Chapter 3
CHAPTER 3
JOB.
"Ikaw si Moira?" Tanong sakin ng isang waitress.
"Ako nga po."
"Punta ka dressing room nandon ang uniform mo." Nginitian ako nito bago umalis, ang sara daw ng coffee shop ay hangang 1 lang ng gabi. Sabi ni Henry susunduin daw nya ako araw araw.
Sabi ko wag na pero nag pumulit lang sya. Nag sasayang sya ng oras sakin.
6 hangang 1 ako dito kasama ang iba kong katrabaho.
Nahirapan ako nung una pero madali naman akong matuto kaya natutunan ko agad.
Mababait ang mga costumers na nakakasalamuha ko kaya isang magandang simula ito para sa trabaho ko.
-
Uwian na namin at naka upo lang ako dito sa gilid hinihintay ang pag dating ni Henry, 12:40 palang hindi ko sya masisi dahil 1 ang sinabe ko..
Habang nag iintay ay nag cellphone nalang ako, inistalk ko ang Instagram ni Silias Deaner.
Silias Deaner
4post 11 following 186k followers
Famous pala ito e, pero puro business lang ang pinopost nya, isa lang sa mga post nya ang mukha nya, may 96k+ na likes, syempre sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kapogian nya.
Umalis ako sa profile nya at pinindot ang myday ni Henry.
Jubbe para kay bestie, pers taym nya sa workebels☕🤎
Napangiti nalang ako dahil sa myday nya, nasa sasakyan sya habang hawak hawak ang pag kain.
Maya maya ay nakita ko na ang sasakyan nya na dating na dito. Tumayo naman ako.
May biglang nag parada ng sasakyan sa harap ko kaya naharangan ang paningin ko ko sa sasakyan ni Henry.
Ang sasakyan ni Silias, pero dapat ang tawag ko sakanya ay Sir dahil sya ang may ari ng coffee shop. Bahagya akong umatras dahil lalabas sya sa kotse.
"Wala kang masasakyan pa uwi?" Tanong nya sa'kin nung naka baba na sya ng sasakyan.
"Meron po." Magalang kong saad, tumingin sya sa likod at padating na dito si Henry. Naninibago ako kay Henry ngayon, kasi dati pang bakla talaga mga gawain nya pero ngayon hindi na, simula nung nakwento ko sakanya yung nangyari sa bar.
"Moira." Tawag nito sakin, si Silias naman ay umalis na sa harap ko at pumasok ng coffee shop.
"Tara na?" Tumago ako, at sumunod papunta sa sasakyan, hindi na din ako nag bigay ng tingin kay Silias pag alis ko.
Hindi muna pina-andar ni Henry ang kotse, nanatili kami sa kotse. Tumingin ako kay Henry at nahuli ko syang tinitignan ako, pero agad nya iniwas yun. Binigay nya sakin ang binili nyang pag kain at nag simula paandarin ang sasakyan.
Tahimik lang kaming dalawa sa sasakyan, tahimik din ang daan dahil late na ng gabi.
Habang kumakain ay nag ce-cellphone ako, naisipan kong bisitahin ang profile ni Henry.
Henry Gomez
17post 24k followers 145followings
Binisita ko ang mga post nya, hindi nawawala ang muka ko sa mga post nya nandon ako lagi. Kahit selfie nya lang ang naka post mag lalagay din sya ng picture ko don.
Ewan ko ba kung anong nasa utak nito at lagi ako kasali sa mga post nya..
Malapit na kami sa bahay pero may napansin akong kakaiba. Yung ibang gamit ko ay nasa labas na. Kaya agad ako bumaba ganon din si Henry.
"Ano po nangyari dito?" Tanong ko sa mga nag iinom.
"Oh Henry wasap." Kumaway nalang si Henry. "Eh ito na nga Moira, inalis ng tiya mong may sayad sa utak ang mga gamit mo, pinigilan namin sya pero umalis kana daw dyan." Saad nito nalungkot naman ako dahil sa nalaman.
"Moira, pede kang matulog samin, don ka matulog sa kwarto ng anak ko, tamang tama at may isa padon higaan." Saad nito muli, mabait sila hindi ako papayag.
"Hindi na ho."
"Sa bahay ka na namin tumuloy" Seryoso saad ni Henry.
"Aba, kung hindi lang talaga bakla itong si Henry napaka mabuting boyfriend nito sayo, ano Moira?" Ngumiti ako dahil don nung tumingin ako sa mga gamit ko ay hinahakot na ni Henry. Kaya agad ko sya pinigilan.
"Oy, ano ba Henry wag na."
"Kung lalaki lang talaga si Henry mga pare ano? Botong boto ako kay Henry para kay Moira."
"Aba ay basta ako pare, suportado ako kay Henry kahit ano pa ang gusto nya sa buhay nya, basta naalaagan nya ng maayos si Moira."
Napabuntong hininga nalang ako dahil ayaw mag pa pigil ni Henry.
"Henry.."
"Kapag sinaway mo pa ako, hahalikan kita." Natawa ako sa sinabe nya, alam naman naming lahat na bakla sya, nandiri pa daw sya sa mga babae.
"Henry.." Nagulat ako nung bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko, pero hindi padin mag ka dikit ang labi namin.
"Pare, mag kikiss oh, boto na talaga ako kay Henry pare."
Inalis nya ang mukha nya sa mukha ko at inilagay sa kotse ang huling gamit, konti lang ang gamit ko sa bahay yung iba kay Tita yon kaya konti lang ang nalabas nya.
"S-sumakay kana ng kotse Moira." Hindi ko akalain na gagawin nya talaga yun. Pati mga tambay ay nakiki chismis sa love life ko, kung natuloy man yun sya ang first kiss ko.
Sumakay na din sya ng kotse.
"Sorry kanina." Saad nya sa'kin.
"Ayos lang yon Henry, alam ko naman na para sa lalaki uajg puso mo." Ngumiti sya sakin at pina-andar na ulit ang sasakyan.
"Sakin kana..Tumiraa diba matagal kona sinasabe yun sayo."
"Pangako Henry, mag hahanap ako agad matutuluyan."
"Wag na"
-
Nasa bahay na n'ya kaming ngayon, ang sabi nya sa'kin bukas nalang daw ayusin ang mga gamit, may pasok pa kami bukas. Mag pahinga nalang daw muna.
"Moira, wala sakin yung susi ng guest room." Kinakabahang saad ni Henry. "Sa kwarto ko nalang ikaw matulog."
"S-sige don nalang ako matutulog sa may sofa mo."
"Wag na don nalang ako."
Wala na ako nagawa dahil don ako pinatulog ni Henry sa malambot nyang kama. Nag talo pa kami dahil don pero kaylangan kona mag handa para sa pasok ko mamaya, 3 na din kasi.
-
Nagising ako 6 ng umaga, kahit antok na antok na ako kaylangan ko padin kumilos dahil may pasok pa ako.
Natagpuan ko si Henry na mahuhulog na sa sofa, kaya lumapit ako agad sakanya. Inayos ko ang kanyang pag higa. Nagising naman sya dahil sa ginawa ko.
Ngumiti lang sya at tumayo para syang zombie na nag lalakad papunta kama nya.
May bigla naman kumatok kaya agad ko binuksan. Ang mama ni Henry
"Moira, good morning iha, nakita ko kotse ni Jasper kanina nakita ko mga gamit mo kaya pinalagay kona sa guest room. Hilka na naka handa na ang breakfast dun." Pag aya sakin ni tita at umalis agad sa harap ko.
Muli ako tumingin kay Henry na natutulog padin, pero umalis na ako at bumaba na. Mabait talaga ang pamilya nila sakin.
Habang kumakain ay tinatanong ako ni Tita, "Ano pala ang nangyari?"
"Pinalayas ho ako ng tita ko, hayaan nyo po mag hahanap po ako ng matutuluyan." Masaya kong saad.
"Nako iha wag na dito ka nalang, hindi kana iba samin" Naka ngiti nitong saad.
Nagulat naman ako dahil may biglang umupo. Si Henry.
Ang totoo nyang pangalan ay Jasper pero ang tawag ko sakanya ay Henry. Tapos ayun nagustuhan daw nya.
-
Habang nag hahanda na kami sa pag pasok ay may lalaking dirediretosyong pumasok sa bahay nila Henry.
Tumingin ito sakin, lagi nalang naka kunot ang mukha nito parang laging bad mood amp, di ba sya marunong ngumiti. Agad nya inalis ang tingin nya sa'kin at pumunta ng kusina para puntahan ang Mama ni Henry,
"Good morning Tita." Bati nito.
"Good morning Silias, naka uwi ka na pala."
"Nasan si Tito?"
Hindi ko na narinig ang sagot ng mama ni Henry dahil mahina na ang pag kaka sabi.
"Tara na Moira." Pag aya sakin ni Henry kaya agad ako sumunod. Habang pasakay sa sasakyan ay nag tanong ako sakanya.
"Ka ano ano nyo si Sir Silias?"
"Ha? Ah oo ka kilala lang sya ni Dad." Saad nito habang sinusuot ang seatbelt. "Gorabels na us." Saad nito at pina andar na ang sasakyan.
May iba talaga akong pakiramdam sa Silias na yun, diko alam kung paano nya ako nakita sa bar naka bunguan kolang sya sa coffee shop nya tapos ang dami na nyang ginawang kabutihan sakin. Binili nya pa ako sa 20 thousand lang? Ganon lang ba ang halaga ko grabe naman mas mahal pa ang isang kidney e.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro