bampira ang mate ni Silias." Saad nito at uminom din.
May ganon kami sa mga bampira, pede ring hindi bampira ang mate mo, pero konti lang ang nag kakaron ng mate na tao, sana isa ako sa mga yun. At sana si Moira ang taong magiging mate ko.
Kapag naman hindi mo matangap ang mate mo dapat layuan mo sya, ayun lang yun putulin lahat ng ugnayan.
MOIRA REYES.
Wala padin si Henry, 1:30 na kaylangan kona ata mag lakad kahit malayo ang bahay nila dito.
Baka may iba dyang ginagawa, o baka naka tulog na. Naka ilang tawag na din ako hindi nya sinasagot ring lang ng ring.
Kaya tumayo na ako at nag simula na mag lakad, habang nag lalakad ay may malakas na preno akong narinig nasa likod ko pala kaya agad ako umalis don, grabe naman to hindi naman yan daanan ng mga sasakyan.
Inintay ko maka daan ang sasakyan bago ako mag lakad ulit, pero hindi padin umaandar. Sira ulo pala ito e.
"Hoy!" Sigaw ng pamilyar na boses, bumibilis ang pag tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
Tumigil ako sa pag lalakad at humarap sakanya. Bumungad sakin ang naka kunot nyang noo at galit na tingin. Nilapitan naman nya ako agad.
"Anong ginagawa mo? Dis oras na ng gabi nag lalakad ka? Paano kung may masamang loob na maka salubong mo? Nasan si Jasper?" Sunod sunod nitong tanong, aba bakit to nag aalala sakin boss kolang naman sya.
"Sir, wag na kayo mag aalala sakin kaya ko ang sarili ko." Magalang kong saad.
"Sakay na.." Saad nya, naka kunot padin ang kanyang noo, natakot naman ako kaya sinunod ko nalang sya.
Pumasok din sya ng sasakyan at pina-andar ito. "Sir, babayaran kopo yung 20 thousand nyo." Magalang kong saad dahil hindi talaga ako binebenta. "At wag nyo na po ako alahanin Si-"
"Nag aalala ako dahil nag tratrabaho ka sakin, paano kung may mangyaring masama sayo? Sagutin kopa ang pag papagamot mo dagdag kalang sa problema ko." Seryoso nyang saad kaya natahimik ako.
Bumigat ang dibdib ko nung sinabe nya sa'kin ang mga salitang yun. Bumaling ko nalang sa bintana at hindi na nag salita pa.
Nung naka rating kami sa bahay ay agad ako bumaba at pumunta sa tapat ng bintana ng kotse ni Silias.
"Salamat p-" Hindi ko pa naitutuloy ay pina andar na nya ang sasakyan. Ang sungit naman non.
Binuksan ko na ang gate at dahan dahan pumasok, dahan dahan din ako nag lakad baka magising ko silang lahat. Patay na ang lahat ng ilaw tulog na silang lahat.
Sarado na din ang kwarto ni Henry, tinulugan nya ako, dimiretsyo nalang ako na kwarto ko, mag aayos din ako don wala naman kami pasok bukas. Tsaka hindi ko rin tuturuan yung bata, mag iipon ako ng 20 thousand para pang bayad kay Silias, kasi hindi talaga ako binebenta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro