Chapter 21
CHAPTER 21
FEELINGS
MOIRA REYES.
Ilang araw na ang naka lipas,wala pading paramdam si Silias. Ano yon? Binigyan nya lang ako ng motibo tapos aalis nalang ng wala manlang sabi?
Araw araw pakiramdam ko kulang ako, kulang na kulang ako kapag wala siya, kahit naman perpekto na ang lahat. Kulang padin.
Nahulog na nga talaga ako kay Silias, pero nasaan siya ngayon? Wala naiwan nanaman ako mag isa.
Hangang ngayon umaasa padin ako na babalikan n'ya ako.
Bakit mo pa ako binigyan ng motibo kung iiwan mo din naman pala ako, hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para gawin mo sa'kin ito.
Dahil ba hindi ako sumama sa'yo? Gustuhin ko man ay mas gusto ko makita nanay ko na nasa ibang bansa. Ayun muna ang gusto kong gawin ngayon.
Bago ko unahin ang sarili ko, gusto ko muna makita ang nanay Kong matagal na akong iniwan dito sa pilipinas.
Kapag nakita ko na siya ulit, tsaka kona gagawin lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko.
Pero nasan na ba si Silias? Nangungulila na ako sakaniya, nandito padin sa'kin ang tattoo.
May biglang umupo sa tabi ko, si Henry.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong nito sa'kin.
"Gusto ko lang mag palamig." Sagot ko.
"Sasamahan kita." Bumaling ako ng tingin sakaniya, naka tingin sya sa buwan.
"Matulog ka nalang Henry." Inalis ko ang tingin ko sakaniya.
"Hindi pa ako inaantok.." Katahimikan ang sumagot sakaniya. "Namimiss mo na ba si Silias?" Hindi ko alam kung dapat ko sagutin, dahil may gusto siya sa'kin baka masaktan ko lang siya.
"Bakit mo tinatanong ang bagay na yan?"
"Huwag kang mag aalala Moira, sabihin mo sa'kin ang lahat." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag salita na.
"Oo Henry, miss ko na siya, nawala kasi sya ng wala man lang pasabi. Hindi ko na alam ang gagawin ko..Kung ano ano pumapasok sa utak ko." Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Para sa'yo ang pag alis niya." Muli akong bumaling sakaniya. "Sa tamang oras Moira, sasabihin ko sa'yo ang lahat."
Huminga ako ng malalim, madami pa talagang mga bagay na hindi ko alam tungkol sa pamilya nila. Pero diba kung ako ang mate kami talaga para sa isa't isa? Nag sisimula na kami bakit siya umalis.
"Henry, sabihin mo na sa'kin ngayon." Bumaling siya sa'kin ng tingin.
"M-moira, hindi pa-"
"Sabihin mo na please, gusto ko malaman kung anong dahilan kung bakit siya umalis, pagod na ako mag isip ng mga kung ano anong bagay." Pag pumulit ko, umiwas siya ng tingin sa'kin.
"P-pinuputol na niya ang pagiging mate nyo." Parang prinoproseso pa ng utak ko kung ano ang sinasabe niya. "Kaya siya lumayo, Moira sorry, pero yon ang sabi niya sa'kin kanina, tumawag siya." Para akong sasabog sa sakit. "Ganon din ang sinabe sakin ni Mommy. Pumayag na daw pala sila Tito Symon para sainyong dalawa." Sino si Symon. "Pero si Silias daw ang nag desisyon para sainyong dalawa, para sa mas makaka buti."
"Sana binibiro mo lamang ako." Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Kung ayaw mo sa'kin maniwala, si mama ang tanongin mo." Bakit nagawa ni Silias sa'kin yon? Siguro tao ako dahil ganon.
Pero ano naman kung tao ako, mahal naman namin ang isat isa diba?
Bakit ganon nya lang ako kadaling iwan.
"Moira-"
"Hayaan mo muna ako mag isa dito." Saad ko, hindi na siya nang laban pa at tumayo na para iwan ako.
Nung naka alis siya ay tsaka lang bumuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigil.
Anong bang kulang sa'kin?
-
JASPER GOMEZ
Nandito na ako sa taas ng kwarto ko. Nandito ako sa balcony pinapanood si Moira, hindi rin ako makapaniwala dahil yon ang sinabe sa'kin ni Silias sa tawag. Akala ko ang Ama nya ang hadlang, ito pala talaga ang gusto ni Silias. Naging malapit lang daw siya kay Moira para alamin kung kaya niya, pero hindi daw pala.
Pero baka gusto lang talaga ni Silias si Moira, hindi din ako naniniwala na masasabi ni Silias yon, dahil kapag ayaw nya sa isang nilalang napaka lamig na niya don at hindi bibigyan ng pansin, pero nung nahalikan ko si Moira parang gusto na niya ako patayin.
Pero kung totoo man nandito lang ako para salohin si Moira kahit anong oras, pero ayoko naman lokohin ang sarili ko na hindi talaga siya mahal ni Silias, kasi kahit ako ramdam ko na mahal na mahal niya si Moira.
"At sa bawat minuto, ako'y himdi natuto."Bulong ko sa sarili habang pinag mamasdan ang babaeng mahal ko ngayon. "Ipilit mang iba ako'y mag hihintay sayo."
"Patawadin ang pusong hindi tumigil, para sa'kin ang maling pag kaka taon na ika'y magiging akin." Bulong kong muli at malapit na tumulo ang luha.
Kahit anong gawin ko, si Silias padin ang para sakniya. Umaasa lang ako sa wala..
Naka ilang sabi na sakin si mama na hintayin ko nalang daw yung mate ko, pero si Moira lang talaga yung mahal ko, gusto ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal. Kapag totoo man ang sinasabe sa'kin ni Silias, hihintayin ko siya. Hihintayin ko siya kahit gaano katagal.
Sana'y ikaw ang kapiling sa huling sandali. Sana dumating ang araw na walang pipigil sa'kin para mahalin ka.
Kung dadating man ang panahon na yon, hinding hindi kita papakawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro