Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27
Sorry

MOIRA REYES.

Hindi ko alam kung anong lugar ang pupuntahan namin ngayon, madilim kasi at parang tago ang lugar, tahimik lang kaming tatlo habang bumabyahe. Si Alia ang katabi ni Henry, habang ako ay nasa backseat.

Pupuntahan daw namin si Silias, pero hindi naman ganito ang bahay nya sa pag kaka tanda ko.

Hindi ko nalang masyadong inisip dahil madami na ako iniisip, kinakabahan ako na natatakot, pero wala naman mang yayari sakin na masama dahil kasama ko silang dalawa.

Gusto ko pa malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa aking Ina. Bakit hindi ako naging halfblood? Gusto ko na din mag tanong sa ama ko pero hindi ko naman alam kung saan yon hahanapin.

Ang dami kong gustong malaman pero hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.

Hininto ni Henry ang sasakyan,naka tulog pala ako sa byahe, naka tulog ako sa kaka isip.

Bumaba ako, madilim ang lugar.

Sumabay ako sa pag lalakad kanila Alia, hapon pa naman pero bakit ang dilim na agad dito? Ang tagal ko ba naka tulog?

"M-moira." Tawag sa'kin ni Henry kaya bumaling ako sakaniya ng tingin. Agad siya ang iwas ng tingin.

Nauna si Alia mag lakad papunta sa malaking mansyon na ito, parang kastilyo at tatlong palapag ata ito.

Narinig kong huminga ng malalim si Henry.

"Moira, mas lalo kang gumanda sa anyo mo n-ngayon." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi nauutal siya.

"Pero wala naman abilidad ng isang bampira." Tugon ko.

"Ayos lang yan. Basta dito ka lang sa tabi ko kapag may nangyaring m-masama." Hindi na ako sumagot at nag lakad nalang.

Isang malaking pinto ang natagpuan namin, may konting bukas yon. May ilan ilan din ang nandito, kasama na sila Tita Sermedes.

Nag lalakad palapit sakin si Silias kaya naman  lumulumdag sa saya ang puso ko. Umalis si Henry sa tabi ko at pumasok na sa loob.

"Ang ganda mo ngayon." Ngumiti ako sa sinabe sa'kin ni Silias. At hinawi ang buhok kong mahuhulog.

Dinala niya ako sa loob, konti lang ang nandito siguro ay kamag anak lamang.

Pina upo na kami sa isang mahabang lamesa para kumain, makikilala ko na daw ang Symon.

Mag katabi kami ni Silias ngayon habang nasa tapat namin si Henry at Alia, si Henry ay tulala lang sa kawalan habang si Alia ay nag ce-cellphone.

Hawak hawak ni Silias ang kamay ko, walang pangamba ang mga mata ni Silias ngayon, at puro kasiyahan lang ang makikita modon.

Naagaw ang pansin ko sa lalaking umupo sa unahan, nakakatakot ang awra nito, may mga benda siya sa kamay at mukhang matanda na. Ito siguro si Symon.

Bigla itong tumingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin.

Binaba ni Alia ang cellphone niya at yumuko, pati na din si Henry ay naka yuko din nung dumating yung Symon.

Tumayo ito para mag salita

"Kaya nandito kayo lahat, gusto mang hingi ng patawad sainyong lahat." Panimula nito.

"Patawad Alia, dahil hindi ako naging mabuting ama sainyo ni Silias, patawad dahil hindi kita hinayaan mag mahal. Patawad Sermedes dahil lagi ko hinaharangan ang mga plano mo kaya humiwalay ka sa pamilya." Naluluha na siya. "Patawad Silias, dahil kinontrol ko ang buhay mo." Tuluyan na tumulo ang luha niya, pati na din ang mga tao ay lumuluha na, lalo na ang mama ni Silias.

"Lalo na sayo Moira.." bumaling ito ng tungin sa'kin. "Hindi sapat ang patawad sa lahat ng mga naging kasalanan ko, pero tatangapin ko kahit anong parusa ang gusto mo." Natulala lang ako habang sinasabe niya sa'kin ang mga katangang yon.

Tumayo ako para lapitan siya.

Narinig ko ang mahinang pag tawag ng pangalan ko mula kay Henry.

Kahit nahihiya ako ay lumapit padin ako, maswerte nga si Silias dahil may tatay pa sila na nag aalaga sakanila.

"Ang dapat nyo lang pong gawin ay mag bago." Ngumiti ako.

"Nag sisimula na ako." Sagot nito sa'kin at ngumiti.

Niyakap niya ako na parang tunay na anak. Ang mga naka upo sa lamesa ay naka ngiti nadin, umiiyak sa saya.

Naging masaya ang gabing yon, mas lalo ko pa nakilala ang pamilya ni Silias, sabi kasal na daw. Wala pa nga kaming isang taon na mag kasama e.

Pero wala si Henry sa kasiyahan na yon, naiintindihan ko naman kung bakit wala siya don. Pero masaya padin naman ang gabi, masaya na kaming dalawa ni Silias.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro