Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

CHAPTER 17
Goodbye?

MOIRA REYES.

Pag tapos nung nang yari kanina umaga ay bigla nalang umalis si Silias dahil may tumawag sa cellphone niya. Pero mamayang hapon daw ay mag usap kami. Kinakabahan ako, pero keri dis.

Natagpuan ko si Henry sa garden tahimik na nag kakape. Naka tingin lang siya sa mga halaman.

Pumasok ulit ako sa loob, pero pag kaharap ko ay bigla nalang sumulpot sa harap ko si Henry, kaya napa atras ako.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.

"Nakaka gulat ka naman."

"Alam mo nanaman na bampira ako, kaya pwede ko na sa'yo ipakita mga kakayahan ko bilang bampira." Ang boses ni Henry ay nag iba na, pati na din ang tono ng kaniyang boses, dati ay pabiro, ngayon ay seryoso na. Naninibago na ako kay Henry.

"Hindi kita iniiwasan."

"Dahil ako ba ang unang naka halik sayo sayo?" Pinakita niya sa'kin ang pula niyang mata. Napa atras ako dahil nakaka takot ang pinapakita niya sa'kin.

Habang umaatras ay nag lalakad siya papunta sa'kin.

"Dahil ba don Moira?"

"H-henry."

"Jasper." Madiin na sagot niya sa'kin. Ano na ang nang yari sa kaybigan ko?

"Jasper, hindi kita iniiwasan."

"Kung naiilang ka sakin, pwede ka nang umalis dito. Napatigil na ako sa pag atras, pinakita niya sa'kin ang pangil niya pati na din ang mapupulang mata.

"Henry.."

Malapit na malapit na siya sa'kin, inilagay niya ang ulo niya sa leeg ko. Tinapat niya ang labi niya. Iniintay ko ang pag kagat niya pero isang maingay na boses ang narinig ko kaya minulat ko ang mata ko.

"Jasper! Ano bang ginagawa mo!" Sigaw ni Alia at tinangal si Henry' sa lapit ko. "Ano bang nasa utak mo ha?! Baliw kana ba?"

Nawala na ang pangil ni Henry, pati na din ang pula niyang mata.

"Hindi ko siya sinaktan." Mahinahon na sagot ni Henry, bumaling sa'kin si Alia na nag aalala

"Ayos kalang ba?" Lumapit siya sa'kin.

Natatakot padin ako, ang dating Henry na kilala ko ay wala. Nag bago na.

"Moira?" Naka tingin sa'kin si Henry, seryoso ang tingin niya.

"A-ayos lang ako Alia, kaylangan ko na ata umalis sa bahay na ito." Umalis ako sa harap niya at dali dali umakyat sa taas para ligpitin ang gamit, hindi ko na alam kung saan ako pupunta, pero kung ganito din naman ang mang yayari samin ni Henry,mas mabuting lumayo nalang ako.

Habang nag lalakad sa papunta sa taas narinig ko ang sinabe ni Henry.

"Kaylangan niya umalis dito Alia, dapat na siyang umalis." Dahil don, tumulo ang luha ko. Wala na ang Henry na dati kong kaybigan. Nag bago na siya.

Habang nililigpit ang mga gamit bigla pumasok si Alia.

"Moira, hindi mo na yan kaylangan gawin." Malungkot nitong saad.

Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pag ligpit.

"Moira." Sinara ko na ang bag. "Moira please."

"Pasyensya na Alia, parang kaylangan ko ito gawin."

Umalis na ako sa kwarto at dirediretosyo lang sa pag lalakad, naririnig ko na tinatawag ni Alia ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon

Na tigil naman ako sa lalaking nasa harap ko ngayon, seryosong naka tingin sakin.

Hindi na ako nag tagal at umalis na din sa harap niya.

"Moira! Anong ginawa mo Jasper?!"

Binuksan ko ang gate at umalis na, nakakatakot na ang pinapakita niya sa'kin, parang kaylan lang ay napaka bait niya sa'kin pero ganito na.

Sabagay sino ba naman ako para magalit o mag tampo sakaniya madami na siyang naitulong sakin kaya wala akong karapatan para mag tampo.

-

JASPER GOMEZ.

"Anong nasa utak mo Jasper?" Sermon sakin ng maldita.

"Kaylangan ko pa ba ipaliwanag?" Masungit kong tanong.

"Oo! Naguguluhan na din kasi ako, kanina ang bait mo nung umaga ngayon ganyan na? Ano ba ang nang yayari?" Tanong ni Alia sakin.

"Ginawa ko yon para umalis na siya dito. Tinakot ko siya para may dahilan siya para umalis. Para ligtas siya." Nag tataka padin si Alia. "Ayaw sakaniya ni Tito Symon, kaylangan lumayo na ang loob natin kay Moira."

"Pero paano si Moira? Baka may mang yaring masama sakaniya?"

"Wala." Ayun lang ang tanging paraan para mapa alis ko siya dito labag man sa kalooban ay kaylangan ko padin gawin yon. Ligtas naman siya kahit papa ano dahil may sikretong gwardya si Silias na mag babantay kay Moira.

Hangang nandito si Silias, ligtas si Moira..

-

MOIRA REYES

Nandito ako sa coffee shop ngayon, meron kasi dito maliit na kwarto, hindi naman ginagamit kaya ako na ang gagamitin, mag sasabi nalang ako kay Silias kapag mag kikita na kami.

Ano na nang yari kay Henry, hindi naman siya ganyan sa'kin. Anong ginawa kong mali para gawin niya sa'kin yon.

Wala naman kaming away, ayos na ayos kami, bigla nalang siya nag ka ganyan.

Habang nag iisip ay bigla tumunog cellphone ko. Nag text na si Silias padating na daw siya dito. Hindi padin niya alam ang nang yari kanina, pero pakiramdam ko hindi na niya dapat pang malaman.

Ay sasabihin ko nalang.

Pumarada na ang sasakyan niya kaya lumabas na din ako ng coffee shop. Maingat na binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay.

Binigyan niya ako ng ngiti kaya nginitian ko din siya, parang nawala na yung kirot sa dibdib ko nung nginitian niya ako.

Sana ay may gusto din sa'kin itong Silias na ito.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro